"LITERATURANG FILIPINO": ANG AKING BUHAY, PARA SA BAYAN"

in #tula7 years ago (edited)

Heto ang aking lahok na tula sa "Paglinang ng kasanayan sa paggawa ng literatura contest" ni @steemph.cebu

DQmV8x6usUs187ZeaPgnSNUtuRSuDUcBjLQYQxD3vkKWCf4.jpg
image source

ANG AKING BUHAY , PARA SA BAYAN

(tula)

wala akong ibang hangad kundi kapayapaan
para sa pinakamamahal kong bayan
mga masasamang loob ay handa kong labanan
kahit kanilang mga bala ay aking haharangan
kahit maging kapalit nito ay ang aking buhay.

Ngayon ako'y napadpad, sa lugar ng digmaan
upang gampanan, sinumpaan kong tungkulin,
upang puksain, mga taong sumisira sa kapayapaan
upang labanan mga kapwa ko Filipino.

Sa paglipas ng mga araw, kaguluhan ay nagpapatuloy
at ako'y unti-unting pinapatay ng kalungkutan
kalungkutan sa pananbik sa aking pamilya
pananabik na masilayan mukha ng aking kabiyak
at pag lalambing ng pinakamamahal kong anak.

Isang araw akoy namulat sa lugar ng bakbakan
na baril at bala ang tangi kong tangan
ngunit paninindigan at pananampalataya
ang aking tunay na sandata
upang mapuksa ang kaaway ng aking bayan.

Ngunit sa isang iglap akoy nagulat
sa isang balang tumama, sa aking puso
katawan ko'y nangina, at humandusay sa lupa
unti-unting nanumbalik maliligayang yugto, ng aking buhay
at ang aking pamilyang sa akin ay nagmamahal
hanggang ang aking paningin, binalot ng kadiliman.

Ngunit ako'y nahimlay, na may ngiti sa aking labi
dahil ang aking buhay sa bayan ay inalay
at hangad kong kapayapaan, ay makakamtan
ng PINAKAMAMAHAL KONG BAYAN.


MARAMING SALAMAT SA PAGBASA

Sana ay nagustuhan nyo

MARAMING SALAMAT!


11.jpg

Sort:  

Mabuhay ang mga Pilipinong kawal!

maraming salamat!

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by markjason from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

This post has received a 0.45 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Mabuhay!!!!!

mahusay na akdang tula galing sa taong makabansa...

maraming salamat kabayan

Talentado ka sir! Ang ganda ! ❤

maraming salamat madam :)

Magaling kabayan. :)

maraming salamat kabayan!

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 62668.27
ETH 3332.07
USDT 1.00
SBD 2.46