Bago Ka Lumisan || Spoken Word Poetry

in #pilipinas6 years ago

My Post(15).jpg


Bago ka lumisan baunin mo ang aking pag-ibig
Na ibinaon ko na sa limot dahil di mo naman ito naririnig.
Ang tibok ng puso ko
Na parang sasabog na sa kaba
Dahil di ko na to mababanggit \ikaw ay nasa piling na niya.


Bago ka lumisan baunin mo ang mga alaala natin
Ating masasayang sandali yan ang aking panalangin.
Sa iyong pagiimpake
Tinik sa aking dibdib mas lalo pang gumagrabe

Alam ko naman sa umpisa palang na ako na ay talo
Nang tinanggap ko ang titulo na maging tulay niyo.
Pero nagbakasakali baka ako ay iyong makita.
Sulat niyang ipinadadala sa iyo di mo ba alam ako talaga ang may akda?
Pero huli na ang lahat aking sinta.
Nahulog na ang iyong loob sa kanya, sa kanya na ako ang maskara.


Bago ka lumisan bauinin mo ang aking pasasalamat
Sa mga oras na kailangan mo ako nandyan lang ako sa iyong paglingat.
Hindi katulad nya na nag-aabang lang sa aking balita.
Kinikilig kilig pa sa tuwing ikaw ay aking ikukwento na.


Sa totoo lang masakit talaga para sa akin ito
Dahil kahit kailan hindi ko maaamin ito sa iyo.
Ayaw kong masira ang pagkakaibigang nabuo
Kaya dito nalang ako magmumukmok sa aking kwarto.


Sa iyong pag-alis hindi mo narin ako makikita.
Para hindi na bumalik pa ang iyong mga alaala.
Numero mo sa selepono ngayo'y burado na
Ang tanging hiling ko nalang kayo sana'y maging maligaya

Spoken word talaga yan kaso sobrang antok na ako sa editing. Nailagay ko na yung music at kaunting text pero yung timing ang di ko masyado makuha ng bahagya.

Ang gamit kong app ay ang mga sumusunod:

Sa pagsasama ng music: Wondershare Filmora
Para sa recording ng aking boses: Voice Recorder app ( Para di na ako mag convert pa ng video to mp3)
At para sa page edit ng text: KineMaster dahil ito ang medyo gamay ko ng bahagya. Ni testing ko ang Quik at Videoshow pero hirap parin.
Pinagkunan ng larawan: Unsplash.com na nasa kategoryang creative-commons.
Screenshot_20180529_001300[1].png

Sort:  

Sa sobrang ganda ng mensahe at sa napakadaming pabaon, nakalimutan ko pu tuloy baunin yong lunch box ko. Wala tuloy akong kakainin mamayang pananghalian. (sadface)

Nako @lingling-ph kamusta ka na? Hahah pasensorry na medyo maraming baon kasi talaga eh. Kailangan nya yun.

Pinuno bago ka lumisan tapusin mo na ang spoken word na ito. Nag-aabang kami!

Congrats po sa pagkakapili ng inyong akda sa ika 56 na edisyon ng @tagalogtrail

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 58118.57
ETH 2462.81
USDT 1.00
SBD 2.38