Dear @lunamystica- #steemitserye Part 6: Mahal Ko, Mahal Na Ba Akong Muli?

in #pilipinas6 years ago (edited)

images (2).jpeg
Source

Dear @lunamystica,

Alam kong nabanggit na ako sayo ni @sunnylife, @jeanybeans, @akoaypilipina at @shikika, kaya sayo na ko sumulat para mailabas ang lahat ng aking saloobin. Hindi ko akalain na Sa kabila ng Dalawang taon naming walang balita kay Richard at Mark. Nakatakda pa din pala na kami ay magkatagpo tagpo. Wala na, no choice na ako kundi sabihin sa kanilang dalawa ang katotohanan tungkol sa aking dalawang anak. Alam ko na mahirap itong ipaliwanag sa aking mga anak, ngunit alam kong darating din ang araw na ito'y kanilang maiintindihan. Ngunit ang nagpapagulo sa aking utak at damdamin, paano kung kunin nila sa akin ang aking mga anak? At ang aking nararamdaman para sa isa sa kanila Mark at Richard ay muling nabuhay. Oo, aaminin ko na kahit kailan hindi nawala ang pagmamahal ko para sa lalaking ito. Kahit ilang taon ko pa sya na hindi nakita at nakapiling never nawala ang nararamdaman kong ito.

1.jpg
Source

" Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Aileen sa tatlo.

" I am sorry Aileen. Nakatulog kasi ang driver ko kaya sa hindi inaasahang pangyayari nabundol namin ang kotse na iyong nasakyan. At nung tingnan ko kung sino ang nakasakay nakita kita, dinala ka namin dito sa hospital kasi hinimatay ka." sagot ni Richard.

" Kumusta ka na Aileen? Ok ka lang ba? May masakit ba sayo?" sunod-sunod na tanong ni Mark.

"Okey lang ako, pwede na kayong umalis." malamig na sagot ni Aileen (kelangan nyang maging malamig para pagtakpan ang pangungulilang nararamdaman nya mga besh,lol.)

" Teka lang Aileen, wag mo naman kaming itaboy ng ganyan. May dapat pa kaming malaman. Sino ba ang mga batang ito? Bakit kamukhang- kamukha ko ang isang ito?" tanong ni Mark na ang tinutukoy ay si Reese.

"Oo nga naman aileen, bakit kamukha ko din ang batang ito?" tanong naman ni Richard na ang tinutukoy ay panganay ni Aileen na si Teresa.

Biglang natigilan si Aileen, hindi alam kung ano ang isasagot sa dalawa.

" Uhmmm, Nay pwede po bang ilabas mo muna ang mga bata. Mag uusap lang po muna kaming tatlo." sabi ni Aileen sa kanyang Ina.

" Okey anak, maiwan ko muna kayo dito." sagot naman ng Nanay nya.

Pagkalabas ng Nanay at mga anak nya, tumingin sya sa likod. Nakita nya si Marguerette sa likod ni Mark.

" Pwede bang lumabas ka muna, mag uusap lang kami." sabi ni Mark kay Marguerette.

" Sige. Maiwan ko muna kayo dito." sagot ni Marguerette.

Wow, bait baitan ang babaeta. Anu kayang nakain neto. Bulong ni @shikika sa isip ni Aileen.

" Richard, Mark, Im so sorry kung itinago ko sa inyo ito. Pero ginawa ko lang kung anung mas makakabuti para sa mga anak ko." panimula ni Aileen.

" Richard, anak mo si Teresa. Hindi ko na nasabi sayo na nagkaanak tayo dahil bigla ka na lang nawala at kahit anung paramdam di mo nagawa. Nung nagparamdam ka naman hindi ko na nasabi dahil ayaw ko na din sana na malaman mo pa na nagkaanak tayo." paliwanag ni Aileen.

"Ano? Anak ko si Teresa? Kaya pala kamukhang- kamukha ko." sagot ni Richard na medyo maluha-luha sa kasiyahan na nararamdaman.

" Ibig sabihin anak ko din yung isa? Kasi kamukha ko din sya." sabat naman ni Mark.

" Oo, Mark. Anak mo sya, ngunit hindi ko na sya nabangit sayo kasi nagkaroon ka ng amnesia, nakalimutan ako ng utak mo pati ba ng puso mo?" sagot ni Aileen.

