Nang Tumawag si Aling Marilyn

in #philippines6 years ago

Nagpatuloy muli ang kwento ng babaeng nang-iwan. Pero sa pagkakataong ito, ang kanyang ina naman ang tumugon. Mula sa panulat ni @aiyeecanoy na Magmahal Parang Adik: filipino-poetry https://steemit.com/@aiyeecanoy/magmahal-parang-adik-filipino-poetry tunghayan kung ano ang sasabihin sa kanya at kung ano ang iba pang magaganap. Subaybayan ang naudlot na pag-iibigan ng babaeng nang-iwan at ng lalakeng nagmahal na parang adik. Maki-relate sa katauhan ng mga karakter at damhin ang bagsik at kalupitan ng inang tumututol sa maalab na pagmamahalan ng dating magkasintahan. Kayo na ang bahalang humusga kung meron talagang forever.


Mga Tauhan

Aling Marilyn - ang ina ng babaeng nang-iwan
Joan - ang babaeng nang-iwan
Ariel - ang lalakeng iniwan

{Background music playing : Love Story by Taylor Swift}

🎵We were both young when I first saw you
I close my eyes and the flashback starts
I'm standing there on a balcony in summer air...🎶

Nakaupo si Aling Marilyn sa upuang tumba-tumba. Hawak-hawak ang OPPO F1S ng anak na si Joan. Mababakas sa matanda ang kahinaan ng katawan dulot ng sakit. Malamlam ang mga mata, kulubot ang mukha, makapal na grado ng salamin. Sa edad na 54, gulay na ang kalagayan niya. Pero lumalarawan pa rin sa mukha nito ang kasiyahan at panggigigil.

"Support! 'Nak ng baka! Ang hina naman nitong kakampi ko! Imba mga kalaban."
(naglalaro ng Mobile Legends)
"Jo-aaaaaan! Dyaskeng bata ire! Hinaan mo nga 'yang radyo!", pagalit niyang sigaw.

"Kring! Kriiing! Kriiring!" nag-ring ang cellphone ni Joan.

"Ay, istorbo 'are! Sino ba 'to? Hello? Hello? Hello?"

"Hello, Joan? Ikaw ba 'yan? Namaos ka pala sa kaka-videoke natin kagabi sa Worlds of Fun."

"Oo mahal" Ginagaya ni Aling Marilyn ang boses ni Joan.

"Teka. 'Wag ka masyadong maingay. Baka marinig tayo ng nanay mo. Alam mo naman 'yun masyadong..."

"Masyadong ano? Ano?!"

"Huh? Joan, ikaw ba yan?"

"Hin-di--si--Jo-an--i-to", pagpapantig nitong pagbigkas.

"Kayo po ba si..."

Pinutol ni Aling Marilyn ang pagsasalita ng kausap. "Oo! Ako nga ito. Ang nanay na masyadong...", pambitin nito.

"Masyadong ano po?", pagtatanong niya.

"Aba malay ko sa'yo. 'Di mo naman tinapos 'yung sinasabi mo kanina eh."

"Pasensya na po."

"Pasensya?! Namimigay ng flyers ang anak ko sa istasyon ng MRT tapos sasadyain mong bungguin siya? Pagkatapos kunyari tinutulungan mo pulutin ang mga nahulog na flyers pero hahawakan mo lang ang kamay niya? Pagkatapos hiningi mo na ung number at address. Wow! Nauna pa kunin number at address bago pangalan."

"Ang ibig ko pong sabihin..."

"Aba't sumasabat ka pa?! Bastos na batang 'to. Wala kang galang sa matanda. Ano ba ipinagmamalaki mo?"

"Paumanhin po, pero..."

"Hindi mo makukuha ang anak ko!"

"Nay! Nay! Sino po ba yang kausap nyo?", pag-uusisa ni Joan.

"Eh sino pa kundi ang magaling mong...", hindi na naituloy ni Aling Marilyn ang sasabihin.

"Hello. Sino ba to?", pagtatanong ni Aling Mariyn sa kausap.

"Si Junathan po. Empleyado sa Arcade. Kaibigan po ni Joan."

