Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #1

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

U5dr1VmpXMbZFnjpxe9CgW3MRywTGfY_1680x8400.png


Ang @steemph.cebu ay kabilang sa proyektong itinatag ng @sndbox, ang "proyektong sndcastle". Bilang isang sndcastle, gusto ng @steemph.cebu na gumawa ng mga uri ng paligsahan o patimpalak kung saan maipapakita ng mga Pilipinong Steemian ang kanilang kakayahan sa pagsulat ng kahit anong klase ng literatura. Ito rin ay isang paraan para magkaroon ng interaksyon ang mga Pilipino sa isa't isa. Hinihikayat namin ang lahat na Pilipinong Steemian na lumahok sa mga paligsahang bubuohin namin sa Steemit. Ito ay para sa inyo! Palawakin ang Wikang Filipino!


Ano ang isusulat?

  • Tula


Tema ng Tula

  • Nasyonalismo/Pagkamakabayan


Mga Alituntunin na dapat sundin sa pagsali

  • Kung maaari, i-upvote itong post.
  • Ang gawang literatura ay dapat isulat sa wikang Filipino
  • Gamitin ang tag na #literaturang-filipino
  • Ilagay sa pamagat ang: "Literaturang Filipino"
    Halimbawa : "Literaturang Filipino : Pamagat ng Tula"
  • Gumawa lang ng isang nilalaman o gawa.
  • Ilathala ang gaw sa loob ng 6 na araw pagkatapos malathala ang anunsyo.

Pagbabasehan ng Mananalo

Ang pagbabasehan ng mananalong gawa ay:

  • Dami ng mga salita o pangungusap o parilalang ginamit.
  • Ganda ng pagkagawa
  • Kaugnayan sa Tema o Paksa at
  • Dami ng boto galing sa ibang Pilipino

Gantimpala

May tatlong mananalo sa paligsahan:

  • 1st - Makatatanggap ng 5 SBD
  • 2nd - Makatatanggap ng 3 SBD
  • 3rd - Makatatanggap ng 2 SBD

Layunin ng @steemph.cebu na maibuklod ang kumunindad ng mga Pilipino sa buong Steemit. Suportahan ang @steemph.cebu at ang @sndbox.

Gumawa, Magsumite at Manalo


follow_steemph.cebu.gif

Sort:  

heto ang aking lahok na tula sa patimpalak na ito na pinamagatang ANG AKING BUHAY, PARA SA BAYAN
MARAMING SALAMAT!!

Maraming salamat @markjason :)

Hi! friend i'm here and I read your post, it's really good information and thanks for share with us....

Support ❤

Sasali sa patimpalak na to. Magsusulat din ako in Bisaya

parang gusto ko sumali....makapag-isip nga ng magandang pamagat

mukang maganda to! steem on mga pinoy!

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.035
BTC 66739.07
ETH 3228.97
USDT 1.00
SBD 4.23