Dear @shikika - #steemitserye Part 5 - Happy Ending Na Ba?

in pilipinas •  last year

Kasalan na Ba?

image

Dahil sa kinukulit na ako ng mga masugid kong mga tagasubaybay napagpasyahan kong sumulat kay @shikika.

Dear @shikika,

Alam kong inaasahan mo na ang sulat ko. Kahit halos lahat ayaw na sumulat ako saiyo. Sa dinami-dami ng nagbigay ng payo sa akin mas pinakinggan ko sila @sunnylife @jennybeans @akoaypilipina. Hindi naman ako nagsisisi sa mga naging pasya ko kahit napakasalimoot ng napagdaanan ko. Inaamin ko na napakasakit para sa akin ang mga naging desisyon ko. Pero naging matapang akong harapin ang buhay na meron ako ngayon dahil saiyo Shikika. Hindi ko inaasahan na mailalabas kita. Ang aking matapang na konsensya.

Wahahaha....Shikika pasok!

Tuluyan ng umalis ng kwarto si Mark at nilisan na rin ang kanilang bahay. Habang siya ay naiwang humahagulhol pa rin. Mugtong mugto na ang kaniyang mga mata at nakatulugan na lamang ang pag-iyak. Sumilip sa kwarto ni Aileen ang kanyang ina. Nasasaktan sa pinagdadaanan ng pinakamamahal niyang anak. Siya'y napabuntong-hininga, biglang napaisip at naiyak.

"Kaya ko bang iwan ang anak ko sa ganitong kalagayan? Aalis na kami sa makalawa ng ama niya papuntang ibang bansa upang maipagamot sa mga dalubhasa ang sakit na meron ang kanyang ama. Ipagpapaliban ba namin ang pag-alis para madamayan anak ko? Paano na lamang ang asawa ko at mga nagastos ng mga kapatid ko sa ibang bansa para sa aming pag-alis? Bukas ko na lang kausapin anak ko."

Tanghali na ng nagising si Aileen. Bumangon na damang-dama pa rin ang sakit ng pusong sugatan. Napaupo sa harap ng salamin. Hapung-hapo. Ibang-iba sa dating Aileen na punung-puno ng sigla. Awang-awa siya sa kanyang sarili. Nawala bigla ang ganda ng mukha. Nawawalan na siya ng gana sa buhay. Ayaw na niya mabuhay. Gusto na niya mamatay para mamatay na rin ang sakit na kanyang nadarama. Lagi na lamang siya naaano, nasasaktan at naiiwan.

Habang nakatitig si Aileen sa sarili niya sa salamin, meron biglang lumabas na kawangis niya na maganda at masaya parang walang problema.

Si Shikika kasama na sa kwento. Wahahaha

image

Hindi na nagulat o natakot si Aileen sa paglabas ng kawangis niya dahil lumalabas eto kapag hinang-hina siya. Ang kawangis niya ang nagbibigay lakas loob sa kanya upang patuloy na lumaban sa buhay. Ang kawangis niya ay walang iba kundi ang kanyang konsensya na si Shikika.

Nagsalita si Shikika, "Besh! Ano na naman eto?! Distorbo ka naman sa beauty rest ko eh!

Wala pa rin imik si Aileen. Nakatitig lang kay Shikika. Hinampas ni Shikika si Aileen sa balikat.

"Besh gising ka na nga! Kilalang kilala kita besh basta sa ganitong pagkakataon ang hina-hina mo. Ayaw mo harapin ang katotohanan. Ano ka ba masisira rin beauty ko dahil saiyo. Magpakatatag ka besh para sa anak mong si Teresa, sa mga magulang mo at sa nasa sinapupunan mo. Huwag na puro drama sakit sa bangz! Umayos ka besh di pa katapusan ng mundo. Marami pa magandang mangyayari sa buhay mo. Gising besh! Gising besh! Gising!"

At biglang nagising si Aileen na matagal na palang nakatitig sa kawalan. Tinatawag na siya ng kanyang ina para kumain. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan. Naligo. Nagbihis. Sinaluhan sa pananghalian ang ama, ina at anak na si Teresa. Laking tuwa ng kanyang ina na parang walang bahid ng lungkot sa mukha ni Aileen. Hindi na lamang niya inusisa ang anak. Alam naman niya ang nangyari dahil nagkwento si Mark bago eto umalis. Saka ayaw niyang malungkot uli ang anak niya lalo na ngayon na bukas na ang alis nila sa Amerika. Wala na etong makakaramay.

Nagsalita si Aileen, "Ma, Pa di ba bukas na alis niyo. Dahil linggo ngayon, labas muna tayo. Magsimba saka manood ng sine."

