TagalogSerye: Ikaapat na bahagi (Ikalawang Pangkat)

in #tagalogserye6 years ago

flat,800x800,070,f.u2.jpg

Ang Nakaraan

Pagkatapos niyang gawin iyon ay lumabas na siya para ng biktima. At habang naghihintay ng malalapa ay bigla na lang siyang nagulat sa biglaang pagsulpot nina Angelo at Debilo sa harapan niya.

"Alam mo lucy, marunong kaming magtago ng sekreto. Hindi sana namin sasabihin sayo at pati na rin kay Toto na binurahan namin ng memorya dahil sa kanyang nakaraan at nandito kami upang babawi sa aming mga nagawa sa kanya." ang sabi ni Debilo

"At bakit naman ako Debilosscxz?" ang nagtatakang reaksyon ni Lucy kung ano ba talagang koneksyon at nangyari.

16.jpg

Nagsalaysay ng kuwento si Angelo

Bumalik tayo sa 19-forgotten. May kasintahan yan si Toto na babae na labis niya itong minahal na sinagot siya ng babae dahil iniwan siya ng lalaki niya. Kaya itong si Toto na parang si Sakuragi ang hari ng rebound na daling dali niya niligawan si babae. Nakalipas ang ilang buwan ay nagpakasal si Toto at ang babae na iyon sa simbahan sa Caloocan. Napaka engrande ng kasal nila at inbetado ang lahat na mga tao sa Caloocan sa kanyang kasal.

Sa kalagitnaan ng kasal ay naglalakad si Junrey mula sa pintuan hanggang sa altar na nais niyang itigil ang kasal nila. Niyakap ng mahigpit si Junrey ni babae dahil siya lang ang tanging mahal. At nagdesisyon na silang dalawa magpakasal sa oras na iyon. Walang magawa si Toto kaya nakatulala lang siya na nakatingin sa dalawa na siya na sana ang groom pero napalitan siya ni Junrey.

Habang si Lucifer ay kumakanta na naka RMB ang boses doon sa lugar ng mga choir

images (3).jpg

🎵Kunin mo na ang lahat sa akin
🎤Wag lang ang aking mahal
🎵ikamamatay ng puso ko
🎤Kapag sa akin inagaw mo siya

"Anong nangyari pagkatapos ng kasal? Sino ba yung bruhang babae na iyon!? Dahil tatadyakan ko talaga yun!" mga tanong ni Lucy na pusot ng pusot.

"Pagkatapos ng kasal ay nagpakamatay si Toto sa bahay nila dahil siya ang gumastos sa kasal at iba pa ang nakinabang sa pera na inutang niya sa Bombay na si Debilo pa yun nang siya pa ay mortal na tao na laging binabantaan si Toto sa mga utang at ako naman ang pari sa kasal. Kaya labis kaming nagbabantay sa kanyang pagbabalik bilang isang hindi ordinaryong tao baka kasi maaalala niya ang nakaraan bilang isang mortal sa pamagitan sa iyo."ang sabi ni Angelo

"bakit ako poscxz?" sabi ni Lucy

"Dahil nakatira kayo sa bahay ng babae na minahal niya ng lubos at umuwi kana Lucy at umalis kana rin doon baka magkatagpo ang landas nila ni Estela dahil sigurado akong hahanapin ka ni Toto kapag makabangon ito." sabi ni Debilo.

Binatukan ni Debilo si Angelo at inutusan na ipakain ang dinadalang Vcut, Lays, Pringles at Oishio potato chips para bumangon ito.

Nang maisubo na ni Angelo ang isang piraso ng potato chips sa bibig ni Toto at binulungan niya ito ng "Bumangon ka Toto, kapag di ka babangon, uubusin ko tong lahat na potato chips na dinadala ko"

d'anothers 3.jpg

Lumiwanag ang buong katawan mi Toto at lumipad pagkatapos niyang nalunok ang isang kapirasong potato chips. At bumagsak sabay dumilat ang kanyang mga mata at sabay sabing "Amen!"

