Ika Limampu't Walong Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!


Ito po si @toto-ph ng @tagalogtrail na maghahatid sa inyo ng mga akda na aming naibigan sa araw na ito. Dahil sa kami ay tatlo nang curator ngayon dito minabuti na namin na magkaroon ng iskedyul sa pagpopost.

Lunes at Martes - @toto-ph
Miyerkules at Huwebes - @junjun
Biyernes at Sabado- @lingling-ph

Pinili namin ang mga araw na iyan para hindi naman kami masyado haggard sa pagpopost. Nakikipagtulungan din po kami sa @c-squared para sa ibang mga post na Tagalog dibale Tagalog Curator din po kami doon kaya't ang ibang mga post na mafe-feature ay maaring nagkaroon na ng upvote mula sa kanila o maaring magkaroon palang.

Ngayong araw narito ang mga post na aming naibigan at nais naming ibahagi sa inyo

Kusina ni Nanay Romeskie | Pochero

Unang luto daw ni Ate @romeskie ng Pochero, dibale ang kaniyang ginawa ay medyo innobatib dahil sa may mga rekado na hindi naman kasama sa Pochero gaya ng carrots at alternatibo sa repolyo ang pechay. Mukhang nag enjoy naman ang mga taga tikim sa kanilang reaksyon. Nag sasanay ng mahusay si ate @romeskie para sa kaniyang audition kaya kailangan natin syang suportahan!


Obra ko'y Akin, Obra mo'y Sayo

Isang medyo real talk na akda. Hindi lamang ito sa arts pati narin sa mga nasusulat. Kung hindi sa iyo huwag kopyahin. Maari kang kumuha ng ideya, inspirasyon at pattern para sa mga sulatin. Pero huwag na huwag silang kopyahin.


Lenie, ang makabagong estudyante: PASUKAN NA MULI

Mga bagay na nagustuhan ko sa post na ito (1) medyo nakaka aliw naman ang mga korning jokes ni @beyonddisability (2) mahusay niyang nalarawan ang ugali ni @lingling-ph (3) serye pala ito! So kailangan abangan ang mga susunod na kaganapan para mas lalo kaming masiyahan.


Word Poetry Challenge #5 : Watawat ng Pilipinas

Lubos kong naibigan ang akdang ito dahil sa simple lang ang kaniyang atake sa tula. Bagama't ganun man ang paraan kung paano nagsalita ang Watawat sa atin ang isa sa mga bagay na naibigan ko dito, Ni lu look forward namin na mas marami pang mga tula siyang magawa, kwento at iba pang akda sa steemit.com


Bagong Generation Currency Coins ng Bansa: Ating Kilalanin

Hindi lang pang radyo serye at steemit serye si DJ @jennybeans pang impormatib na post din sya. Dito ibinahagi niya ang mga mumunting impormasyon ukol sa mga bagong barya na inilabas ng BSP mula sa piso hanggang sa sampung piso, Nakakatuwa lang at pati si @lingling-ph ay may alam din dito. Napaghahalataan siya hahaha.

Kung naghahanap ka ng matatambayan sa discord na kung saan naguusap-usap ukol sa paglikha ng Tagalog na akda sa steemit.com maari mo kaming bisitahin sa Tropa ni Toto.

Maliban sa tula at kwento nakasuporta at naka-antabay din ang @tagalogtrail sa mga akdang nasa kategoryang sining, kanta atbp.

Sort:  

ito pala yun
kasama pala ako rito :)
maraming salamat po ka @Toto-ph

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58635.35
ETH 3152.96
USDT 1.00
SBD 2.44