Laking tuwa ni Teresa na lalabas sila at manood ng sine. At tuwang-tuwa mga magulang ni Aileen. Buong akala nila aalis sila na malungkot at nag-aalala para sa anak. Pagkatapos nilang kumain, nag-ayos ng mga sarili at nagsimba.

image

Ipinaubaya ni Aileen sa Maykapal ang kanyang buhay. Binuhos niya lahat ng sakit na nadarama. At ipinalangin na maging ligtas sa biyahe ang kanyang mga magulang at gumaling na ang kanyang ama. Ipinalangin niya na bigyan siya ng tibay ng loob na harapin muli ang buhay niya. Pagkatapos magsimba, deretso sine. Masaya silang lahat na natapos ang araw.

Maagang nagising si Aileen kinabukasan para maghanda sa pag-alis ng mga magulang. Gising na pala ang kanyang ina. Habang sila ay nasa kusina. Nagkwento si Aileen sa ina na buntis siya. At si Mark ang ama. Niyakap si Aileen ng kanyang ina ng mahigpit na mahigpit at hinalikan sa noo. Ayaw niyang ipakita sa anak na nasasaktan siya para sa anak dahil gusto niya magpakatatag eto. Alam ni Aileen na nahihirapan din ang ina. Kaya sinabi niya,

"Ma, huwag kayo mag-alala sa akin. Kayang-kaya ko to. Pinagdaanan ko na ito dati. Kaya ko to. Isang buwan lang naman kayo dun ni Papa. Mabilis lang ang panahon. Bukas makalawa andito na kayo."

Lalong humigpit ang yakap ng kanyang ina at binigyan siya ng madaming-madaming halik. Hindi nila alam nasa likod pala ang kanyang ama at anak. Nakikinig lang sa kanila, lumapit at niyakap sila ng mahigpit na mahigpit.

Natuloy sa Amerika ang mga magulang niya. Naiwan sila ni Teresa sa bahay nila. Makalipas ang isang buwan nakauwi na mga magulang ni Aileen at magaling na rin ang kanyang ama. Naging maayos naman buhay ni Aileen. Hanggang sa ipinanganak na niya ang kanyang bunso, si *** Baby Reese***. Masaya ang buhay nila kahit walang ama ang mga anak niya. Maraming taon na ang nakalipas na wala sa buhay niya sila Mark at Richard. Malalaki na rin mga anak ni Aileen.

image

Kahit hindi na tumatanggap ng manliligaw si Aileen marami pa rin ang nagkakalakas ng loob na ligawan siya. Ang ganda pa rin ng lola kahit limang taon na ang nakalilipas. Marami pang natatanggap mula sa mga manliligaw. Ano eto kumakaringking na naman mga besh!

image

image

image

Ngunit isang araw,

Waahhhh....Shikika pasok ulit! Lols

Sobrang busy sa bahay nila Aileen. Madaming tao. Lahat kulay puti ang suot pati palamuti sa buong bahay at bakuran. May malaking kasiyahan na magaganap. Ikakasal si Aileen. But wait, hindi si Aileen ang ikakasal kundi ang konsensya niyang si Shikika. Paano kasi ang hina ni Aileen. Lagi si Shikika ang nagtatanggol sa sarili niya kaya si Shikika ang nangibabaw sa katauhan ni Aileen. Teka lang! Kanino ba ikakasal si Shikika? Waaahhh! Ang matagal ng pinapangarap ni Shikika ay matutupad na. Ikakasal na siya sa napakakisig at napakabangong si Mark. Ipinaglaban kasi ni Shikika ang kanyang pagmamahal kay Mark. Hindi siya nagpatalo kay Marguerette. Hindi niya sinukuan si Mark hanggat hindi siya nito naaalala. At napagtagumpayan naman niya. Naalala na rin ni Mark kung sino ang totoong pinakamamahal niya. At ngayon ay araw na ng kanilang kasal. Si Richard ang best man dahil pinsang buo pala eto ni Mark. Si Marguerette naman ang bride's maid dahil naging matalik niya din etong kaibigan at napatawad niya eto sa mga nagawang kasalanan. Ang saya saya ni Shikika. Sa wakas naglalakad na siya papunta sa minamahal niya. Eto na nga ang simula ng magandang buhay sa piling ni Mark. Eto na pala ang patunay sa mga katagang nasambit ni Mark na nakaukit sa aking isipan.

"Aileen please listen... Someday, when our eyes meet again... It will be the beginning of something beautiful we left behind.. I promise..."