Matagal na nakatitig lang si Mark kay Aileen.

" Pasensya ka na Aileen, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi ko pa rin maalala ang lahat. Aaminin ko, pagkakita ko sayo kanina na karga ni Richard papuntang hospital, may naramdaman akong kabog sa aking dibdib. Hindi ko maintindihan kaya sumunod ako dito." bumuntong hininga si Mark.

" At ngayong nalaman ko na may anak pala tayo, kakaibang kasiyahan ang aking nararamdaman." dugtong pa ni Mark.

" Akala ko ba partial Amnesia lang ang case mo, pero bakit antagal na, wala pa din. Wala ka pa ring maalala." lumuluhang sabi ni Aileen.

" Umalis na kayo, ngayon na nalaman na ninyo ang katotohanan na anak ninyo ang mga anak ko iwan nyo na lang ulit kami. Tahimik na kami. Kaya ko naman silang buhayin. Please lang wag nyo silang ilalayo sakin. Sila ang buhay ko, hindi ko kakayanin kung pati sila mawawala sa akin." walang tigil sa pagluha si Aileen.

" Don't worry Aileen, hindi namin sila kukunin sayo. Aalis kami ngayon, pero babalik ako. Mag- uusap pa tayo. Sa ngayon magpahinga ka muna." sabi ni Mark.

" Magpahinga ka na muna Aileen. Babalik din ako para kausapin ka." wika din ni Richard.

At tuluyan na ngang lumabas ang dalawa.
Nakatulugan na ni Aileen ang pag- iyak. At pagkagising nya, sabi daw ng doktor ay pwede nang ilabas ng hospital si Aileen dahil wala naman fracture na natamo si Aileen. Kailangan lang ay magpahinga.

Habang nasa daan si Mark pauwi sa kanilang bahay sakay ng kanyang kotse, hindi nya mapigilan ang labis na tuwa. Ang malaman na may anak na pala sya ay walang kapantay na katuwaan ang kanyang nararamdaman. At sa tuwing masisilayan nya ang ina nito, labis na pagpintig ng kanyang puso ang kanyang nararamdaman. Ibig ba nitong sabihin ay nakikilala na ng kanyang puso si Aileen?

Kaya sya nasa Airport ay dahil hinatid nya lang si Marguerette dahil babalik na ito ng States. Wala silang relasyon ni Marguerette, tanging magkaibigan na lang sila. Hindi nya malaman ang dahilan kung bakit bigla na lang syang nanlamig kay Marguerette. Dati naman makita nya lang ito labis na ang katuwaan nya. Ngunit pagkaraan ng ilang linggo na lagi nya itong kasakasama simula ng magka amnesia sya hindi nya na maintindihan ang kanyang sarili. Parang may kulang, may nawawala sa puso nya, parang puzzle na may nawawalang bahagi nito. At tuluyan na syang nakipag hiwalay kay Marguerette. Kailangan nya na muna bumalik sa dati para wala ng ibang masaktan. At naging magkaibigan na nga sila. Pag umuuwi si Marguerette ng Pilipinas nag- uusap pa naman sila. At balita nya may Boyfriend ng Fil- Am si Marguerette kaya tiwala na din naman sya na kaibigan na lang din ang turing sa kanya ni Marguerette. At nung araw nga na yun pabalik na sya sa States, at sa hindi inaasahang pangyayari magkikita pala sila ni Aileen.

unnamed.jpg
Source

Dahil sa mga dumadaloy sa kanyang isip, hindi ni Mark napansin na may kasalubong sya na sasakyan. Sa kanyang pagkakabigla napihit nya pakaliwa ang manibela at bumunggo sya sa isang malaking kahoy. At tuluyan ng nagdilim ang kanyang paningin.

4efb7a3c2f631.image.jpg
Source

Oh no mga beshh! Aksidente na naman. Bumalik na kaya ang alaala ni Mark?

Biglang kinabahan si Aileen sa hindi nya malaman na dahilan. Kinahapunan may natanggap na tawag si Aileen galing sa hindi nya kilalang numero.

17A035_338_0004_600.jpg
Source

" Hello? Sino to?" tanong ni Aileen sa tumatawag.

" Hello Aileen? Ikaw ba yan? Mommy to ni Mark, pwede bang pumunta ka dito sa Hospital?" sagot ng nasa kabilang linya.

