Literaturang Filipino : Manipesto ng Isang Anak ng Pilipinas (Orihinal na Tula)

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)
Image Source



Ako ay isang Pilipino,

Hinabi ng hiwaga at agos ng panahon

Sa aking mga ugat ay nananalaytay ang dugo ng mga nagdaang henerasyon --

Ng mga bayaning namuno sa mga makasaysayang rebolusyon;

Ng mga makatang nagbuwis ng buhay para sa kalayaang natatamasa natin ngayon.


Nakakatawa kung iisipin,

na ang aking pagka-Pilipino ay maaaring ihalintulad

Sa isang tanggerong ang lakas mamulutan kahit hindi nakiparte sa bayad,

Sa mga kritikong nagkukunwaring bulag,

mga mangingisdang hindi naglalayag

Ako ay isang Pilipino -- oo,

ngunit wala naman talaga akong nai-ambag.


Bagkus pilit kong tinalikuran ang mga responsibilidad na kalakip nito,

Pinahintulutan kong mabahiran

ang mga prinsipyong itinaguyod nina Rizal at Bonifacio,

Minsan ko ring tinangkilik ang mga ideyolohiyang negatibo,

Sa madaling salita, hindi ako marapat na tawaging isang "Pilipino".


Isa ako sa mga umabuso ng likas na yaman ng bansa,

Noong naghihingalo ang ekonomiya ay wala man lang akong nagawa,

Mas pinalawak ko ang aking kaalaman sa paggamit ng wikang banyaga,

Pinili kong manahimik noong kinukutya tayo ng ibang bansa.


Ngunit ako ay isang Pilipino,

hindi man ako naging isang mabuting halimbawa

Sinusubukan kong makabawi para sa lahat ng aking mga maling nagawa

Upang mapunan ang mga pagkukulang ko sa aking minamahal na bansa,

Na ni minsan ay hindi ako tinalikuran sa kabila ng aking pagwawalang-bahala.


At kailanman ay hindi ko ikakahiya

Ang aking pinagmulan, ang nakagisnang kultura at salita

Lahat ng tagumpay at karangalan ay iaalay ko sa bayang minumutya,

Bawat pagtipa ng mga titik sa teklado, at bawat tulang ililikha.


Dahil ako ay Pilipino,

isang anak na inaruga at ipinaglaban

Tagapagmana ng mga hindi matatawarang likas na yaman,

Tagapag-ingat ng kapayapaan, sundalo ng katarungan

Hinulma at pinatatag upang maging gabay ng kinabukasan.


At sa muling paglapat ng aking palad sa aking kaliwang dibdib,

Taas-noo kong sasambitin ang mga kataga

habang ang tuwa sa puso ko'y tigib,

Lupang Hinirang, ang Perlas na aking sinilangan,

buhay ko'y naging langit sa piling mo,

Ako'y laging nakahandang magbigay-pugay at maglingkod,

at ikararangal kong mamatay nang dahil sa'yo.




Kamusta, kabayan? Ito po ang tula na aking ilalahok sa Steemph.Cebu: Paglinang ng Kasanayan sa Paggawa ng Literatura - Contest #1. Nawa'y nagustuhan ninyo ito. Maraming salamat po.


Sort:  

Manipesto ng Isang Anak ng Pilipinas , Don't have Translation? Thanks

Hi sir! It's kind of difficult to translate. But the poem promotes patriotism. Thanks for dropping by. more power to you!

it's okay, Picture was attractive, just interested to what going on!! don't worry.. It part of life

Ay iba to. Parang ayoko ng sumali hahaha

grabe sya oh. join ka na para mdami tayo. go go go <3 PH

Di ko dama ang pagsusulat. Parang ewan ako ngayon

ako rin. uga na kaayo. madami pa ako dpat isusulat ngayon pero wla eh. nganga.

Kaya siguro may bagay na tinatawag nating, bukas nalaaaang hahaha.

hahahaha o ayan may assignment ka na.

Pero wag na. Hahahahahaa

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 62625.86
ETH 3333.11
USDT 1.00
SBD 2.47