Tinatanong na pala ako ng pari. "I Do." agad ang nasambit ko. Nagpalakpakan ang lahat ng tao sa simbahan. Hanggang sa sabi ng pari. "I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Kinikilig ako parang wala lang dalawang anak. Hanggang sa unti-unti lumalapit ang mga labi ni Mark ky Shikika. Isang pulgada na lamang ang pagitan ng kanilang mga labi ng biglang huminto ang lahat.

Sandali!!!!! Naipasok ko talaga ang kwento ky Mark at Shikika. Hahahaha. Akala niyo ba happy ending na para ky Mark at Shikika? Nagkakamali kayo. Narito ang tunay na nangyari.

Ngunit isang araw, sakay ng taxi si Aileen papuntang airport para sunduin ang mga magulang at anak na pauwi galing bakasyon sa Amerika ng mabundol ang sinasakyan niya sa paparating na Hi-lux. Dahil sa matinding takot at pag-aalala ay biglang naalala niya ang nangyari ky Mark nun naaksidente eto kaya siya'y nahimatay. Nabundol ang sinasakyang taxi ni Aileen sapagkat nakaidlip ang driver ng paparating na Hi-lux na sasakyan. Hindi naman kalakasan ang pagkakabundol. Bago pa nawalan ng ulirat si Aileen meron siya naaninag na mukha na familiar sa kanya habang siya ay binuhuhat ng may matitipunong katawan. Sinakay si Aileen sa Hi-lux at dinala sa hospital. Si Richard pala ang nakasakay sa Hi-lux galing sa airport bagong dating ng Pinas. Meron din isang tao na sobrang nag-aalala ky Aileen na nakabuntot sa lalaking nagdadala ky Aileen. Si Mark pala yun. Kasama niya si Marguerette papunta sa airport. Ihahatid sana eto sa paliparan pauwi ng States.

Ng marating ang ospital sa isang emergency private room pinasok si Aileen. Kahit wala ng malay meron pa siya naaamoy na pabango at familiar sa kanya. Hindi pa rin nagigising si Aileen. Sa ospital na rin dumeretso mga magulang at anak ni Aileen. Sobrang nag-alala na dahil ilang oras ng hindi pa nagigising. Sabi naman ng doctor wala fracture sa kanya. Natutulog lang daw. Di magtatagal magigising rin. Hanggang sa pumasok sa kwarto ang mga magulang at mga anak ni Aileen. Natulala sina Mark at Richard pagbukas ng pinto. Meron dalawang batang babae na pumasok at kahawig nila. Natulala rin ang mga magulang ni Aileen ng makita ang dalawang lalaki. Samantala sina Teresa at Reese hindi napansin ang dalawang lalaki sa kwarto sa sobrang pag-aalala sa ina nila. Niyakap nila ang ina ng mahigpit at umiiyak. Sabay pa nilang nasambit,

"Mama, mama gising na po kayo. Andito na po kami."

Habang walang malay si Aileen, napanaginipan niya na siya ay kinakasal kay Mark.

Mga besh yung kasalan na nangyari yun po ang sa taas. Hahaha. Akala niyo si Shikika. Si Aileen at Mark po yun. Ang konsensya lang po ni Aileen ang gumanap. Kaso hindi natuloy ang halikan. Hahahaha

Nahinto po ang halikan dahil nagising bigla si Aileen. Nagising siya sa higpit ng yakap nina Teresa at Reese. Akala niya totoo na ang kasal nila ni Mark. Saka nakita niya si Richard nakatayo sa kanan niya. Naguguluhan siya. Bakit si Richard una niya nakita? Eh, si Mark napanaginipan niya. Naalala na niya kung bakit. Bago siya nawalan ng malay si Richard pala ang bumuhat sa kanya. Kinilig siya bigla. "Knight in shinning armor" ang peg mga besh!

Paglingon niya sa kaliwa nakita niya si Mark. "Sana Dalawa ang Puso Ko" na ba ang bagay na pamagat sa #steemitserye na eto? Bumilis ang tibok ng puso niya kaya pala naamoy niya kanina ang pabango nito. "Ano to? Si Mark andito rin? At kasama pa si Marguerette! Ano eto reunion?

Biglang naalala ni Aileen mga anak niyang nakayakap pa rin sa kanya. Hindi alam nila Richard at Mark na meron sila anak. Nagpang abot mga mata nila Aileen at Richard. Nagpang-abot rin mga mata nila Aileen at Mark. Alam niya na puno ng katanungan ang mga matang yun lalong lalo na ng tumingin sila sa mga anak ko. Hindi rin naman kasi maikakaila na kamukhang-kamukha ni Richard si Teresa. Kamukhang-kamukha naman ni Mark si Reese.

Mga besh sakit na masyado bangz ko! Nyahahaha. Magbalik tanaw muna tayo sa nakaraan mga besh!

