TagalogSerye: IKALAWANG EDISYON :ANG HULING YUGTO NG IKALAWANG PANGKAT

in #tagalogserye6 years ago (edited)

Magandang Araw sa inyong lahat. Ito ang unang beses ng pagsusulat ko ng kuwento. Salamat sa aming katropang si @tagalogtrail na pinamumunuan ni TOTO at ni JUNJUN dahil sa kanila ay nagpursige akong gumawa nitong #tagalogserye.

Narito na ang huling bahagi ng IKALAWANG PANGKAT, ngunit kung hindi niyo pa nasubaybayan ang mga unang pangyayare sa kuwento namin ay maaari niyong basahin ito sa ibabang link.
UNANG BAHAGI : @beyonddisability
IKALAWANG BAHAGI: @ailyndelmonte
IKATLONG BAHAGI : @valerie15
IKAAPAT NA BAHAGI :@jemzem

BABALA: WAG SPOILER. HAYAAN NIYONG MABASA NILA. PARA MALAMAN NILA ANG PAKIRAMDAM.

tagalog trail.jpg

ANG NAKARAAN…

Fantasy-Angel-With-Sword-500x312.jpg
pinagkunan

Nang makita iyon ng dyablong Nolan ay nasilaw ito kay Wade at napasigaw ang dyablo dahil tila hinihigop ang kaluluwa nito ng asul na singsing.
“AAAAAHHHHHHHH…… “ atungal ng diyablo.
“Sino ka?” tanong ng diyablo habang nasisilaw sa liwanag.
“Sino ako?” Banggit ng anghel habang unti unting nawawala ang puting liwanag at kasabay nito ay ang paglitaw ng isang anghel.
“ Ako si TOTO ang anghel na isinugo ng Diyos upang lipunin ang masasamang Diyablo na katulad mo!” sabay tutok ng gintong espada sa Diablo habang ito ay nasasaktan sa liwanag na dulot ng anghel.

FLASHBACK
ANG PULA AT ASUL NA SINGSING SA NAKARAAN…

“HINDI MAARI YAN! ITAPON MO NA ANG SINGSING NA IYAN BAGO PA MAGING KAPALIT ANG BUONG PAMILYA NATIN!”, pasigaw na sabi ni maria na asawa ni Norman Serrano na ama nila Nolan at Wade.

Nang biglang ………
l_52b7b375858dfa3c1e689bf490fdcd59.jpg
source

“HAHAHAHAHAHA ikaw ang ika-pitong kaluluwa na kukumpleto sa akin Maria!” umilaw ang singsing na pula kasabay ng paghigop sa kaluluwa ni Maria.

“ Hindi ang asawa ko! Ang usapan natin ay hindi madadamay ang pamilya ko!” pagpigil ni Norman sa diyablong nasa singsing.

Hindi pa man nakukuha ng diyablo ang kaluluwa ni Maria ng mahagip ni Norman ang isang kutsilyo na siyang isinasak sa kanyang sarili upang sya na lamang ang maging alay sa huling kaluluwang kailangan ng diyablo.

“Patawarin mo ako mahal ko," usal ni norman sa asawang walang malay. Tuluyan nang hinigop si Norman ng pulang singsing.

vestige for blog.jpg
pinagkunan

Hinigop rin ng pulang singsing ang kagandahan at kabataan ni Maria at sa pag-aalala siya ay tumakas dala ang bunsong anak na si Wade na noon ay nasa pitong taong gulang. Si Nolan naman ay labing pitong taong gulang ng mga tagpong iyon at siya namang kinontrol ng pulang singsing. Mula noon nawala ang alaala ni Nolan dahil sa pulang singsing. Ang naiwan sa kanya ay ang mga alaalang kaloob ng dyablo.

Tumakas si Maria at ang anak niyang si Wade na wala pang muwang sa mga pangyayari. Napadpad sila sa isang kumbento kung saan iniwan si Wade ng ina upang maghanap ng paraan kung paano maililigtas ang panganay na anak.
Naghanap ng kasagutan ang ina hanggang sa dalhin siya ng tadhana sa Mt. Banahaw kung saan doon ay narining niya ang magiting na boses ng isang anghel. Ibinigay ng anghel ang isang asul na singsing na nagtataglay ng isang nakakasilaw na liwanag. Habang naglalaho ang boses ng anghel ay kasabay ding naglalaho ang liwanag sa singsing.

