Tagalog Serye- Ikalawang Edisyon Pang-apat na Bahagi ng Ikalawang Pangkat

in #tagalogserye6 years ago

U5drdHutkXfa247oAgHgjS3buhoVdvB_1680x8400.jpg

Ang nakaraan sa TagalogSerye Ikalawang Edisyon ng Ikalawang Pangkat...

Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
ikatlong Bahagi

Bakas sa mukha ni Wade na hindi pa siya nakakatulog. Masakit na ang kanyang ulo at hindi pa rin tumitigil ang mga bumubulong sa kanya.
“Iligtas mo si Trina,” ang paulit-ulit na sabi ng mga ito. Nag-aalala man siya ay hindi niya alam kung paano niya ito matutulungan dahil na rin sa wala siyang kilalang Trina ang pangalan.

7.png

Papunta na sa kanyang opisina si Wade nang bigla siyang mabangga ng isang nagmamadaling babaeng kalalabas lang mula sa opisina ni Nolan. Nahulog ang mga bitbit nitong folders at envelopes kaya lalong napasimangot ang babae. Napansin ni Wade ang ekspresyon ng mukha nito kaya agad siyang yumuko para pulutin ang mga nahulog na gamit ng dalaga.

Natigilan naman sa pagpulot ng mga gamit si Wade nang makita ang umusling resume ng dalaga mula sa isang folder.

Trina Haligi

Dahil dito’y bigla niyang naalala ang paulit-ulit na bulong na narinig niya kagabi.

“Iligtas mo si Trina.”

Lalong nagulo ang isipan niya at pakiramdam niya’y malapit na siyang mabaliw. Ilang minuto siyang naestatwa habang pinagmamasdan ang resume ni Trina. Nang makabalik sa huwisyo’y tumayo siya’t iniabot ang mga gamit nito. Nang kunin iyon ng dalaga ay bahagyang dumikit ang balat ng kamay nito sa kamay niya. Nanlaki naman ang mata ni Wade nang makitang umilaw ang asul na singsing na suot niya.

“Maraming salamat.” Napalitan ng ngiti ang kaninang nakabusangot na mukha ni Trina at agad din nitong nilisan ang lugar.

Napasunod na lang ng tingin si Wade sa papalayong babae at lalong naguguluhan sa mga nangyayari.

7.png

Halos hindi na nakapagsuklay ng buhok si Trina habang tintapos ang report na hinihingi ni Nolan sa kanya. Kanina pa siya tila pinagsakluban ng langit at lupa dahil sa napilitan siyang gawin ang ipinapagawa nito sa kanya.

”I am the boss, Miss Trina! You know how influential we are, right? Baka pagsisihan mo lang kung ayaw mong sundin ang gusto ko. Sisiguraduhin kong walang ibang kompanya ang tatanggap sa ‘yo.”

Sa tuwing naaalala niya ang sinabing iyon ni Nolan ay napapakuyom na lang siya ng kamao. Walang pagsidlan ang inis na nararamdaman niya sa binatang boss nila.

Nang matapos ang ginagawa niyang report para kay Nolan ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Mag-aalas diyes na kasi ng gabi kaya hapong-hapo na siya at gusto na ng katawan niyang magpahinga. Kung hindi lang sinabi ni Nolan na hindi ito uuwi hanggang hindi natatapos ang ipinapagawa sa kanya’y malamang kanina pa siya umuwi. Unang araw pa lang niya sa trabaho pero pinahihirapan na siya ng kanyang boss.

Kumatok siya sa pinto ng opisina ni Nolan habang dala-dala ang reports na ginawa.

“Come in.” Narinig niyang tugon nito.

“Here are your reports, sir. Pwede na po ba akong umuwi?” nagtitimpi sa galit niyang tanong.

Tumayo si Nolan at saka nginitian siya. Nilapitan siya nito at saka ipinatong ang kamay sa balikat niya at marahang hinimas iyon papunta sa kanyang likod na siyang nagpatindig ng kanyang balahibo.

