Alaala at Umaga
Salamat sa iyong pagsinta.
Sa iyong mga pakulo, di mo ba alam ako'y nahulog na?
Habang ako'y iyong minamasdan; kaba sa dibdib aking nararamdaman.
Dahil baka ang iyong tingin, ako ay isa lamang kaibigan.
Lahat ng agam-agam ay biglang naglaho;
ng iyong sambitin ninanais yaring puso.
Isang araw ng Pebrero, yan ang tanda ko
bulaklak na pulang rosas ang iyong regalo
Ang mga rosas na ito ay aking itinago;
lahat ay nagsilanta na, ngunit tinabi sa aking kwaderno.
Sa bawat pagdilat ang aking mga mata at ikaw ay aking makikita;
Alam ko sa sarili ko na ako ay iyong mahal ng sobra-sobra
Ang inspirasyon sa likhang ito ay nagmula sa tula ni @fherdz na PAGMAMAHAL NA WALANG KATUMBAS bilang isang entry sa patimpalak ni @tagalogtrail na Biglaang Kolaborasyon ito ay ang naisip kong tugon ng kaniyang sinisinta sa tulang ginamit na piyesa. Hindi ako masyado nag focus ngayon sa bilang ng pantig at ako ay gumamit lamang ng mga simpleng salita para mas maging malinaw ang mensahe ng kanyang sinisinta.
Iniaalay ko din ang tulang ito sa aking my loves na si @ellebravo. Kaya't maraming salamat sa patimpalak na ito dahil hindi rin ako masyado nagsusulat ng mga ganitong tema. Chance na para makapag singit ng tula din. Lagi nalang karakter sa malikot na isip ni @tpkidkai ang nasa kwento.
I will just pretend as if i understand what you said here but i knw u are making sense
Hehe
Nose bleed me
Hey @mrposyble thanks for dropping by!
For sure some words you did understand on that.
But as a gist, it's a poem in response to the original poem by @fherdz. This time it is on the point of view of the girl who reeceived the poem from the guy. Like what are her thoughts, her emotions and what she is feeling.
If it is in English Nosebleed din me hahahaha.
I would like to understand what are you talking to but it is a little difficult to do it. Although I am voting your post being a solidary friend for you. Greetings. A new success!
Hello @auralucy! Thank you. Yeah google translate will not be that much of help during these time but as a gist this is a poem to answer the original piece coming from @fherdz which is also written in our language. The poem is about the response of the girl who received the poem from his love one. Like how she struggles before because it is kinda hard for her to assume if the guy loves him or not. The day that the guy confessed and also the time that they are already together.
People who liked this post also liked:
Sinulat lang sa Papel (karugtong ng tula ni @fherdz) by @beyonddisability
Lihim na Pag-ibig by @rodylina
Bakasyon Noon at Ngayon by @jemzem
Ayee, who was the inspiration? Is this part of your imagination, or did this really happen in real life? I felt nostalgic while reading this, I remembered doing the same thing -- pressing flowers (given by a past lover) between the pages of my notebook! Lol!
It also happened in real life to us. <3 dagdag lang ng kaunting info atbp.
Di ko alam kung nagkeep din sya ng flowers sa notebook pero I think she is.
I did. One petal nung rose na unang bigay mo. Nasa Bible ko. I haven't checked kung andun pa sya. Pero binuo ko ulit bulakalak sa isang colored paper nung nalalaglag na yung petals. Sabi ko para buo pa rin ya tignan. Kaya lang nung maglipat ako from alabang to spc, diko na alam kung san nakalagay.😭Tandang tanda ko pa rin ang lahat... nakaukit dito, ❤️. Thank you. Wide open arms kong tinatanggap ang alay. 😍😘😘 I love you. TMI na.
Ka sweet dami langgam ohh
Naku! ang sweet naman o, naalala ko tuloy ipitin mo mga bulaklak sa mga libro hehehe. Maraming salamat @tpkidkai sa pagsali sa patimpalak ni kabayang @tagalogtrail