24288_220634104749789_1443399089_n.jpg
pinagkunan

“ Ibigay mo ito sa isang taong natatangi, DUGO SA DUGO, LAMAN SA LAMAN ANG SUGO AY TANGING SIYA LAMANG.”

At naglaho ng tuluyan ang liwanag at boses, ang naiwan na lamang ay asul na singsing. Sa talinghagang iniwan ng anghel ay naguluhan ang isipan ni Maria, nanatili siya sa Mt. Banahaw sa pag-asang muling magpapakita ang anghel at kausapin siyang muli nito.
Lumipas ang maraming taon at isang mayamang pamilya ang umampon sa kay Wade. Lumaki siyang normal pero may mga bumubulong sa kanya. Ito ang mga kaluluwang nakulong sa pulang singsing kasama na ang tatay niya. Binantayan siya ng kanyang ina hanggang sapat na ang gulang niya ay ibinigay ni Maria ang asul na singsing sa katauhan ng isang matandang ermentanya.

KASALUKUYAN…
Akma ng itatarak ng anghel na si Toto ang gintong espada sa dibdib ng Diyablo nang biglang narinig nito ang boses ni Nolan.
5b178ac49beb4e3728b10d99f8e6c687.jpg
pinagkunan

“ Wade tulungan mo ko! Palayain mo ako!” usal ng boses na nanggagaling sa demonyo habang pinapakita ang mukha ni Nolan na nagwawangis demonyo.

“Boss Nolan?” pag-aalalang tanong ni Wade sa nagpapalit wangis na si Nolan.

source.gif
pinagkunan

“NAGAWATANIT OK NGA TAHAL GN NGIKA NOPMAK” sigaw ng diyablong nasa katauhan ni Nolan na tila may tinawag sa kailaliman ng lupa.

Biglang nagdilim ang buong paligid,pumula ang buwan at umalingawngaw ang ungol ng mga itim na espiritu. Naipon ang itim na anino sa kamay ng diyablo at inilapat sa katawan ng anghel na si Toto.

“Anong!!! Aaaaarrrrrggghhhhhh !!” di na natapos pa ni Toto ang sasabhin dahil tumilapon siya sa lakas ng itim na kapangyarihan na ibinato sa kanya.

Muling winika ng diyablo ang itim na dasal na inusal kanina lamang habang tumatayo at naipon ang itim na esperitu sa kamay niya at naghugis espada. Isang espadang itim na nababalutan ng pulang awra ang hawak ng diyablo.
8220e7ebd4ab7e6c60bc550791fbdad4.jpg
pinagkunan

“ Sa palagay niyo ba ay mapipigilan ninyo ako sa mga kagustuhan ko ? HINDI!!!” wika niya na halatang nanghihina dahil sa liwanag ng gintong espada
Bumuka ang pakpak ng diyablo at sinugod ang tumilapong anghel. Kaagad namang nakatayo ang anghel at sinalag sa pamamagitan ng kanyang espada ang pag-atake ng diyablo. Lumiliwanag ang pula at asul na awra sa ilalim ng pulang buwan habang nagpapangbuno ang anghel at diyablo sa katauhan ni Nolan at Wade.

Sa tagpong iyon nananaig ang pulang awra ng singsing dahil na din sa dami ng kampon ng diyablo. Nanghina ang anghel at hindi kalaunan ay nagagapi na ng diyablo ang anghel na si Toto at nagbabalik ang katauhan ni Wade. Sinuntok ng diyablo anghel at bumulusok ito ng bagsak sa ibaba.

220px-Anglican_prayer_beads-2006_04_08.jpg
pinagkunan

“Kailangan natin ang asul na rosaryo na binuo ng iyong ina mula sa mga butil na ikinalat ng mga anghel sa Mt. banahaw. Ito lamang ang makagagapi sa kapangyarihan ng pulang singsing.” wika ng anghel.

“ Aking ina?? Paanong buhay pa ang aking ina?” pagtatanong ni Wade sa kalooban ng anghel.

“ Oo Wade, ang matandang nagbigay sayo ng asul na singsing ay ang iyong ina.”wika ng anghel na pinapanawan na ng lakas

“ ASUL NA SINGSING? ANGHEL NA SI TOTO? ROSARYO? WALA KAYONG MAGAGAWA SA KAPANGYARIHAN KO! HABANG NASA KATAWAN AKO NI NOLAN HINDI NIYO AKO MAPAPABALIK SA KAILALIMAN! AKIN ANG KATAWAN NA ITO AT AKO ANG MASUSUNOOODDD !!!” pasigaw na sabi ng diyablo habang papalapit sa nakahandusay na katawan ni Wade.

