Takbo ng Buhay

in #tagalog7 years ago (edited)

Alas-diyes na ng umaga. Dali-dali akong sumakay sa jeep na para bang hinahabol ng asaong ulol.

"Dalawa pa, lalarga na," sigaw ng barker.
puerto-galera-2804828_960_720.jpg
Source

"Bad trip! Late na naman ako nito ah," bulong ko sa aking sarili at 'di mapakaling panay ang tingin sa relo.

Kay dami ng tao sa palengke. Palibhasa'y Lunes, market day ng bayan. Nakita ko sa Inay, naglalako. Ang lakas pala niyang sumigaw, halatang nagpapapansin sa mga nagdaraan para bumili ng kanyang mga paninda. Ang galing ni Inay. Naglalapitan na ang mga tao sa kanya. Sana'y makarami siya. Napangiti ako sa sarili. At ngayon alam ko na, malamang sanay na siya sa kasisigaw kaya kahit sa bahay, feeling niya, naglalako pa rin siya. Hindi bale, sa pasigaw-sigaw niyang yun, napag-aaral niya kaming tatlong magkakapatid.

nepal-399_960_720.jpg
Source

"Dalawa pa, at lalarga na!" sigaw uli ng barker.

Kung mayaman lang sana ako, babayaran ko na lang ang dalawang kulang para makaalis na. At kung pwede ko lang sanang hilain ang ilang pasaherong nag-aabang ng susunod na byahe para sumakay, ginawa ko na. E kaso, ang aarte nila. Ayaw makipagsiksikan, palibhasa'y ang gagara ng mga suot. Baka siguro marumihan o magusot at masira pa ang kanilang porma.

Naalalala ko tuloy ang titser ko noong hiskul ako. Nagpapraktis kame ng para sa cheering contest noon. Wala sa amin ang may gustong mabilad sa araw. Sabi niya, "walang mararating ang mga buhay niyo kung ganyan kayong umarte. Hindi tayo mananalo kung ayaw ninyong magsakripisyo." Tama nga siya. Kaunting sakripisyo. Nanalo kami at natatak sa utak namin ang sinabi niya.

Tumingin uli ako sa aking relo, 10:10.... tsaka pa lang umalis ang jeep. Kay bagal ng takbo. Kung kailan naman nagmamadali ang tao, pinaglalaruan ata ako. Isang malalim na buntong-hininga lang ang aking nagawa.

Napanghinaan ako, alas-diyes kasi ang klase ko. Tapos labing-limang minuto ang byahe mula sa amin papuntang iskul. Kaya malamang alas-diyes y media na ako makararating. Okay lang sana kung fifteen minutes late. Mabait naman si sir. Kaso thirty minutes na eh. Hindi naman ako ganoon kakapal para pumasok pa. Nakakahiya kay sir, baka sabihin pa niyang inaabuso ko ang kabaitan niya.

Tinanghali kasi ako ng gising. Pa'no, nagkakwentuhan kasi kami ng kaibigan ko kagabi. Ay,, hindi pala, alas-dos na ng madaling araw namin ibinaba ang telepono. 'Di ko inalintana ang oras sa dami ng kwento, ang damingn kailangan pag-usapan. Tsaka sa mga oras na yun, at least, masaya -- sandaling nakalimutan ang problema sa thesis ko at kung anu-ano pang kaguluhan ng buhay.
woman-593133_960_720.jpg
Source

Eksakto alas-diyes y media nakarating ako sa iskul. Wala na 'kong balak pumasok pa sa klase ko. Sayang hindi ko makikita si Crush, katabi ko pa naman sana siya.

Pero nakita ko ang mga kaklase ko sa lobby. Nandoon din si Crush, syempre. Ayan, buo na araw ko. Nawala na rin ang pagkabadtrip ko. Kababawan ba ang sabi mo? Tao lang naman, wag ka ngang KJ.

"Ba't andito kayo? Wala ba si sir?" tanong ko sa kaklase ko.

"La si sir, asa ospital daw," nakangiting sumagot. Palibhasa'y kagalit niya si Sir kaya tuwang-tuwa sa kamalasan ng iba. Hay naku, ang sama.

Nalaman ko na naaksidente pala si Sir kaninang umaga nung papunta siy asa iskul. Nabundol daw ang sinasakyan niya sa pader dahil sa pag-iwas ng drayber sa batang patawid. Nataranta siguro ang drayber, hindi nakapagpreso agad kaya sa pader na lang ibinaling.

Ganoon siguro ang mga tao, pagnatataranta, hindi nakakapag-isip ng tama. Kung saan-saan ibinabaling, kung kani-kanino sinisisi ang pagkakamali. Awts, parang ako ata un, sinisisi ang mabagal na takbo ng nasakyan ko sa pagka-late ko sa klase.

Hindi bale, ayos lang kahit late ako, 'la naman si Sir.

Wala naman daw namatay sa aksidente, nagalusan at napilayan ang iba.

"Wala talagang makakapagsabi kung ano ang mangyayari sa buhay. Kaya kailangan ninyong pangalagahang ang buhay habang nandiyan pa," ang bilin ng titser ko sa Logic.

Kung minsan nga, ang pinakamahirap na makita ay ang nasa harap mo na.
Sa araw-araw, isinasantabi lang natin ang mga bagay na may kahulugan sa buhay natin, ang mga leksyon na kailangan isa-isip.
school-bell-297474_960_720.png
Source
.....krrringggg!....

Nagring na ang bell, may klase na ako.
Makikinig na muli sa bawat lecture ng titser ko,...

pati na rin sa mga salitang 'di naririnig ng tenga ngunit ng puso.

teaching-661748_960_720.jpg
Source


If in any case, you enjoyed reading this, feel free to check my other posts:

26996175_1748929075130968_990178036_n.jpg

Although I do not personally know @surpassinggoogle, he has been a kind and wonderful person. I support him as a WITNESS.
You can do so too by voting for him at https://steemit.com/~witnesses and type in "steemgigs" at the first search box. If you want to give him witness voting decisions on your behalf, visit https://steemit.com/~witnesses again and type in "surpassinggoogle" in the second box as a proxy.

Sort:  

You got a 1.68% upvote from @allaz courtesy of @yadah04!

You got a 0.71% upvote from @postpromoter courtesy of @yadah04! Want to promote your posts too? Check out the Steem Bot Tracker website for more info. If you would like to support development of @postpromoter and the bot tracker please vote for @yabapmatt for witness!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 59856.62
ETH 2720.50
USDT 1.00
SBD 2.52