#steemitserye/ Ika -3 Edisyon / Ang Pagtatapos

in #steemitserye6 years ago (edited)

Maraming salamat @sunnylife sa pagpapaunlak sa aking makibahagi at makigulo sa isang seryeng sinusubay-bayan ng ating masugid na mambabasa.

 

#steemitserye : Isang seryeng nagpapa-ibig, nagbibigay ngiti, nagpapakilig, nagwawasak ng puso, nagpapaluha, at umuubos ng bangs sa mga manunulat. Hahaha! 😂

Nasa ika- 3 Edisyon na po kami ng #steemitserye na ito at na umpisahan na po ang storya nila: 

1 Bahagi  ni @avhyaceulip
2 Bahagi ni @zephalexia  
3 Bahagi ni @yennarido
4 Bahagi ni @ellachim0816

Ang huling bahagi na sinulat ni @ellachim0816 ay aking dudugtongan. Ito na po ang huling bahagi ng kwento. Maraming salamat sayo @ellachim0816 sa nakakabaliw na kadugtong ng kwento. Noong mabasa ko ang sulat mo ay sobrang na apektohan ako,kaya't tataposin ko na ang kagulohang ito. 😂

Sulat mula kay Yannah Mae:
 

Dear @zhayie03 ,
Nagpapasalamat ako sa tulong at payo na natanggap ko sa mga kaibigan mo. Napakalaking tulong po para sakin ang mga sinabi ninyo. Akala ko po kasi magiging maganda na ang kwento ng aking pag-ibig ngunit mas lalo pa po akong nagulohan noong biglang dumating ulit si Roy sa buhay ko sa panahon pa na ikakasal na ako kay Xian. Sa mga nabasa ko sa payo ninyo malaking tulong po ito sa kung sino ang pipiliin ko. Ngunit ito po ang nangyari... 

Dumating na ang araw na kinatatakotan ko.
Sunod sunod ang mensahe na aking natatanggap kay Roy. Seryoso syang pupunta ng Cebu para kausapin at ipaglaban ang pag-ibig nya sakin. Di ako mapakali, di makapag-isip ng maayos, nababahala ako sa kung ano ang posibleng mangyari. Hanggang sa mapansin na ito ni Xian.... 

Xian: Mahal, nasabihan mo na ba ang mga kaklase mo noong una na ikakasal na tayo? Baka gusto mong imbitahin sila sa kasal natin?
 

Yannah: Ahhh.. eeeh.. yes mahal alam na nila,pero mukang di ata sila makakadalo mga busy kasi ang mga yun ngayon.

(ang totoo ay sinadya kung di ikwento sa mga kaklase ko noon dahil ayokong mabalitaan ito ni Roy at ng ex besfriend ko na si cathy,dahil ewan ko ba mula ngayon diko parin makalimotan yung ginawa nila sakin)
 

Xian: Ah ganun ba? Sayang naman. Di nila makikita kung gaano ka kaganda ng mahal ko at kasaya natin sa araw ng kasal. 

(Sabay yakap ni Xian sakin at halik sa noo) .
I love you.. (pabulong na sinabi ni Xian)
 

Yannah: Salamat..
 

Xian: Wala man lang I love you too? Wag mo sabihing nahihiya ka parin sakin hanggang ngayon? Ikakasal na tayo! (Pabirong sabi ni Xian)
 

Yannah: I love......... (biglang tumunog ang aking cellphone,may tumatawag)
 

Kinabahan ako bigla dahil numero ng telepeno ni Roy ang lumabas sa screen. Di ko ito sinave sa contacts ko pero alam kung numero nya ito. Dahil sa kaba, at kaharap ko si Xian pinatay ko ang tawag nya.
 

Xian: Oh bakit di mo sinagot? Sino yun mahal?
 

Sa tatlong taon na relasyon namin ni Xian di nya alam ang tungkol kay Roy.
 