At nang makalapit ang diyablo at akmang itatarak ang espadang itim sa dibdib ay umungol ng ito ng malakas.

“ Awwwwwrrrggggggghhhhh !!! anong ginagawa mo Nolan”, sambit ng demonyo.

“ Wade pipigilan ko siya! tumakas ka na!” pagpigil ni Nolan.

“Boss Nolan? Pero paanong…?” pagtatanong ni Wade na naghihina na.

dante-pierced-from-dmc-anime-1.jpg
pinagkunan
“ Wag kanang maraming tanong at…” natigil ang pagsasalita ni Nolan dahil kontrolado ng diyablo ang katawan niya. Sabay itinarak ng diyablo sa dibdib ng binatang si Wade ang itim na espada na agad ikinamatay ng binata habang dilat ang mata kasabay nito ay ang pagkawala ng pakpak at ilaw ng asul na singsing.

Nang biglang may sumigaw. Isang tinig ng babae.

LUMAYAS KA BA’AL! IBALIK MO ANG LAHAT NG KALULUWANG IKINULONG MO SA SINGSING.” sigaw ng babaeng dumating.

“ Ohhh Maria! ikaw pala. Nahuli ka na nang dating dahil napaslang ko na ang pinakamamahal mong anak. Bwahahahah.” pademonyong tawa nito na tila sa ilalim ng lupa nagmumula.

“ Hindi maaari! Wadeeee!” umiiyak habang patakbong lumapit sa walang buhay na anak.

Dinampot ng diyablo si Maria at tinarak ang espada sa dibdib ng matandang babae. Nabitiwan ni Maria ang rosaryo at at ito ay lumapag sa dibdin ni Wade.

“ Hindi na kita kailangan pa” banggit ng diyablo.

At umilaw ang rosaryo. Nabalot ng liwanag ang buong lugar, nasilaw ang diyablo at nabitwan ang naghihingalong si Maria.

“Ano ito? Hindi maaari ito!” pagkatakot ang naramdaman ng diyablo habang naaaninag ang isang katawang nakalutang sa harapan niya.

(apocalypse_angel_ii_by_whendell-d6sjqva.png
pingakunan

“Muling babangon, tatapusin ang nasimulan, dugo sa dugo, laman sa laman, ANG MAKAKAGAPI AY SIYA LAMANG!!!” umalingawnga na wika ng isang lalaki na nakatago sa liwanag ng rosaryong asul.

Tama si Wade nga iyon. Nabuhay siyang muli dahil sa asul na rosaryo…nabuhay siya upang tapusin ang nasimulan niya… upang tapusin ang nakatakdang misyon niya. Dinampot ng binata ang naghihingalong katawan ng ina at ito ay inilayo sa diyablo, habang ang diyablo naman na si BA’AL ay unti-unting lumalayo sa liwanag na iyon.

“ BA’AAAAAAALLLLLLLL !”pasugod na sigaw ni Wade sa diyablo.

epic_angel_by_jerseyrob-d6amy5z.jpg
pinagkunan

Kasabay nito ay umilaw muli ang asul na singsing at lumabas ulit sa katauhan ni Wade ang anghel na si TOTO, puting-puti ang pakpak at may tangan na gintong espada. Muling nagpangbuno ang asul at pulang awra. Sa ngayon mas nananaig ang puti’t asul na liwanag sa buong lugar. At sa huli ay bumagsak ang diyablo sa lupa na hinang-hina at puro sugat. Likidong berde ang lumalabas na dugo mula rito.

“Hi-nd-I ma-a-arii to-oo!Paano-nng?urgghh…” paubong sabi ng diyablo habang lumalabas ang berdeng likido sa bibig nito.

“ Isa lang ang ibig sabihin, na hindi ka nababagay sa mundong ito kaya bumalik kana sa pinanggalingan mo!” pagalit na sigaw ni Wade sa diyablo.

Nang biglang nagpalit ng anyo ang diyablo sa katauhan ni Nolan.

“ Wade kapatid ko. Ako ito. Wag mong gawin sakin ito.” pagmamakaawa ng mukha ni Nolan sa kapatid.

