Ika Limampu't Anim na Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago (edited)



Kamusta mga Katropa!


Para sa edisyon na ito, nais ko pong itampok at ipakilala sa aming mga tagasubaybay ang mga post na nahanap namin sa steemland, na nagbigay ligaya at kwela sa aming pag-gagala. Pero halos lahat ng na feature ngayon ay galing kay @lingling-ph

Word Poetry Challenge #4 : Makalumang Harana

images.jpg

Ang tulang entry ni @jembee para sa patimpalak ni @jassennessaj na sa temang #makalumang-harana. Ang tulang nabanggit ay nagustuhan ni @lingling-ph dahil sa ito daw ay naglalarawan sa kaniya. Pero sikreto lang natin ito hindi totoo yung description ni@ lingling-phdi sya seksi at maputi . Yung daloy ng tula ni @jembee maganda at simple lang. Walang masyadong salitang malalim ang nagamit.

Masked Coquette: Ikaapat na Bahagi

Masked Coquette.PNG

Ito ay ang ika-apat na bahagi sa kwento ng ating tropang si @jemzem, sympre mainit parin ang mga tagpo sa seryeng ito. NSFW! Hahaha joke lang pero pag tinanggal mo yung idea na iyon at binasa mo ng buo ang serye magegets mo na may lalim ang kwento nya. Maganda kaya naman nung inilahad namin ito sa @c-squared para sa isang review hindi kami nabigo at napili agad na ma-upvote din ng mga curators doon. Proud kami sa iyo talaga tropang @jemzem!

Bago Ka Lumisan || Spoken Word Poetry

My Post(15).jpg

Ayon kay @lingling-ph sobrang nagustuhan nya ang hugot sa tulang ito at sa sobrang gusto niya ay nakalimutan na niya ang baon niyang lunch box. Para sa akin naman medyo nakulangan ako, hahaha spoken word poetry kaso wala namang salita. Busy daw si Pinuno e almost 24 hours na wala parin talagang update dun sa spoken word ano na? Hahah maka demand naman ano pero aabangan namin ang end product na ito.

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting trophan ng mga manunulat ng wikang Filipino, iniimbitahan po namin kayo sa aming Discord Tambayan mangyari lang na i click ang aming logo :)

Tingin ko ako ay tapos na sa munting ulat. Medyo antok narin ako. Magandang umaga sa lahat at mabuhay ang wikang FIlipino!

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67364.26
ETH 3322.90
USDT 1.00
SBD 2.71