STEEMITSERYE THIRD EDITION, ANG IKATLONG KABANATA: NAGMAHAL, NASAKTAN, BUMANGON AT NAGMAHAL ULIT

in #steemitserye6 years ago (edited)

Una sa lahat, maraming salamat sa orihinal na may akda ng #steemitserye, ang mahusay at magandang si @sunnylife. Ang daming humugot ng inspirasyon sa mga kwentong itinanghal sa #steemitserye mula sa una at hanggang ngayon, sa pangatlong edisyon. Marami ang naiyak, natawa, kinilig at nasiyahan sa mga kwento, at isa na ako dun. 😂

https://steemit.com/steemitserye/@avhyaceulip/steemitserye-third-edition-dear-avhyaceulip-kung-maibabalik-ko-lang

https://steemit.com/steemitserye/@zephalexia/lihim-na-mensahe-at-ang-pagtatagpo-or-dear-zephalexia-kung-maibabalik-ko-lang-steemitserye-third-edition-part-2

https://steemit.com/steemitserye/@yennarido/steemitserye-third-edition-part-3-ang-kaibigan-ko-karibal-ko-dear-yennarido-5fb0a7b1e96ca

At sa pagpapatuloy ng kwento sa ikatlong edisyon na sinimulan ni @avhyaceulip, pangalawa ni @zephalexia at ikatlo si @yennarido na siyang nagtalaga sa akin para dugtungan ito.

image

Liham mula kay Yannah Mae para kay @ellechim0816.

Magandang araw po sa inyo. Alam ko pong nasubaybayan nyo ang aking kwento mula kay @avhyaceulip, @zephalexia at @yennarido. Katulad nila sana po ay mabigyan ako ninyo ng payo kung ano ang dapat kung gawin sa masalimuot kong buhay pag-ibig. Narito po ang sumunod na nangyari pagkatapos ng araw na iyon, ng makita ko sila Roy at Cathy sa isang restaurant.

Kinabukasan nun ay nakipagkita ako kay Roy sa lugar kung saan madalas kaming nagtatagpo, sa boulevard. Hindi pa alam ni Roy na alam ko na ang tungkol sa kanila ni Cathy.

Roy: Mae ano ba yang sasabihin mo at dito ka pa nakipagkita sa 'kin? May problema ba?
Yannah: Gusto ko dito dahil dito naman ang paborito nating lugar na pinapasyalan di ba? (pinipigil ko ang aking galit).
Bakit si Cathy pa?
Roy: Ha? Anong bakit si Cathy pa?
Yannah: Sabihin mo sa 'kin Roy, may nagawa ba ako sa 'yong mali at palagi mo nalang akong sinasaktan ng ganito?
Roy: Hindi kita maintindihan Mae?
Yannah: Wag ka nang magkunwari Roy, alam kong may relasyon kayo ng bestfriend ko!
Roy: Ano ka ba Mae, ano bang pinagsasabi mo? Wala akong ginagawang mali. San mo naman napulot ang kwentong yan? Ikaw lang at wala ng iba, ikaw lang ang mahal ko.
Yannah: Sinungaling! (sabay sampal) (hindi ko na napigilan ang galit ko, napaiyak ako at nanginig sa sobrang galit).
Nakita ko kayo kahapon! Wag mo na akong gawing tanga Roy! Mga traydor kayo! Matalik ko pang kaibigan! Sa dinamidami ng babae sa mundo kaibigan ko pa Roy! Grabe yung sakit Roy! Tagos sa puso ko, sinaksak nyo ako ng patalikod! Pinagkatiwalaan ko kayo, minahal ko kayo Roy!
Roy: Mae hindi ko mahal si Cathy, patawarin mo ako. Siya ang unang lumapit sa 'kin, tinukso niya ako Mae, ikaw lang ang mahal ko Mae!
Yannah: Tapos na sa 'tin ang lahat! Simula ngayon ay ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo! Mahal kita pero hindi na kita kayang pagkatiwalaan pa! Sinira mo lahat ng pangarap natin Roy! Magsama kayo ng kaibigan kong ahas! (sabay talikod)

Hinabol ako ni Roy pero mabilis akong nakatakbo. Pag uwi ko sa bahay ay diretso agad ako sa kwarto. Kinatok ako ni Mama, dumating daw si Roy. Pinagbuksan ko si Mama at kinuwento ang lahat, pagkatapos ay pinakiusapang paalisin na si Roy dahil hindi na ako makikipag-usap pa sa kanya. Naintidihan naman ni Mama.

Ilang araw din ni Roy tinangkang kausapin ako, pupunta sa bahay o di kayang tatawag sa cellphone pero hindi ko siya pinagbigyan. Yun na ang huling araw ng aming pagkikita.

Ang sakit, napakasakit ng ginawa nila Roy at Cathy sa akin. Durog na durog ang puso ko. Ang lalim ng sugat nito, napakahirap kalimutan. Ilang araw din akong umiyak, walang ganang ipagpatuloy ang lahat, nanahimik, walang ibang kinausap kundi ang mga magulang ko. Alam na nila ang nangyari. Pinayuhan at ginabayan nila ako na magpursiging tapusin ang pag-aaral at ituon lahat ng atensiyon dito. Sa awa ng Diyos natapos na rin ang thesis at nakapag-depensa na kami. Tapos na rin ang huling pagsusulit. Ngayon ay insayo na namin para sa araw ng pagtatapos.

