TagalogSerye : Ikatlong Araw Mula sa Unang Pangkat

in #tagalogserye7 years ago (edited)

Mangyaring basahin muna ang mga sumusunod upang mas maunawaan ang takbo ng kwentong karugtong.
Unang Araw : ni @tpkidkai
Ikalawang Araw : ni @beyonddisability

Narito na ang karugtong ng TagalogSerye Ikatlong Araw mula sa Unang Pangkat.

"Pag-iisipan namin Uriel, dito ka na magpalipas ng gabi" wika ni Gabby habang inaabot sa kanya ang kumot at unan.

"Ibig ninyong sabihin na sa sofa ako matutulog? Baka pwede namang tabi-tabi na lang tayo kagaya ng dati? ", pilyong tanong nito na may kasama pang kindat at ngiting tila nang-aakit.

Napaurong siya ng akmang iti-360° kick siya ni Mikaela. Tahimik na lamang siyang humiga sa sofa.

Napakatahimik na ng lahat ngunit di mawala sa isip nya ang usb. Hindi niya namalayan ang paglipas ng oras alas-kwatro na pala ng madaling araw. Kailangan niyang matulog para maging maganda siya sa susunod niyang pagtatanghal.

"Hmmmm yung amoy na yun gustong-gusto ko,sobrang natatakam ako", wika ni Gabby

"Marunong ka pala magluto", wika ni Mikaela habang papalapit siya sa naglulutong si Uriel

"Oo, nung iniwan mo ako. Este nung naiwan ako mag-isa ako sa buhay."

Pawis na pawis ang dalawang babae habang humihigip ng mainit na sabaw ng bulalo. Sarap na sarap sila sa luto ng kanilang bisita. Tila ngayon lang sila ulit nakakain ng lutong bahay dahil gabi ang trabaho nila at tulog sila sa umaga na parang aswang --hindi nga ba??.
Nagbilin na si Uriel na tumawag kung sakaling handa na sila para sa misyon.

"Handa ka na ba?",paniniguro ni Gabby kay Mikaela

"Oo, ito ang pinakamalaking okasyon natin ngayong taon. Panauhin natin ang pinakamalaking investor ng klab natin."

Ang pag-uumpisa ng tugtog na kaniyang sasayawin ay ang hudyat ng pagpasok niya sa entablado.

I feel so unsure
As I take your hand and lead you to the dance floor

Nakasuot siya ng pulang pang-itaas na tangging ang dibdib lamang nya ang natatakpan at t-back na natatakpan ng isang dangkal na palda. Natatakpan ang mukha niya ng isang pulang maskara. Sa bawat giling ng kanyang baywang ay halos maluwa ang mga mata ng kanilang mga parokyano. Napakarami ng tao ngayon kumpara sa ordinaryong araw.

I'm never gonna dance again
Guilty feet have got no rhythm

Kasabay nito ang paghubad niya ng manipis na palda at saka hinagis sa mga nanonood. Nagrambolan ang mga kalalakihan sa pag-aagawan nito. Tila mga asong gala na hinagisan ng buto. Kulang na nga lang tumulo ang laway nila ng tumambad ang kabighani-bighaning hugis ng katawan ni Mikaela ng matanggal ang munting palda.

Nang matapos ang kanta ay bumalik na siya sa likod. Marami din ibang nagtangahal kaya may pagkakataon pa siyang makapagpahinga bago ang pinaka-aabangan ng lahat. Ang makasama siyang uminom kung kanino mang numerong ang mapalad na mabubunot.

Maya-maya pa ay tinawag na siya ng kanilang manager upang bumunot ng numero mula sa kahon. Hindi nya mawari kung bakit labis-labis ang kabang nadarama niya gayong hindi naman ito ang unang beses niyang ginawa ito. Apat na taon na siya sa klab na ito ngunit ni minsan ay hindi siya pumayag na ilabas ng sinuman. Hanggang sayaw lamang siya at nakikipag-inuman din sa mga parokyano nila. Bawal ang hawak, halik o kung ano pa man. Tinuturing siyang diamante ng klab nila.

"Heto na...", anunsyo ng kanilang manager, inabot sa kanya ang mikropono

"Numero bente, mangyaring umakyat po kau ng entablado"

Kasabay ng pag-akyat ng lalaking naka-maskara din ng kulay asul ang pagpasok ng mga pulis sa kanilang klab. Isa-isang hinuli ang mga tao ngunit kagaya ng mga napapanood sa pelikula nakatakas ang bida dahil niligtas ng isang "knight in shining armor" maging ang mga bigating tao ay nakatakas din dahil ang iba ay may kapit sa mga pulis na nanghuli.

Hindi na niya alam ang mga sumunod na nangyare ng mawalan siya ng malay dahil sa amoy ng pampatulog mula sa panyo na itinakip sa ilong niya. Nagising siya dahil tila may pumupulupot sa kaniya na napakainit. Pag dilat ng mga mata niya ay nag-uunahan na ang mga luha dahil sa galak na nararamdaman niya. Napunan ang kapirasong matagal ng kulang sa kaniyang puso. Napawi ng mainit na halik ang matagal na niyang pangungulila at kalungkutan.

"Pakk!" (hindi ito yung pak na iniisip mo ah) Isang malakas na sampal ang natamo ng iniirog mula kay Mikaela.

