Dear SunnyLife -Nasaktan, Bumangon At Nagmahal Muli - Part 2

in pilipinas •  last year  (edited)

Dear Sunny,
Salamat sa mga kaibigan mong nagpayo sa akin, @iamdeth,@dandalion, @shikika @jennybeans,@smafey,@bloghound, @catietan @avyaceulip @zararina @zephalexia at sa ibang sumuporta. Andito ako ngayon pilit na tumatag dala ang hapdi at sakit sa aking puso. Itinuloy ko ang buhay ko at umuwi ako ng Quezon province. Ipinaalam ko sa mga magulang at mga kapatid ang naging sitwasyon ko. Umiyak sila at galit ang mga kapatid ko kay Richard. Salamat sa Diyos at tinanggap nila akong buong buo ng walang paghuhusga.

Disyembre taong 2017, ng ipinanganak ko si Teresa, isang malusog na bata. Noong una hindi ko sya kayang tingnan dahil kamukha sya ng kanyang ama. Tinanggap ko na lamang dahil walang kasalanan ang anak ko. Itinuon ko ang oras at panahon ko sa aking anak, kasama ng mga magulang ko. Pinalaki ko sya ng maayos at mabait na bata. Nag trabaho ako sa kabilang bayan, sa isang Beauty Shop bilang Assistant Manager. Hindi kalakihan ang sweldo pero sapat na para mabuhay ko ang aking anak. Madaming branch ang Beauty Shop namin sa Maynila at matagumpay lahat. Mabait ang may ari nito kaya din ako ay tumagal.

Dito ko na kilala si Mark sa isang hindi inaasahang pagkakataon. Bumili sya ng pabango at biglang nawala ng bigla ng bayaran na. Hinabol ko sya hanggang labas pero hindi ko na sya naabutan. Nagulat na lamang ako ng sabihin ng mga kasamahan ko na sya pala ay anak ng may ari ng Beauty Shop. "Ang yabang naman ng lokong yon. Kahit anak sya ng may ari bakit hindi sya nagsabi or nagbayad. Sayang may itsura pa naman pero kuripot hmp"! Ang tangi kong nasabi sa inis.

Mag 3 taon na pala ang anak kong si Teresa sa isang buwan ang bilis ng panahon parang kailan lang, pero ramdam ko pa din ang hapdi sa puso ko hindi maalis yon, minsan aamining kong umaasa ako na sana kami pa din ni Richard sa kabila ng lahat. Pilit kong kinakalimutan pero bumabalik kahit sa panaginip.

Hanggang isang araw pagpasok ko sa trabaho ko ay may nakita akong isang maliit na kahon sa lamesa sa pwesto ko at may nakapangalang "Aileen" wala naman ibang Aileen sa amin kundi ako lang. Binuksan ko iyon at nagulat ako at mga paborito kong pabango ang nandoon. Sino ang nagbigay nito at bakit? Binasa ko ang maliit na card.

Dear Aileen,
Sorry about the other day.
I was rushing, I fogot to pay you.
Please accept my apology.
Hope you like it.
Yours,
Mark

Loko ang anak ng amo ko, pinagti- tripan ako. Kumatok ako sa opisina at dahil alam kung andon sya sa umaga palagi. Sir, sa inyo ata ito" "Oh, no its for you Aileen, it's for you. Sir, sa akin? "Yeah, Yeah" Naga-alinlangan ako sa kilos ni Mark lalo na ng hinawakan nya ang kamay ko at sinabing "Tanggapin mo iyan, kulang pa iyan sa kasalanan ko sayo" Napatango na lamang ako at walang nasabi, isang tuod na hindi makagalaw. Ngayon ko lang nakita ng malapitan si Sir Mark, mapungay na mata at ang bango bango nya."Oy, Aileen, napaano ka, para kang naengkanto" Sabi ko si Sir Mark matagal ng may lihim na pagtingin sayo ikaw kasi puro ka bahay, trabaho at anak. Move on ka na din girl" Si Hilda matalik kong kaibigan simula nong bata pa kami. Kinakausap pala ako ni Hilda na hindi ko namamalayan. "Ha?" Oo, alam mo bang lahat ng mga babaeng trabahador sa shop sa Maynila at dito sa probinsya ay sya ang laging hinahanap?