"Aba'y lintek ka! Wag ka ng tatawag. Hindi ka main character sa kwentong ito. Extra ka lang. Ibaba mo na yang telepono bago pa ako..."

Tut... tut... tut... tut... (busy line) Takot na takot ibinaba ang telepono ng kausap.

"Nakow! Nabwisit ako dun. Ibang tao pala. Napahiya ako dun ah."

At para makabawi sa pagkakapahiya, tuluyan ng tinawagan ni Aling Marilyn si Ariel.

"The subscriber cannot be reached.Please try your call later."

"Alam ko. Kaya nga ayaw ko magkatukuyan sila ng anak ko kasi mahirap lang din yang Ariel na yan.

Inulit ang pagtawag. Kumonek ang linya.

"Hello, ikaw ba si Ariel. Sumagot ka. Kung hindi, malilintikan ka sa akin.", pananakot nito.

"Opo. Ako nga po.", mariin nitong tugon.

"Hoy lalake, lubayan mo na ang anak ko. Hindi kayo nararapat sa isa't-isa. Maghanap ka na lang ng iba. Hindi ako boto sa'yo. At hindi rin ako makakapayag na magkatuluyan kayo ng anak ko. Alam mo na mahirap lang ang buhay namin. Alam mo na ang anak ko lang ang inaasahan ko para bumuhay sa amin, tapos lalandiin mo lang, haharutin. Hindi ako makakapayag na ikasal siya sa mahirap. Nagtiis kami simula nung iwan kami ng asawa ko. Galing ako sa mayamang pamilya at naghirap ng makilala ko ang ama ni Joan. Pinaghiwalay kami ng mga magulang ko subalit ipinaglaban ko ang pag-iibigan namin. Nagmahal ako ng lalakeng mahirap kaya naghirap din ang buhay ko. Ayoko maranasan ni Joan ang nangyari sa akin. Kaya kung may pagkakataon pa, itigil nyo na ang relasyon nyo."

"Masusunod po."

"Aba, ang dali mong kausap. Yan ang gusto ko."

"Oh, kayo na po mismo nagsabi na gusto nyo ako. Eh di wala na po pala tayong problema?", banat nito.

"Magtigil ka! Pilosopo!"

"Hindi ko po kayang iwan si Joan. Ikamamatay ko ang paghihiwalay namin."

"Weh?! Mamamatay talaga? OA lang ang peg?"

"Mahal na mahal ko po si Joan."

"The feeling is mutual. I also love my daughter."

"Ipaglalaban ko po ang relasyon namin."

"Kapag may katwiran, ipaglaban mo!"

"Poprotektayan ko po siya."

"Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan, serbisyong totoo lamang."

"Tapat po ang aking hangarin"

"Hindi mo pa ba nakukuha ang ibig kong sabihin? Hindi nga pwede. Makukit ka! Magulo kang kausap."

"Hindi ko po siya iiwan."

"Ay dont kerr whut da packing tape you are saying. Basta hindi mo makukuha ang pahintulot ko."

"May tatlong balot po ako dito ng Goya Dark Chocolate."

"Gawin mong apat."

"Lima na po para 120pesos lahat. Deal?"

"Ah hindeh! Muntik na ako dun ah. Hindi mo ako masusuhulan ng tsokolate."

"Natikman nyo na po ba ung Chocolate Hazelnut na flavor ng Ferrero?"

"Hindi pa. Masarap ba un?"

"Opo. Balak ko nga po sana bigyan kayo ng FREE samples."

"Damuhong ito! Nililinlang mo na naman ako!"

"Magpapakasal po kami ni Joan."

"In your dreams, you bullsh.."

"Oops, bawal po kayo magsalita ng ganyan. Bababa po reputation ng author."

"I know right!"

"Hindi ko po sasabihin sa inyo na sa ika-3 ng Agosto bandang alas dyes ng umaga ang aming kasal sa Simbahan ng Barasoain."

"Kahit hindi mo sabihin, hindi ko din naman alam papunta dun sa Barasoain."

"Huh?! Paano nyo po nalaman na sa..."

"Napanood ko sa CNN. Demet!"

"May tv na po ba kayo?"

"Wala. Radyo lang. Ayan nga oh, tumutugtog pa ngayon."