Bumalik sa kaniyang alaala ang sinabi ng nobyo bago maganap ang laban nila sa mga tao, ay hindi nga pala mga tao kundi mga hayop. Pero tao naman sila na parang hayop basta nakakalito kasi talaga. Nag-iibang anyo. Sinabi sa kanya nito na hindi na talaga siya mahal, maghiwalay na daw sila dahil may iba na siyang iniibig. Tapos ngayon susulpot ito na parang kabute at hahalikan siya!

"Ginawa ko yun para makatakas ka, huhulihin ka rin ni Aaa--- Ang mahalaga naman narito na ako hindi ba?"

Muli siyang hinagkan ni Rafael. Nag-aalab ang pag-ibig nila para sa isa't isa na kayang pag-ihawan ng hotdog at marshmallow. Mas naging mapusok pa ang mga sumunod na tagpo. Hindi ko na iisa-isahin pa dahil rated-pg iyon.

Tama ang iniisip mo, yun mismo ang ginawa nila. Kagaya ng sabi sa kanta ni Adele na "All I Ask"

If this is my last night with you
Hold me like I'm more than just a friend
Give me a memory I can use
Take me by the hand while we do what lovers do

Yakap-yakap siya ni Rafael mula sa likuran habang pareho silang nakahiga. Patulog na sana siya ng may ibinulong ito.

"Alam mo walang kwenta 'tong pagiging tao natin?"

"Bakit? Mamimiss mo ba ang mga kinakain natin noon?", nag-aalalang tanong nito.

"Kasi pag magkatabi tayo, nagiging bagay tayo!" sabay tawa ng malakas at may panunuksong tingin.

Isa na naman malutong na sampal ang natanggap ni Rafael.

images (2).jpeg
Pinagkunan ng Larawan

Nang makatulog si Rafael ay pinanood niya ang video na laman ng bracelet usb dahil hindi siya mapakali.
"Kailangan nyong patayin ang anak ng Kataas-taasang Pinuno dahil ang puso't dugo niya ang susi para mawasak ang salamangkang nakaharang sa Eden. Isa siya sa atin..." sabay-sabay na wika ninaJudiel, at ng kambal.

Sobrang sakit. Durog na durog ang puso ko na parang sisig. Ang hapdi hapdi ng mga sugat nito, para bang ibinabad sa alcohol, nilagyan ng asin at pinigaan ng kalamansi. Kakayanin ba niya ang misyong ito?

Nawa ay maibigan ninyo ang kwentong karugtong na ito.

Bilang ng salita : 1000 mga salita, opo talagang sakto lamang walang labis o kulang. Hindi kabilang ang codes ng larawan at mga text divider.

Ibinibigay ko na ang korona kay @cheche016, ang ibig kung sabihin ay sa'yo ko na pinauubaya ang susunog na mga mangyayare.

Suportahan din natin ang Ikalawang Grupo. Good luck sa lahat ng kalahok sa tagalogSerye ni @tagalogtrail

Unang PangkatIkalawang PangkatAraw
@tpkidkai@johnpdLunes
@beyonddisability@jazzheroMartes
@rodylina@jemzemMiyerkules
@cheche016@jenelHuwebes
@valerie15@creyestxsa94Byernes

Upvote. Resteem. Follow.
PicsArt_03-17-04.14.45.jpg

Sort:  

Grabe sobrang ka abang abang talaga ang mga kaganapan. Si Mikaela! Tapos may Pakk (yung hindi iniisip ni @johnpd) tapos may kantahan pa ni Adelle.

Grabe na ito!

Hahaha nadawit ang pang unang araw ng kabilang grupo hahaha @johnpd

nyahaha! pinapahirapan nyo lalo ung mga kasunod. labu-labo na talaga lahat. ang gaLing! 😁

Salamat @johnpd pero saludo ako sa mellinneal manananggal bonga!

Hey bro check it out Get your post resteemed over 90000+ followers and get upto $21+ SBD value Upvote. Go to This site: http://autobooststeem.tk/

Solid ito @rodylina, namaintain yun kwentong club at supernatural haha. Natawa ako sa careless whisper :D Sana magpakita rin yun iba pang mga anghel sa kasunod ng kwento gaya ng paglitaw ni Rafael.

Nakasalalay kay @cheche016 at @valerie15 ang mga susunod na nakaganapan. Salamat sa pagbabasa @jazzhero

Ayos 'to! Ang galing! 👍
Ibinalik mo ang temang SPG ni TP. Pero slight SPG lang naman. Hehehehe. Ang gagaling talaga! Good luck sa mga magdudugtong. 😂
Pero yung sa amin, hindi ko pa nadudugtungan. 😅

Salamat po @jemzem, alam ko naman na yakang yaka mo yan

I love love love the story ahahaha ( Kris Aquino)
Ano na kaya ang mangyayari sa 7 anghel? Kung anghel nga ba sila?
Nasaan si Ricardo Dalithay?
Babae po si Gabriel at MIguel. Codename lang nila yun
Sino ang anak ng kataas-taasan.
kaaabang-abang

Ayun pinatakas yung bigating mga parokyano, heheh hindi ko siya nabanggit ei. Nawala sa scene

Coin Marketplace

STEEM 0.25
TRX 0.19
JST 0.037
BTC 91222.76
ETH 3323.12
USDT 1.00
SBD 3.88