Gilingang Bato Una at Ikalawang Yugto - A Filipino Short Story

in #sndbox7 years ago (edited)

2005EarlyChristmasMorninginBarasoain.jpg

Ang kwentong ito ay kathang-isip ngunit ibinase sa mga totoong kaganapan sa kasaysayan, sa aking mga karanasan bilang bata, at sa kinalakhan kong bayan. Ito ang aking unang maikling kwento.

Unang Bahagi - Isang Panimula

Taong isang libo siyam na raan at siyamnapu, kaparehong taon nang ang isang malakas na lindol na nanalanta sa gitnang luzon ay kumitil ng apat na raang buhay. Naramdaman namin ang pagyanig, nasa paaralan ako nuon at hindi ko malilimutan kung paano kami nagtakbuhan sa paraluan sa patnubay ng aming mga nagiiyakang guro. Ang sakunang iyon ay natala sa kasaysayan at nagturo ng ng napakasaklap na mga aral para sa mga susunod na henerasyon. Higit sa pangyayaring yaon, ang 1990 ay di ko malilimot dahil sa mas mahalagang kadahilanan - ito ay naghudyat ng bagong dekada kung kailan ang minandal ay hindi na kakanin, at maging sa aming bayan - ang fast food ay patuloy na sumisikat. Kilala na ang mga fast food sa kabisera ng mahigit sa sampung taon. Katulad ng anumang bagay, ang dalampung milyang layo ng aming nayon sa kabisera ay tila higit na malayo sa pagunlad. Mabuti ito para sa amin ni Tiya Maring. Kami ay nabubuhay sa nakaraan, patuloy na sinusubukang buhayin ang industriyang matagal nang nalimot, umaasang maiaahon pa rin kami nito sa kahirapan.

Dalawampung taon na ang nakalilipas mula ng unang ipakita sa Paris ng imbentor na si Pierre Verdon ang unang food processor, gilingang bato pa rin ang ginagamit namin ni Tiya sa pagawa ng kakanin. Hindi ako nakatitiyak kung gaano na kaluma ang gilingang bato. Hindi ko rin inaasahang maging si Tiya ay makasisiguro sa tunay na bilang ng taong nanilbinan na sa aming pamilya ang kasangkapan. Malamang ay mas matanda pa ito kay Tiya, marahil nga ay mas matanda pa ito sa Lola. Wala na akong nakikitang gilingang bato sa ibang bahay. Ayon sa mga matanda, ang ganitong mga kasangkapan ay pinagsasalin-salin sa bawat henerasyon, tulad din ng sangkap sa pagawa ng kakanin.

Si Tiya ang pinakabatang kapatid ng aking Ina, Si Inay ang panganay at si Tiyo Pedro ang tanging anak na lalaki. Labinlimang taon lamang ang agwat namin ni Tiya. Sa taong 1990 si Tiya ay dalawamput-apat na taong gulang at ako ay siyam na taon. Maganda at kahumahumaling tignan si Tiya, namana niya ang maputing kutis, mapusyaw na kulay lupang buhok, at matangos na ilong sa mukhang Kastila kong Lolo. Ang balingkinitang katawan naman ay nakuha niya sa Lola.

Ang Lolo ay mula sa isang mayamang pamilya sa aming bayan, sila ang nagmamay-ari ng malaking bahagi ng mga lupang sakahan sa aming lugar. Si Lola ay anak ng isang kasama na naninilbihan sa pamilya nila Lolo. Hindi ko pa rin maunawaan kung bakit kasama ang tawag sa mga magsasaka, sa aking pananaw lamang lang ng bahagya sa mga alipin ang mga dukhang magsasaka. Sila ay patuloy na nagpapahirap upang patuloy na makapagkamal ng salapi ang mga mayayaman.

Ang pagkakaiba sa antas ng pamumuhay nila Lolo at Lola ay akma sa kani-kanilang mga nakagawian. Kahit nuong halos maubos na ang yaman ng pamilya nila Lolo, siya ay nanatiling may kumpyansa sa sarili, pagkaminsa'y mapagmataas. Sa kabilang-dako si Lola nama'y lagi lamang walang imik, kahit pa nga siya na halos ang gumagawa ng paraan sa kanilang kabuhayan. Wala akong mas gusto kina Lolo at Lola, sila ay parehong naging mapagmahal, nais ko lamang na bigyang buhay ang kanikanilang mga paguugali ayon sa kanilang mga karanasan sa buhay.

