TagalogSerye Ikalawang Edisyon: Unang bahagi ng Ikalawang Pangkat

pinagmulan

Muling tinignan ni Nolan ang kanyang kakisigan sa harap ng salamin. Matapos maligo pinagmasdan nya ang kanyang kahubaran na 1000 libong taon na nyang inaalagaan. Napakalapad ng kanyang balikat. Ang maskulado nyang katawan ay mas lalong bumagay sa kanyang tangkad na anim na talampakan. Kaiga-igaya ang kanyang makinis at pantay-pantay na kayumangging kutis. Matambok ang kanyang dibdib at ang kanyang puwetan dulot ng araw araw na pag-eehersisyo. Kay kintab rin ng kanyang itim na buhok. Sinong hindi pagnanasaan ang lalaking ito na siya pang pinakamayamang lalaki ng bansa.

Siya ang may-ari ng Norman Serrano group of companies na minana niya sa kanyang ama. Anumang industriya naroon ang pamilya nila. Maraming dekada na nilang pinangungunahan ang lahat ng negosyo sa Pilipinas. Sa lakas ng kanilang impluwensya hindi na nila kailangan pang pumasok ng pulitika. Ang totoo niyan halos lahat ng umuupo sa gobyerno ay pakawala ng angkan nila. Mga kabataang Pilipino na kanilang pinag-aral, inimpluwensyahan, pinayaman at ngayon ay mga sunud-sunuran sa kanilang angkan.Sa lahat ng elitista, iba itong si Nolan dahil bihira siyang makihalubilo sa tao. sa edad na 34 puro walang kasigurhang girlfriend lamang ang nababalitaan ng madla mula sa mga tsismoso showbiz writers ng bansa.

"Hello!", bungad ni Nolan sa kanyang kausap sa iphone
"Sir, your meeting with foreign investors will start in 30 mins. The visitors are already here in the conference room. " , tugon ni Hannah, ang kanyang magandang sekretarya.
"I am almost there", wika ni Nolan habang pinapark ang kayang lamborghini sa Serrano Tower.
Suot nya ang kanyang black suit na mas lalong nagpatingkad ng kayang kakisigan.

Papasok ng bulwagan ay nakasalubong ni Nolan si Wade. Isang makisig subalit kay tahimik niyang empleyado. Naghatid ito ng mga kapeng starbucks para sa mga magmemeeting.
london-uk-09th-may-2016-tye-sheridan-global-fan-screening-gala-of-G164CC.jpg

pinagmulan

"Thank you Sir Tamashiro, You will not regret this decision", buong tiwala sa sariling bigkas ni Nolan matapos na matagumpay na maisara ang deal sa mga negosyanteng hapon.

Pagkaalis ng lahat ng tao sa bulwagan agad niyang niyakap si Hannah.
"Thank you love for preparing all the stuffs for this meeting", masuyong wika ni Nolan
"All for you my love. I will do everything",ganti ni Hannah habang yakap-yakap ang lalaki ng kanyang mga pangarap.
"Meet you in my house later this evening. Here is the key to my mansion", bilin ni Nolan at tuluyan na siyang pumunta pa sa iba pa nyang dapat gawin para sa araw na iyon.

pinagmulan

Pulang bestida ang suot ni Hannah habang humihigop ng alak. Nasasabik na siya sa pag-uwi ng lalaking pinakamamahal niya. Nang sa wakas ay dumating ito sinalubong niya ito ng mainit na halik na ginantihan naman ni Nolan.
"Do you love me", wika ng lalaki
"Of course, I do. I am deeply mad at you", wika ng babae na nang-aakit.
"Then take a look at this picture, This is me. The girl beside me is my wife that I was forced to marry"
"Eh paanong ikaw iyan panahon pa ng kastila ang litratong iyan", bulalas ni Hannah habang tinuturo ang malaking larawan sa dingding. Pagharap niya sa lalaking sinisinta laking gulat niya.
"Do you love me?". Mas lalong lumaki ang boses ni Nolan na umaalingawngaw sa buong mansyon. Nagkulay pula ang kutis nito , nawalan ng buhok at nagkaroon ng matutulis na kuko. Kulubot ang mukha, may mga pangil at dalawang malagong sungay. Itim na itim ang mga mata nito

pinagmulan

"Do you love me?".
Natumba si Hannah sa pagkagulantang at idinikit pa ng dyablong si Nolan ang mukha nya sa babae at
nagwika, "Do you love me?". pasigaw at humagikhik na nakapangingilabot.