" Po? Bakit po? Sino po ang nasa Hospital?" tanong ni Aileen.

" Iha, si Mark. Naaksidente kagabi. Please kung pwede pumunta ka dito." muli sabi ng Mommy ni Mark.

" Okey po Tita, papunta na po ako jan." walang pag aalinlangang sagot ni Aileen.

Makaraan ang ilang oras narating na ni Aileen ang Hospital. At dali dali syang nagtungo sa kwarto na kinaroroonan ni Mark. Pagpasok nya,unang nakita nya si Mark na nakapikit at may benda sa ulo.

" Kumusta na po sya?" tanong ni Aileen sa Mommy ni Mark.

" Okey na sya Aileen. Hinihintay na lang ng mga doktor ang kanyang paggising. Tinawagan kita dahil ang sabi ng mga Nurse pangalan mo daw ang binanggit nya ng dalhin sya dito sa hospital. Kaya inisip ko baka bumalik na ang kanyang alaala." Umiiyak na paliwanag ng Ina ni Mark.

Hindi makasagot si Aileen. Umupo na lang sya sa upuan katabi ng kinahihigaan ni Mark.
Hindi nya alam kung ano ang mararamdaman. Kinakabahan sya at the same time masaya. May posibilidad na ba na bumalik na ang kanyang alaala?

Biglang dumilat si Mark. At ang una nyang nakita ay si Aileen.

" Aileen? Nandito ka." ang sabi ni Mark.

" Oo Mark, tinawagan ako ni Tita." sagot naman ni Aileen.

" Mabuti naman pumunta ka Aileen, Im sorry kung ilang taon kitang nakalimutan. Hindi ko sinasadya. Mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Sana mapatawad mo ako." panimula ni Mark.

Nagulat naman si Aileen.

" Naaalala mo na ko? Ang lahat lahat?" tanong ni Aileen.

" Oo Mahal ko, naaalala ko na ang lahat." sagot ni Mark.

images (3).jpeg
Source

Napaiyak na lang si Aileen sa sobrang kaligayahan na nararamdaman. Hindi nya inaasahan na maaalala pa sya ni Mark at mahal pa sya nito. Walang pagsidlan ang kanyang tuwa, dahil ang totoo nyan ay never na nawala ang pagmamahal nya kay Mark. Si Mark pa din ang isinisigaw ng kanyang puso. Yumakap na lang sya kay Mark habang umiiyak.

" Wag ka nang umiyak mahal ko. Andito na ulit ako, at pangako hindi na ako aalis pang muli. Hinding hindi na kita kakalimutan pa." wika ni Mark.

And they lived Happily Ever After. O, hayan na pang Fairytale ba? Hahaha. Wait lang may kadugtong pa.

Dusty-Rose-Wedding-Ideas-14-615x592.jpg
Source

Apat na buwan ang nakalipas mula ng bumalik ang alaala ni Mark.

Busy ang lahat. At masaya sila sa magaganap na kasal ngayong araw. Wait lang, hindi sila Mark at Aileen ang ikakasal. Kundi si Richard at si @shikika. Oo mga besh, tama ang nabasa nyo si Richard at si Shikika. Tanggap na ni Richard na hindi na babalik pa ang dating pagmamahal ni Aileen sa kanya. Kaya ipinaubaya nya na lang ito kay Mark. At matatalik na silang magkakaibigan. Minsan nasa kanya din si Teresa at tuwang tuwa ang kanyang anak ng makilala ang kanyang totoong ama.

Nakilala ni Richard si Shikika sa States ng minsang pumunta sila doon para umatend sa kasal ni Marguerette at ng kanyang Fil- Am na boyfriend at ngayon ay kanya ng asawa. Madali nyang nakapalagayan ng loob si Shikika at ngayon ay araw na ng kanilang kasal. Masayang masaya sya dahil kahit hindi na sila muli pang nagkabalikan ni Aileen, nahanap nya naman si Shikika na sobrang nagpapasaya sa kanya ngayon. Si Aileen at Mark ang Maid of Honor at Bestman. Natapos ang okasyon na may mga ngiti sa labi ang kanilang mga bisita dahil sa lubos na kasiyahan sa bagong mag asawa.