🎵See the lights, see the party, the ball gowns
See you make your way through the crowd and say hello
Little did I know 🎶

"Ang haba na po ng nangyari, nandyan pa lang ung tugtog?"

"Lakampake!"

"K, fyn!"

"So, are you getting my point now? Do we have an accord?"

"NO DEAL!"

"Buset! Hindi tayo matatapos dito. Hindi ako naka-unli call. Regualar load lang 'tong gamit ko. Baka maputol na itong..."

Tut... tut... tut.. tut... (busy line) Naputol na nga ang linya.

"Di bale text ko na lang siya."

A.M. : Kpg nasagot u mga quest'n ko payag na me marry kau ni Joan
Ariel : Go
A.M. : First question. Paano gumawa ng itlog na pula?
Ariel : I dunno
A.M. : Kinakamot
Ariel : Next pls
A. M. : Ano ang first name ni Pikachu?
Ariel : Huh? Meron ba nun?
A. M. : Meron
Ariel : Sirit na
A. M. : Cherry Pie
Ariel : nyahaha! 😂 laftrip lol
A. M. : Last question. Sagutin kung Oo o Hindi
Ariel : Masasagot ko na yan
A. M. : Hindi mo ba pakakasalan si Joan?
Ariel : x_x

"Yown! I got yah!", pagmamalaki ni Aling Marilyn.

Itinuloy niya ang paglalaro ng Mobile Legends habang nakaupo sa tumba-tumba. Hindi siya magpapalamang kahit kanino. Lumagok ng isang basong tubig na nasa malapit na lamesa at binalatan ang isang pirasong Chocolate Hazelnut na Ferrero.

Itutuloy...


imahe mula sa https://www.pinterest.com/pin/146718900333795730
Sort:  

Hahaha ang kulit ng nanay! Sobrang kwela na ng tinakbo ng istorya. Mula sa simpleng sagot sa tula.

May isasagot kaya si @ayiiecanoy na tula 🤔🤔 Ma abangan nga ito.

hinihiLing ko po na paki-re-bLog po paLa @tagalogtrail para po sa mga nakasubaybay.
at saLamat po sa patuLoy ninyong pag-suporta. 😊

Napakamautak ni aling M hahah grabe siya. May naalala akong tao sa karakter nya. Galing po ng naisip nyong tugon sa kwento @johnpd 👍👍

paumanhin sa napakaraming typo error. nakalimutan ko suhulan ng cupcake ung proofreader ko kaya ayan tuloy kinalabasan. nyahaha! salamat po @rodylina at nagustuhan nyo ang pagpupumilit kong magpaka-kengkoy 😁

Walang anuman po @johnpd 😊

The scripts and the phasing are really good bro! Now need to check on the other post because I started on this part.

salamat po @tpkidkai
isa po ako sa masugid na mambabasa ng mga likha mo. 😊

Salamat sa pagbabasa ng mga ginagawa ko. Kahit laging mema lang ang ginagawa ko. Memapost ng araw na iyon 😂.

Kailangan pang mas pag-igihan talaga. Ang hirap mag-isip ng ideya para sa mga kwento.

Ang galing mo @johpd susulatan ko ulit ng tula itung munting tugon mo . .

sige po. sana nagugustuhan ng mga audience natin itong sagutan. nawa'y marami pang sumubaybay. tulungan nyo po ako na maikalat siya sa @steemph, @steemitfamilyph at sa iba pang komunidad na nakakakilala sa mga akdang Filipino. 😊

Hi, @johnpd thanks for using @steemph.antipolo's services I give 82% upvote for this post thanks to : @johnpd

Panalo po ang pagsusulat at kwento, pramis. Haha. Naegenjoy po ako ng husto.
Salamat sa rekomendasyon ni Toto ng @tagalogtrail at nabasa ko to :)

sa ngayon po nangangalap ako ng followers at audience para mapaghandaan ung nobela na gagawin ko, hihiling po sana ako na kung maaari re-blog nyo po itong post sir @jazzhero pati na rin ang mga sinundang mini-series ng babaeng nang-iwan.
maraming salamat po sa suporta at pagtangkilik.
Mabuhay ang Wikang Filipino! 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 61682.60
ETH 2986.38
USDT 1.00
SBD 2.51