TagalogSerye: Ang Katapusan (Ikalawang Pangkat)

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Ang Nakaraan...

Nang maisubo na ni Angelo ang isang piraso ng potato chips sa bibig ni Toto at binulungan niya ito ng "Bumangon ka Toto, kapag di ka babangon, uubusin ko tong lahat na potato chips na dinadala ko"

Lumiwanag ang buong katawan mi Toto at lumipad pagkatapos niyang nalunok ang isang kapirasong potato chips. At bumagsak sabay dumilat ang kanyang mga mata at sabay sabing "Amen!"

Bago pa man nagkamalay si Toto ay nakalayo layo na si Lucy sa lugar kung saan sila huling nagkatagpo. Habang naglalakad lakad siya pauwi bigla nalang siyang napa-isip.

"Grabe naman pala ang pinagdadaan nitong si Toto. Kahit pala mukha yung tarsier sa Bohol eh grabe din pala siya kung magmahal."

Tapos bigla nalang sumanib sa katawang lupa ni Lucy ang espirito ni Kim Chui at bigla nalang siyang napa ...

"Bekeeet hendey neleeeng kasey teyo? Ako, hindi keta sesekten. Bogs, teyow neleng. Akin ke neleng."

Pasok Bugoy..

Paano na kaya?
Di sinasadya
Di kayang magtapat ang puso ko..

Tapos bigla nalang siyang nahimasmasan..

"Hala? Anyareee!!! Huuy! gumising ka Lucy. Magkapatid kayo ni Toto sa ama!"

Sabi nalang ng kaniyang konsensya.

Lumipas ang ilang mga araw at hindi na muling natagpuan ni Lucy sina Angelo, Debilo, at Toto. At bumalik lang din siya sa kanyang dating gawi nung hindi pa niya nakilala ang tatlo.

"Siguro, iniiwas na nina Angelo at Debilo si Toto sa'kin para hindi na niya maalala ang kaniyang nakaraan."

Napaisip nalang si Lucy sa sarili habang suklay suklay niya ang kanyang mahabang buhok. Pagkatapos ay kinuha na niya ang kanyang mga kolorete sa mukha. Una, ang kaniyang face powder na Mac pa yung brand, yung pangkilay niya na Anastasia at yung lipstik niyang Kylie. Ang ang kanyang finishing touch ay ang Victoria Secret niyang pabango na napakabango na kung malalanghap mo ay tiyak na mabibighani ka talaga.

"Ayan! Ang ganda ganda ko na. Panigurado, tuloy laway ng mga lalaki sa'kin ngayon at mas madali ko silang mabibiktima pag ganun. HAHAHA!"

Tawang tagumpay ni Lucy.

Palabas na ng bahay si Lucy at pagbukas niya ng pinto, may narinig siyang pamilyar na boses..

"Hoy manananggal!"

"AYYY! Kokak ng palakang may bangs!"

Gulat na gulat si Lucy nang bigla nalang sumulpot sa harapan niya si Toto.

"Bakit ka nandito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?"

"Dami mo namang tanong. Dapat nga maging masaya ka pa na nakita mo ako eh. Pero, hindi na mahalaga yun. Ang mahalaga, sumama ka sa'kin."

"Ha? At saan naman tayo pupunta? Saan mo ako dadalhin?"

Nagtataka si Lucy kung ano ang tumatakbo sa utak ni Toto. Hindi niya mabasa ang gusto nitong mangyari. At nang paalis na sila ay biglang bumukas ang pinto at lumabas sa pintong iyong si ...... ESTELA.

"Uy Lucy, aalis ka ba? Sino yang kasama mo? Boypren mo ba? Pupunta lang muna ako sa palengke ah."

Wika ni Estela kay Lucy. Hindi nakilala ni Estela si Toto dahil nga sa nagpalit na ito ng anyo at hindi na kagaya ng anyo niya nung mortal pa lang siya.

"A-a-aahh.. O-opo."