Ang totoo nyan, mas nauna pa na ikinasal sina Mark at Aileen. Naganap ito dalawang buwan na ang nakakaraan. At masaya silang nagsasama bilang mag asawa. Tuwang tuwa din si Reese nang makilala ang kanyang ama.

images (4).jpeg
Source

Ito na ang araw na pinakahihintay ni Mark at Aileen. Ngayon ang araw ng kanilang pag iisang dibdib. Kabang- kaba si Mark, dahil malapit na magsimula ang kasal ngunit wala pa si Aileen.
" Andito na sya." sigaw ng Wedding Coordinator. Ang kabang nararamdaman ni Mark ay biglang napawi pakarinig nya sa mga salitang iyon.
Nagsimula na silang magmartsa papunta sa unahan ng simbahan. Pagkarating nya sa kanyang pwesto, hindi sya mapakali. Excited na talaga sya na makita si Aileen. At dun na nga bumukas ang pintuan ng simbahan at pumasok na ang napakagandang si Aileen na suot ang kanyang napakagandang trahe de boda. Puting- puti ang loob ng simbahan at humahalimuyak ang mabangong amoy ng mga puting Rosas na nakapalibot sa simbahan. Habang naglalakad sa Aisle si Aileen pumapailanlang ang kanilang paboritong awitin.
Now that I have you
Everything just seems so right
Now that I have you I'm alive
You are the song that I'll be
Singing my whole life through
I'm living in a brighter world
Now that I have you

" Aileen, remember what I've told you nung huli tayong magkita na hindi pa kita maalala? Someday, when our eyes meet again... It will be the beginning of something beautiful we left behind.. I promise... At eto na nga yun Aileen, pagmulat ng mga mata ko nung araw na maalala kitang muli, naalala ko ang lahat simula ng makita ko ang iyong mata. Dumaloy ang lahat ng alaala pati na ang damdamin simula ng makita kita. Ikaw lang mahal ko ang aking mamahalin at aalagaan ng pang habang buhay. Mahal na mahal kita at pangako ko sayo, hinding hindi ka na makakalimutan ng aking puso." wika ni Mark.
" Mark, oo naaalala ko yan. At ngayon napakasaya ko kasi nagkatotoo ang sinabi mo. Ngayon na ang simula ng magandang araw na magkasama tayong muli. Kahit kailan ay hindi nawala ang pagmamahal ko sayo, ikaw at ikaw pa din ang pinipintig nito sa kabila ng problema na kinaharap natin. Pangako ko sayo na magiging mabuti akong asawa sayo. Salamat dahil bumalik kang muli sa piling ko, namin ng anak mo. Mahal na mahal kita." sagot ni Aileen.

At yun na ang naging simula ng kanilang buhay mag-asawa.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Mark. Wala syang kaalam alam na may inihahandang sorpresa para sa kanya ang kanyang butihing maybahay. Walang kahit anuman na pagbating ginawa ang kanyang asawa.

" Hindi nya ba naalala?" parang nagtatampo na wika nya sa sarili nya.

" Mahal ko, aalis na ako. Punta na akong office." paalam nya kay Aileen.

" Okey mahal ko, ingat ka." sagot naman ni Aileen at humalik na kay Mark.

" Nakalimutan nya talaga." mukhang disappointed na wika nya at tuluyan na syang sumakay sa kanyang kotse.

Nang dumating ang gabi, kadarating nya lang sa bahay.

"Ba't ang dilim? Wala bang kuryente at hindi nag iilaw ang mga tao sa bahay?" bulong nya sa sarili.

Binuksan nya ang ilaw at tumambad sa kanya ang kanyang pamilya, kaibigan at ang kanyang napakagandang asawa na may hawak na cake.

16333891-portrait-of-joyful-girl-holding-birthday-cake-with-candles-and-looking-at-camera-at-party.jpg
Source

" Happy Birthday, Mark. Akala mo nakalimutan namin noh?" bati sa kanya ni Aileen pagkatapos syang kantahan ng mga taong naroon ng happy birthday.

" Akala ko pa naman nakalimutan mo na. Magtatampo na sana ako,haha. Salamat mahal" ang wika ni Mark.