Magpinsang-buo si Richard at Mark. Si Marguerette naman ang dating asawa ni Richard. Bago naging si Richard at Marguerette si Mark at Marguerette muna ang magnobyo. Kaso dahil malandi si Marguerette ayun nakipag ano sa ex niya nun minsan nagkayayaan ang barkada mag bar. Ng malaman ni Mark ang panloloko ni Marguerette nasaktan siya masyado pero hiniwalayan niya eto. Hanggang sa nabuntis pala si Marguerette. Hindi niya kayang harapin ang kahihiyan maidudulot sa pamilya niya. Kaya isang araw ng pauwi na ng Pinas si Richard, si Marguerette ang una niya nakontak na nasa Pinas na siya. Dahil hindi makontak si Aileen at Mark. Papasundo sana siya sa nobya niya at pinsan niya na parang kapatid na ang kanyang turing. Dahil si Marguerette ang available eto ang sumundo sa kanya. Dahil sa pagod sa biyahe nakatulog si Richard. Paggising niya sa condo siya ni Marguerette. Magkasama sila sa higaan at walang mga saplot. Kaya yun napilitan pakasalan ni Richard si Marguerette dahil naabutan sila ng mga magulang ni Marguerette sa ganoong ayos. Ikinasal si Richard ky Marguerette. Ngunit nakunan si Marguerette. Sa una pa lang si Richard na gusto ni Marguerette kaso may mahal ng iba si Richard at yun ay si Aileen. Nalaman ni Richard na pinikot lang siya ni Marguerette kaya hiniwalayan niya eto.

Mga #teamRichard diyan pagkakataon niyo na tulungan si Richard. Hahahaha

Nangibang bansa ulit si Richard noong nagkahiwalay sila ni Marguerette dahil hindi na siya tinanggap at pinatawad ni Aileen. Sa araw ng pag-alis ni Richard saka naman nadisgrasya si Mark. Ng mabalitaan ni Marguerette hindi siya nag atubiling puntahan eto sa ospital. Laking tuwa niya na hindi na galit sa kanya si Mark. Masayang masaya si Mark ng makita siya. Kaya si Marguerette ang naalala ni Mark sa panahong nagka amnesia siya.

Mga besh! Walang basagan ng trip! Kwento po ni Aileen at Shikika ang nakapaloob sa liham na eto. Minsan si Aileen nagkwekwento. Minsan si Shikika ang nagkwekwento. Pagpasensyahan niyo po tagalog ni @shikika waray-waray kasi kaya yan ang kinalabasan. Hahahaha

Mga besh! Sakit na masyado bangz ko! Takbo na @shikika! Ngayon na nagkita-kita na ang mga bida si @lunamystica naman ang dapat sumakit ang bangz. Hahaha! Ikaw na nga @lunamystica ang magpatuloy sa sununod na kabanata. Damay damay na to! Hahahaha
Ano kaya ang susunod na mangyayari mga besh? Keri niyo pa ba ang takbo ng kwento? Masyado mahaba ang naikwento ni Aileen ky @shikika dahil siya ang lubos na nakakakilala ky Aileen. Lalabas pa kaya si Shikika sa susunod na kabanata? Malalaman na ba nila Richard at Mark na meron sila anak ky Aileen? Wala na ba amnesia si Mark? Single pa rin ba si Richard? Bakit kasama pa rin ni Mark si Marguerette? Magnobyo pa rin ba sila o mag-asawa na? Naghihiganti ba si Marguerette kay Aileen dahil alam niya na siya ang babaeng mahal ng mga minahal niya? Magiging matalik ba sila na mgakaibigan? Malalaman na rin ba nina Teresa at Reese na ang ama nila ay kasama na nila sa kwartong yun? Ano ang magiging reaksyon ni Aileen sa tagpong yun? Sino ba talaga ang mahal niya? Si Mark pa rin ba o nabuhay muli ang una niyang pag-ibig? Sa mga #teamRichard at #teamMark diyan magsilabasan na kayo. Cheer niyo team niyo para marinig ni @lunamystica. Hahahaha

Sa mga hindi pa nakakabasa ng #steemitserye sa pangunguna ni @sunnylife narito ang kwento ni Aileen:

Part 1 - Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear SunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli
Part 3 - Dear Jennybeans - Mahal ko o Mahal Ako
Part 4 - Dear Akoaypilipina - Mahal ko...Mahal Ay Iba
Hindi Kasama Sa Part - Mga Besh Sakit Sa Bangz Life Ni Aileen!!!!!

Mga besh comment na dali!!!! Tulungan natin si @lunamystica. Damay damay na! Hahahaha. Tulog na ako mga besh! Sakit sa bangz!