Nanginginig na sagot ni Lucy kasi, naalala niya ang kinuwento nina Angelo at Debilo tungkol sa nakaraan nina Toto at Estela. Takot na takot si Lucy na baka bumalik ang mga ala-alang pilit nilang itinago kay Toto sa matagal na panahon dahil lang sa pagkikita nila ni Estela. Natatakit siya na bumalik lahat ng sakit kay Toto pero, pagtingin niya kay Toto parang nangyari na nga ang kaniyang kinatatakutan.

Naninigas na si Toto sa para bang naging rebulto sa Rizal Park ant maluha luha na ang mga mata nito at nagsisimula nang tumulo ang kaniyang sipon.

Maraming taon nang hindi nakikita ni Toto si Estela at ngayong nagkita ulit sila ay bumalik lahat ng ala-ala ni Toto. Bumalik lahat ng sakit kaya naman ay grabe nalang ang kaniyang reaksyon. Napahagulgol nalang siya sa pag-iyak at nagtagpo na ang kanyang mga luha at ang kaniyang sipon.

Natataranta na si Lucy dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.

"Hoy Toto! Tumigil ka! Ano ba nangyayari sayo?"

Tanong ni Lucy na para bang wala siyang alam sa nangyayari pero ang totoo, alam na alam niya kung bakit ganun nalang ang reaksyon ni Toto pero, nais niyang magkunwaring wala at nagbabakasakaling kumalma si Toto. Pero, hindi pa rin tumitigil sa paghagulgol si Toto sa kanyang kinatatayuan.

AT ...
.
.
.
.
Bigla nalang lumiwanag ang mahiwagang light bulb sa ulo ni Lucy.

"POTATO CHIPS!!!"
DSC6989-Fork_Knife_Swoon_Crunch_Chocolate_Peanut_Butter_Potato_Chip_Bonbons.jpg

"Tama! Potato Chips nga!"

Dali dali siyang tumakbo papunta sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng potato chips.

"Sampong potato chips nga po ate. Keep the change nalang din po. Nagmamadali kasi ako eh.."

Sabay abot ng isang libong piso sa tindera.

Nang nakuha na niya ang mga potato chips ay dali dali siyang tumakbo..

"Iha, sigurado ka bang hindi mo na kukunin ang sukli mo?"

Narinig niyang sabi ng tindera pero hindi na niya ito pinansin at sa isip niya, "Choosy ka pa teh?"

Pagbalik niya ay umiiyak pa rin si Toto kaya inabot niya na ang nabili niyang mga potato chips.

"Potato Chips kooooooo....."

Mangiyak ngiyak pang sabi ni Toto habang inabot niya ang binigay ni Lucy sa kanya at agad niya itong binuksan.

Pagka subo at pagkasubo pa lang niya sa unang piraso ng potato chips ay napakalma na siya at unti unti nang tumigil sa pag-iyak.

Pumunta sina Lucy sa rooftop ng isang building at doon, nagsimula silang magkuwentuhan.

"Hindi ko alam kong bakit pero, ang sakit sakit. Sa napakatagal na panahon, hindi ako nakaramdam ng ganoong sakit. Ni hindi ko nga alam na nangyari pala sa'kin yun eh. Pero nung nakita ko siya, bumalik lahat ng mga ala-ala."

Kwento ni Toto kay Lucy na halos isang oras nang nakikinig sa kuwento ni Toto tungkol sa mga naalala niya.

"Ano gusto mo? Upakan na ba natin? Hiyaaaaa!!!!!"

Sabi ni Lucy habang sumisipa sipa pa na para bang isa siya sa mga miyembro ng Kung Fu.

"Waaaaag! Mahal na mahal ko yun eh."

"Yan ka na naman eh. Sinaktan ka na nga, mahal mo pa rin. Well, siguro nga, ganun talaga ang pag-ibig."

"Siguro nga. Ikaw ba? Naranasan mo na bang magmahal?"

Tanon ni Toto kay Lucy habang kumakaun pa rin ng potato chips. Napaisip naman si Lucy sa tanong ni Toto kasi, pa-fling fling lang naman ang nalalaman niya eh pero tunay na pag-ibig? Hindi pa niya nararanasan yun.