Abangan

Ipagpapatuloy ni @creyestx94 ang mga susunod na pangyayari. At patawarin po ako kung pinahirapan kita sa gagawin mo hahahuhuhu pasensya po kayo sa aking kuwento dahil ako ay baguhan lang.

Araw

Awtor sa Unang Pangkat

Lunes@tpkidkai
Martes@beyonddisability
Miyerkules@rodylina
Huwebes@cheche016
Biyernes@valerie15

Araw

Awtor sa Ikalawang Pangkat

Lunes@johnpd
Martes@jazzhero
Miyerkules@jemzem
Huwebes@jenel
Biyernes@creyestx94

Maraming salamat po sa oras na ibinigay niyo sa pagbasa ng kuwento na inihandog namin. Follow po ninyo si @tagalogtrail at ngayong May 1 may bisayatrail na. GOD BLESS KA TROPA AT STEEMIANS

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jenel being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

OMG!!! HAHAHA! :D Tapos ka naaa?? Nakuuu! It's my turn na talagaaa! waaaah!!! OMG! kaya ko to. Kaya ko to! HAHA :D :D (self motivation lang eh?) :D :D

Hahaha goodluck sa iyo hahahah nahirapan din ako sa paglikha hahahaha pero alam ko magaling ka.

Good luck @creyestxsa94 bigyan ng hustiya hahah para s 1SBD! Sa iyo nakasalalay ang lahat.

Hahahaha. Potato chips lang pala ang makakapagpagising kay Toto. Ayos at hindi mo tinorture ang karakter ni Toto. 😂
Good job dong @jenel!
Maygad! Isang bahagi na lang! Excited na ako para sa ending ng kwento. @creyestxsa94, basta enjoy lang. Idugtong mo lang kung anong trip mo. No pressure. Manalo o matalo, ang importante'y masaya tayong lahat. 😊

HAHAHA!!! :D :D opoo! :) Oh em geee!!! hahahaha :D :D :D magsasaya muna ako ngayon kasi birthday ng kapatid ko tapos mamayang gabi, mags-start na akong mag muni muni kung paano tatapusin ang kwento. :D

Gora lang @creyestxsa94! Enjoy ka muna d'yan. 😁

bday naman ngayon ng anak ko. nabigyan din ng hustisya ang karakter ni Toto.
wag sana matapos agad ang role niya. nasa kamay na ni @creyestxsa94 ang ending.
😁

Paki greet ako sa anak mo kuya @johnpd ng Happy Birthday :)

Maraming salamat ate hhahahaha isa ka sa mga tumutulong sa akin upang matapos ko tong kuwento hahaha

Birthday naman ng kapitbahay naming madamot. May pa party sila at pa spaghetti kaso panay ketchup lang kaya di na ako pumunta.

Pinapupunta ako kasi wala daw clown. Huhuhu tempting may potato chips.

Hahahahaha nagdala ka sana ng ice cream toto @tagalotrail hahahaha

Cool, hari ka rin ng rebound @jenel. Ayos ang pagkakadugtong, mabilisan lang pero natuloy ang makulay na kwento. Potato chips pa para kay Toto!

@creyestxsa94, game na talaga to haha. Ikaw na bahala kay Toto, Tin :D

Maraming salamat @jazzhero hahahah pasensya napo na kunti lang ang na idugtong ko hahaha starring na si toto dito hahaha sinimulan kasi eh hahaha

Hey teka! Teka! bakit ganun hindi ako ang main character dito! SI Lucy, Angelo at Debilo hahha bakit ang kwento ay umikot kay Toto.

Si Junjun naman plith o kaya si Nene <3

Para sa potato chips!

Si junjun ay si junrey hahaha napag isipan ko lang na medyo palitan ko ng kaunti hahahaha @tagalogtrail

bumait na ang lahat sa parteng ito

Change is coming hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.15
JST 0.028
BTC 60157.20
ETH 2416.98
USDT 1.00
SBD 2.43