TagalogSerye: Unang Araw mula sa Unang Pangkat

in #philippines6 years ago

Sa isang klab nagsimula ang lahat. Ako ay ang tanyag na mananayaw sa isang na bahay-aliwan dito sa may Espanya Manila na nagngangalang "Angels Paradise KTV Bar".


Ang larawang ginamit ay ginawa sa website na spark.adobe.com

Sa iyong pagpasok makikita mo agad ang isang munting entablado na mayroong poste na gawa sa isteynless. Dito kami nagsasayaw sa bawat gabi ng aming pagtatanghal. Puno ng usok mula sa sigarilyo ang paligid, madilim... at ilaw lamang ng entabladong pula ang naroon, maliban dito maamoy mo din ang nakalalasing na alak sa buong lugar. Puno ng ibat-ibang klase ng tao sa lipunan ang aming klab, simula sa mga pulitiko na hindi namin pwedeng pangalanan hanggang sa mga nagtatrabaho sa "construction site" sa kabilang kalye ay naririto humahanap ng sandaling aliw dahil sa malayo sila sa kanilang mahal sa buhay.

"Eto na ang inyong pinaka hihintay ngayong gabi! Narito na ang anghel na kayang magpalayas sa mga demonyong nagtatago sa inyong pagkatao. Masigabong palakpakan para kay Mikaela!"

Ito na ang hudyat para ako ay lumabas ang aking kasuotan ay matutulad sa mga rumarampa sa Victoria's Secret Angel mayroong puting pakpak at nakasuot lamang ng bra at t-back na kulay puti rin. Sa aking paglalakad lahat ng mata ng kalalakihan ay nakatitig sa akin. Hindi ko ito gusto noong simula ngunit ng di kalaunan ay nasikmura ko narin ang mga nangyayari. Hindi ko ito ginagawa para sa pera di katulad ng iba, ngunit ginagawa ko ito dahil sa paraang ito napatunayan ko na mas malakas ako sa kalalakihan.

Pinagkunan ng larawan

Sa aking panunukso na ako ay maghuhubad na ng aking pang-itaas lahat ay tumitigil, napapalunok ng laway at naka-abang sa mga susunod kong gagawin. Bilang dagdag na serbisyo sa aking mga parokyano, isang maswerteng lalaki ang aking aayain sa entablado at doon siya ay aking aalayan ng isang senwal na sayaw na kayang gumising sa natatago niyang pagkalalaki.

Nilibot ko ang aking mga mata, naroon ang aming regular na bisita si SPO3 Ricardo Dalithay na nakamasid. Malaki ang tiyan at naka-uniporme parin, dito ang kaniyang duty ayon sa manager namin siya ang pinaka protektor ng klab kaya kahit kailan ay hindi ito na raid. Si Tongressman ay narito rin pala, isang matandang nasa edad 60 anyos na ngunit hanggang ngayon ay hindi parin matigil-tigil sa kakatihan.

"Ayaw ko sa kanya amoy lupa na "

Inilibot ko pa ang aking paningin at isang binata ang pumukaw sa aking atensyon. Naka leather jacket, sumbrero na itim. Naka maong na pantalon at higit sa lahat mukhang batang-bata pa, mga nasa edad 25 hanggang 30 anyos siguro.

Dahan-dahan akong lumapit sa binata at hinawakan ko ang kaniyang kamay at inaya sa entablado. Para siyang nagayuma sa mga nangyari, umupo siya sa upuan na inihanda ng mga assistant at dito na ako sumayaw.

Pinatugtog na ng DJ ang kantang "Careless Whisper" at sa umpisa ng tugtog ng nakakahumaling na saxophone doon ako umindayog ng husto. Tulala lamang ang binata sa mga nangyayari at hindi siya napaimik sa aking ginawang pag giling.


Pinagkunan ng larawan

Hinipan ko rin ang kaniyang tainga at kinagat din na waring nagtutukso hanggang sa natapos na ang aking munting serbisyo sa kanya. Sa pagkatapos ng awit, inalalayan ko siyang tumayo at inihatid sa kanyang kinauupuan dahil narin sa ako ay natuwa sa kanyang reaksyon na mahahalata mong siya ay baguhan lamang sa ganitong larangan, sa kaniyang harap hinubad ko ang aking pang-itaas at ibinigay sa kaniya bilang isang regalo.

Sa aking pagbalik sa entablado, naglakad ako ng nakatakip ang dibdib at nagpasalamat sa mga at kinindatan ang mga tao habang binabagtas ang likuran nito.