Hindi namalayan ni Lucy na nakatulala na pala siya habang nagpapantasya kung ano ang pakiramdam pag natagpuan mo na ang iyong tunay na pag-ibig. At napa-isip nalang siya,

"Paano kaya kung sa akin mahulog si Toto? Ang ganda siguro ng pakiramdam nun pag natagpuan mo ang taong seryoso magmahal."

Habang nakatulala siya, hindi niya namalayan na magkalapit na pala ang mukha nila ni Toto. Medyo nagising nalang siya sa katotohanan nun narinig niyang magsalita si Toto.

"Lucy, sana ikaw nalang..."

Pabulong na sabi ni Toto at tuluyan na niyang hinalikan si Lucy.

Nagulat na lang si Lucy at hindi na siya nakapalag pero sa isip niya,

"Ewwwwww!!! Yuuuuuckkk!!! Kadiriiii!!! Ang alat alat naman ng laway nitong tarsier na 'to!"

Pero habang tumatagal ang halik ni Toto, bigla niyang naramdaman ang lakas ng tibok ng kaniyang dibdib na para bang kumakawala na ang puso niya. At ang dating maalat na sinasabi ay tila naging matamis bigla. Kasing tamis ng pulot na preskong presko pa.

At bigla, habang nararamdaman na ng dalawa ang mahika ng pag-ibig, bigla nalang dumating sina Angelo at Debilo at pinana ang dalawa kasi may special training daw sila kay Kupido. :D

At nung natamaan na ang dalawa, habang sila ay naghahalikan, bigla nalang nagsidatingan ang mga makukulay na paru-paru na may dala dalang mga talutot ng rosas at ginawa itong parang konfetti.

butterfly-rose-petals-pink-white-62180680.jpg

"Lord, nasa langit na ba ako?" Napa-isip si Lucy. :D

At iyon ay isang mahiwagang sandali para sa dalawa.

Umabot ng halos 30 minuto ang paghahalikan nilang dalawa at nang bumitaw na sila sa halik ng isa't isa, nakita nila sina Angelo at Debilo na nakangiti sa kanilang dalawa.

Hindi alam ni Lucy ang dapat niyang maramdaman. Gulong gulo na siya.

"B-bakit? Bakit ganun? Hindi tama to. Magkapatid kami ni Toto. Magkapatid tayo."

"Hindi Lucy. Ang totoo, kaming dalawa lang talaga ni Debilo ang magkapatid. Hindi namin kapatid si Toto pero, nung panahong binura namin ang mga ala-ala niya sa nakaraan, nilagay namin sa kanyang memorya na magkapatid kami para hindi niya maramdamang nag-iisa siya."

"Pero siguro nga't ngayon ay natagpuan niyo na ang isa't isa, at bumalik na ang mga ala-ala ni Toto, panahon na para sabihin namin sa iyo ang katotohanan. Hindi namin kapatid si Toto."

Tila lumiwanag ang paligid nang marinig ni Lucy ang mga salitang iyon at bigla nalang siyang napangiti. Pagtingin niya kay Toto ay tila bumalik na ito sa kanyang mortal na anyo. Ang Toto na napaka-gwapo na parang pinaghalong James Reid at Enrique Gil.

Natulala nalang si Lucy at nagpacute siyang muli kay Toto.

"Ang gwapo gwapo mo pooowzz"

Doll-Head-barbie-Excellent-Quality-Head-Doll-3D-blink-eye-with-curly-hair-DIY-Accessories-For.jpg

Sabi niya habang kinukurap kurap ang kaniyang mata na para bang manika. :D

"Ang ganda ganda mo, Lucy."

