TagalogSerye: Ikalawang Araw mula sa Unang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Narito po ang karugtong kwento kahapon ni @tpkidkai
TagalogSerye: Unang Araw mula sa Unang Pangkat

Sa aking pagbalik sa entablado, naglakad ako ng nakatakip ang dibdib at nagpasalamat sa mga at kinindatan ang mga tao habang binabagtas ang likuran nito.

...

"Bakla! ang galing mo kanina. Crush mo yung bagets noh", wika ni Gabby ng magkasalubong sila sa likuran ng entablado.
"Ampogi eh", tugon ni Mikaela. "Jojowain ko yun. Kaya wag mong pakialaman. Kakalbuhin kita", dugtong niya.
"Oo na sayo na. Mukha namang walang pera. Baka ako pa ang magsustento dun", sarkastikong wika ni Gabby. At nag-apir ang magkaibigan. Dumiretso na si Gabby sa entablado kung saan siya bumuka-bukaka at tumuwad-tuwad na sumasayaw. Anupa't di magkandatuto ang mga nanonood na mga manyakis.

Nagpalit na ng damit si Mikaela. Nagpaalam na siya at binaybay ang daan pauwi sa kanilang condo ni Gabby. Nang hawakan niya ang doorknob naramdaman nyang bukas ito. Tahimik niyang kinuha ang kanyang baril sa loob ng shoulder bag at maingat na pumasok sa loob ng bigla siyang atakihin ng isang matipunong lalaking nakabonet ang mukha mula sa dilim. Palibhasa marunong ng mixed martial arts, kusang gumalaw ang kanyang katawan para ipagtanggol ang sarili. Ang tindi ng labanan. Napaka-igting. Nagbato-bato pick po sila.

Sana nga ganun na lang. Kaso hindi.

Sapak, suntok, tambling, vertical, sidekick, flying kick..
Para silang si Jet Li at Jackie Chan. Ang nakakatuwa walang isang bahagi ng condo ang nagalaw sa kanilang birahan.

Hanggang sa maheadlock ni Mikaela ang lalaki at sumigaw ito ng. "MIGUEL!, MIGUEL! awat na MIGUEL!" habang tinatapik ang kanyang braso. Bigla nya itong pinakawalan. Tanging si Gabby lang ang nakakaalam ng isa pang pangalan niyang iyon. Inalis niya ang takip nito sa mukha habang umuubo-ubo ang lalaki...


pinagmulan

"Uriel!, sabi ko na kilala ko ang mga galaw na iyon".

Umuubo -ubo pa ito ng iaabot ang isang USB. "Ang susunod nating misyon", wika nito.

"Matagal ko ng tinalikuran ang bagay na iyan. Ayoko na", sigaw ni Mikaela.

"Panoorin mo muna ang video bago ka maggaganyan, wika ni Uriel habang nakahiga pa rin sa sahig at iniinda ang mga nanakit nyang katawan ng biglang malakas na bumukas ang pinto at natumba si Mikaela sa nakahigang si Uriel.

150.jpg

pinagmulan

"Ay bakla! di ka nagsara ng pinto", kinikilig na wika ni Gabby matapos sumulpot sa likod ng pinto. "At dito talaga. Ang kati mo talaga girl", dugtong nito.

"Gabriel, ako ito si Uriel".

Nagtitili na si Gabrielle ( Oo Gabriel ang tunay na pangalan ni Gabby, ang slow lang) ng mapagtantong ang dating kaibigan pala ito. Itinayo nya ito at niyakap. "Bakla ka namiss kita", wika ng taklesang si Gabriel. Kumalas sa pagkakayakap at sinampal ang lalaki. "Woy, anong ginagawa mo dito. Ang tagal mong di nagparamdam"...


Flashback seen. Mga Tatlong taon, anim na buwan, tatlong linggo, 5 araw, 3 oras at anim na segundo na ang nakakakaraan

"Niloko nyo kami ng mahabang panahon. Oo kayo ang kumopkop sa amin pero ginawa nyo kaming mga mamamatay-tao."Pinaniwala nyo kami na tamang pumatay ng mga Bampira at iba pang mga nilalang. Sinungaling kayo. Mga kalahi pala namin ang mga pinaslang namin".

