Anunsyo ng mga Nagwagi at ang Ikalawang Hamon ng Dugtungang Kwento

in #philippines6 years ago

Sa inspirasyong dala ng mga Steemitserye sisters, narito po at inihahatid sa inyo ng @tagalogtrail ang kauna-unahang tagisan ng kwentong dugtungan ...


Ako po si Toto ng TagalogTrail, kasama ang katropang si Junjun, na maghahatid ulat para sa naganap na munting patimpalak.

Para sa unang hamon ng dugtungang Kwento ang napiling grupo ay ang....

Ikalawang Pangkat

na kinabibilangan nina:

@johnpd @jazzhero @jemzem @jenel @creyestxsa94

Para sa kanilang mga piyesa maari mong i click ang link na ito.

TagalogSerye : Unang Araw mula sa Ikalawang Pangkat
TagalogSerye : Ikalawang Araw mula sa Ikalawang Pangkat
TagalogSerye: Ikatlong Bahagi mula sa Ikalawang Pangkat
TagalogSerye: Ikaapat na bahagi mula sa Ikalawang Pangkat
TagalogSerye: Ang Katapusan mula sa Ikalawang Pangkat

Sadyang mahusay ang dalawang pangkat at masasabi namin ni Junjun na nakakatuwang basahin at abangan ang mga update ng mga awtor na ito. Isama pa natin na ang iba sa mga sumali ay hindi talaga nagsusulat sa wikang Tagalog. Sobrang napakagaling nito para mapagtagni-tagni ang mga pangyayari lalo na sa tumapos ng kwento na sina @creyestxsa94 at @valerie15.

Dahil po sa tagumpay ng nasabing hamon at sa interes din ng ibang Ka-Tropa narito po ang bagong "prompt" para sa susunod na Dugtungang Kwento.

Mga Karakter
  • Kontrabida: Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas.
  • Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan
  • Bayani: Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa
Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)
  • Amulet/Anting Anting
  • Lumang Larawan
  • Bethrotal or Arranged Marriage
  • Rivalry
Tema ng Ikalawang TagalogSerye
  • Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan"

Mga Alintuntunin

Ang #tagalogserye ay kaprehas lamang ng orihinal na Steemitserye na ang pangunahing layunin ay dugtungan ang gawa ng naunang manunulat. Maglalagay lamang po tayo ng mga karagdagang alituntunin upang mas mapaigting pa ang hamon 😉

  1. Ang mga kalahok ay nahati sa tatlong grupo na napili sa pamamagitan ng random na pagpapares gamit ang https://www.classtools.net/random-name-picker/

  2. Ang bawat miyembro ay magkakaroon ng bilang ng pagkakasunod-sunod (na gagawin din pong random) kung saan ang unang manunulat ay gagawin ang unang bahagi ng kwento sa araw ng Lunes.

  3. Dudugtungan naman po ng sumunod na miyembro ang naunang akda sa susunod na araw hanggang sa makapagsulat na ang lahat ng miyembro sa grupo.

  4. Ang bawat bahaging isusulat ay kailangang may bilang na 300 - 1000 na salita lamang. ( kahit alam namin talaga na minsan sumusobra sya sa 1000 na salita )

  5. Huwag pong kalimutan na lagyan ng tag na tagalogserye ang inyong akda. Maari nyo rin po isama ang tagalogtrail kung inyong nais.

  6. Kung maari ay ilagay din po ang link ng naunang akda sa inyong post.

Dahil sa naging tagumpay ng unang patimpalak nagkaroon ng mga bagong humahamon at nadagdagan na ng bagong pangkat. Ang layunin namin ni Junjun ay mas mapagbuklod-buklod pa ang mga manunulat sa wikang Filipino kaya't gada Linggo ay magkakaroon ng balasahan ng miyembro.

Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes

Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes

Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes

Ano ang mangyayari matapos maisulat ang lahat ng mga bahagi?