Sumigaw si Hannah kahit alam nyang walang makakarinig sa kanya subalit walang boses na lumabas. Tinapat ng dyablo ang kayang bibig sa bibig ng babae at tuluyang hinigop ang kaluluwa nito. Sabay sigaw ng isang malagim na ungol na umaalingawngaw sa buong mansyon. Makapanindig balahibo tagos hanggang bawat himaymay ng kalamnan ang ungol na iyon.
Dinala niya ang walang buhay na katawan ng babae sa isang kubling silid. Isa itong madilim na silid na may metal na lamesa sa gitna. Nagsimula siyang umusal ng orasyon. Nakakatakot na mga salita. Hindi mawari subalit kayang angkinin ang buo mong pagkatao.

Nagbalik ang taong Nolan na umiiyak sa walang buhay na katawan ni Hannah. Sumuntok siya sa marmol na sahig at pinipilit na basagin ang singsing na ruby hanggang magdugo ang kanyang mga kamay. Subalit ang singsing ay nanatiling makinang. Magmula ng suutin niya ito ay hindi na niya ito pa nagawang hubarin.

Nakaupo na naman sa isang sulok ng kanyang kwarto si Wade yakap yakap ang kanyang mga tuhod. Umiiyak tinatakpan ang mga tenga. Alam nya ang nagyari. Narinig nya ang malagim na ungol na iyon na alam rin nya kung kanino galing. Sa kanya na naman galing. Sa hindi maunawaang dahilan ay kung bakit noon pa man tila sya lang ang nakakarinig ng nakaririmarim na ungol na iyon. Subalit kay dilim at tahimik ng gabi paanong kanyang narinig? Susundan ito ng mga sari- sari nagdadalamhating tnig. Paulit-ulit. Gabi-gabi. Napapadalas na ang kanyang mga naririnig na paghingi ng tulong.

"Tama na. Ayoko na," tila nasisiraan ng bait na mulit muling bulong ni Wade.
ang mga tinig ay tinatawag ang kanyang pangalan. Ang dami. Halo- halong boses. Nagmamakaawa. Tumatangis. Hindi mapayapa.
"Ayoko na. Tigilan nyo ako."
Pero nagpapatuloy ang mga tinig na ngayon ay nadagdagan pa muli ng isang tinig... ng pamilyar na tinig.
"Wade, tulungan mo kami. Palayain mo kami"

itutuloy...

bilang ng salitang ginamit: 860

Mga Karakter
Kontrabida: Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas.(Lahing Serrano)
Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Nolan Serrano)
Bayani: Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Wade)

Mga Elemento sa Kwento
Amulet/Anting Anting (singsing na ruby)
Lumang Larawan( larawan ni Nolan at ng Asawa niya)
Bethrotal or Arranged Marriage (pinilit banggitin basta nandyan pero nasa wiakng Ingles)
Rivalry o tunggalian( ang taong Nolan at ang dyablong Nolan)

Tema ng Ikalawang TagalogSerye
Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan" (pinilit din gawin)

NOTE: paumanhin at nahuli ang unang bahagi para sa unang araw ng ikalawang pangkat. Mangyari kasi bukod sa maraming tinapos na gawain ay isang malaking pagsubok ang mga prompt. Grabe kayo Toto at Junjun, pigang -piga ang utak. Buti at nairaos din. Alas kwatro na po ng umaga wala pang larawan ang akda.

Ikaw na ang bahalang magdugtong @ailyndelmonte. Linsin mo na lang ang magulong kwento haha

Mga kaibigan suportahan po natin ang mga gawang Filipino
Salamat po kay @tagalogtrail na sina Ka Toto at Junjun sa pagpapahirap sa amin, haha
Narito po ang bumubuo ng tatlong pangkat

Mga Pangkat
Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes

Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes

Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes

matutulog na po ako!

Sort:  

Ano ang kaugnayan ni Wade kay Nolan Serrano?
Bakit si Wade lang ang nakakrinig ng dyablong Nolan?
Totoo bang dalawa ang katauhan ni Nolan?
Anong kababalaghan ang dulot ng singsing na ruby?
Magapaliga ba ng basketbol ang SK ulit?
Tunghayan ang mga kasagutan sa magulong kwento na ito na dudugtungan ni @ailyndelmonte

Wow! Ang husay nito bro! Akmang akma sa temang gotiko. Napaka misteryoso ng lead characters, at nakaka intriga kung ano nga ba ugnayan nila. Akala q bampira si Nolan, guatong gusto q rin yang mga vampire2x na tema eh. Pero nagulantang aq dahil mas malala, diyablo na ata xa. 😱

