Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa

in #pilipinas6 years ago (edited)

Dear Sunny,
Itago mo na lamang ako sa pangalang Aileen, 28 anyos. Ang kwento ko ay nangyari taong 2016. Nakilala ko si Richard noong ako ay nagbabakasyon sa probinsya ng aking pinsan sa Iloilo. Ipinakilala sya sa akin ang aking pinsan. May itsura si Richard hindi ako magtataka kung mayroon na syang kasintahan o asawa. Pero sabi ng pinsan ko wala daw nobya dahil barkada nya si Richard. Noong una hindi ako interesado dahil hindi naman ako kagandahan.

Isang araw habang kami ng pinsan ko at nagsimba, nagkataon na nandon din si Richard at pangiti-ngiti sa amin. Mukhang ewan ang nasa isip ko, masyadong papansin. Pagtapos ng simba ay inabangan nya kami sa labasan at nagyayang mag meryenda libre nya daw. Ang pinsan ko naman ay hindi pwede ng araw na iyon dahil may lakad syang importante. Ako ang kinulit. Pumayag na lang den ako dahil halos magta tanghalian na. Nahihiya ako noong una dahil hindi naman ako masyadong nakikihalo bilo talaga dahil hindi ko sya kilala.Kung hindi lang dahil sa pinsan ko hindi ako sasama sa kanya. Kumain kami sa isang turo turo at pagatapos non ay nagpahatid na ako. Maayos naman syang kausap at kinuha ang telepono ko. Ite tekt daw ako, hindi naman ako umaasa, pikit balikaw kung baga.

Nagulat ako araw-araw ang text sa akin. Lumipas ang araw, linggo at mga buwan, naging malapit ako sa kanya. Hangang nagtapat sya na may pagtingin sya sa akin. Sino ba naman ako na hindi sasagot sa kanya, halos lahat ng katangian nasa kanya na. Maayos ang relasyon namin at ng umuwi ako ng Maynila, dumadalaw sya palagi. Masaya kami at lagi kaming magkasama. Isang araw sinabi nya sa akin na magsa Saudi sya at kailangan na nyang umalis ora mismo, natanggap pala sya sa inaaplayan nya. Sinulit namin ang mga araw na kami ay magkasama.

Masakit pero sabi nya para daw iyon sa kinabuksan namin. Naiwan akong mag isa sa Maynila malungkot na wala sya. Nagte text sya palagi, hanggang isang araw nawala na parang bula. Para akong masisiraan ng bait, saan ko sya hahanapin? May nangyari kaya sa kanya? Tinanong ko ang pinsan ko wala ding alam. Nag desisiyon akong umuwi muna sa Iloilo para alamin ang nangyari sa kanya. Wala akong balita kahit sa kaanak nya. Nasaan na kaya sya?

Nagulat na lamang ako isang araw ng makatanggap ako ng text na umuwi na pala sya ng Pilipinas at nasa probinsya. Gusto ko syang puntahan, pero hindi daw pwede. Hindi ko alam ang dahilan masakit pero tinanggap ko hanggang isang araw nabalitaan ko na lang na nagpakasal na pala sya sa dati nyang nobya. Dalawa pala kami sa buhay nya, ang masakit noon hindi nya alam na nagda dalang tao ako 3 buwan na. Gulong-gulo ako ano ang dapat kung gawin? Mahal ko sya. Siya ang una kong minahal, masakit, mahirap tanggapin. Paano naman ako? Paano na ang sanggol sa sinapupunan ko? Ano ang dapat kung gawin? Ipaalam sa kanya na may dinadala ko ang anak nya? Maytakot ako sa Diyos, pero minsan naisip ko na paano kaya kung gawin ko iyon? Tapos na kaya ang problema ko? Ano ang sasabihin ng pamilya ko? o hayaan ko na lang na buhaying mag isa ang magiging anak ko? Aasa pa ba ako? Paano na kami? Paano na ang puso ko? Masakit.....

Nagmamahal,
Sugatang puso ni Aileen

Ano nga ba ang pwede nating ibigay na payo sa sugatang puso ni Aileen? Mahirap na sitwasyon, nagmahal, nabigo at umaasa. Kung ikaw ang nasa sitwasyon nya ano ang gagawin mo? Comment below!! Dali!!!

P.S. Ang kwentong ito ay parte ng kajologans ko kathang isip lang mga besh wag magalit kay Richard.