“ Boss Nolan?” pag-aalala ngunit nagtatakang wika ni Wade.

“ Oo ako nga wade ang kapatid mo. Hindi mo na ba ako nakikilala?” panlilinlang ng diyablo kay Wade.

Iniangat ni Wade ang kaniyang kamay at kasabay nito ay ang pag-ilaw ng singsing. Humiwalay ang anghel sa katawan ni Wade at inilagay ang asul na rosaryo sa kanang kamay niya.

download (1).jpg
pinagkunan

“ Kahit kelan hindi ako tinawag na kapatid ni Boss Nolan simula nang binura mo ang lahat ng alaala niya! Kaya BA’AL sa papamagitan ng asul na rosaryo ihihiwalay kita sa katawan ng kapatid ko!” sambit nito habang ipinapasok ang kanang kamay sa dibdib ni Nolan.

Dinukot niya mula sa loob ang diyablong naninirahan sa katawan ng binata. Kasabay nito ay ang pagkahubad ng singsing na pula. Inihagis niya sa ere ang katawan ng diyablo. Nagbukas ang langit ganun din ang lupa. At mula sa ere ay nandoon ang anghel na si Toto, Itinaas ang gintong espada at ito ay nagliwanag.

angeldemon2.jpg
pinagkunan

“ Sa ngalan ng Ama, ikaw BA’AL ay ipadadala sa pinakamalalim na parte ng impyerno at doon ikaw ay makukulong sa habang panahon!” pag-uutos ng Anghel na si Toto. Inihagis niya ang esapada sa diyablong si Ba’al at ito ay pinatapon sa impyerno at kahit kalian ay d na siya makakalabas.

hqdefault.jpg

pinagkunan

“MAGBABALIK AKOOOOOOO!!!” sigaw ng diyablo habang itinatapon sa ilalim ng lupa at unti-unti ay nawala ang tinig nito.


Sa kabilang banda, ang pulang singsing na nagkulong sa kaluluwa nila Lara, Trina, Hannah, Norman Serrano, at iba pa ay pinalaya ni Wade sa pamamagitan ng asul na singsing. Habang si Nolan naman nagbalik ang lahat ng alaala.

“ Wade? anak ko.” tawag ni Maria na halos paapanaw na.

“Nay pagagalingin ka ng asul na rosaryo. Magkakasama pa tayo. Nay” patakbong hagulgol ni Wade at sabay yakap sa inang naghihingalo na.

“ Wag na anak ko. Sapat nang naibigay ko sayo ang lahat ng kaya ko para mailigtas mo ang iyong kapatid at tatay sa kamay ng diyablong iyon…” nagliwanag ang asul na singsing at ibinalik ang orihinal na itsura ni Maria.

“Marameng salamat anak ko. Aalagaan mo ang kapatid mo at ang tatay mo. Alagaan mo din ang asul na singsing, marahil ngayon ay tapos na ang iyong misyon ngunit hindi pa natatapos ang kasamaan. Mahal na mahal kita BUNSO. Mahal na mahal ko kayo aking pamilya”, pagpapaalam ni Maria kay Wade at bumitaw ito sa kamay ni Wade nang may kasamang ngiti.
murder-generic_650x400_81466778653.jpg
pinagkunan

limang taon ang lumipas, Binitawan ni Nolan Serrano ang kompanya at ito ay ipinasa kay Wade Serrano. Namuhay ng tahimik si Nolan sa simpleng buhay kasama ang kanyang pinakamamahal na si Hannah. Habang si Wade naman ay ikinasal kay Lara na dati pa naman nyang nobya. Si Trina at si Norman Serrano naman ay pumasok sa isang organisasyon na pinag-aaralan ang ibat ibang uri ng diyablo. At ang pulang singsing? Ito ay itinapon ng anghel sa bunganga ng bulkang Mayon upang wala nang mapurwisyo pa. Ang lahat ay namuhay ng masaya at tahimik.

Ngunit ang hindi nila alam ay may nag-iisang babae na nakulong sa pulang singsing at ito ay nagdalang tao dahil sa diyablo… at ito ay limang tang gulang na rin sa ngayon.
2501.jpg
pinagkunan
THE END

Bilang ng salita: 1967
( sumobra lamang po ako ng 384 na salita at ginamit ang 583 na salitang hindi nagamit ng aking grupo)

Mga Karakter
Kontrabida:
Ang Bulag na Batas: si Norman Serrano na unang nakontrol ng dyablo sa pulang singsing na sinundan ni Nolan serrano na sya namang panganay na anak nila Norman at maria na sumunod na kinontrol ng dyablong si BA'AL.