Ooooopppppsss teka muna. Wag muna bungisngis. Kunting katahimikan.

Strengthen and Heal my father Lord. 🙏 🙏 🙏

My dear Steemians, please pray for my father's healing. Thank you so much for the prayers.

I am very grateful accepting the Part 5 - Happy Ending of #steemitserye.😘😘😘😀😀😀💖💖💖

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖

I am inviting everyone to join us at Gratefulvibes Community Discord Server.

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Oo nga mga besh ansakit nito sa bangz! Haha, mantakin mo sakin pala nkasalalay ang happy ending, kung happy ending nga ba? Haha, goodluck sa akin. Thank you @shikika sa pagbibigay ng chance na maisulat ang sunod na serye, sana makaya ko to,lol.

·

Hahaha. Ikaw na bahala @lunamystica kung sino makakatuluyan ni Shikika este Aileen pala. Nyahahaha

·
·

Haha, pinag iisipan q na nga qng sino ang karapat dapat na makatuluyan mo, este ni Aileen,lol.

·
·
·

Hahaha. Ok lang sa akin kung sino makakatuluyan ko. Wahahaha

·
·
·
·

Yung kunsensya na lang ng qng sino makatuluyan ni Aileen sis @shikika ang makakatuluyan mo, para walang mwalan,haha.

·
·
·
·
·

Wahahaha. Konsensyang konsensya ako masyado sa nagawa ko. Wahahaha

·
·
·

Wahahaha. Cge sabihin mo lang kung kelangan mo ng pix marami ako reserba. Nyahahaha

·
·
·
·

nyahahaha sis iready mo na mga pictures mo wahahah

·
·
·
·
·

Hahaha. Kung sa kasalan wala ako maipapakita. Wahahaha. Wala pa ako nun. Nyahahah

·
·

Wahahaha ayan sis @lunamystica, kng klangan mo ng mga pix ni Aileen ay ni @shikika magrequest u lng sknya hahaha

·

Kayang kaya mo yan. Good luck na lang ha? Sana makatulog ka haha! Grabe ginalingan ni @shikika (or si aileen?). So pano na? lol! Upvote kita para makita ng lahat ang comment mo haha!

·
·

Wahahaha...@leeart mag umpisa na un susunod na serye. Dun ka para mapasama ka. Salamat saiyo at nagustuhan mo. Kasama ka na sa kajologans ng mga beshy. Hahaha

·
·
·

Haha! Meron na ba?

·
·
·
·

Malapit na ipalabas. Abangan mo. 😀

·
·

Sir @leeart ang gagaling nla ano hehe d ko akalain na maaappreciate mo ang kjologsan nmin wahahaha.. Meaning jologs krin hehehe mga sis @sunnylife @jennybeans @shikika @lunamystica damay-damay na ito oh hehehe.. My ksama na c @tagalogtrail 😂🤣

·
·
·

Haha! Kaya nga e magagaling talaga.

Ate mayroon kapalan dalawang magagandang anak. Saludo ako sayo iyo ate sa pagpapalaki sa kanila.

·

Waaahhhh! Hahahaha. Mga pamangkin ko yan @jenel. Hahaha

·
·

Ay sorry po ate hahaha ate sa serye po ate. Continue2 ba ito sa mga iba't ibang author?

·
·
·

Hahaha. Ok lang yun @jenel. Inaasahan ko na ang ganyang komento. Nyahahaha
Continue and steemitserye. Subaybayan mo baka sa susunod ikaw na ang mapalad na author sa susunod na episode. Hahahah

·
·
·
·

Sige ate pagsikapan ko po. Hahaha na inspire ulit ako gumawa ng storya

·
·
·
·
·

Abangan mo rin si @tagalogtrail dahil siya magpapasimuno sa #steemitserye ng mga boyz.
Keri niyo yan. Hahahaha

·
·
·
·
·
·

Ay sis dapat may pagsasanib pwersang magaganap hahahaha @shikika

·
·
·
·
·
·
·

Sis @jennybeans kontratahin mo na si @tagalogtrail para sa pahsasanib. Nyahahaha

sis @shikika hindi ko inaasahan ito.. ang galing-galing hehe

ang ganda-ganda ni konsensyang @shikika mas mganda kaysa kay Aileen...diwatang-diwata ang dating hehehe

ang daming nangyari wait lang hindi ko pa naabsorb lahat ng pangyayari wahahaha

Siguradong sasakit ang ulo ni @lunamystica nito...bwahahaha

·

Ansakit na nga sis,hahaha.

·
·

Wahahaha. Sakit sa bangz talaga sis. Nyahahaha.