Ikalawang Bahagi - Kababaihan sa Panahon ng Hapon

Ayon sa mga liham at kwento, sina Lolo at Lola ay unang nagkakilala nuong taong 1945. Matapos iyon ng digmaan sa Maynila kung saan daang-libong mga Pilipinong sundalo at sibilyan ang nasawi, at ikinawasak ng halos buong Lungsod. Ang digmaan ay nagpatuloy at matatapos lamang ng tuluyan pagkalipas ng apat na buwan sa Setyempre ng taong iyon.

Si Lola Veronica gayong ipinanganak sa nagdaralitang pamilya ay may napaka-masisipag na magulang. Nang naging gerilya ang kanyang Ama, and Ina niya ang nagpatuloy ng pagsasaka sa bukiring pagaari ng pamilya ng aking Lolo. Hindi ito karaniwan sa panahong iyon, at sa matagal pang panahon habang may digmaan. Ang mga Pilipinang Ina ay nananatili sa kanilang mg tahanan upang pangasiwaan ang pagapapalaki sa mga anak, mga gawain sa bahay, at mga pangangailangan ng mga asawa.

Ang paghahanap buhay ng isang Ina lalo sa sa panahong iyon ay higit na mahirap. Para sa Ina ni Lola Veronica na asawa ng isang gerilya, at ina sa isang magandang dalaga, ang banta ay higit pa kasya sa iba. Ang digmaan ay walang naidudulot na mabuti, lalo na nga sa mga mahihina at walang kalaban-laban

Isa sa mga pinakamalagim na parte ng ikalawang digmaang pandaigdig ay ang kwento tungkol sa mg comfort women. Ang mga batang kababaihan ay dinurukot mula sa mga bansa sa Asya at Europa sa ilalim ng imperyo ng bansang Hapon upang manilbihan bilang parausan ng mga sundalong Hapones. Walang tiyak na bilang kahit ang mga mananaliksik ng kasaysayan upang tukuyin and tunay na lawak ng karimarimarim na gawaing ito. Ang mga estimasyon ay sa pagitan ng 50,000 hangang 400,000 na kababaihan ang nakaranas ng pagmamalupit, pananakit at panggagahasa ng paulit-ulit ng maraming taon.

Taong 1994, limampung taon matapos ang pagiging biktima ng digmaan, isinulat ni Ruff-O'Herne ang aklat na Fifty Years of Silence. Ibinahagi niya ang mga katagang ito sa Kongreso ng bansang Amerika nuong taong 2007.

"Many stories have been told about the horrors, brutalities, suffering and starvation of Dutch women in Japanese prison camps. But one story was never told, the most shameful story of the worst human rights abuse committed by the Japanese during World War II: The story of the “Comfort Women”, the jugun ianfu, and how these women were forcibly seized against their will, to provide sexual services for the Japanese Imperial Army... ...I have forgiven the Japanese for what they did to me, but I can never forget. For fifty years, the “Comfort Women” maintained silence; they lived with a terrible shame, of feeling soiled and dirty. It has taken 50 years for these women’s ruined lives to become a human rights issue. I hope that by speaking out, I have been able to make a contribution to world peace and reconciliation, and that human rights violation against women will never happen again."

Hindi hinayaan ng Ina ni Lola Veronika na maging hadlang ang pangamba sa pagtataguyod ng kaniyang kaisa-isang anak. Si Lola ay isa sa kakaunti lamang na babae sa aming bayan na nakapagtapos sa mataas na paaralan. Palaging ikinu-kweto ni Tiya Maring kung papaanong si Lola Veronika ang kanilang unang guro.

Ipagpapatuloy...

Credits:

Barasoain Church Painting: Source
Battle of Manila Photo: Source
Filipina Comfort Woman Photo: Source
50 Years of Silence Photo: Source

References:

Battle of Manila: Battle of Manila (1945)
1945: 1945
Comfort Women: Comfort Women
Jan Ruff O'Herne: Jan Ruff O'Herne

follow_steemitph.gif

STEEMITPH.png

Sort:  

napakagandang katha sir @steemitph

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by steemitph from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews/crimsonclad, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows and creating a social network. Please find us in the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP. Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

This post has received a 0.35 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Qurator
Your Quality Content Curator
This post has been upvoted and given the stamp of authenticity by @qurator. To join the quality content creators and receive daily upvotes click here for more info.

Qurator's exclusive support bot is now live. For more info click HERE or send some SBD and your link to @qustodian to get even more support.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.15
JST 0.030
BTC 60693.83
ETH 2647.15
USDT 1.00
SBD 2.48