Yannah: Ahh.. wala mahal.. numero lang kasi kaya diko sinagot ... (biglang tumunog na naman cellphone ko,pinatay ko ito agad)
 

Xian: Baka importanteng tawag yan mahal? Sagotin mo na.. (seryosong sabi nya)
 

Yannah: Ahhh.. (tumatawag na naman si Roy kaya bigla akong tumalikod kay Xian at sinagot ito)
 

Roy: Mae, nandito na ko sa Cebu. (Mae parin talaga ang tawag nya sakin)
 

Yannah: Ha???!!! (Diko alam mararamdaman ko sa sinabi nya)
 

Roy: Please Mae, give me one more chance ... please..please.. magkita tayo.
 

Yannah: Roy... ikakasal nako,please.....
 

Roy: Scape Skydeck , 8pm bukas, maghihintay ako.
 

Yannah: Rooy.... (biglang pinatay ang phone)
 

Diko alam kung ano ang gagawin ko sa punto na yun. Naninikip ang dibdib ko. Gusto kung umiyak. Di ko maintindihan ang sarili ko. Parang binubulong ng puso ko na makipagkita sa kanya. Ngunit sinasaway ako ng isip ko at sinasabi nitong huwag makipagtagpo sa kanya alang-alang kay Xian.
 

Kinabukasan......
 

Nagtext sakin si Xian: 

Screenshot_20180522-210249.jpg

Diko alam kung ano ang irereply ko sa text ni Xian. Bakit 8pm pa? Ang dami daming oras. Pero teka bakit parang ayoko ng 8pm? Ibig sabihin ba nito gusto kung makipagkita kay Roy??! 

Screenshot_20180522-210304.jpg

Nakokonsensya ako... bakit diko na lang sabihin kay Xian ang totoo?? Pero natatakot ako eh. Baka magalit sya sakin. Sa tatlong taon ba naman,tapos ngayon ko lang sasabihin? 

Screenshot_20180522-210318.jpg

Kumalabog ang dibdib ko sa text ni Xian. Ngayon lang nya sinabi ang mga linyang "Ikaw lang at walang iba". Bakit ganito ang text nya???

Gabi na... halos mag 8pm na. Pero nasa bahay parin ako. Nakabihis na ako. Pero paro'ot -parito ang lakad ko. Di ako mapakali! Tutuloy ba ako??? 

Screenshot_20180522-151634.jpg
https://www.videoblocks.com/video/young-man-drinking-red-wine-in-restaurant-alone-sevwon9ygizgmpf5a

Nasa pintuan pa lang ako ng restaurant ay nakita ko na agad si Roy. Oo,tumuloy ako. Kitang kita ko ang lungkot ng mukha nya sa malayo pa lang. Bihis na bihis sya. Gwapo parin. Parang walang nagbago. Ang lalim ng iniisip nya at di nga nya namalayan na nasa harap nya na ako.
 

Roy: Mae??!!!  (Tayo agad,at niyakap ako ng mahigpit)
 

Yannah: Roy... (umiwas ako sa pagkakayakap) sandali lang ako kaya sabihin mo na ang gusto mong sabihin. (Sabay upo)  
 

Roy: Mae, namiss kita. (Mangiyak - ngiyak na sabi nya,pero di ako umimik)
 

Roy: Patawarin moko sa lahat ng ginawa ko.. Mahal na mahal kita. Hanggang ngayon. (umiiyak na sya sa puntong ito.) (Diko alam kung bakit naluluha rin ako,pero pinipigilan ko ang mga luha ko. Tatayo na sana ako nang bigla nyang hinawakan ang kamay ko. )
 

Roy: Mae, bigyan moko ng isa pang pagkakataon please.. Oo naging kami ni Cathy,pero matagal na kaming wala. Pinagsisihan ko yun. Natukso lang ako. Lalaki lang ako Mae. Nagkakamali rin ako. Pero sising- sisi ako sa ginawa ko sayo. Patawarin moko. Ikaw talaga ang mahal ko. (Umiiyak sya habang,hinahalikan ang kamay ko)
 