Ang Habulin/Pogi:
Lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Nolan Serrano)

Bayani:
Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Wade)

Mga Elemento sa Kwento
Amulet/Anting Anting
Lumang Larawan
Ang anghel na sugo

Tema ng Ikalawang TagalogSerye
Gotiko - Kombinasyon ng "Fiction" "Katatakutan" at "Kamatayan"

Narito po ang bumubuo ng tatlong pangkat:

Mga Pangkat
Unang Pangkat:
@cheche016 - Lunes
@julie26 - Martes
@rodylina - Miyerkules
@jazzhero - Huwebes
@jenel - Byernes

Ikalawang Pangkat:
@BeyondDisability - Lunes
@ailyndelmonte - Martes
@Valerie15 - Miyerkules
@jemzem - Huwebes
@itsmejayvee - Byernes

Ikatlong Pangkat:
@chinitacharmer - Lunes
@creyestxsa94 - Martes
@JassennessaJ - Miyerkules
@tpkidkai - Huwebes
@johnpd- Byernes

special mention po para sa aking kagrupo na si kuya @beyonDisability sa pagtulong sa pag eedit ng huling parteng ito. at sa iba ko pang karupo na hindi nagsawang sumuporta maraming salamat po

Muli ako ang inyong abang lingkod @itsmejayvee na nagsasabing, Nais mo bang ibahagi ang iyong natatagong talento sa pagsulat ng kuwnetong epiko o kaya naman ay bihasa ka sa pagsulat ng tulang madamdamin. I-follow na si @tagalogtrail at makiisa sa pagpapalaganap ng wikang FILIPINO. Halika na at makisaya sa aming munting samahan,

FB_IMG_1518087930891[1].jpgjhayve[1].jpg

Sort:  

As a follower of @followforupvotes this post has been randomly selected and upvoted! Enjoy your upvote and have a great day!

Jayvee, kapatid ka nga ni cheche. Haha. Galing nito! Puno ng aksyon, at lahat nagkaroon ng resolusyon! You did not leave us hanging with any questions. This is everything I imagined the story to be kaya sobrang good job! At gusto q rin ang ending mo, haha. Pwede mo pang ipagpatuloy ang story sa blog mo! Congrats sa grupo nnu! Galing! 👏😃👍

Salamat po kay kuya @beyonDisablity sya po kase tumulong sa akin para masort yung mga istorya e. Hehe slamat po at@chinitacharmer salamat po sa inyong lahat.

Epic ang ending. Nabigyan ng backstory ang mga singsing at ang ganda rin ng konklusyon. Good job. Pero yun pangtapos parang gusto pa humirit ng part 2 haha. Nice, sali ka ulit next week pag kaya pa :D

Ayun na nga kuya @jazzhero mukhang may part two mga ang kwentong ito.

unang basa ko pa lang dito kinikilabutan na ako. Onting typo errors at bantas na lang @itsmejavee... magiging isa kang magaling na manunulat sa hinaharap.

Maraming salamat kuya. Hindi ko po magagawa to kung walang tulong na galing sa inyo. Sana nga po ay mahasa ako ng husto para makagawa pa sa hinaharap

magaling ka na ...maniwala ka lang sa sarili mo @itsmejayvee

Grabe jayvee sabi na nga ba at kering keri mo ang ending gusto kung sumigaw na ang galing mo grabe ka ndi ko inexpect na ganto kaganda ang magiging ending ng serye natin.. slow clap para sayo jayvee 😍😍😍😍

Haha salama ate @ailyndelmonte kabado pa nga ko ng gingawa ko yan pero salamat kay kuya @BeyonDisability dahio sa knya tlga e.

Maraming maraming salamat din po kay @tagalogtrail kay toto at junjun kung d dahil sa kanila d ko madidiskubre to at kay kuya @tpkidkai slamat din po

Ngayon ko lang nabasa ang ending ng kwento natin at sobrang namangha ako! Grabeeee! Ang galing @itsmejayvee! Ito talaga ang ending na bagay na bagay sa kwento! Satisfied na satisfied ako sa katapusan. Good job!

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.032
BTC 57824.15
ETH 2965.89
USDT 1.00
SBD 3.70