" Heto nga pala ang gift ko sayo. Sana magustuhan mo." wika ni Aileen at ibinigay ang kanyang munting regalo na nakalagay sa isang maliit na kahon na may ribbon na pula.

unnamed (1).jpg
Source

Dali-dali itong binuksan ni Mark at laking gulat nya sa kanyang nakita. Tiningnan nya si Aileen...

images (5).jpeg
Source

" Magiging tatay na ulit ako??? Totoo ba to mahal ko?" tanung ni Mark.

"Oo mahal ko, totoong totoo yan. I am 4 weeks pregnant. At nagpacheck up na din ako sa Ob-gyne ko kaya sure na sure na yan." masayang sagot ni Aileen.

" Yes! Tatay na ulit ako." sigaw ni Mark at narinig eto nang kanyang mga bisita.

49277481-family-children-comfort-bedding-and-home-concept-happy-family-with-two-kids-under-blanket-over-snowf-Stock-Photo.jpg
Source

Masayang masaya ang lahat sa magandang balita na dumating sa mag-asawa. Labis ang kasiyahan ni Aileen at wala na syang ibang mahihiling pa. Kumpleto na ang kanyang pamilya.

At masayang masaya din si @shikika dahil nasa kanyang piling ang kanyang pinakamamahal na si Richard. Biniyayaan na din sila ng anak, si Shikika ay 4 na buwan ding buntis.

PS: Hindi po si @shikika kunsensya ang naging asawa ni Richard. Hindi naman pwede na imaginary ang kanyang asawa,lol. Totoong tao po sya sa katauhan pa rin ni Shikika. Kawangis at kasing ugali ni Shikika kunsensya. Hangad ko ang kaligayahan mo sis Shikika. Sana nagustuhan mo ang iyong naging kapalaran sa serye na ito,hehe.

O, di ba mga besh. Happy na ang lahat. Sino pa ba ang hindi happy dyan? Simulan ng basahin ang #steemitserye para mahawa na sa pagiging masaya sa ating mga bida.
Sa mga hindi pa nakakabasa ng #steemitserye sa pangunguna ni @sunnylife narito ang kwento ni Aileen:

Part 1 - Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear SunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli
Part 3 - Dear Jennybeans - Mahal ko o Mahal Ako
Part 4 - Dear Akoaypilipina - Mahal ko...Mahal Ay Iba
Part 5- Dear Shikika- Happy Ending na ba?

Sa lahat ng ating mga problemang nararanasan at kinakaharap, wag tayong mawawalan ng pag-asa. Dahil ibinigay sa atin to ng diyos dahil alam nya na ito'y kaya nating lagpasan. That's why we need to be strong always to face all the challenges that we may encountered.

Maraming salamat @sunnylife,@jennybeans,@akoaypilipina at @shikika sa pagbibigay sakin ng chance para magawan ko ng ending ang #steemitserye na eto. Hiling ko lamang ay sana nabigyan ko ng katarungan ang ending na inyong inaasahan. Maraming salamat, masaya ako dahil naging parte ako ng serye na ito.

Evony
@lunamystica
Abril 20, 2018

I would like to thank @iwrite for mentoring me and for his patience. I am very blessed and thankful to have him as my mentor. To my @steemitdiversify family thank you for all the support.
Please cast your vote for @surpassinggoogle as a witness. Visit https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" in the first search box.
To give him your witness voting decision, visit https://steemit.com/~witnesses and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.
Other recommended witness: @beanz @curie @teamsteem @acidyo @reggaemuffin @utopian-io @good-karma @blocktrades @timcliff @hr1 @cloh76.witness @busy.org @precise @arcange @jerrybanfield @jesta @anomadsoul @henry-gant and @paradise-found

received_1803358506404199.jpeg

Sort:  

Wow naman sis pak na pak hehehe

Ang galing galing mo👏👏👏 super nkakakilib ka 😍

@shikika congrats sis natupad ang pangarap mo napasau si Mark... Ay hahaha Richard pla..