Yannah: Rooy... (huminga ako ng malalim) ikakasal nako,1 buwan na lang.. (ipinakita ko ang suot-suot kong engagement ring na binigay sakin ni Xian) Sana noon mo pa ako pinaglaban. Sana noon mo pa ito ginawa. Sana noon mo pa sinabi ang lahat ng ito, edi sana tayo ang ikakasal sa dulo. Mahal kita Roy.. pero noon yun. May mahal na akong iba ngayon. Sana tanggapin mo yun. Patawad pero huli na Roy. Huli ka na. (Umiiyak ako habang sinasabi ang mga ito,nasasaktan parin ako.. pero mas nangingibabaw ang awa ko ngayon kay Roy)
 

Roy: (Tumayo at niyakap ako) Mae...... mahal kita... (mahigpit ang yakap ni Roy,gusto kong kumawala pero mahigpit ito.. at mas humigpit pa ang yakap nya)
 

Nang biglang.......
 

Xian: Yannah??!!! (Tinanggal nya ang kamay ni Roy sa pagkakayakap sakin at sinuntok ito bigla)
 

Yannah: Xian!!! (Nabigla ako nang makita ko si Xian na sinusuntok si Roy) Tama na yan!! (Pinipilit kung awatin sila,ngunit mas lalo silang nagsusuntokan,hanggang sa awatin na sila ng mga bantay sa restaurant. Doon lamang sila tumigil.)
 

Xian: Halika na! (Galit na hinablot ni Xian ang kamay ko palabas ng restaurant. Ngayon ko lang nakita si Xian nang ganito kagalit. Tinitignan ko si Roy habang paalis kami na nagpupunas ng dugo sa bibig. Gusto nyang humabol pero pinigilan sya ng mga gwardya. Hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.) 

Sa sasakyan pareho kaming walang imik ni Xian. Mabilis ang kanyang pagmamaneho. Halatang galit na galit parin ito. Kinakabahan ako. Hanggang sa bigla nya itong tinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada.
 

Xian: Yannah! Bakit ginawa mo sakin to???! (Malakas na sigaw nya habang pinupokpok ang kamay nya sa monobela.)
 

Yannah: Xian... dimo alam .....
 

Xian: Diko alam??? Kung hindi ko pa narinig ang usapan ninyo sa telepono hindi ko talaga malalaman ang lahat ng ito!!
 

So kaya pala nasabi nya sa text yun "na ako lang at wala ng iba" dahil narinig nya ang usapan namin.
 

Yannah: Xian, let me explain! (Manginig-nginig na sabi ko)
 

Xian: Yannah! Mahal na mahal kita... ikaw lang ang babaeng minahal ko ng ganito,pero bakit mo ginawa sakin to?? (Umiiyak, napansin ko ring nakainom pala si Xian)
 

Yayakapin ko na sana si Xian ng bigla nyang pinaandar ang sasakyan. Napaatras ako sa pagkakaupo. Napakapit ng mahigpit. Napakabilis nito. Mabilis na mabilis!
 

Xian: Mahal na Mahal kita Yannah! (Boooooogsssh)
 

Screenshot_20180522-205638.jpg
https://www.gettyimages.com/videos/car-accident?sort=mostpopular&offlinecontent=include&phrase=car%20accident

Nagising ako nang may nakasabit na swero sa kamay ko. Diko maigalaw ang mga paa ko. Di ako makabangon. Nasa hospital pala ako.
 

Mama ni Xian: Yannah, salamat nagising kana anak.
 

Yannah: Si ..... Xi .... an po? (Pa utal-utal na sinabi ko)
 

Mama ni Xian: Wala na sya. Tatlong buwan na.
 

Yannah: Haa????? (Diko maintindihan.. bakit??? Anong tatlong buwan??)
 

Mama ni Xian: 3 buwan ka nang comatose anak at akala nga namin di kana magigising. Noong araw na naaksidente kayo,noong araw din nawala si Xian. Malubha ang lagay nya,kaya di nya nakayanan. Ikaw rin akala naming mawawala ka rin samin. Buti na lang nagising ka. (Mangiyak-ngiyak na sabi nya)
 

Sobrang nadurog ang puso ko. Ang sakit sakit isiping wala ni Xian. Ang mas masakit pa ay yung naghiwalay kaming di man lang nya narinig na sya ang pinili ko. Sya ang Mahal ko!
 