Dahil kaklase ko si Cathy ay hindi maiiwasang hindi kami magkita. Ilang araw ding hindi kami nag-usap. Sinubukan niyang kausapin ako pero ako na mismo ang ayaw. Isang araw, habang ako ay nasa classroom, ako lang mag-isa nun dahil pagkatapos ng lunch break ay nagtungo ako agad sa room namin. Gusto ko sanang umidlip sandali pero nakita ko si Cathy papasok.

Cathy: Yannah, pwede ba kitang makausap?
Yannah: (habang pinipigilan ang galit) Ano pa bang dapat nating pag-usapan, mahal kong kaibigang traydor? (sa kauna-unang pagkakataon pagkatapos ng araw na nakita ko sila sa restaurant ay kinausap ko na si Cathy)
Cathy: Gusto ko sanang humingi ng tawad sayo, sa ngawa kong kasalanan, sa pananakit ng damdamin mo bes.
Yannah: At nakuha mo pa akong tawaging "bes"?. Alam mo ba ang ibig sabihin ng "bestfriend" Cathy? Alam mo bang ang sakit-sakit ng ginawa nyo? Pinagmukha nyo akong tanga! Pinagkatiwalaan ko kayo Cathy! Minahal kita na parang kapatid ko na. Alam mo ang lahat, ang lahat-lahat, wala akong nilihim sayo!
Cathy: Hindi ko sinasadya. Tao lang akong nagmamahal.
Yannah: Anong klaseng pagmamahal meron ka? Napakamakasarili mo! Sa ngayon ay hindi kita mapapatawad. Pwede bang umalis kana marami pa akong gagawin?!

At hindi na ako umimik, umalis na rin si Cathy.
Pagkatapos ng maraming araw ay dumating din ang aming pagtatapos. Salamat at nasuklian ko na rin ang pagsasakripisyo ng aking mga magulang. Hindi lang sila ang proud sa akin, pati na rin ako mismo sa aking sarili dahil nagawa kong makatapos sa kabila ng masakit kong pinagdaanan.

Lumipas ang mga araw, buwan, taon, wala na akong narinig pa kay Roy. At si Cathy naman, ang huli kong balita ay hindi naman sila ngkatuluyan ni Roy, umalis siya sa bayan namin at nagtrabaho sa ibang lugar. Dahil sa ilang taon narin ang nakalipas, naghilom na ang sugat na dulot ng mapait na kahapon. Sa sarili ko ay napatawad ko na si Cathy at si Roy kahit na hindi ko na sila nakita pang muli. Paminsan-minsan ay sumasagi sa isip ko si Roy. Kumusta na kaya siya? Nag-asawa na kaya siya? Magkahalong pangungulila at kirot sa puso habang iniisip ko siya.

Mapalad pala ako dahil ilang araw matapos ang aming graduation ay agad akong nakakuha ng trabaho pero sa iba ring lugar, sa Cebu. Kahit na malungkot dahil iniwan ko ang aking magulang, naintindihan naman nila na para mabigyan ko sila ng magandang buhay at panibagong simula din ito ng kabanata ng buhay ko.

image

Masaya naman ako sa Cebu, mabubuting tao katrabaho ko at nagkaroon pa ako ng maraming kaibigan. Hanggang isang araw ay nakilala ko si Xian.

image

Mabait na tao, walang bisyo at mapagmahal sa pamilya. Ilang buwan din niya akong sinuyo at hindi sinukuan.
Sa di sinasadyang pagkakataon ay tumibok muli ang aking puso. Naramdaman kong umiibig na rin akong muli. Pero pinakiramdaman ko muna ang aking sarili para hindi na ako muling magkamali at masaktan. At heto na nga, sigurado na ako sana'y ito na ang forever ko. 😍 Sinagot ko si Xian. Naging kami na nga, ang saya-saya naman.

Pagkatapos ng tatlong taon naming pag-iibigan ay nag-propose si Xian sa akin. Lumundag ang puso ko sa tuwa. Ang swerte ko naman at magiging asawa ko na ang napakabait kong nobyo. Salamat sa Diyos at biniyayaan niya ako ng taong magmamahal sa akin habang-buhay, ang taong ni minsan ay hindi ako sinaktan.

Lumipas ang mga araw, abala kaming lahat. Dalawang buwan nalang at ikakasal na kami ni Xian. Magkahalong kaba at pananabik ang aking nadarama.