At nag paano krin pla alam n this... ninang hehe

Wahahaha. Salamat salamat ng marami at nagkaroon rin ako ng happy ending. Hahaha. Salamat ky @lunamystica. Hahaha
Nagpaano rin @akoaypilipina. Hahaha

Sis makatarungan ang pagwawakas. Hahaha. Kasama rin pala si Shikika. Wahahaha
Ninang na kayong lahat mga besh. Hahahaha

Ikaw ang nagwagi sis. Na sayo talaga ang huling halakhak @shikikahahaha.... Kung magiging ninang kami, first inaanak ko pala yan sis... Congrats.. Hahahaha

@jennybeans sis 1st inaanak mo pala ang baby ni @shikika dpat bongga ang pakimkim nyan hhahahah

gravee tumaob tayo kay shikika haba ng hari mga besh hahaha

Oo nga sis.. My papa na sya,my baby pa🤣... @shikika pumarine ka muna sis, later ka na pumunta sa dako roon lol🤣😂

Hahaha. Dalang dala ako sa ganda ng kwento. Nyahahaha

Hahahahaha di na kailangan ng pakimkim sis @akoaypilipina dahil mayaman naman si Richard at si @shikika... Nyahahahaha ... Ako ang hihingi ng regalo.

hahaa wagi sya, tinalo tayo graveee!

Wahahaha. Ako ang nagwagi!!!!!
Simula ngayon meron ka na inaanak na bibigyan na pamasko. Hahaha

Oo naman sis, kasi kawawa si Richard walang kaloveteam,haha. Si Marguerette kasi may Fil-am na,hahaha.

Nakakalungkot na last part na pala ito ng steemitserye. Pero kahit paano ay masaya pa rin kasi nagkaroon din ng happy ending sina Mark at Aileen, pati na rin sina Richard at Shikika. 😂
Ang gagaling n'yong lima! Salamat sa pagsusulat ninyo ng nakatutuwang kwento. At hanggang sa muling steemitserye para may abangan ulit kami. 😊

Maraming salamat sayo @jemzem. Kung pwede nga lang wag nang tapusin yung serye eh, hehe. Kaso ang sabi wakasan ko na para di na malungkot pa si Aileen. @sunnylife, may nag rerequest na ng bagong steemitserye,hehe.

sis @lunamystica pahinga muna tayo sumakit ang bangz ko kay shikaka hahha
nde pako maka move on hahahaha

sali ka sa susunod magaling tayong lahat:)@jemzem

Gusto ko ring sumali sa trip n'yo kasi talaga namang nakakatuwa. Basta bet na bet ko itong paandar n'yong ito. 😂

Salamat sau @jemzem at naging fan ka ng tambalang Shichard. Hahaha
Sali ka na sa susunod.

Kawawa rin naman kasi si Richard kung uuwi siyang bokya. Buti isiningit mo pa si Shikika sa kwento. 😁

Hahaha. Buti na lang happy ending ang lahat pati ang ky Shikika. Hahaha

@jemzem ikaw na sa second edition usap kayo ni @mallowfitt kung sino ang magsisimula hahahahagame na! check my latest post hahaha goraaa!

Maraming salamat din sa inyo, @lunamystica sa pagpapasaya ninyo sa aming mga mambabasa ng inyong steemit serye. 👍

Yeheeey! Sige, @sunnylife. Napaka-exciting niyan! 😂
Maraming salamat.

Masaya ako at nabigyang linaw ang lahat at naging masaya ang bawat karakter sa kwento. Pero higit na mas masaya ako't naging parte ka ng di inaasahang #steemitserye ni @sunnylife, @lunamystica :) Ang malas nga lang talaga ni Mark dahil not just once but twice siyang nabundol hahhaha ... Mag-iingat na sana siya sa susunod hehehe

Oo nga sis @jennybeans, masaya din aq at naging parte din aq ng seryeng eto. Hindi ko inaasahan na mapipili ako sa dinami dami ng mas magaling magsulat jan kesa sa akin,hehe. Kaya very thankful ako sa inyong apat.😊😊

Kawawa talaga si Mark laging nabubundol. Wahahahha
Masayang masaya ng lahat mga beshy.

Kaya nga dapat tapusin na kasi baka matuluyan na si Mark,haha. Kawawa si Aileen.

Wahahaha. Ang ganda ng wakas. They all lived happy ever after.

Ang galing mo sis steemitseryeng-steemitserye ang dating!