Tila nahipnotismo si Trina sa ginagawang iyon ni Nolan. Iyon ang laging ginagawa nito sa kanyang mga naunang sekretarya. Ngunit ang totoo’y hindi naman talaga si Nolan ang gumagawa niyon kundi ang dyablong nasa loob ng binata.

Ilang dangkal na lang ang pagitan ng mga mukha nila at amoy na nila ang hininga ng isa’t isa. Tila nawawala na sa sarili si Trina pero parang may gumigising sa kanya dahilan para bumalik siya sa katinuan.

“Bastos!” Hindi siya nakapagpigil at nasampal ang kaharap niya na kanina niya pang gustong gawin noong magkasagutan silang dalawa.

Napahawak si Nolan sa mukha nito at tiim-bagang siyang tinitigan. Biglang pumula ang mga mata ng binata at tumubo ang dalawang sungay na parang isang diyablo.

U5dqq5eRzncS4pS6fBXZ47zFwHYACbi_1680x8400.jpg

Nanlaki ang mga mata ni Trina sa pag-iiba ng anyo ni Nolan. Napasigaw na lamang siya dahil sa takot.

7.png

Mag-aalas diyes na nang matapos ang ginagawa ni Wade sa opisina. Gaya ng dati ay siya na lamang ang natitirang tao sa kanilang departamento at sanay na rin naman siya roon. Inayos niya muna ang kanyang mga gamit bago umuwi.

Nang makalabas siya sa kanyang opisina ay isang sigaw ang narinig niya. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang mapagtanto niyang sa opisina ni Nolan nanggaling ang boses ng babaeng sumigaw.

Lakas-loob niyang tinungo ang opisina ng kanilang boss. Hindi na siya kumatok pa at agad na binuksan ang pinto.

Nakakahilakbot na eksena ang kanyang natunghayan pagkapasok niya sa loob ng opisina ni Nolan. Isang dyablo ang nakita niya. Hawak nito ang walang malay na si Trina na nakanganga habang tila hinihigop nito ang kaluluwa ng dalaga.

Ngunit natigil sa ginagawa ang dyablo nang mapansin siya nitong nakatayo sa may pintuan. Binitiwan niya si Trina na noon ay wala pa ring malay.

“Anong ginagawa mo rito?” nanlilisik na matang singhal nito.

“Tulungan mo kami!”

Biglang umilaw ang pulang singsing na suot ng dyablo habang paulit-ulit na humihingi ng saklolo ang boses ng mga kababaihang nanggaling sa singsing na iyon.

“Sir Nolan?” bulalas niya nang maalala ang narinig niyang sinabi nito sa mga kaibigan noon.

”Ang singsing na ito ang pampaswerte ko,” sambit ni Nolan habang ipinapakita ang pulang singsing.

Biglang umangat ang kamay ni Wade at hindi niya iyon kontrolado. Muling umilaw ang suot niyang asul na singsing gaya ng pag-ilaw nito kani-kanina lamang. Biglang nag-iba ang anyo ni Wade. May tumubong pakpak sa kanyang likod na para bang sa anghel.

archangel-2196763_960_720.jpg

Nang makita iyon ng dyablong Nolan ay nasilaw ito kay Wade at napasigaw ang dyablo dahil tila hinihigop ang kaluluwa nito ng asul na singsing…

Itutuloy…

Ano kaya ang ang mangyayari sa dyablong Nolan? Tuluyan na nga kaya itong mahigop ng asul na singsing? Ano rin kaya ang nangyari kay Trina? Tuluyan na nga kayang nahigop ni dyablong Nolan ang kaluluwa nito? O hindi ito naituloy dahil sa biglaang pagdating ng superhero ng kababaihan na si Wade? Paano naman ang mga naunang biktima ng dyablo? Makakawala pa ba sila sa singsing o Rest in Peace na talaga sila? Alamin sa pagpapatuloy ni tropang @itsmejayvee.