Matagal na din pala akong mag isa at puro trabaho at pamilya. Natakot na ba akong umibig? Lumipas ang mga araw, linggo at puro may mga regalo sakin si Mark tuwing umaga. Napapangiti na lamang ako wala namang sinasabi si Mark. Siguro ganon ang mga taga Maynila at may kaya, puro regalo walang ganong sinasabi. Aaminin ko na may kilig sa aking puso na ayaw kung ipakita. Hanggang isang araw kaarawan ni Teresa, nagulat na lamang at at sinorpresa nya kami, may malaking Teddy bear para sa anak ko. Tuwang tuwa si Teresa na ngayon ko lang nakita sa anak ko parang sabik na sabik sa ama. Mabait si Mark at mapagkumbaba hindi mapili sa pagkain. Si itay naman sa sobrang tuwa pinatikim ng lambanog. Madilim na ng umuwi sya, tanging kami na lamang dalawa ang naiwan sa labas, medyo nalasing si Mark, ang bango nya kahit amoy pawis. Noon nya inamin na may pagtingin sya sakin. Wala akong masabi dahil huli na hinalikan nya ako sa aking labi. Halik na matagal ko na palang pinanabikang matikman muli.

Handa na ba akong magmahal muli? Paano kung masaktan ako muli? Totoo kaya ang kanyang pagmamahal? Hindi mahirap mahalin ang lalaking kagaya ni Mark. Naging masaya ang relasyon namin. Tanggap ako ng pamilya ni Mark, kahit kami ay mahirap minsan nasa Maynila sya para sa asikasuhin ang shop, pero hindi ako sumasama dahil sa anak kong si Teresa. Hinihintay ko na lamang ang pagbalik nya. Hanggang isang araw hindi ko inaasahan ng biglang sumulpot si Richard sa buhay naming mag ina. Sising sisi sya sa nangyari at humingi ng patawad.

Hinanap nya daw kami ng ilang taon. Hindi nagbago si Richard, lumakas ang takbo ng didbdib ko, totoo ba ang nakikita ko? Ang unang lalaking nagpatibok, minahal at sinaktan ako. Naghiwalay na pala sila ng asawa nya pagkatapos manganak, hindi pala sya ang totoong ama ng bata. Hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi. May halong galit at awa sa akong nararamdaman. Pero para akong upos na kandila sa kanyang harapan. May pagmahahal pa ako kay Richard?? Oo aaminin ko pero parang ganon na nga. Maayos na ang buhay nya dahil nag abroad syang muli at may naipundar handa syang suportahan kaming mag ina at handa syang mag hintay na patawarin at tanggapin ko sya. Bakit ngayon pa sya dumating kung kailan maayos na ang puso ako at muli kung binuksan sa iba. Ang dikta ng isip ko ay si Mark pero ang dikta ng puso ko ay si Richard. Bakit muling binuhay ni Richard ang pagmamahal ko sa kanya? Pagmamahal pa ba ito o isang katangahan? Tama nga ang sabi nila na ang unang pag-ibig ay hindi namamatay? Ano ang gagawin ko? Sino ang pipiliin ko? Ang unang minahal at nagpasakit sa akin? Ayaw ko mang aminin pero mas mahal ko ang ama ng aking anak. Nahihirapan ang puso ko, o si Mark ang taong hindi madaling mahalin at ibigin at alam kong mahal ako?

Ano ang maari mong ipayo kay Aileen. Isarado ng tuluyan ang puso kay Richard na minsan syaý sinaktan? O piliin si Mark na maari nyang matumbasan ang pagmamahal balang araw? Mga love expert pasok!!!