Ang magwawaging akda ay itatampok ng @tagalogtrail at magagatimpalaan ang pangkat na sumulat ng 1 SBD na sya namang paghahatian ng lahat ng nakisaling miyembro. At bukod sa lahat, makakamit po ng mananalong grupo ang dangal at papuri galing sa sang-katropahan.

Sa mga kalahok ngayong linggo, nawa’y maging paraan ang #tagalogserye upang mas magkakilala ang mga kapwa manunulat ng wikang Filipino. Nawa’y mas mapukaw din ang inyong pagka-malikhain sa kolaborasyong ito.


Maari pong gamitin ng mga kalahok ang imahe sa taas sa inyong mga post.

At sa mga ngayon lang po nakadiskubre sa @tagalogtrail, pwede nyo pong basahin ang aming mga nakaraang ulat:
Lingguhang Ulat ng Tagalog Trail : Abril 29, 2018

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

Binabati ko po ang Ikalawang Pangkat sa pagawawagi. Binabati ko rin po ang Unang Pangkat. Ang saya di ba.

Hala ako ang una

Heheh salamat! Congrats ulit sa ikalawang pangkat na nagwagi.

Good luck beyond! Yaka mo iyan

Yeheeeeyyy! Congrats sa lahat! 🎉🎉🎉
Salamat din @tagalogtrail at lalo mo kaming pinahihirapan. Hahahaha. Mas mahirap ang tema at prompts ngayon. Good luck sa ating lahat! 😂

Hahahha masukista si @jemzem! joke lang po.

Mas mahirap ang tema ngayon oo ganun dawa kasi, nga pala si Junjun ang pumili nyan gamit ang isang natatanging paraan na secret muna ngayon. Hehhehe

Hahahhaa. Sige lang, pahirapan n'yo lang kami, Toto at Junjun. Kung d'yan kayo sasaya. Masaya ring nahihirapan kami sa mga ganitong hamon. Nakakalagas ng buhok. Hahahhaa. Ibunyag n'yo na ang sekreto n'yo. 😂

Congratulations sa mga nagwagi.....napagaling ng patimpalak ...tama ka@jemzem natutuwa yata si @tagalogtrail sa pahirap na pahirap na tagalog dugtungang kwento hahahaha!!!excited ako sa pagbabasa at pag subaybay muli sa kwentong dugtungan hahaha!! Goodluck sa lahat

Hahah tuwang tuwa kami doon heheh ang saya kaya tsaka ang huhusay talaga nila.

Woow! magpapa-burger na kami niyan sa premyo. haha :D ang hirap ng prompts.. haha :D @artgirl, ikaw na muna mag sub sakin please? hehehe :)

Angels Burger! Angels burger! Ay teka ipadala ko na ang 0.20 SBD

HAHAHA! :D :D Sge sge nang makapag burger na kami. LOL :D :D Minute burger lang. HAHAHA :D

Yown masarap din yan. Gusto ko din ang Angels Burger.

Pak na pak. May anting anting o. Kaso pangalawa? Uhmmm... Sige e d gawan ng paraan. Hahahaha. Lagot yang kwento nyo sa'kin. 😂😂😂 Ga'no kahaba b dapat??? Ay wait... 300-1000 words pala? Hahaha. Sige keri boom.

Sge ahh.. hehe :) @tagalogtrail, si @artgirl na muna magsu-sub sakin this week :) :)

Congrats sa grupo :D Tin, kun may botohan, ikaw ang lodi of the week ko haha.
Galing ng pagtatapos mo talaga.

Naks! salamaaat :) :) Naitaas natin ang bandera ng pangalawang pangkat. HAHA :D :D Lodi ko din kaya kayo. Ang gagaling niyo kaya.. :)

Congrats ikalawang pangkat 😊 babasahin ko yan ng buo.

olrayt ngaun ko palang nabasa wew!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61129.70
ETH 2660.38
USDT 1.00
SBD 2.55