·

Waaahhhh. Pinag isipan ko talaga yan ng mabuti kung paano maipapasol ang diwata. Nyahahaha

·
·

Ikaw yong diwatang may konsenya sis @shikika... Parang Safeguard lang ang peg wahahahaha

·
·
·

Resulta na po eto ng makain ko ang buong safeguard akala ko cheese. Cheesy at yummy kasi. Bwahahaha

·
·
·

Wahahaha sis @shikika masyado mo atang ininda ang naudlot na kissing scene nyo ni Mark pati safeguard npagkamalan mo ng cheese hahahha

·
·
·
·

Wahahaha. Kaya nga nakakainis at naudlot ang pikamagandang bahagi ng kwente sana. Wahahah

Ay sis iba din ang istilo mo sa pagsusulat... Galing napagsasabay mo ang P.O.V ni Aileen at ng sayo. I'm sure mahihirapan talaga si @lunamystica nito... Naguluhan tuloy ako, ang daming nangyari hahaha @shikika

·

Wahahaha. Sigurado ako mabuang lahat kayo. Nyahahaha.

·
·

Sis matagal na akong baliw... Hhahahahaha

·
·
·

Kaya pala hawang hawa ako sa kabaliwan. Hahaha

·
·

Kaya pala napasama ako sa mga kabaliwan. Wahahah

yun oh. may konsensya shikika ang pangalan mam @shikika, tama nga, sana dalawa ang puso sana pamagat nito hehehe..

·

Hahahaha. Tama ka fherdz! Suportahan mo #teamShiMark! Nyahahaha.
@sunnylife dapat bigyan mo ng pamagat ang #steemitserye na to. At bigyan mo ng award ang best writer at best actress. Nyahahah
#bestactress lang akets! Hahaha

·
·

lols sumakit bangz ko d2 hahhaha
kasalannan ni @tagalogtrail e2 eh lols

·
·
·

Wahahaha. Ang sakit nga rin ng banz ko sissy hanggang ngayon. Wahahaha

·
·

Uwian na sis my nanalo na😂🤣😂🤣

·
·
·

Hahaha. Inform niyo si sisa kung siya ang lalo para maloka masyado

·
·
·
·

Bwahaha sir @leeart pasponsor ng kwintas ng everlasting para kay sisa lol Ayhahaha @shikika

·
·
·
·
·

Wahahaha. Meron na magsponsor ky Shikika. Wahahah. Artistang artista na ang dating. Nyahahah

·
·
·

Hahaha. Inform niyo si sisa kung siya ang panalo para maloka masyado ang lola. Wahaha

Sa dami ng kamalasan sa life ni Aileen nagkaroon na yata siya ng "SPLIT PERSONALITY" na bipolar na ata siya hehe..
Siguro mas mabuting Wala na Lang siyang piliin sa ending para magsimula na Lang siya uli,di Bale na may dalawang anak na siya at susuportahan Na Lang siya ng mga tatay ng mga bata.masyado ng komplikado life niya delikado baka matuluyan siya baka maging "Sisa" na pangalan niya hehe..

Wag nang mag team Richard or team Mark!
Mga lalakeng yan panira sa buhay!hmp!😠😡

·

Wahahaha. @mallowfitt ang lupit ng comment mo. Hahaha
Mag #teamShiMark ka na. Hahaha
Mamaya si Shikika ang maging Sisa. Wahahaha

·
·

Haha!si Mark at Richard nalang siguro Ang magkatuluyan mas maganda Yun haha!magiging iba nanaman takbo ng istorya!
Si "ShikikaSisa" @Shikika hehe

·
·
·

Waaahhhh. Si @lunamystica na gagawa nun. Alamin natin kung pwd ba sa kanya magkatuluyan ang magpinsan. Nyahahaha.
Basilyo! Basilyo! Crispin? Crispin? Nasaan na kayo?Huhuhu

Hahaha. Isang dakilang baliw. Nyahahaha

·
·
·
·

Hahaha! Baka akala nila magpinsan sila pero ampon Lang pala si Richard Kaya pwede nyeeee! @lunamystica baka matuluyan na si @shikikasisa Este @shikika Lang pala

·
·
·
·
·

Haha, abangan na lang ang mangyayari sis. Lalo na ang kapalaran ni @shikika, ay este ni Aileen pala.,

·
·
·
·
·
·

Aabangan ko ang kapalaran ni Sisa. Hahaha

·
·
·
·
·
·

Abanagan Ang bagong katauhan ni Aileen bilang si Sisa hehehe...

·
·
·
·
·

Wahahaha. Malapit na matuluyan mga sistah!

·
·
·
·
·
·

Sis @shikika mabuti nga ng matuluyan na para makalimutan na niya talaga Ang Richard at Mark na yan hehe...