Mama ni Xian: Nga pala anak, may dumalaw na lalaki dito noong di kapa nagigising, kaibigan mo raw sya. Mga ilang araw ka rin nyang inaantay magising bago umalis. Ito may iniwan sya sayo.
 

Isang maliit na karton na kabalot sa pulang tela. Nagulat ako nang makita ko yung sing-sing na binigay ni Xian ang laman.
 

Mama ni Xian: Nahulog daw yan noong inaawat mo sila habang nag-aaway sa restaurant.
 

At may sulat pa pala itong kasama.
 

Mae, 
Patawarin moko. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Di sana aabot sa ganito ang lahat kung diko pinilit ang sarili ko na ipaglaban ka. Patawad. Sana mapatawad din ako ni Xian. Mahal kita, pero MAS mahal ka ni Xian. Paalam.  
                          Roy  

Mama ni Xian: Si Roy ang naghatid sa inyo dito sa hospital noong gabing maaksidente kayo. Buti na lang hinabol nya kayo. At alam mo bang si Roy ang huling nakausap ni Xian? Pinapasabi ni Xian sayo na "MAHAL NA MAHAL KA RIN NYA" na patawarin mo daw sya kung bakit di sya nakinig sa explanation mo. Salamat raw sa pagpili sa kanya. Nalaman nya ang lahat kay Roy.
 

Wala na akong nasabi kundi iyak lang ako ng iyak nang malaman ko ang lahat ng yun.
 

After 3 years.....
 

Unti unti nang naghilom ang sugat sa puso ko.
Yung masasakit na na-alala alang yun ay unti unti na ring nalimotan. Salamat sa pamilya ko at sa pamilya ni Xian na tumulong sakin na harapin ang panibagong buhay. Nasa ibang bansa na ako ngayon at nakahanap ng magandang trabaho. Wala na rin akong nabalitaan pa tungkol kay Roy, pero masaya akong naging okay ang lahat bago kami nagkahiwalay ng tuloyan. At yung bestfriend kung si Cathy?? Guess what?? Magkaibigan na kami ulit. Haha yes! Paano? Mahabang istorya. Haha. May pamilya na si Cathy ngayon at nagkakatawagan kami paminsan minsan. Si Xian?? Mahal na mahal ko yun. Kaya nagdesisyon akong magpakasal sa trabaho ko na lang. Yes, single parin ako hanggang ngayon. Oo maari kang maging masaya kahit wala kang kasama sa buhay. Kung may darating man na panibagong pag-ibig, hahanap hanapin ko parin ang lalaking katulad ni Xian. 😉😍

woman-3368244_1280.jpg
https://pixabay.com/en/woman-adult-coffee-lifestyle-sit-3368244/

                                                           Nagmamahal, 

                                                                   Yannah


 

DQmRhDtjokAZnGKi4QwheqksKTFo6m4fsjMYsNNrsitC1xk.gif

Sort:  

rock n roll na talaga!
sis ang gleng mo ikaw na!
maya balikan ko ulet sis.
Salamat sayo at mabuhay ka!

Hahaha maraming salamat sa suporta sis @sunnyife , isa kang tunay! 😍

salamat den sis ginalingan mo maxado grabe
nawendang ako! gorabels!

Ganda ng ending sis! ang galing-galing! sis @shikika singol pa si Roy oh hehe

Wahahaha. Sis @akoaypilipina pass ako sa Roy na yan. Hahaha

Nag-asawa an rin si Roy.. di nga lang kasing ganda ni Yannah. 😁

You got a 3.86% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Anu ba yan... Nakakaiyak... 😭😭😭...

Galing naman sis... Good job... Nkakapanabik ang mga eksena....... Nice ending... Pwede na nating ipublish ang pocketbook ng third edition hehehehe...

Huhu ako rin naiyak. 😭

Paulit ulit kong binabasa ang eksena , ninanamnam ko bawat salita, diko namalayan pumatak na pala aking mga luha. 😭

Maraming salamat rin @avhyaceulip sa napakahusay ninyong gumawa ng kwento. 😍

oh my...bawat eksena sis binasa ko:)
hindi ko expected ang gitna at ending, kakaiba ang bangis mo sobra!!
nakaka proud sobra! Kung sabagay sa totoong buhay yong iba hindi na nag den nag asawa dahi sa karanasan sa pag ibig o kaya naman pinili nilang mag isa dahil don sila mas masaya...