Ito ang mga salitang binitawan ni codename Miguel sa Lupon ng Pulang Mata pagkauwi nila galing sa isang napakahalagang misyon.

pinagmulan

Pito silang mga musmos na sabay-sabay na lumaki sa isang tagong lupain na kung tawaging ay HALAMANAN NG EDEN. Dito sila sinanay ng iba't ibang uri ng martail arts, linggwahe, paggamit ng iba't- ibang sandata at mga kaalaman sa I.T.. Bata pa lang sila alam na nila ang kanilang misyon. Ang paslangin ang mga kampon ng kadiliman na nagbabalat-kayong mga tao na namumuhay ng normal. Itinanim sa isipan nila na sila lamang ang makakapagligtas sa mundo at sa tamang panahon lalabas sila ng lupaing iyon upang lipulin ang mga halimaw na siyang nagdudulot ng paghihirap sa mundo. Iba na ang panahon ngayon. Ang mga salot na nilalang na kanilang kalaban ay namumuhay na rin na gaya ng tao. Nag-aaral, nagtatrabaho at nagnenegosyo at nagsisimba na rin sila. Subalit patuloy sila sa pagkain ng mga tao at pagsipsip ng mga dugo nito.

Seven_Archangels.png

pinagmulan
Sila ang Pitong Anghel de la Gwardiya na tanging pag-asa ng sangkatauhan. Bata pa lamang sila ay lumalaban na sila sa mga salot na nilalang na iyon sa sumusugod sa EDEN upang sila ay puksain.
Itinuring na nilang pamilya ang lahat ng naroon na siyang mga nagturo sa kanila ng lahat nilang alam at nagtanggol sa kanila laban sa mga salot noong sila ay sanggol pa at walang kakayahang lumaban. Itinuring nilang kapatid ang bawat isa at itinuring nilang ama si Abraham, ang tagapangasiwa ng HALAMANAN NG EDEN na siyang pinuno ng Pulang Mata
Miguel, Gabriel, Uriel, Rafael, Judiel, Salatiel at Barachiel ang binigay na pangalan sa kanila subalit wala silang apelyido ( parang si Gloc9 walang apelyido).

Mahirap pumasok sa loob ng HALAMANAN NG EDEN. Bukod sa makabagong syensya ay nababalot din ito ng mahika.

Pinalibutan ang pitong Anghel de la Gwardiya ng tauhan ng Pulang Mata. Galit na galit silang pito at handa ng lumaban. Sa utos ni Abraham mula sa isang kwarto na gawa sa makapal na salamin, nagsimula na silang atakihin ng mga miyembro ng Pulang Mata. Dumanak ang dugo ang daming namatay. Nabalot sila ng galit at nagbago sila ng anyo sa ilalim ng Bilog na Buwan.
152.jpg

pinagmulan

Inubos nila ang miyembro ng Pulang Mata na naroon sa Eden... mga taong minsan nilang tinuring na mga kapamilya.

Nang humupa ang bugso ng kanilang damdamin, napagtanto nilang wala ng buhay ni isa. Bumalik sila sa anyong tao. Hinagkan ni codename Miguel si Maria, na kanyang tinuring na Ina. "Patawarin nyo kami", ito na lang ang nasambit nito bago malagutan ng hininga.

Narinig nilang may isang malaking pwersa ng Pulang Mata ang parating.

Magkahalong poot, dalamhati, at pagkalito, isa-isa silang tumakbo palabas ng HALAMANAN NG EDEN. Tinutugis sila ng mga pinakamagagaling na pwersa ng Pulang Mata. Sa kasamaang palad nahuli si Rafael, ang pinakabata sa kanila at si Judiel ang pinakamatalino. Pinakawalan ni Salatiel (ang magaling sa inkantasyon) ang isang orasyon at sumabog ang liwanag.