Huwag po maglilipat ng channel at antabayanan ang huling yugto ng TagalogSerye Ikalawang Ediyon ng Pangalawang Pangkat!

Bilang ng salita: 842

Mga Karakter

Kontrabida:

Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas. (Lahing Serrano)

Ang Habulin/Pogi:

Lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Nolan Serrano)

Bayani:

Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Wade)

Mga Elemento sa Kwento

Amulet/Anting Anting
Lumang Larawan
Bethrotal or Arranged Marriage
Rivalry

Tema ng Ikalawang TagalogSerye

Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan"

Narito po ang bumubuo ng tatlong pangkat:

Mga Pangkat

Unang Pangkat:

@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes

Ikalawang Pangkat:

@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes

Ikatlong Pangkat:

@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes

Para sa kumpletong detalye ng kaguluhang aming pinatulan, i-click po ang link na ito: Ikalawang Hamon ng Dugtungang Kwento ni @tagalogtrail


Pinagkunan ng larawan:1, 2, 3

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: Tropa ni Toto

new banner.gif

Sort:  

Ang galing ng karugtong :D Ramdam mo na pang climax talaga, dahil dun napadali mo ang trabaho ng pang-ending na writer. Yun sa akin ata ay napahirapan ko pa lalo. Haha. Great job po. Exciting ang katapusan ng kwentong ito.

Waaaahhhhhh naiiyak na ko

Haha, ikaw nga pala un JV. Asus, yaka mo tong ending hehe. Sulat mo lang yun maisip mo. Pero looking forward talaga sa pagtatapos neto. Taas ng expectations ko lol.

Lubiiiidddds pengeng lubiiidddd !!!

Nakakastress kasi sa part ng magtatapos na writer kaya gusto kong bawasan kahit kaunti ang stress. Ayung kung nabawasan nga talaga. 😅
Basta alam nating kaya 'yan ni @itsmejayvee. 👍

Ayyyyu ang bongggggaaaaa nito ang galing galing hahhaaha ang perfect ng asul na sing sing na nadugtong ko nalagyan mo talaga ng eksena ..
Yehheeeeyyy

Gusto ko nga rin sanang lagyan ng pink na singsing sis e. Kaso may pink na medalyon na pala sa kabila. 😂

Oo meron na ngang pink na medalyon haha nasa loob daw nun si hello kitty 😊 pero pwera biro congrats ang galing mo

Walang azul na bracelet...puro singsing lang??

Lalagyan na lang po namin sa susunod. Pati kwentas na rin at iba pang accessories. Heheheh. Salamat po sa upvote. 😊

Ayan, patas na ang labanan ng dalawang bida. Parehas na silang may mahika! Blue vs red na singsing! Sino ang mananaig? Excited na me sa ending! 😃

7 aiiyak na ko 😭😭😭

Napepressure daw lalo si @itsmejayvee sis sa tuwing naeexcite tayo sa ending. 😂

Hahahahahahaha! Kaya yan! 😅😄👍

wow. napakaganda nito. Ang galing ng kadugtong ng kwento @jemzem. clap clap clap.
@itsmejayvie ang ending, ano ang ending

Abangan ......... 🤔🤔

Salamat katropang @beyonddisability sa magandang panimula at sa mga tulong mo sa akin. Na kay JV na ang kapalaran nina Nolan at Wade. 😂

tignan natin ano ang katapusan. Malulung kot kaya tayo? Matutuwa? o Matatakot?

Ito na umpisa na ng katapusan ang labanan ng anghel na si Wade at ng demonyo na si Nolan sino kaya ang magwawagi sa dalawa.

Good luck @itsmejayvee para sa katapusan ng kwento.

Sana isali ni JV ang karakter mo Toto. 😁

hahaha pag pahingahin mo naman ang karakter ko 😂 @jemzem pagod pa sa Lu-To na love team.

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 57453.27
ETH 2928.75
USDT 1.00
SBD 3.67