Gratefulvibes Discord: https://discord.gg/DnpSuVe
FlightGear Discord:https://discord.gg/hdDwXeu
Steem Schools Discord: https://discord.gg/sUKmXC8

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest

Sort:  

Soobrang Ganda! As in talaga. nagbalik talaga ako dito para mabasa lang ang seryeng ito.

Writer ka pren. Sabihin mo kay Aileen na mag steemit sya para makalimutan niya si Cardo (Cardo ba sa Pinas ang version ng Richard?) hahaha

wabahahhaa mag steemit si Aileen? cge para nde na maguluhan sa mga lalaki nya sa buhay bwahaha
salamat ma pren at nagustuhan mo, mga kajologans lang yan damay na ang iba bwahahha

salamat ma pren. God bless your family xoxo

You are always welcome may pren. Ingatz lage

Grabe ang gaganda ng mga shinashare mo.. may part 2 ulit.. yng unang post mo ( about the flower ata yhn)inabangan ko d ko na ata nbasa yng part 2..hehe

For aileen..lahat ng ginagawa natin may consequences .. ma pa good or bad man ..
We have to face everything..
panindigan nlng ni aileen ang lahat.. yes mahirap talaga yung mag isang palakihin nya yung bata na walang ama.. at her own expense.. pero still she have to be strong for the child and am sure hindi pababayaan ng pamilya nya na handang tumulong sa kanya.. instead of hoping for Chard to comeback.. focus nlng nya muna sa sarili nya st sa anak nya.. and pray na bibigyan cya ni Lord much better than Chard.. d deceiver.. hehehe

ay thanks sis bute nakita ko d2 haha
salamat, yong part 2 wala pa sis nde pako sinulatan lols
cge abangan mo den baka next week makasulat na
ang ganda ng mga payo nyo, nakkatuwa alam ko magiging ok na si aileen.
Salamat sis .

Akala ko din totoo ,hehe but i guess this happens. Ive heard a lot of similar stories. Pero kung kaibigan ko si aileen.. I would tell her to deal with it... It may be hard raising a child alone but its hers and she should own it. She was given this child for a reason. Maaaring natatakot lang siya sa ngayon kasi nga she is not getting the support that a partner should be giving ... but this is the perfect time to use all the strength and courage she has. She will get through this, and para kay kay Richard, she has to accept the fact and he has chosen someone else --- so Aileen has to move on and be happy. There will be someone for her. Someone who would accept her and the baby .. and not treat them as if they just options when convenient =) GO Aileen. hahahah

Thanks sis. sobrang ganda ng mga payo kay Aileen.
Thanks for your time, kahit kathang isip lang super true ang advice mo sa kanya.
She will be fine for sure, abangers ang part 2 baka kailangan nya uli mga payo mo:)
Thanks a lot.

hi @sunnylife =) ! Abangers talga ako sa susunod na part . This is good kasi we get to interact . haha aabangan namin ang susunod na kabanata ni aileen =) more power to you our dear sis !

cge sis. baka makagawa ng part 2 hehe salamat na madami.

siiiiiis! muntik na talaga akong magalit kay Chard! hahaha! Nakakatuwa ang mga kathang-isip mo sis. naaalala ko yung mga romance pocketbooks na binabasa ko dati. hahaha! Magsulat ka pa ng madaming ganito! =D

sisssss!! hahaha nahawa ka sa kathang inisip ko sa kabundukan hehehe
nosebleed ka sa tagalog ko sis haha dati nagbabsa den ako nyan :)
pag nasa bundok nakaka isip ako ng mga kadaramahan sa buhay sis hahaha
labyu guys xoxo

Gawin ang tama, ngunit huwag ipagkait ang bata. :)

Di ako perpekto sa kwento kong akin, pero diba nga, there's always two sides of a story. :)

@smafey

oh san na kayo? nawala na wifi sa bulas? busy den ako d2 haaisst
abangan na lang kung ano ang part 2 hehe

Ito na te magbabalik na. Me pinagdadanan lang. Buti suportado ko ni @mikemaphu Hahaha!!