Ang kwentong ito ay parte ng kajologans ko kathang isip lang mga besh wag mainis kay Aileen lols

PART 1 https://steemit.com/pilipinas/@sunnylife/dear-sunnylife-nagmahal-nabigo-at-umaasa

Keep shining everyone.

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife in the Steemian Forest

Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  

Banggg! Oh diba pren, andito na rin ako. Napahanga mo ako ng tudo may pren. Iba ka! ibang iba ka pren.

Ang kwentong ito ay parte ng kajologans ko kathang isip lang mga besh wag mainis kay Aileen lols

Sa ganun. Soaper Souper Ganda ng kaJologan mo pren.

Wag nang magpili si Aileen sa "Mahal ko o Mahal ako". Mag toss nalang siya ng coin para di mahirapan. hahaha

gravee ma pren sakit sa bangz pala ng kwentong ganto hahaha
salamat ma pren sali ka samin next time kzo nosebleed ka sa tagalog tsk.
mag toss na lang hahaha panalo comment mo! hahahahaha sakit sa tyan

salamat ma pren ika ka tlga. ma pren bawi ako tumbling dito sa busy ng lafy haha

Hahaha... Ok lang may pren. Nakaka.enjoy basahin blog mo. More more more! Hahaha

Enebeyen? @sunnylife...Sino ang pipiliin ko ikaw ba na pangarap ko,o siya bang kumakatok sa puso ko💓💔Ang peg!!!!
Aileen Ang hirap tlaga ng mahaba Ang hair hehe..
Aileen,huwag magmadali sa pagdedesisyon kilatisin mo muna si first love sigurado bang Hindi siya Ang ama,sa unang banda bkit may kasabay Kang nabuntis niya?sila ba ay kasal? Kung ganon eh yari ka,ano Ang labas mo pag binalikan mo siya?ikaw si kirida,kabit,eskabeche,babae,number 2,malandi,maninira ng pamilya,mang aagaw,kaulayaw,bruha! lahat na ng masasakit na salita.
At si bossing naman as in tanggap nga ba niya si Teresa?Kasi buy one take one yan baka Naman baitbaitan Lang dahil Hindi ka pa niya napapasagot?baka Naman pagtagal ay magbago din siya?
Tingnan mong mabuti Kung saan mas madami Ang advantages at disadvantages.kung ano man ang maging desisyon mo dapat ay panindigan at walang sisihan.Himingi ng matinding gabay sa may kapal yan Ang pinakamainam.
Weeeww...hirap kathang isip palang yan paano na Kung totoong buhay na may nangyayari naman tlaganna ganyan.sakit sa noo ko na malaki @sunnylife👽👽

hahah sumakit ang bangz ko sa dito sis hahaha
grabee panalo ang mga payo nyo! pak na pak!
Sabi ng puso si richard, sabi ng isip si Mark.
legal na hiwalay na si Richard hahaha aray ko natawa ako sa comment mo hahaha
PAano ba malalaman kung totoo ang pagmamahal ng isang tao?
Anong sakripsyo ang dapat nilang gawin? Paano sinusukat ang pag -ibig ng isang tao kung totoo o hindi?

Mas Lalo mo pinapalapad noo ko @sunnylife haha!
Paano ngaba masusukat? Siguro pag dating sa mga panahon na nahihirapan kana eh Hindi ka iiwan,kahit nailabas Mona lahat ng kapangitan ng ugali mo naging bakulaw kana tanggap ka niya kahit ipagtabuyan mo na eh sa distansiya sinusubaybayan ka niya.
Minsan Sabi nga nilagay ang ulo mas mataas sa puso Kasi natuturuan ng isip Ang puso,ang puso nabubulag niya ang isip.Pero Ang huling pasya ay sayo talaga.Basta panindigan at walang sisihan.

hahhaah grabee sis yong part 3 and 4 na release na sis basa na dali
wahhaha bakulaw tlga hahaha panalo ka tlaga sis.
rock n roll!!!

