" Literaturang Filipino : Pilipinas kong Mahal "

in #literaturang-filipino7 years ago (edited)

IMG_20171106_152550_230.JPG

         Pilipinas kong Mahal

walang ibang pag-ibig ang hihigit pa
sa pag-ibig sa tinubuang lupa
Pilipinas, lupang aking sinilangan
walang kapares, walang kasing yaman

buhay aking inihahandog
maging talento at kalindog
para lang sayo bansang bantog
mahal ko! aking iniirog

ika'y hitik sa likas na yaman
anyong tubig o anyong lupa man
magandang tanawin ika'y pinagbigyan
kaya ika'y nahuhumalingan na kahit na sinuman

mga Pilipino'y unti-unting nakikilala
di' lang dito kundi sa buong mundo na
dahil sa iyong biyayang talento at magandang pakikibaka
O, mahal naming inang dakila!

tapang ng mga bayani'y aming namana
na handang ipaglaban at ipagtanggol ka
mula sa may masasamang gawa
kahit dugo at kamatayan may kapalit pa

bansa ay sadyang napakadakila
kinupkop at ako'y inaruga
Itong Pilipinas na bayan ko't ina
mamahalin ko kahit saan man mapunta

kaya sa buong mundo'y aking ipagsisigawan
ako'y Pilipino, sa dugo at laman
itong tula ay alay sayo lamang
Pilipinas kong mahal na aking kinabibilangan

Maraming salamat, hoping na inyong nagustuhan

rigor.png

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 61420.98
ETH 3276.21
USDT 1.00
SBD 2.47