Wow, grabe iba din... Pang MMK lol 😜 Pero i knew it from the start that it's not your story especially when u mention 2016 haha kasi may big boy kana ehh taz Dear Sunny pa hehe

My advice is intended for the 2 kinds of Aileen in this world: the weak and strong

For the stronger version of Aileen

If I were Aileen, I'll talk to Richard not because I wanted him to be part of my life and form a family with him but to have a proper closure instead. Maganda rin kasi sa feeling if ganun at least you were able to tell him what's inside your thoughts and how you feel, it will surely lessen the burden and heavy loads ur carrying on your shoulders. And when it comes to the baby, I still raise him/her. I'll give him/her all the love, attention and care he /she deserves. Work hard to give your child a better future and to show Richard that you are capable of raising a child even without his help and that you are a strong, independent and responsible women. Aileen doesn't deserve a man like him for she deserves someone else, someone even better than Richard and a kind of someone who is worthy to love. For every women deserves a love that is promising...

For the weak version of Aileen

Pero di nga naman lahat ay matatag so if she's kinda emotional and can't handle situations like this kasi pinaasa eh, masakit yun for sure. She might even experience emotional breakdown and absent minded or always space out so I think if this is her characteristic lang sis ha, uhhm.. She'll wait till the pain is gone and talk to Richard when she got the courage to do so. It takes time for sure but I think by that time the wound is healed but the scars from the past still remains..

Challenge ba to sis??? Choss, haha .. Nagmamarunong lang si ako lol 😁😁
Wag mong problemahin si Aileen sis haha

grabee ang gleng ng love expert nde ko expect yan sau baby ah:)
gleng! panalo! sa haba ng comment mo pede mo ng gawing isang post hahaha
oh abangan mo ang kwento ni Aileen may part 2 pa wag ka mawawala ah
cge sana mabasa ni Aileen e2 kung meron Aileen sa steemit world:)

Hahaha, kakabasa ko ng wattpad stories before and kakapanood ko ng mga KDramas. Ito yung naging epekto lol
Ok po @sunnylife, hihintayin ko ang part 2 😉

Sissy akala ko totoo na. Ahahaha
Ang saklap naman yan. Pwd po ba request ng magandang ending. 😀😀😀
Sissy mamaya tayo sa discord. Nag abang ako saiyo. 😀

siguro sis kakapanood ko noon ng MMK epekto cguro yan.
sakit nga, gusto kong murahin si Richard habang sinusulat ko ito huh!
okies later discord tau sana nde ka makatulog lols o baka ako ang makatulog lols
goodnight sissy miss u xoxo

Hahaha. Gisingin mo ko at gisingin din kita. 😀 Cge goodnight saiyo sissy. 💖

ano pala ang payo mo kay Aileen sis?

Hahaha. Payo ko sa kanya puntahan niya si Richard. Kahit masakit harapin niya. Kausapin niya si Richard para malaman mga katanungan niya. Malay natin si Aileen pala mahal niya. Baka napilitan lang sya dun sa dati niya nobya. Ahahaha. Baka buntis din yun. 😀😀😀

ayaw nga makipagkita ni Richard, kung mahal nya si Aileen d sana hindi sya nagpakasal sa iba kahit shotgun wedding pa yan. hmp itutulog ko na lang bukas ko isipin ang payo kay aileen. hahaha goodnight sissy gisingin mo ako sa Skype pag nakatulog ako haha

Hahaha. Ishot gun na rin yan. Wahahaha

haha grabee i shit gun den si Richard?

Hahaha. Oo para wala na lang Richard. Charot lang! Lol

graveee ending agad? winakasan mo na agad hahaha winner tapos na ang kwento sis lols

My advise to my old self: Why stay? I have had kinda similar story 😀

morning sis. thanks sa payo, tsk ako nahirapan sa kwento nato ramdam ko sakit nya haaisst.
thanks for sharing sis:) I know you're strong.
Pero pag puso ang nagmahal iba mahirap...
goodnight na sis bukas ko na ituloy :)
matutulog akong iisipin ko ang payo kay Aileen anobeyen.
xoxo

Di mo dapat ipalaglag yan Aileen. Isa yang blessing, blessing na babago sa buhay mo. Yan yung magiging rason kung bakit gaganda ang buhay mo at ikaw ay mapupuno ng kaligayahan.

Thank you for sharing this story @sunnylife...

thanks sis sana nagustuhan mo den ang part 2, 3, 4
yong part 5 ginagawa pa hehe

nakupuw! napakasakit naman ending. pang magpakailanman . haha .
talaga namang susubaybayan ang mga pagibig stories mo sis
❤️❤️❤️

anong payo mo love expert?
ayusin mo ah hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61740.86
ETH 3453.31
USDT 1.00
SBD 2.51