Ay wait Lang haha! Kalahati ng ulo ko puro noo na Kasi papasakitain mo nnanaman noo ko 👽👽

I love the turn of event and the twist of the story sis!! Ang malaking tanong: Sinong pipiliin ko mahal ko o mahal ako ??hahaha

Well, others believe that love is sweeter the second time around and love do conquer fears but if you're afraid of being hurt by him over and over again then girl, move on, thats not love!!! Why settle in a relationship full of worries and fears? With all the doubts and uncertainty, I'm sure you both won't be happy at all!!!

Choose Mark instead kasi may chemistry kayo haha, kinikilig ako sa short convo niyo eh and sa sweet gestures niya lol.. You might not love him for now but you will love him eventually. Don't let your heart dictates your mind, let your mind dictates your heart because sometimes the brain knows more than the heart can tell and kaya nga sa Anatomy, brain comes first before the heart kasi utak mo muna ang pairalin mo bago ang puso. It may sound unfair to your part but I think this is what's best for everybody and try to reflect to as well.. Baka pinipilit mo lang yung sarili mong paniwalaan na mahal mo pa si Richard pero yung totoo hindi naman na pala. Na what you are feeling for him is not the "lover's affection" kind of love anymore but more of a love for humanity; a love for a friend... charing hahaha !!!

Grabee parang si ate charo tlga ang dating, next episode: Dear Jellybeans na!
Thanks you sis yong comment mo isang blog na hahaha grabee ang gagaling nyo wa ako ma say.
Ang daming Team Mark dito, si @shikika pag binigay natin sa kanya chapter 3 dead na si Richard para kanya si Mark mag isa wahhahaha
Excited nako sa part 3- love your advice sis. pero mahirap nga bang turuan ang pusong magmahal?
Dahil forever na yan...abangers!!!

Hahaha, sis... Ang hirap sundan ng sayo!!! Galing mong magsulat ehhhh... Pero sis @jennybeans username ko hindi @jellybeans hahahaha nasanay ka na!!! ☺☺

lols kasalanan ni woof talaga yan.
sa mga payo mo palang kayang kaya mo yan, jologs nga yang sakin sis.
keribels let's do it for fun. bukas ko na gawin yong intro sa bagong pasabog
dami ko work haha

pinalitan ko na sis hahah sorry

Ok lang sis hahaha
Ang pangamba ko lang ay baka matapos ko ang kwento agad agad lols

Dear Sunny Life,

Can you give sunshine to my life? hehehe

Dear micc,
Ikaw ang ilaw sa madilim na daan.
ngek! ano daw?

Hahaha parang ikaw lang momshie? Ilaw ng tahanan .. Hehehhe

Hahaha. Sissy di ba ipinanganak si Teresa noong Dec. 2017 bakit 5 na sya ngaun. Hahaha . isinalin ko talaga sa totoong panahon. Hahaha
Sabi ko sau noon Aileen kausapin mo muna si Richard di ka kasi nakinig. Hahaha. Anyways, dahil may-asawa na un tao tami din naman naging pasya mo na umuwi na lang.
Naku wag kang padala sa nararamdaman mo kahit hiwalay na un lokong Richard na un kasal pa rin un. Hindi pa un annul. Hahaha. Iwasan mo un. Pasensya ka na sa katatawa ko masyado seryoso buhay mo. Chill chill lang. Hahaha.
Cge ka kung piliin mo mokang Richard na un sa akin na lang si Mark. Hahaha

  ·  last year (edited)

hahaha teka namali ng bilang anong year na tayo? 2018? hahaha
pati year katahang esep lols

Hahaha. Ok lang yan sissy. Kathang isip lang naman. Wahahah

sakit pala sa bangz mag imbento ng kwento hahaha

  ·  last year (edited)

lols pogi ni mark mabango pa lols.
noong una ayaw nga ni richard makipag usap cguro dahil lito sa isip din naguluhan
so piliin ni aileen si Mark? malay mo...hahaha

