Word Poetry Challenge #4 : Makalumang Harana

in #wordchallenge6 years ago (edited)

Makalumang Harana

by : @jembee

images.jpg

Pinagkunan ng imahe

"O magandang binibini" aking sabi
Makinis, maputi, mapula ang labi
Ako'y nabihag sa iyong angking ganda
Kung ika'y magiging akin, tiyak ako'y maghahanda

Ang lakas ng iyong pandinig
'Sing lakas ng iyong tindig
Tibok ng puso ay ikaw
Ang pinakamagandang babae sa mundong ibabaw

Lumipas ang isang buwan ika'y naging akin
Puso'y tumatalbog kapag ika'y nakatitig sakin
Ang mga mata mo'y nagliliwanag
Puso muli ay iyong nabihag

Pero isang araw ika'y naaksidente
Lubhang lubha ang dinanas ng iyong lente
Simula nuon di kana nakakakita
Kaya ako'y nagsilbing iyong mga mata

Ika'y pagsisilbihan ng lubos
Pagibig ko'y hinding hindi mauubos
Kakantahan kita araw - araw
Maubos man ang tinig, basta't masaya si ikaw

Ika nga nila "ang pagibig ay bulag"
Sa akin namay "aking pagibig ay bulag"
Hindi mo man ako makikita mahal
Idadaan ko nalang sa yakap na di mabubuwal

Tayo'y sabay kumanta
Ipipikit ko ang aking mga mata
Para mas madama ang bawat bigkas ng mga salita
At maranasan ang pagibig na nadadama, di nakikita

Hindi mo man makikita ang aking pagmamahal
Idadaan ko nalang sa kanta, O aking mahal
Makalumang harana aking iaalay
Pati narin ang aking buong buhay

Ito pa ang aking entry sa patimpalak ni @jassennessaj. Kung gusto niyo sumali i click lang ang link sa ibaba :

https://steemit.com/wordchallenge/@jassennessaj/word-poetry-challenge-4-tema-makalumang-harana-or-tagalog-edition

MARAMING SALAMAT PO SA PAGBABASA!

Sort:  

Pakiramdam ko ako ang tinutukoy ni @jembee sa kanyang tula.
Maganda, makinis, maputi at mapula ang labi. Salamat sa yong paglalarawan sa akin.

Baka ikaw nga hahaha

Grabe si Lingling! Tanghaling tapat kumakarengkeng. Lagot ka susumbong kita. Kala mo dyan

Kuya @toto-ph delete ko lahat ng Moira songs sa PC mo kapag isinumbong mo pu ako.
At reset ko din ang modem niyo para indi ka na connect sa internet.

Congrats tropang @jembee dahil sa rekomendasyon ni @lingling-ph ang iyong akda ay napili sa aming ika 56 na edisyon

Iyo pang paghusayan ang paglikha ng tula at sympre sana may pa sample ka na music na Tagalog na ang tagal na naming naghihintay ha.

Salamat po @toto-ph kapatid 😊

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67200.37
ETH 3331.98
USDT 1.00
SBD 2.77