Maraming salamat @taminites sa iyong papuri.😊

sis gravee nahuli ako sensya na:)
pak na pak! nde pako naka move on sa part 4-5 hahaha

Ok lang yan sis @sunnylife, ang importante mahalaga nawakasan ko na ang paghihirap ng kalooban ni Aileen. Naging masaya na sya,haha. Ang hirap ngang wakasan eh, hehe.

ang galeng mo sis. kaka proud tlga.
sobrang gleng! salamat den sis at naki gulo ka samin
ok na wakasan mo na kz si shikika agawin nya lahat yang mga yan pati yong fil-am haha

Waaahhh...sissy @sunnylife lahat sila sa akin na lahat. Wahahaha. Dapat ako na rin si Marguerette. Nyahahaha

ikaw na lang lahat sis, hinakot mo na ang medalya! hahahaha
sakit sa bangz grabee hahahaha rock n roll!

Wahaha. Sigaw ko'y pasasalamat na may kasamang kaway kaway. Hahaha

You got a 6.52% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

sis binalikan ko tlga!! ang ganda ng ending!!! hahaha nde ko inasahan na sina Mark at aileen magkatuluyan! ang gleng ng daloy ng kwento!
Ang haba ng hair ni Shikika nakatuluyan si Richard kahit may pananasa yan kay Mark hahaha.
Nakaka proud sis ang ganda, galeng talaga ng flow ng story.
MAraming salamat sayo at sana next time join ka pag meron ulet:)

Maraming salamat sis,hehe. Oo naman sis, malugod qng tatanggapin yan qng sakali may serye na naman na ibigay kayo sa akin. At pabis akong natutuwa kasi sa kabila ng hindi ko masyado kagalingan na imahinasyon nagustuhan mo pa din ang naging daloy ng kwento at wakas,hehe.

Ang galing galing mo sis @lunamystica. Hindi talaga ako nagsisisi na ikaw napili ko magpatuloy ng kwento. Wahahaha
Mabuhay ang bagong kasal at bagong panganak. Nyahahaha

sis sa susunod totoong kasalana na ah
pag iipunan ko kz enjoy namn ako sa hugas arinols ko
ako ang cyber ninang hahaha

salamat tlga! nakakaliw mga kwentong eto.
napakaganda ng ending, @shikika sa kanya ang trophy nanalo ang konsensya hahaha
pak na pak!

Wahahaha. Ang galing galing talaga ng mga beshy ko. Hahaha
Binigyan katarungan ang pagsali ni Shikika sa kwento. Wahahaha
Sa susunod kayo naman ang bida sa kwento mga besh. Hahaha

The best ka sis @lunamystica! 👍🏻

Sis @sunnylife successful ang 1st edition ng #steemitserye🤩🤩🤩 Grabe heheh!

Maraming salamat sayo na nagpasimuno sa kajologsang ito.hahaha 😍

Bagamat datapwat subalit whahaha hindi ko inaasahan na si sis @shikika ay naging Sisa sa bandang huli ay happy prin ako dahil marami tayong napasaya, napatawa, napainis,sumakit ang bangz, ulo at tyan😂marami ang sumakay sa kabaduyan at nakisakay sa kabaliwan ntin😂

Maraming thank you sissies.. @jennybeans, @lunamystica, @shikika at lalong-lalo na sau sis @sunnylife sa pagbigay ng pagkakataong maging part ako ng 1st edition ng #steemitserye.😃☺️
Napakalaking bagay nito skin at bonggang exposure at support ang ibinigay nyo.. 😘😍

Salamat... Salamat... Salamat hehehe!

Hanggang sa muli 😘😘😘

Congrats sis @shikika.. Hindi lang Best Actress award ang inuwi mo... my kasama pang Richard!!! Winner u talaga sis.. Wahahahaha!🤣😂🤣😂

Wahahaha. Maraming maraming salamat sa inyong suporta. Kung hindi dahil sa inyo hindi ko matatanggap ang karangalan ito. Wahahahaha

lols handa nasya tumanggap ng trophy grabee panalo tlga! hahaha

Hahaha. Pakitabi po sa mga nakaharang at ako'y dadaan na sa red carpet at aakyat na sa entablado upang akin tanggapin ng buong puso ang trophy na igagawad para aking pagwawagi. Hahaha

salamat den sis @akoaypilipina sa tag na #steemitserye
tagumpay ang unang labas grabee nde ko kinaya mga emotero lahat hhaa
at salmat sa mga sumabaybay ng kwento na eto.
mabuhay!!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61740.86
ETH 3453.31
USDT 1.00
SBD 2.51