Dear @tagalogtrail,

Ang pag-ibig, dumarating sa buhay natin sa pinaka di natin inaasahang pagkakataon at lalo pa sa taong di natin inaasahan. Pero pag ikaw ay natamaan na ng pana ni Kupido, wala ka nang kawala. Kahit wala pa sa bokabularyo mo ang tunay na pag-ibig pero, mapapaniwala ka nalang sa "forever". Kahit tingin mo napaka-komplikado ng sitwasyon, ang pag-ibig ang magiging tulay para mapagdugtong dugtong ang mga bagay bagay at mapagtagpo ang mga pusong nagmamahalan. :) Hindi ko man nakita at nakausap ang aking ama, pero, nalaman ko naman ang kwento ng aking nakaraan at natagpuan ko ang taong mamahalin ko habambuhay. May hiwaga ang pag-ibig. Hindi mo alam kung hanggan saan ang mararating nito. At hindi mo alam kung ano-ano ang magagawa nito. :) Basta isa lang ang sigurado ako, masaya ang umibig. :)

(Kita niyo? Nawala na ang pagka-jejemon ko. Ganyan talaga pag natamaan ng pag-ibig eh.) Hanggang dito nalang po.

Nagmamahal, Lucy.



At ayun! Na-ipost niya na sa social media ang kanyang status update. :D :)

Ayuuun!!!! Natapos ko na! HAHAHA :D ANG HIRAAAAAAP!!! Grabeeeee!!!! HAHA :D nilagyan ko nalang ng love story ang ending kasi Pag-ibig yung main theme diba? :D :D

@johnpd @jazzhero @jemzem @jenel Sorry na pooo! Ikulong niyo na po ako sa cabinet dahil tortured na tortured na yung kwento. Huhuhuhu.. :(


PINAGKUNAN NG MGA LITRATO

Unang Litrato: http://www.forkknifeswoon.com/wp-content/uploads/2016/05/DSC6989-Fork_Knife_Swoon_Crunch_Chocolate_Peanut_Butter_Potato_Chip_Bonbons.jpg?x21978
Pangalawang Litrato: https://thumbs.dreamstime.com/b/butterfly-rose-petals-pink-white-62180680.jpg
Pangatlong Litrato: https://ae01.alicdn.com/kf/HTB1gaa_QVXXXXX8XpXXq6xXFXXXL/Doll-Head-barbie-Excellent-Quality-Head-Doll-3D-blink-eye-with-curly-hair-DIY-Accessories-For.jpg

signature_1 (3).gif

Sort:  

Wow Tin, pasok na pasok yun conclusion ng kwento. Na-iimagine ko mahirap talaga tapusin yun kwento, pero maganda mo tong nagawa. At may pang-movie moment pa sa dulo :D

Kitang kita yun effort dito na kumpletuhin lahat ng nadaanang plot elements. Nagustuhan ko yun ending, pramis :)

HAHAHAHA!!! :D :D Salamaaat pooo!!! :D :) At tinapos ko nalang din siya sa pagsulat niya kay tagalogtrail gaya nung nangyari sa first. HAHA :D :D
Sobrang hirap talagaaaa gawan ng ending uyy! :D Kasi napaka-complicated nung plot ng story.. Buti nalang nagawan ng paraan. pucho pucho nga lang.. LOL :D :D

Pakiramdam ko nga mahirap talaga. Pero etong ending talaga na to beyond my expectation.
Magaling pa rin yun pagtatapos kahit complex na yun kwento :D Amazing job tlg. Next week ulit. haha

wow cristine reyes! nyahaha! ang galing! parang isang tao lang ang gumawa ng lahat. ung totoo? kage-bunshin lang ba lahat? naging trademark na ang

pasok singer


na estilo. at talagang nabibilib ako sa takbo ng istorya. pati na rin ang pagbibida ni Toto na akala namin nung una dakilang extra lang. sobrang ganda ng naging ending. eto na lang ang masasabi ko at magpapalikot ng imahinasyon ng mga nakabasa...

"Iha, sigurado ka bang hindi mo na kukunin ang sukli mo?"

ang tanong ng tindera na nagbabalatkayo lamang. Siya si Erika, ang anak ni Estela kay Arman.
bwah hah hah hah (tawa ni Lucifer) na siya palang nagpaputok ng baril kay Lucy sa unang bahagi ng kwento. 👿👿👿
Itutulog...
.
.
.
.
.
.
.
Itutulog ko na lang ito. Tapos na ang kwento eh. 😂😂😂

HAHAHAHA!!!! :D :D :D Kaya nga ehh.. Sinimulan mo kasi. Yan tuloy. Hanggang ending, may pasok singer moment. HAHAHA :D :D

Ang tindera talaga ehh.. hahaha.. :D hay naku! ewan ko diyan sa kwento.. itutulog nalang natin to.. Tapos na eh. HAHAHA! :D :D

@creyestxsa94 great job ka dito at sa bumubuo ng Ikalawang Pangkat lubos naming naibigan ang inyong akda.