Ayun sa sabi sabi kung magnobyo daw ako wag daw Mark un pangalan dahil un mga loko daw mga Mark. Pero dito go ako ky Mark. Wahahaha

  ·  last year (edited)

haha grabee pati pangalan mangloloko na din? hehe
cge si Mark abeylabol pag pinili ni aileen si Richard na mahal nya wbahha

Si Mark na lang mas mabango.. Lols! Mapungay pa ang mga mata, laging nagbibigay ng gift at may mga negosyo.. Lols ulit! 😂..praktikal na lang.. Wag nang mgpaka"T" kay Richard kasi maski hiwalay na sya, nakatali pa rin sya:).. P.S. hingi na lang po ng child support para sa anak hahahaha😃 (sis sorry sa payo ko ha medyo materialistic lols

  ·  last year (edited)

wahahaha panalo eto, mabango, mapungay na mata at may negosyo hahaha pak na pak!
mahirap ang buhay ngayon, kelangan minsan gamitin din ang utaks hehe
sis d ko expect yong payo mo pero baka pede haha ayos to sis.
Isip na lang gamitin at kaunting puso haha rock n roll!
Sino kaya pipiliin ni aileen?
ang gleng nyo lahat magpayo haneps!

Ky Mark na lng😭 C Richard kasi he left them just when they needed him the most... Thought Sabi nga nila... Everyone deserves a second chance.. Pero hindi kasali si Richard don lol!..kasi manloloko sya, namangka sa dalawang ilog..sabi mangingibang bansa, nangibang lungga nman pla hmmm.. Tas in the end xa tin pla naloko kc hindi nya anak ung batang dinala ng pinakasalan nya.. C Aileen naman, nakamove on na sya.. Kinaya nman nyang mabuhay w/o Richard at nalimot nya through Mark. Don na lang sya sa taong mas nagmamahal sa knya, ung hindi sya sasaktan at iiwanan.. Ang puso naman madaling turuang magmahal😍 Hehe kaya kay Papa Mark nlng hehe

hahaha grabee panalo sis wala akong masabi sa inyo.
may bagong pasabog, antayin mo ang kasunod dahil isa ka sa gagawa ng kwento
daming Team Mark d2 hahaha ayos nakakatuwa mga comment nyo panalo winner!

Nyaaaah! Excited na ako sa pasabog sis... Ano kyang mngyayare.. Mkktulog kya ako neto hehe😂

hahaha katahang isip lang sis basta wag mong pataying an g bida agad hahahaha

Walang patay2x sis.. Lahat happy hehe

Oh noh, mahirap yan.. tuhuran ng panalangin.. seek godly council..
ummm mahirap i-balance yan ah..

Ayusin muna n rchard yung marriage nya ,legally separated na ba o annulled na cya..iayos ang lahat ..

Kung may natitira png pagmamahal si aileen kay Richard.. love conquers all.. everyone deserve a secondchance.. for the sake of Teresa.. mas ok na yun si rchard pa din ang piliin nya kase cya ang ama ni Teresa.. for Mark .. kung totoong mahal nya si aileen.. let her go.. the best is yet to come..

Wow ang saya naman .. happy ending for Teresa buo ang family nya..

Thank you for sharing Sis..
I hope nakakatulong ang payo ko.. Godbless..

Wow naman Joe. isa ka na palang taga payo. cge na nga pag sabihan mo din kami hahhaa peace.

Joe the mango..

sir anong advice mo? hehehe

  ·  last year (edited)

aww ang gleng magpayo naman ni sis:)
legally separated na si Richard, clear ang exit nya sya sa dating asawa.
kzo si aileen may halong takot pero mahal nya si Richard kaysa kay Mark
grabee feel ni sis ang drama ni aileen. Salamat sis.
Have a lovely day.