·
·
·
·
·
·
·

Sis @shikika, pahingi ako ng picture mo na naka veil.haha, or kahit kurtina lang taz selfie ka,hehe. Thank you.😘😘😘😘

·

haha panlao sa comment sis nyahahha
mga lalaking panira sa buhay hahaha
si @lunamystica na bahala sa ending haha
baka solohin nya den hahaha

·
·

Haha! Kung Wala yang gwapong Richard at mabangong Mark na mapungay eh di tahimik Lang sana si Aileen.Panira talaga ng life!

Sige @lunamystica maglabas kapa ng isang lalake na karakter para sa mental hospital na derecho si @shikikasisa haha!😵😵

·
·
·

Wahahaha. Tuluyan na ngang nabaliw si Shikika. Bwahahaha

·
·
·
·

Yun Ang magandang ending @shikika hahaha😂😂😂

Nawindang ako't parang may split personality disorder si Aileen. Hehehhe. Pero part 5 na ng serye at naguguluhan pa rin ako kung kanino nga ba ako kakampi. Hahhahah. Pero mas lamang ng 0.1% si Mark sa akin kaya team Mark na nga lang ako. 😂
Nakakatuwa at nabigyan mo ng reunion ang lahat ng karakter ng kwento sa parteng ito. Medyo nagkabuhol-buhol na ang mga pangyayari kaya lalong naging kaabang-abang. Hihintayin ko kung anong mangyayari sa kanila.
Sana totoong bumalik na ang alaala ni Mark at magkatotoo ang panaginip ni Aileen. 😍

·

Waaahhh. Nakakawindang talaga si Aileen. Mga bangz ng mga besh nagsipaglaglagan na. Hahahaha
@jemzem ayaw mo ba ng #teamShiMark? Wahahaha
Na kay @lunamystica na kung paano niya iuuntog si Mark para bumalik ang alaala. Hahaha.
@lunamystica bangz mo nagsisipaglaglagan na. Nyahahaha

·
·

Hahahahha. Parang mas bet ko ang ShiChard. Tapos AiMark. Ewan nalang kung paano tatakbo ang kwento kung ganyan. Hahahhaha. Aabangan ko na lang ang Part 6 para malaman ang kasunod. 😂

·
·
·

Hahaha. Pwd rin Shichard parang ang ganda sa pandinig. Hahaha
@lunamystica pakinggan mo si @jemzem. Hahaha

·
·
·
·

lols siss wag ka muna mag upvote waaa kinarer mo na tlga
pataasin mo muna VP mo pls para sa susunod na kabanata may bala ka nyahahah

·
·
·
·
·

Wahahaha. Ubos na power ko need ko back up. Wahahahha

·
·
·
·
·

Haha nawili ng mag upvote ako rin waley na wahahah

·
·
·

Abangan mo na lang sis @jemzem ang susunod na kabanata. Hehe

·
·
·
·

Tiyak na aabangan ko 'yan, @lunamystica. Excited na rin ako kung paano mo patatakbuhin ang susunod na kabanata. 😂

Sana magustuhan ninyo ang Part 6, pasensya na at yan lang ang nakayanan ng aking imahinasyon,hehe. Sana magustuhan ninyo.

·

Angsaya saya ng ending @lunamystica. Hahahahalakhak ako. Sa ending ako pa rin. Wahahaha

Wow te @shikika haba ng hair..sayu na ang korona..ang galing mo talaga..hahahaha..nice..😁

At abangan ko ang susunod na pahina..hahahaha🙏😁

·

May part 6 na sis @yennarido 🙂

·

Hahaha. Naa na dai part 6. Lalong maganda dun. Hahaha

nakakaloka.... malupit naman pala ang mga ugnayan hahahaha...abangers na ako sa susunod

·

Deth meron na wakas ang steemitserye na to. Nasa part 6 binigyan katarungan ni @lunamystica. 😀

Naguguluhan ako sa mga pangyayari at kung kanino nga ba talaga ang isa't isa. Pwede bang gawan na lang eto ng movie. Mas magandang panoorin na lang haha!

·

Hahaha. Maghahanap kami sino handang sumuporta para maisapelikula eto. Sa ngayon wala pa producer ang nakakabasa nito. Hahaha

·
·

Ayan na oh sis @shikika producer/cameraman n si sir @leeart hahahaha

·
·
·

Wahahaha. @akoaypilipina ikaw na magderek total ready na producer at cameraman na si @leeart. Wahahah

·
·
·
·

Ikaw ang direktor @shikika at Ikaw n din ang gaganap na Aileen 😂 taga timpla na lng ako ng kape wahaha

·
·
·
·
·

Wahahaha. Baka magsitapunan ang kapeng mainit kung ako magderek. Wahahaha

·
·
·

Wahahaha. @akoaypilipina ikaw na magderek total ready na producer at cameraman na si @leeart. Wahahah

·
·
·

Ang producer sis @shikika ay c sis @sunnylife sya ang my pakana ng lahat ng kjologsang ito😂🤣

·
·

Tama, ako na camera man. Dami naman may magagandang camera na pwedeng hiramin haha! Pwede na din cellphone lol!