Maraming salamat po! Hehe :) :) Grabe! salamaat sa pagpapahirap. Di joke.. :D :D salamat sa tiwala at sa pagpu-push samin na lumabas sa aming mga comfort zone. :) :) (taglish nalang ako. dugo dugo na ilong ko sa tagalog.. LOL :D )

Huluh shuuuu. Ang adik mo po. Hahaha.

Yung Getty Images lagot ka hindi free image yan. Hahaha.

Tlgang Toto and Lucy ang peg? Hahahahahaa. Sige gow. Pwede na yan ending ok s olrayt. hahahaha.

HAHAHAHA!!! :D :D Ay halaaaa, talaga? Idelete ko na nga lang.. HAHA :D :D Sure ka? Bawal ba yun? Di ko alam ehh. Basta hinanap ko nalang talaga sa google yun :D :D

Haha! :D Oo. :D Ayos na yan. Lu-TO Loveteam :D :D :D

Wag sa Google dun ka sa Pixabay or Pexels para safe. Hehehe.

Hanap ka iba basta walang watermark ok un. :)

Haha. Okay sge. Binura ko na yung isa. :D next time, dun na ako kukuha para safe. Haha. :D salamaat :)

Hehehe, welcome. :D

Siguro yung pag-ibig ko 2 yrs ago sumablay yung pana ni kupido kaya ayun... Hahaha. Bakit kase love story yung kwento!?! Bwahaha.

Bitter ako bitter!!!

Im very satisfied with the ending bro! Ang galing lang nang pagka tagpi2x ng mga kaganapan! Congrats sa lahat ng manunulat ng ikalawang pangkat! Ito ang ikalawang serye na sinubaybayan q that's written in Filipino! :) Sobrang nagdulot ito ng kasiyahan sa akin! haha! Mga lodi kau!

Naku! Kung alam mo lang. Sobrang hirap talaga gumawa ng ending. HAHAHA :D Pero, buti nalang nairaos ko ang ending na ito. :D Tsaka, first time to. :D salamaaat nga pala sa pagsubaybay. :)

I'll have my wife @bloghound translate this for me.

Ohh heyy! Nice to see you here.. :D :) And, yes, she probably have to because this is in Tagalog. HAHA :D This is actually a challenge from tagalogtrail. He grouped us into two and 5 persons per group. One person writes a story and then continued by the next person and the next person so this entry is already the last part. The ending of the story :D :)

As you guys say, "nosebleed" lol

Yeah. HAHA :D Even me, i got "nosebleed" writing this. HAHA :D

Woooooow! Ang ganda ng ending! Walang halong biro! Ang galing-galing at ibinalik mo talaga sa temang pag-ibig ang kwento. Maygad! Feeling ko talaga pang-movie ang ginawa natin. hahahahahah. At saka ito talaga ang ending na swak na swak sa kwento natin. Kaya naman winner 'to! :D

HAHAHAHA!!!! :D YAAAAAYYYY!!!!! :D :D Sobrang saya ko na nagustuhan niyo ang nagawa kong ending.. :D Sobrang hirap nun.. Buti nalang nairaos lang. HAHA :D :D

Lahat ng kastressan ay napasa talaga sa magwawakas ng kwento. Pero naituwid mo talaga nang napakahusay, @creyestxsa94! 👍
Mabuhay! 🎉

HAHAHA! :D Salamaat ng marami. :D :) Mabuhay sa ating lahat! :) :D :)

happy ending :) :) :) . ang galing po .Yung ngayon ko lang nabasa

HAHA! :D Oo, parang fairy tale lang yung ending eh. LOL :D salamaaat at nagustohan mo. :D Hirap gawin niyan pramis. :D :D Nastress ako. HAHA :D :D

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60165.60
ETH 2421.15
USDT 1.00
SBD 2.44