Dear Jennybeans - #Steemitserye - Mahal ko o Mahal Ako - Part 3

in pilipinas •  last year 

27867166_1936380410010841_6809370049483064124_n.jpg

Dear Jennybeans,

Magandang araw sayo! Si Aileen to, batid kong ikaw ay nagtataka kung bakit ako nagpadala ng liham sayo. Naibahagi sa akin ni @sunnylife ang mga naging payo mo at oo, pinili ko si Mark over Richard hindi dahil sa mahal ko siya kundi dahil nakikita kong mas close at mas masaya ang anak kong si Teresa sa kanya. Alam ko rin naman na hindi magtatagal ay matututonan ko rin siyang mahalin at yun ang pinanghahawakan ko. Si Richard naman ay nangibang bayan uli at aayusin niya daw ang kanyang sarili upang pagdating ng araw ay maipagmamalaki siya ng aming anak.

Nagdaan ang mga buwan at hindi ko namamalayan na pangalan na ni Mark ang isinisigaw ng puso ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, ang mahalin ng isang lalaki na tatratuhin akong espesyal. Naging masaya kami, may kaunting di pagkakaunawaan pero ganyan naman talaga ang pag-ibig parang buhay ng tao, hindi perpekto at niyayanig din ng mga pagsubok na siyang nagpapatibay at humuhubog sa ating pagkatao.

Isang gabi habang ako'y naglalakad sa madilim na eskinita pauwi sa amin napapansin kong parang may sumusunod sa akin kung kaya't nilakihan ko ang mga hakbang ko pero andun pa rin siya nakabuntot kaya naman tumakbo ako at sa bawat pagtakbo ay nananalangin ako na sana maging ligtas ako pero ayun naabutan ako ng humahabol sa akin at bigla na lamang nagdilim ang aking paligid dulot marahil ng panyong itinakip niya sa aking ilong at bibig. Nagising ako sa tinig ng isang lalaking kinakanta ang "Perfect" ni Ed Sheeran. Ang lalaki ay nakaharap sa akin dala ang gitara at nakangiti siya. Di ko maaninag kung sino dahil medyo lutang pa ako. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at ang katagang "Wow" ang unang lumabas sa aking bibig. Nasa Venice Grand Canal Mall, McKinley Hill ako sa BGC, puno ng mga bulaklak sa paligid at tila ginawang pribado. Nakuha ng isang batang babae ang aking atensyon ng ako'y hilahin niya papunta sa kinalalagyan ng lalake. Laking gulat ko dahil si Teresa pala ang humihila sa akin papunta kay.... kay Richard??? Bakit siya???

17191206_10208382364906405_8516799085329151261_n.jpg

My fave male volleyball athlete Rex and his gf Ciacia in the photo. (Inspired by them ang setting hehe)

Joke!!! Kay Mark syempre. Sumakay kami sa bangka, nagka-kwentuhan hanggang sa naging seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha at siya ay nagsalita.

"Aileen, kay tagal kong hinintay ang pagkakataong ito. You are the woman I've been praying for. You make my life complete and I don't want to let you go. I love you so much. Will you marry me?"

May kinuha siya sa kanyang likuran, isang maliit na kahon at ng kanyang buksan ay tumambad sa akin ang isang singsing na nagniningning sa ganda. Natulala ako at hindi makapagsalita.

"Hey, Aileen, love. What now? Ayaw mo ba kong pakasalan. Tsk! Aray! Sa gwapo kong to, aayawan mo haha" bulalas ni Mark kaya natauhan ako bigla.

"Love, you gave colors into my life. You make me feel important and loved. You seemed to be my knight in shining armor and became the sun in my darkest days. I'm so happy that God gave me you, I love you more and I want to spend the rest of my days with you so, yes.. I will marry you!!!"

Pagkasabi ko nun ay biglang nagliwanag ang kalangitan. May pa-fireworks pala si mayor hindi ako na inform haha at nagpalakpakan ang mga tao sa paligid namin. Andun na pala ang pamilya ni Mark pati na rin ang pamilya at malalapit na kaibigan ko. Grabe, I don't wanna end this night. Ang takot ko kanina ay napalitan ng di mapantayang kasiyahan. Plano pala talaga ng mokong na yun na ipa kidnap ako at ikulong sa kanyang puso.

Naging busy kami sa pag-aasikaso ng mga kakailanganin namin para sa kasal and very hands on kami in every details. Ayaw naming iasa lahat sa mga wedding organizers as much as possible. Sa Batanes kami ikakasal on the first month of next year. At excited na ako, finally magiging pamilya na kami. Pero sa kabila ng pagiging busy namin sa kasal ay pumapasok pa rin ako sa trabaho gayundin si Mark. May business na kasi siya sa Taguig, isang bar and dinadayo talaga kaya every weekend ko lang siya nakakasama.

