Patimpalak sa Biglaang Kolaborasyon Ika-Anim na Araw

in #pilipinas7 years ago

Magandang umaga mga ka steemit! Nasa ika anim na araw na tayo sa biglaang kolaborasyon biruin nyo yun malapit na ang kanyang weeksary! At dahil dyan isang tulang pag-ibig na naman ang ating gagamitin para sa kumpetisyon.

Ito ay isang Malupit na likha ni @mallowfitt na pinamagatang

Pag-ibig na Wagas ay Itinadhana



Pinagkunan ng Larawan

Ito ay ang kauna-unahang tulang nilikha niya sa wikang Tagalog sa steemit.com at siya ay umani ng papuri sa kung paano ito nasulat ng puno ng pag-ibig.

Doon nag-umpisa, sakin ay may nadarama.
Ako'y nagulat dahil hindi ako handa.

Ngayon ang pagsubok, sa isang tula o kwento na tumutukoy sa pamagat na Pag-ibig na Wagas ay Itinadhana mas palawigin pa kung paano nanligaw ang binata sa dalaga sa perspektibo ng binata. Ang karakter dapat ng inyong tula/kwento ay ang mangingibig ng dalaga.

Muli kailangan nyong kumuha ng ideya mula sa tula ni @mallowfitt . Kung maari kayong mag comment sa post nya ay mas mainam din para alam ng ating butihing kaibigan na ang kaniyang likha ay nabasa 😉

  • Ang palugit sa pagsusumite ng gawa ay hanggang April 18 2018 alas dose ng tanghali.

Paano mapipili ang nagwagi sa patimpalak?

Ang magiging hurado ay ang mismong may-akda ng piyesang ginamit. Isa lamang ang kaniyang pwedeng piliin na magwawagi sa pagkakataong iyon. Ang anunsyo ng nanalo sa paligsahan ay magaganap pagkatapos ng 7 araw ng naunang anunsyo. Lalagyan ko din ng munting deadline para alam ng hurado kung hanggang kailan siya pwedeng pumili. Sa pagkakataong walang napili ang awtor ay magkakaroon ng kahalili na pipili ng nanalo at ito ay ang inyong lingkod.

Para sa kumpletong detalye ng paligsahan maari mong i-click ang link

Kung may katanungan man kayo, maari kayong mag comment o magpadala ng mensahe sa aking FB account

PATALASTAS


Isang malaking shoutout po sa @steemph.antipolo sa pag suporta po sa patimpalak na ito kay sir @ruah at sa iba pang miyembro ng kanilang grupo. Makaka asa po kayo na ang inyong mga pinadalang pang paligsahan ay magagamit ng mainam para sa ikakabuti ng mga manunulat ng wikang Filipino.


Kung may katanungan po kayo maari kayong mag mensahe sa FB at sa Discord din mayroon na po @tagalogtrail#5581

Sort:  

Magandang gabi @tagalogtrail, narito ang aking akdang nais ilakip sa iyong patimpalak... Naway magustuhan ng lahat...

https://steemit.com/pilipinas/@jamesanity06/birong-mapait-tamis-ang-kapalit

Salamat @jamesanity! tapusin ko lang ang iba kong ginagawa at babasahin ko ang iyong likhang obra. Siguradong magugustuhan iyan!

Ito nga pala ang tugon ko sa tulang Pag-ibig na Wagas ay Itinadhana ni @mallowfitt.
https://steemit.com/tagalogtrail/@jemzem/pinaglayo-ngunit-muling-ipinagtagpo
Pasensya na at last minute ang paghabol ko. Naging sobrang abala lang talaga nitong mga nagdaang araw kaya hindi rin ako nakasali sa ikalimang patimpalak. :(
Maraming salamat! :D

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67779.88
ETH 2396.01
USDT 1.00
SBD 2.32