Excited na aq sa karugtong ng kwento! Good luck sa inyong pangkat! 😃

salamat @lodi @chinitacharmer.
yung kwento mo sobra akong humahanga doon
aabangan ko ang kasunod :)

Maraming salamat sa suporta! Napakaganda talaga ng proyektong ito ng @tagalogtrail. Nagiging mas "engaged" ang mga manunulat sa gawa ng bawat isa. Alam mong may babasa at babasa tlga sa gawa mo, kaya di masasayang ang effort. Kaya saludo aq kay toto at junjun! So dope! 😎

syang tunay. Nagawa nila tayong magbuklod.

Ang husay @beyonddisability! Sobra akong nabighani sa paraan ng pagsulat mo ngayon dito. Yung sakto lang ang atake nya malinaw na naipadala ang mga dapat sabihin ng kwento.
Yung picture ng diablo grabe! Napa scroll down kagad ako kasi ba naman takot si aqoeh.

Slow clap! Congrats at magandang laban nga ang ikalawang-linggo.

salamat at naibigan nyo po @tagalogtrail. 8am na ako nakauwi. 2am ako natapos sa mga dapat ko gawin. at 4am ko natapos ang unang bahagi para sa pangkat namin. basta sumulat lang ako. Bahala na magdugtong ang mga kasama ko hahaha.

Whoaah! Ako'y nagpapasalamat dahil unang bahagi pa lang ay ipinasok mo na lahat ng nasa prompt. Dahil d'yan, hindi na kami masyadong mahihirapan. At saka gusto ko ang naisip mong plot, @beyonddisability. Pasok na pasok sa panlasa ko. Ayos! :D

salamat kung gayon. mas ok pala kung hindi iispin. tapos sulat lang ng sulat. mas kaigay igaya ang kalalabasan.

may ikawalang bahagi na na gawa ni @ailyndelmonte

Hahahha 😂😂 ikawalang bahagi talaga 😅

Madalas mas mainam nga kapag ganyan. Free writing ika nga. Maganda pa rin naman ang kinalabasan. :D
At ako'y lilipat muna sa ika;awang bahagi. Nagma-marathon ako sa pagbabasa ngayon e. Hhahahahah.

Nauna ko muna nabasa ang chapter 3 at late ko na nabasa eto hehe, pero ang galing netong umpisa. Malagim nga ang kwento. Maganda ang atake at mga elemento ng kwento ang naibungad mo dito kaya rin pala kakaiba at maganda rin ang mga karugtong :)

grabe hustle yung araw na iyan
8pm ako nakauwi
kinailangan ko muna magpalod ng wifi
inabot ako ng 2am para sa community post namin
2am ko na ito naumpisahan at antok antok

Di ko akalain kung ano yung basta ko lang sinulat yun pa ang magiging matino
Nalungkot ako nung ginawa ko ito kasi ang daming kulang. Perong tuwa-tuwa ako sa dugtong ng mga kasama ko :)

Hehe, di ko na-realize na ganito pala to ka-rush. Mukhang pasok ata kasi to sa timplang horror na madalas mong masulat, kaya nagawa mo ng maganda kahit mabilisan. Ayos din yun mga kulang, nabigyan ng chance un mga sumunod na dugtungan at punan ng iba pang interpretation yun gawa mo - kaya mas exciting yun challenge hehe.

maraming salamat po bro @jazzhero. Minsan di talaga natin alam ang mga mangyayari. Naktutuwa. Salamat din sa pagbabasa :)

wow pangkat pangkat pala ang tagalogserye, marami na ang mga babasahin :D

Hahaha sympre naman mas mahirap na ang #tagalogserye sa susunod na linggo @beyonddisability maghanda ka pa lalo.

bahala na mga kagru po ko dyan.. guguluhin ko lang lagi yung kwento hahahaha

bwahahahhahahah dapat pala ikaw ang pang-una o kaya pang dulo para hindi matuloy ang iyong masamang balak.

Opo @steemph.antipolo dibale tatlong pangkat ang magkakalaban ngayong Linggo para sa karangalan at 1SBD na gantimpala na paghahatian ng lima.

Lubhang mahuhusay ang mga kalahok po kaya't ngayon palang ay hirap na hirap kaming mamili sa mananalong grupo.

Coin Marketplace

STEEM 0.27
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 56858.44
ETH 2919.14
USDT 1.00
SBD 3.60