156582_422904727734721_407594881_n.jpg

Habang nag b-blog ako, nagsisisigaw si mama at minamadali akong manuod ng news sa TV. May aksidente pala, isang kotse at ten wheeler truck ang nagbanggaan. Kinabahan ako bigla, parang kotse ni Mark yun ha. Parehas ng kulay pero di ko pa sigurado dahil hindi ko makita ang plate number. Gumuho ang mundo ko ng marinig ko ang pangalan niya mula sa bibig ng reporter. Kumaripas ako ng alis, wala akong pakialam kung anong ayos ko dahil si Mark lang ang nasaisip ko. Ok lang kaya siya? Nang dumating na ako sa hospital, nakita ko agad ang mga magulang ni Mark na umiiyak. Halata sa mga mukha nila ang pag-aalala na baka mawala sa kanila ang nag-iisa nilang anak ngunit mas doble ang pag-aalalang nararamdaman ko. Pumasok ako sa kwarto niya at hinihintay siyang magising gusto ko kasi na ako ang una niyang makikita pagkagising niya. Makalipas ang 10 minuto ay minulat na niya ang kanyang mga mata. Ang mga titig niya ay may halong pagtataka at ang mga salitang binigkas niya ang nagpaluha sa akin.

"Sino ka? Yaya ka ba namin? Bakit ka andito? Where's my mom and dad? I don't need you here" aniya.

"Joke ba to? Tatawa na ba ako? Grabe ka Mark wag kang magbibiro ng ganyan. Si Aileen to fiancee mo!"

Hinihintay kong tumawa siya at sabihing biro lang dahil alam kong likas na sa pagkatao niya ang pagiging maloko pero hindi ehh. Naging hysterical siya at nagsisisigaw kaya pumasok na sila tita.

"Mom, dad? Who is she? Sabi niya she's my fiancee. What a bluff. I will get married to Marguerette soon right? She just have to fix some things in the states and she'll be back for our wedding."

Marguerette? Kasal? Ano to? Naguguluhan ako. Ni kahit minsan wala siyang na-ikwento sa akin tungkol kay Marguerette. Sino si Marguerette? Isa ba siyang multo mula sa kanyang kahapon? Anong gagawin ko? May amnesia daw si Mark sabi ng doktor at maaring magtagal bago niya ako maalala muli. Sabi nila tita sa akin na be patience lang daw at nagtyaga naman ako kahit na araw-araw niya akong tinataboy, kinakaya ko pa rin. May improvement naman ang pagtrato niya sa akin everytime na binibisita ko siya. Batid ko ang kanya pagkalito at pag-aalinlangan pero alam ko rin na pilit niya akong inaalala. Ok na ko sa ganun dahil darating din yung araw na maaalala niya rin ako. Ngunit lahat ay biglang nagbago ng pumasok na si Marguerette sa eksena. Yes, dumating si Marguerette galing states, anak siya ng business partner ng parents ni Mark at ang kanyang dating kasintahan.

Maganda siya, balingkinitan ang katawan, katamtaman ang taas at mestisa. Nakikita kong masaya sa kanya si Mark at aaminin ko na nagseselos ako dahil dapat ako yun eh. Ako dapat ang kasama niyang tumatawa at hindi ang ibang babae. Hahay, dapat ko bang hayaan na lang si Mark sa piling ni Marguerette? Pero partial amnesia lang naman eh, baka maalala niya ako muli. Anong gagawin ko? Ipaglalaban ko ba siya? Ipaglalaban ko ba ang pag-ibig namin hanggang sa huli? Paano? Eh ako lang ata ang lumalaban.



Mga kaibigan salamat sa pagsubaybay niyo sa istorya ni Aileen. Ano kaya ang dapat na gawin ng ating bida? Isisiksik niya ba ang sarili niya sa buhay ni Mark o hahayaan na lang niya ang binata at hihintayin na lang na maalala siya ng puso nito?

Na kay @akoaypilipina ang desisyon dahil siya ang magpapatuloy ng part 4 para sa steemitserye na ito. Ngunit subalit datapwat kailangan ni Aileen ang mga payo ninyo upang mabigyan ng ideya ang ating writer kung ano ang gagawin niya....hahaha



Sorry ito lang talaga ang nakayanan kong gawin. Sa mga #TeamRichard dyan paumanhin dahil #TeamMark ako ehh... :) At hindi ko rin pwedeng ipaubaya kay @shikika ang part 4 dahil baka ma dead si Marguerette ng wala sa oras hehehe.... Kailangan niya pa ng more exposure sa kwento!! 😁


Para sa mga hindi nakasubaybay, narito ang kwento ni Aileen:

Part 1 - Dear SunnyLife - Nagmahal, Nabigo At Umaasa
Part 2 - Dear SunnyLife - Nasaktan, Bumangon at Nagmahal Muli



U5dryacLKKpig2tysTaHYTxGFQtFrwZ_1680x8400.png

I'm a member of the Gratefulvibes Community

20180404_000425_0001.png



Thanks for dropping by! Hasta la proxima!