Isang araw habang ako'y nasa kwarto at abalang naglilista ng mga kailangan gawin para sa kasal ay may nag-message sa 'kin sa messenger, "kumusta ka na Mae"? Hindi ko naman kilala kung sino, at sumagot naman ako, "Ok lang, sino pala ito"? Hindi mo na ba ako naalala? Na-miss kita Mae. Bumilis ang pintig ng puso ko, si Roy??!! Bakit bigla akong nakaramdam ng kakaibang saya? Hindi maari, mali ito! At patay-malisyang sinagot ko siya ** Oi kumusta kana Roy? Bakit pala iniba mo pangalan mo sa facebook?
Roy: Kasi di ba blocked mo ko sa facebook kaya gumawa ako ng ibang account, tapos nag-iba ka rin ng number kaya natagalan bago kita nahagilap.
Yannah: Ok. (yun lang nasabi ko)
Roy: Sana'y napatawad mo na ako, Mahal pa rin kita Mae. Miss na miss na kita. Alam mo ba marami na akong napundar para sa atin. Nakapagpatayo na ako ng bahay. Pinagsikapan ko talaga Mae para sa susunod na pagkikita natin ay handa na ako. Di ba ito yung pangarap natin Mae?
Yannah: Sandali lang Roy, ikakasal na ako!
Roy: Ha? Bakit? Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong ito Mae? Hindi mo na ba ako mahal Mae? Huli na ba ako? Sabihin mo lang kung ano gusto mong gawin ko para maibalik ang lahat Mae?

Hindi ko na nasagot pa ang mga tanong ni Roy. Napaluha ako. May pagmamahal pa palang natitira sa puso ko para kay Roy. Bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa? Hindi ko kayang saktan si Xian, napakabuti niyang tao. Mahal ko rin naman siya. Nandiyan siya palagi sa lahat ng oras para damayan ako at para pasayahin ako.

Nagsunod-sunod pa ang mga mensahe sa akin ni Roy pero hindi na ako sumagot pa. Nakakuha na rin siya ng cellphone number ko, ewan ko kung sino nagbigay. Ang huli nyang mensahe ay pupunta daw siya dito sa Cebu para hanapin at ipaglaban ako.

Ang gulo ng isip at puso ko @ellechim0816, sino ba sa kanilang dalawa ang pipiliin ko? Pareho ko silang mahal. Si Roy, na una kong pag-ibig na sinaktan ako noon at nagbabalik ngayon para itama ang pagkakamali o si Xian na mahal ako, at ni minsan hindi ako sinaktan, hindi ako iniwan at kaya akong ipaglaban?

Napakahirap ng kalagayan ko ngayon. Sana'y mahanap ko na ang kasagutan sa tulong ninyo.

Lubos na gumagalang,

Yannah Mae

Haaay....napakahirap na desisyon. Sis @zhayie03 humana nala an istorya, unta makapili hiya hin sakto na tao, ikaw na bahala..hehe.. tapusin mo na ang kwento, sana'y makapili si Yannah Mae ng karapatdapat

P.S. support the person who inspires many including me, Sir Terry @surpassinggoogle by voting @steemgigs as a witness.
Visit https://steemit.com/~witnesses then type "steemgigs" in the first search box.
image

Many thanks #Steemians!
Many thanks #uloggers @uloggers!
Maraming Salamat!
Daghang Salamat!
Damo na Salamat!

Sort:  

gravee sis pak na pak!
balikan ko bukas sis d ko ma absorb haha sakit sa bangz nyahaha
gleng!! sobra!!

You got a 3.88% upvote from @upmewhale courtesy of @sunnylife!

Earn 100% earning payout by delegating SP to @upmewhale. Visit http://www.upmewhale.com for details!

Wow...galing mo te @ellechim0816 ....tama nmn ang ginawa ni yannah..ang mgmove on mghanap ng isang tao hindi katulad ni roy...hehehe😀

gleng nyo grave yon sau sis nde ko pa tapos haha

Waaahhhhh. Hugot! Is it for real? Nyahahaha. Waley! Waley na! Bakit di mo pa tinapos. Wahahhaa. Mamaya niyan si Roy at Mae ang piliin ni @zhayie03 na magkatuluyan. Wahahha

hahahah patay na!

Hahaha. Walang patay sissy! Hahaha

graveee sis may Xian sa Cebu at si Roy, humabol kay Cathy (haba ng hair ni girl) hahaha ewan sau Cathy gulo ng puso mo hahaha
sakit sa bangz!!

Hahaha. Andito Cebu si Xian sissy. Si Roy naman umuwi ng Leyte. Wahahaha

sinulo mo na naman hahaha
sau na lang sila lahat sis anong meron ka na wala kami??
charoooot

Uy.. maliban kay roy, sino taga leyte dito? Hehe 😁

si shikika at a ko taga leyte

Ooh?? San kayo sa Leyte? Taga Leyte din ako eh. 😊

HAHAHAHA grabeee ang hirap nito mag desisyon.. haba ng hair ni yannah kasi! Magpagupit kana girl! 😂

Salamat @ellechim0816 , grabee yung storya mo.. na-imagine ko yung paghihirap mo dugtongan an kwento,ginalingan rin sa pagpapahirap sakin. Hahaha 😂

Ay sorry nalate ako kay yannah mae....

Naku naku si cathy talaga..... Pero infairness kay roy napaka persistent... Maeroy team pa rin ako.... Heheheheh... Good job @ellechim0816...galing galing.... 😍😊

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.029
BTC 66996.66
ETH 3235.91
USDT 1.00
SBD 2.63