I wasn't able to read the first part pero nahook ako sa kwento! HAHAHAHA Although sa last part ko na narealize na parang hindi totoo pero nahook tlaga ko. Whahaha. Team Mark!!!

thanks for reading, bute napagtyagaan mo nosebleed ka dyan sa tagalog ko hehehe
yong part 1 https://steemit.com/pilipinas/@sunnylife/dear-sunnylife-nagmahal-nabigo-at-umaasa

Team Mark ka den? bakit naman?

Yup nabasa ko na din after nung part 2. Haha baliktad. Okay lang naman tagalog mo!
Hindi dapat binabalikan yung mga taong nangiiwan... HAHAHA

hehehe salamat. ikaw ang nosebleed sa tagalog ko
sanay ako sa tagalog hehe
abangers may part 3 pa.
baka bigyan sya ng second chance si Ricard hehehe

Hahaha! We'll see

Dear @sunnylife <3 nagmahal ako, nasaktan, nagsteemit at nagmove on, ang saya at makulay ang kwento mo sis hehehe nakakagoodvibes. :-)

hahaha thanks sis paano bayan lahat ng nagko comment dito nadadamay
hahahah anong advice mo kay aileen sis? abangers dahil may ibang gagawa ng part 3.
at lahat ng nagko comment d2 itutuloy nila ang kwento hahaha

ayyyyy!!!hala ndi ako na informed sis bwhahahahaha :-D
ito ang aking munting maipapayo kay Aileen, base sa aking personal na karanasan, sundin mo ang iyong puso, bwhahahahahaha :-D kasi ang puso deceiving yan, it is the seat of all emotion kaya kung magdedesisyon ka, Aileen gamitin mo ang yong puso. Love is all we need <3 love love love <3. I hope nabigyan kita ng konting kaliwanagan sa aking payo hahahaha :-D

ayayyay kaganda ng payo, o mga team mark sabi ni sis shirley gamitin ang puso
abangers natin sis ang part 3
thanks sis

hahahaha naman sis nakakahawa ang kwentong pag-ibig mo at kaabang-abang :-D <3

  ·  last year (edited)

Shir puso na hindi pusong bato ha... hindi lng puso pati pag iisip.. wag isipin lng ang sarili ha.. pati anak.. buong puso.. buo ang pamilya... ibalik ang pusong teenager not teen-anger.. remember your first love ba yan.. eh d ist love never dies nyahahaha... peace shir!!!

bwahahahahha very well said ms. cate thank you sa payo mo hehehhe :-D

hirit pa shir banat,,

Banggg! Oh diba pren, andito na rin ako. Napahanga mo ako ng tudo may pren. Iba ka! ibang iba ka pren.

Ang kwentong ito ay parte ng kajologans ko kathang isip lang mga besh wag mainis kay Aileen lols

Sa ganun. Soaper Souper Ganda ng kaJologan mo pren.

Wag nang magpili si Aileen sa "Mahal ko o Mahal ako". Mag toss nalang siya ng coin para di mahirapan. hahaha

Ang galing sis @sunnylife. Nabasa ko una etong serye kay sis @akoaypilipina, ang ganda ganda ng kwento kaya sinimulan ko na talaga and for sure hanggang katapusan ang pag aabang ko nito. Para lang ako nagbabasa ng wattpad or pocketbooks,hehe. Thanks for this @sunnylife.

Hirap naman niyan ganyang kalagayan parang kanta, " mahal ko o mahal ako" hehehe. di ako love expert mam @sunnylife,
hhmm. kay Aileen kilatis mo muna sa kanilang dalawa. ...kay Richard kung totoong nagbago na siya. ..kay Mark kung senseridad ba siya talaga lalo nat may anak ka na. wag lagi puso ang pairalin gamitin ang isip sabi nga The heart is deceitful.. hehehe. pero tignan natin ang daloy ng kwento hehehe. maraming salamat mam.

OMG ! SIssy!! pumasok ako ng maaga sa office para mabasa to,. hahaha.. babasahin ko muna yung susunod.. hahaha nakakabitin