Authors get paid when people like you upvote their post.
If you enjoyed what you read here, create your account today and start earning FREE STEEM!
Sort Order:  
  ·  last year (edited)

pwede na i-refer ko dito wife ko. Ang hilig non sa pocket book stories. Nakakahawa talaga si @sunnylife noh? hahahahaha.

@jeanp, basahan mong series na to. mga gawa ng talented Jologs (gawa daw kasi to ng kajologan, sabi ni @sunnylife). Impressive talaga. Nakakamangha!

Ang gagaling nyo @jennybeans. Bagong kakaabang mundo to.! Bestest ladies.

True @leebaong nakakahawa talaga si @sunnylife hahaha...
And thank u sa support ...

hahaha ma pren nahawa na sila ng kajologans ko hahaha
good to see ma pren, hahaha
nde ak makahabol, kaya naiwanan ng eroplano pati palae2 may part 4 na ang bilis nila hahhaha
ang gagaling nila sobra!!

I will pretend as if i understand what you said here.
The only word i understand here is mahal
Hehe

I guess this is a lovely poem

Upvoted and following you

Blessings

Thank you for showing your support @mrposyble even if you didn't really understand the whole thing 😊😊

Its not a poem but a love story if I could only translate it in English I bet you'll surely love it hehe :) God bless !

Ako na pala ang magtutuloy.. Abang ka na sis @shikikah sau na part 5 lol

Yes ikaw na sis 😊
@shikika sayo na daw ang part 5 baka kayo ang ikasal ni Mark ah.. Tututol talaga ako hahahaha 😝😝

Lol mapapakay @shikika na ba talaga si Mark?hehehe abangan

Ibinigay nyo na nga sa akin ang para sa happy ending. Waaahhhh. Mga abangers pasensyahan na lang tayo. Hahaha

wahahhaha grabee natwta ako sa comment nyo!
nde ako makahabol hinay lang muna waitttt

That was beautifully written <3

Thank you sis. ❤

  ·  last year (edited)

Waaahhhh.... @jennybeans anong ginawa mo sa Mark ko!? Muntik na sya mamatay dahil saiyo. Lols. Eto naman si Aileen di pa kasi si Richard na lang ang pinili ng sa ganun si Mark ko ay nasa piling ko na. Wahahaha!
Naki-eksena pa talaga ang manloloking ex gf ng Mark ko. Kakainis! Lolokohin na naman sya nun. Alam naman ni Mark na madaming boyfriends un. Puntahan ko Mark at ng matauhan at maalala ang lahat ng meron kami. Wahahaha
Ok lang @jennybeans kung hindi ako ang sa part 4. Dahil ako ang sa happy ending. Lols.

Hahahaha, aawayin ka ni Aileen at Marguerette kung makiki-eksena ka @shikika .. Naku baka puro kalmot ka pag-uwi mo lols.
Sige na nga ikaw na happy ending ni Mark pero good luck sayo dahil maldita si Marguerette di papayag yun hahahaha

Hahaha. Wala silang laban sa akin lage ako meron shut gun na dala. Wahahaha

Oh oh my kinabahan ako sa kidnap scene? waaaaa
Kala ko pinakidnap si richard dahil naging bitter!
grabee sis nde ko inakala yong twist na nagka amnesia ang mabangong si Richard at si mestisa ang nalalala nya hahaha

Aileen, naguluhan ang ulo ni Mark at hindi ka nya naalala sa ngayon. Pero hanggang kailan ka maghihintay? Ang sakit naman.
Ang payo ko sau, maghintay ka muna pagtygaan mo muna si Mark
dalawin at magdasal, kung sya ang nasa puso mo magsa sakripisyo ka pero ang tanon hanggang kailan?

@#$ naloka ako sis!!! epekto ng korean drama. NA appreciate ko tlga.
Salamat!!!

Siguro kung part 4 ibibinigay ay @shikika wala na si mestisa sa eksena!
akin ka MArk, kahit may amnesia ka!! hahahaha

Gora!!!! Galeng!!

Thank you so much sis at naibigan mo...
Siguro nga magsasakripisyo si Aileen, ipaglalaban niya si Mark cause in the first place siya naman talaga ang may karapatan sa binata dahil siya ang pakakasalan. Kung ako kay Aileen, naku sasapawan ko si Marguerette. I mean tatapatan ko siya at hahamonin ko ng suntukan, tingnan natin kung makikialam pa siya lol..