Salamat sis! Mabuhay ka!

Tama sissy @sunnylife sobrang bangis ni @zhayie03. Mababangis mga waray. Hahaha

Awww maraming salamat sa inyo @sunnylife at @shikika humugot lang din ako sa galing ninyo! 😉

Humugot din ako sa mga bangs ninyo. May natira paba? Haha thanks guys!

wala na nga natira hahaha
papatubo na pakulayan ko buhok ko dami ng puti bwahha
gleng mo, astig!

Wow grabeh sis @zhayie03. Pak na pak! Bet na bet! Pakbet na pakbet talaga! Hahaha.
Hanep! Wala nakatuluyan ang ating bida.
Ang galing ng mga manunulat ng #steemitserye! Ang gaganda ng kwento. Mabuhay! 😀

Hahaha damay damayan na'to! Mabuhay ang mga single! 😂

Salamat @shikika sa support. See you sa next edition. 😁

Thumbs up!! Galing ng istorya mo sis..bilib ako ...nakakabliw ,ubos bangs tlaga....❤

@reginecruz salamat. Ginalingan kasi ng mga na una. Na pressure lang ako. Haha salamat sis. 😘😘

Nasaan na kaya si Xian? Waahhh. Nalulungkot talaga ako sa mga ending na walang happy. Huhu!

Ang gagawin ko sa isip ko ay..

Nagising ako late this morning kaya nagmamadali akong sumakay sa sasakyan para pumunta sa lunch meeting. Nakakainis at yung stop light inabot pa ako. Habang nakatingin ako sa dami ng taong dumadaan, napatitig ako sa isang lalakeng naglalakad. Naka side view sya kaya't di ko malinawan. Kilala ko ang tindig na 'yon. Ang buhok nya medyo mahaba lang pero yung ilong ang mukha nya. Di ako pwede magkamali..

Napa pitlag ako nang bumusina mga sasakyan sa likod ko. Gusto kong sundan 'yong lalake ngunit hindi ko magawa.

Hanggang ngayon ay hindi ako mapakali. Bakit may kamukha si Xian.. Si Xian na mahal ko pa rin..

Hihihi ewan ko pero parang gusto ko pa pahabain hahaha sorry itong ending lang ang nabasa ko at palagay ko, Yannah deserves a happy ending. <3

More power sis! Ganda ng ending! <3 Ciao!

Hahaha sorry @neihy05 .. mahirap kasi mamili kaya pinatay ko na lang ang nga characters HAHA. JOKE! wala eh.. habang nagsusulat ako yun lang tlga ang naiisip ko.. kaya sulat lang ako ng sulat. Haha salamat sis maganda rin naisip mo, di bali bawi tayo sa susunod na edisyon. 😉

Yayy! <3 Na-eexcite na ako! Apir sissy!

Naiyak naman ako, ang sakit, ang sakit-sakit, huhu... Si Roy pala single parin hanggang ngayon. Haha! Sa totoong buhay!😂

Actually kasama ko si roy ngayon sa totoong buhay. Hahahaha. 😂

Hala kamo ngayan nagkadayon ni Roy @zhayie03? Hehe

Hahaha diri.. sangkay ko la hiya in real life. Hahaha 😄

Balitaw day hi Roy akon ito ex ngan hi Cathy sangkay ko gihap, nagka-fling2 it hira while uyab pa kami, hahaha.. What a coincidence. Adton akon story based adto ha real experience.😁

Aw ngay-an?? Hala ate karisyo.. sorry nasira ko ada an ending.. hehe. Ano man? Hin-o an nagkatuloyan in real life? 😍

Haha ok la. Hi xian ug yannah ngkatuluyan

Ano ini hiya, Sy?

Ate ging steemitserye hiya. Pm ko ikaw..

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.12
JST 0.033
BTC 64341.19
ETH 3145.13
USDT 1.00
SBD 4.00