·
·
·

Ahahaha. Cge @leeart. Maghanap na rin tayo ng mga gaganap. Hahaha

·
·
·

Ahahaha. Cge @leeart. Maghanap na rin tayo ng mga gaganap. Hahaha
Magpa audition ka na para un magagaling umarte mapili mo. Hahaha

gravee nde pako nakaka move on sa part 4 ni @akoaypilipina
andito ka na pumasok!! i kennat why why! napaksakit naman
nde mo tlga pinatawad pati sa kasal ikaw pa den nyahahha nawendang ako sa'yo sis panalo to!! tsk. sakit sa bangzzzz ng masalimoot na buhay ni Aillen pak na pak! last part na natin si @lunamystika baka maagaw mo pa sa bandang huli nyahahaha.

Nakaktuwa grabeee sumakit bangz ko lumapad lalo noo ko hahahah
Ganda sis, good job! kinarer mo tlga haba ng hair!!!

·

Sis @sunnylife, the end na ba talaga?hehe

·
·

The end mo na @lunamystica basta alams na. Hahahaha

·
·
·

lols sis ipaubaya mo na yong isa kay Aileen nyahaha
kalokey! hahaha sakit tyan ko sa inyo hahaha
eto ang maganda sa #steemitserye (bigay na tag eto ni @akoaypilipina)
lahat pwede kung baga may sariling mundo tayo kayo bahala mga taga sulat
at wag na huwag isipin ang iisipin ng iba, gora lang ng gora, basta #goodvibes lang bwahahaha

·
·

sis @lunamysctica tapusin mo na baka bumangon si @shikika at mapunta lahat ng lalaki sa kanya nyahahahh
good luck sis.

·
·
·

Okey sis @sunnylife abangan ang masakit sa bangs na wakas,haha.

·
·
·
·

hahaha cge ganti ganti lang yan sis ganon d2 nyahhaha
abangers namin yan ah.
ikaw ang bahala sa ending
mundo mo mundo namin kaya wag ka mag alala nyahaha

d2 kami tumatambay #gratefulvibes discord

https://discord.gg/DnpSuVe

·
·
·

Bwahaha sis @sunnylife panalo u talaga mgcomment.. Bka bumangon c sis @shikika at mpunta ang lahat ng lalaki sa knya wahahaha

Share your blessings sis @shikika... Wag solohin ang mga lalaki lalo na't mga gwapo.. Hindi mo yan kakayanin lahat wahahaha

·
·
·
·

alam mo naman yan si @shikika may pagnanasa yan kaya Mark kahit noon una pa lang hahahaha d na nga napigilan sarili nya eh ayan oh nyahaha pati si aileen tinakot sa konsensya na nyahahaha. sumakit tlga bangz ko d2 [email protected]# hahaha

·
·
·
·

Wahahaha ang tindi ng pagnanasa ni @shikika.. Ndi mawala-wala haha aga aga sakit ng tyan ko kakatawa sis @sunnylife

·
·
·

Wahahahaha. Dami ko tawa dito sissy @sunnylife. Nabuang na talaga lahat. Windang na windang! Bwahahahaha

·

Hahaha. Hayan tuloy ako ng naging bida sa Part 5. Nyahahaha

·

Waaaa @sunnylife dami ko n namang tawa sau hehe

Nakakapudpod tlga ng bangz to.. Ang sakettt mga bes😂

·
·

Hahaha. Pudpud to the max bangz mga besh!

You got a 6.04% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

.....and the best writer goes to....@shikika..! Sis magaling ka pa lang writer. Seriously question, is this based on true to life story?

·

Hahaha. Salamat sa suporta @chibas.arkanghil. Hahaha best writer at best actress pala. Nyahahaha
Ang lahat po sa kwento ay puro kathang isip lamang. Nyahahaha. Kung meron man pagkakahalintulad sa totoong buhay hindi po sa buhay ko. Wahahaha

·
·

Hahaha.... my husband told me when i detailed him your post..."shikika has a long hair because he had mark and richard ..hahah and i told him im not sure if its true...hehehe

·
·
·

Hahaha. Mga kathang isip lang po un lahat. Hahahaha

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by shikika from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

@shikika interpret for me oh