"Tumakas na kyo pipigilan ko sila", wika nito.
"Susunod kaming kambal", sigaw ni Barachiel.

Tanging si Miguel, Gabriel at Uriel lang ang nakalayo.
Mula noon sinikap nilang itago ang kanilang katauhan. Namuhay ng normal at kalimutan ang nakaraan.


Yung sobra akong napressure dugtungan itong TagalogSerye na ito. Para sa Unang Pangkat, ito na ang twist ng kwento at lagyan nyo pa @rodylina, @cheche at @valerie. Salamat kay @tpkidkai sa pagsisimula ng isang magandang kwento. Good luck sa atin at good luck din po sa Ikalawang Pangkat na mga lodi, @jampol @jazzhero @jemzem @jenel @creyestxsa94. Nasasabik na ako sa idudugtong ni @rodylina sa seryeng ito.
Ang mga prompt na Ginamit

Karakter

  • Ang Nagbabagong-buhay: Isang taong nais kumawala sa kasalanan ng nakaraan
  • Ang Maalindog: Isang babaeng may kumpyansa sa sarili at kayang magpaikot ng tao sa kanyang palad ( kasi andito pa rin si Mikaela)

Elemento

  • Ang Pagtakas
  • Ang Magkakambal
  • Ang Bilog na Buwan

Bilang ng Salitang Ginamit: 999

Sort:  

Hehe ang galing din! Nakakatuwa yung mga karakter na iyan ay sa mga libro ko lang nababasa. Ang husay ng pagkakadeliver. Tapos si Mikaela pala ay bading HUWAT!
Kakagulat talaga.

bahala na po si @rodylina na maglinis ng lahat hehe

Imikot ikot yung utak ko dito @beyonddisability. Pinahirapan mo ako huhuh buti nakayanan ko

congrats ang galing ng gawa

Grabe! Ang daming genre dito sa kwentong ito, @beyonddisability. Hindi lang romance, pero may aksyon, fantasy at vampire din. Saka nandito pa talaga ang pitong anghel. Ang dami mong nilagay rito. Rumble na talaga ito! Wohooo! Ang titindi ng mga kwento sa tagalogserye. 🙌

Tama @jemzem kaya kabahan ka na para bukas. Hahaha si @rodylina na ang susunod. Hahaha parehas kayo na may bromance nung nakaraan.

chopsuey na po iyan. bahala na si @rodylina na magdugtong. Baka maiyak naman ako sa gawa nya

Hindi ka iiyak 😊

Grabe naman po @tagalogtrail sa kabahan ka na hehehe kaya po namin yan parehas ni @jemzem

Hahah inihanda ko na po ang aking tissue sa pagluha. At ang gamot pampakalma sa pagtawa hahaha

Wahaahhaha astig! ng twist naging totoong anghel talaga sila. Bading pala sila akala ko babae ang karakter ko. Nakakatawa yung comment mo na "chopsuey" pwede bang halo-halo nalang para naman sakto sa mainit na panahon?

Push natin. naway nabigyan ko ng hustisya ang iyong sinimulan @tpkidkai.
Nasasabik na ako sa idudugtong ni @rodylina

Hahaha hindi naman sila bakla @tpkidkai code name lang daw ako dn nalito

Hahaha may mixed martial arts pa.Sapak, suntok, tambling...pero walang nagalaw sa kanilang birahan.tawa much @beyonddisability. galing ng kwento mo hinaluan mo ng kakaibang putahe.

ang galing nila di ba.
mamats tol @fherdz

at ang galing mo. sir.

salamat po .sali ka next time

Gusto ko na yun mala-nsfw kwento ni TP ay naging anime hehe. Nakakaaliw at nakakabigla ang transpormasyon ng kwento. Maganda rin ang pagpasok ng mythology ng pitong anghel. Great job po.

yung kwento mo rin ang dami kong tawa. Buhay ang mga salita. Nakikita k oyung binabasa ko .

Coin Marketplace

STEEM 0.23
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 66504.03
ETH 3578.30
USDT 1.00
SBD 3.03