Ito ang aking bahagi para sa TagalogSerye: Ang Unang Hamon ng Dugtungang Kwento dahil ako ang unang araw sa aming pangkat na sina

@beyonddisability - Martes
@rodylina - Miyerkules
@cheche016 - Huwebes
@valerie15 - Byernes

ito ang naisip kong simula ng kwento, ginamit ko ngayon ay ang

Mga Karakter
Ang Maalindog: Isang babaeng may kumpyansa sa sarili at kayang magpaikot ng tao sa kanyang palad

Yung ibang prompt ay para naman sa aking mga kagrupo. Hahaha nahirapan talaga ako sa pag-iisip nito at sobrang malayo ito sa mga lugaw kong akda.Gayumpaman nawa'y inyong maibigan ang aming munting handog.

Suportahan niyo rin ang kabilang grupo sa kanilang magiging akda

Ikalawang Pangkat

@johnpd - Lunes
@jazzhero - Martes
@jemzem - Miyerkules
@jenel - Huwebses
@creyestxsa94 - Byernes

Ang lahat ng awtor na nabanggit ay mga Lodi na sa kani-kaniyang larangan ng pagsulat kaya't sobrang excited kami sa magiging kalalabasan ng munting patimpalak na ito. Higit sa 1SBD na mapapanalunan ng grupo, karangalan namin ang nakasalalay dito ayon kila Junjun at Toto ng @tagalogtrail.

Nawa'y suportahan natin ang mga likhang sa ating wika at isang masayang araw sa lahat!

P.S. Di ko nilagyan ng pangalan ang mismong akda dahil di pa namin napag-uusapan ang magiging pamagat nito.

Sort:  

Naku! mapapalunok ka talaga ng laway. hehehe

Naku po! Hindi po angkop sa akin ang mga ganitong kwento. Kunwari inosente. Hahahhaha. Pero ang totoo talaga'y walang kurap ko siyang binasa. 😂
Ito'y isang tunay na kaabang-abang at nakakapanabik na kuwento. Hehehe. Good luck sa mga magdudugtong nito. Susundan ko ang mga kaganapan dito. 😂😂

Nako lahat ng mga kwento sobrang nakaka excite basahin tuloy hahaha salamat @jemzem sa pagbisita. Pwede na ulit dumilat hahha .

Paniguradong padidilatin din ako ng idudugtong ni @beyonddisability. Nakakatuwa talaga ang challenge na ito. Palaban ang lahat. 😂

Hahaha oo @jemzem lahat palaban nakakatuwa ang ganitong gawain di lamang tayo nagkaka kila kilala mas napapalawig natin ang ating kalinangan.

Tumpak! Ang galing talaga ng ganitong ideya ng mga steemitserye girls at buti na lang may paganito si Toto paa sa atin. 😄

Kakaiba to @tpkidkai SPG, hehehe! Dugtungan challenge pla to.. Kumusta nmn kya si SPO3 Ricardo Dalithay?

Mukhang di na siya mabubuhay sa eksena @leahlei.
Yes dugtungan challenge ito mula sa mga masisipag magsulat sa wikang Filipino ang Tropa ni Toto.
Para sa 1SBD! at karangalan hahaha

Kung nais mong mabasa ang next story dito ang kasunod.

Ito naman ang gawa ng kabilang bakod na sobrang nakakatuwa din.

Unang araw mula kay @johnpd
Ikalawang araw mula kay @jazzhero

Salamat sa pagbigay ng link ng aking mabasa @tpkidkai! ;-)

Magaling :D Exciting na talaga to. Gusto ko na mabasa yun kasunod ni @beyonddisability haha.

Hahah pahirap ang prompt nila toto @jazzhero. Di ito ang madalas kong tema.

hala.. nabitin ako sa kwnto

Heheh @beyonddisability ikaw na ang magtutuloy ng kwento :) Medyo iniksian ko lang

Nawindang ako sa panimulang kwento na ito @tpkidkai ,siguradong lalagyan yan ni @beyonddisability ng magandang twist ayon sa susunod na tema.
Good luck sa atin at sa kabilang pangkat

Hehehe goodluck sa atin talaga @rodylina kaya natin ito! Para sa 1SBD at higit sa lahat para sa ating ikaka aliw bilang mga manunulat dito sa steemit.

Kaya yan aja!

Nakapikit ang mata ko! Di ko binasa ang ibang eksena! Tinatawagan po ang NSFW tag. Hahahaha

Masyadong mapangahas po ito sir TP, bawal sa bata. Sir @beyonddisability plith gawin nyo syang pambata huhuhuhu

Pikit ka nalang Toto pagkatapos upvote mo nalang din haha

Congratulations @tpkidkai! You have completed some achievement on Steemit and have been rewarded with new badge(s) :

Award for the number of comments received

Click on any badge to view your own Board of Honor on SteemitBoard.
For more information about SteemitBoard, click here

If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

Upvote this notification to help all Steemit users. Learn why here!

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66551.16
ETH 3591.60
USDT 1.00
SBD 2.97