Pinaglayo Ngunit Muling Pinagtagpo

in #tagalogtrail6 years ago (edited)

roberto-nickson-g-495794-unsplash.jpg


Sa tuwing binabalik-tanaw ang nakaraan,
hindi ko pa rin masukat ang sayang nararamdaman.
Tadhana’y tila tayo ang napiling paglaruan.
Ngunit sa laro nito’y hindi naman tayo umuwing talunan.

Kay tamis ng aking aking ngiti,
kapag naaalala kung paano nakamit ang pag-ibig na minimithi.
Pareho mang bata noong tayo’y nagkakilala,
ngunit ang pagtibok ng puso ay wala sa tanda.

Puso ko’y nagwala nang ipinakilala ka ng kaibigan,
na kahit paglubog ng araw ay tila nakalimutan.
Dahil ikaw ang naging mistulang liwanag sa aking mundo.
Araw ko’y iyong kinompleto.

Hinatid kita upang makasama pa.
Ipinagdarasal ko noon na sana’y ang oras ay tumigil muna.
Subalit hindi ko iyon kontrolado.
Kaya para matawagan ka’y kinuha ko na lang ang iyong numero.

Iyon na nga ang simula ng paglalim ng nararamdaman.
Nasabi kong ikaw na ang gustong makasama sa dulo ng walang hanggang.
Ngunit tayo’t kanilang pinaglayo,
sa Maynila ikaw ay nagtungo.

Umabot sa sukdulan ang naramdamang sakit.
Wala man lang akong nagawa upang sa iyo’y mapalapit.
Subalit handa akong maghintay sa iyong pagbabalik.
Tiniis ko kahit gaano pa man kapait.

Ilang taon man ang lumipas na tayo’y nagkalayo,
ngunit ikaw pa rin ang tanging ibinubulong ng aking puso.
Hindi ka nito magawang palitan
kahit pa sabihin nilang paghihintay sa iyo’y walang patutunguhan.

Kalaunan ay nagbunga ang tiyaga’t paghihintay.
Pagbabalik mo sa akin ay nagbigay-buhay.
Walang bumitiw kaya sa pagsubok tayo’y nanalo.
Pagmamahalan natin ay wagas at totoo.

Ang pagdating mo sa buhay ko’y lagi kong pinapasalamatan.
Ikaw ang yamang hindi ko maipagpapalit kailanman.
Walang sawa kitang mamahalin at aalagaan.
Pangako ko’y pamilya natin ay magiging masaya magpakailanman.



pinagkunan ng larawan
Ang tulang ito'y aking tugon sa tulang Pag-ibig na Wagas ay Itinadhana ni @mallowfitt para sa Biglaang Kolaborasyon Ika-Anim na Araw ni @tagalogtrail

7.png

Maging bahagi sa pagpapalaganap ng wikang Filipino. Ikaw ba ay manunulat ng tula o maikling kuwento? O kaya ay nais malinang ang talento sa pagsusulat? Sumali sa mga patimpalak. I-follow ang @tagalogtrail para sa mga akdang Filipino at sumali rin sa aming talakayan sa discord: https://discord.gg/6dUJH2Z

Sort:  

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by jemzem from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Congratulations! This post has been upvoted by the communal account, @steemph.cebu by jemzem being run at Teenvestors Cebu (Road to Financial Freedom Channel). This service is exclusive to Steemians following the Steemph.cebu trail at Steemauto. Thank you for following Steemph.cebu curation trail!

Don't forget to join Steem PH Discord Server, our Discord Server for Philippines.

yan ang pag mamahal. walang sawang mamahalin at aalagaan.

Tumpak ka dyan, @fherdz. 👍

Coin Marketplace

STEEM 0.30
TRX 0.11
JST 0.031
BTC 68643.75
ETH 3779.37
USDT 1.00
SBD 3.67