Hahahaha yun rin ang naisip ko sis pagbinigay ko kay @shikika angb part 4. Baka itanan niya hahahaha

Hahaha. Hindi makakayanan ni Aileen ang sakit. Ano ba kayo! Nasasaktan na nga un tao gusto nyo po masaktan lalo kahit harap harapan ng nakikita ni Aileen ko gaano ka sweet un dalawa at kitang kita ng dalawa nyang mata na hinahalikan ni Mark un mokong na manlolokong Marguerette na un. Hahahaha

Hoy grabe @shikika, di naman hinalikan ni Mark si Marguerette... Hindi ako makakapayag lols 😁... Pag nangyari yun ako mismo ang kikitil sa buhay ng malditang yun chos hahaha 😂

@jennybeans andun na Part 4. Patayin mo na si Marguerette. Hahahaha

Wahahaha. Cge lang paikot ikotin o pahabain nyo man ang storya sa akin pa rin ang happy ending sa Mark ko. Waaahhhh.....

You got a 4.51% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

This post has received a 35.71 % upvote from @sureshot thanks to: @bitcoinparadise.

@sureshot is part of the @fivestargroup movement in collaboration with @block-buster Witness.

awww cute photo of the panda's cuddling at the top ^_^

🐼🐼🐼❤😊😊

ang galing nio mam @sunnylife, @jennybeans, pang telenovela. Team Mark na ako. hehehe

Hahahaha
Yes, mabuhay ang Team Mark !!!
Thanks for supporting @fherdz and thank u rin na nagustuhan mo 😊😊😊

Mark! Anak ka ng anesthesia! Na amnesia kapa?naandun na eh papunta na sa kasal eh nagkaroon tuloy ng Marguerette bwisette!

Nakakatuwa talaga imahinasyon nating mga babae lumalawak parang noo ko lang hehe
Congrats! @sunnylife @jennybeans

Hahahaha, parang noo ko rin pwede ng maging runway sa airport hahaha
Maraming salamat @mallowfitt sa pagbisita at pagsubaybay ng kwento ni Aileen.... ☺☺☺ part 4&5 ay naisulat na nina @akoaypilipina at @shikika 😊

Part 5 nako👍
May ka airport pala ako hehe..😊

sissy!!!!!!!!=)

Thankie thankie sa pagsubaybay sizum @iamdeth

hi sis @jennybeans =) welcome,. pinaglalaanan ko talaga ng oras si aileen . hehehe .babashin ko na part 5 after this =)

Nakakatuwa kung paano mo dinugtungan ang kuwento ni @sunnylife. Isa na ako sa mga taga-subaybay ng steemitserye n'yo. Nakakatuwa lang kasing basahin ang kwento ni Aileen at nakakabilib kung paano n'yo dinudugtungan ang mga pangyayari. Clap! Clap!
Na-shock nga rin pala ako ng slight kasi kapangalan ng bf ko ang bf ni Aileen. Hahaha. Pero mas na-shock ako kasi fresh pang naaksidente ang bf ko kaya nakakarelate ako sa ginawa ni Aileen noong nalaman niyang naaksidente si Mark, medyo pareho kaming nag-panic. 😅
Pero buti na lang hindi na-amnesia ang bf ko tapos may dumating na ibang babae gaya ng kwentong ito. Kasi hindi ko alam ang gagawin. Kaya good luck na lang kay Aileen. Hehehhe. Gora muna ako sa part 4. 😂

Salamat sis sa pagsubaybay ng kwento ni Aileen, sa totoo lang di ko naman talaga inaasahan na ako pala ang magdudugtong ng nasimulan ni @sunnylife dahil masugid lang akong tagapagbasa ng mga akda niya pero sa di inaasahang pagkakataon sa akin pa naibigay ang part 3 at naging #steemitserye pa ito hehehe.. Salamat at nagustuhan mo..

Grabe di ko expect na kapangalan pala ni Mark ang bf mo at pareho pa talaga silang naaksidente hahaha .. Buti na lang ok na bf mo sis at walang umepal sa relationship ninyo hehe... Salamat muli sa pagtambay dito @jemzem 😊

Grabeng coincidence nga. Hehehhe
Nabasa ko na pala lahat ng update ng steemitserye hanggang part 5 at talaga nga namang magagaling kayong apat! Nakakatuwa talagang basahin ang kuwento at nakakapanabik ang mga susunod na eksena. May bago na akong aabangan dito sa Steemit. 😂
Good job sa inyo, @sunnylife, @jennybeans, @akoaypilipina, @shikika. 👍