Lenie, ang makabagong estudyante: PASUKAN NA MULI

leni.jpg

Hay pasukan na naman!

Tapos na ang maliligayang araw ko. Wala ng T.V. sa gabi. Wala na ang mahabang tambay with friends. Putol na ang gala. At, bawal na ang magbabad sa internet. Mami-miss ko ang tanghaling paggising nito eh. Nakakastress ng bunggang-bungga.

Hay makikita ko na naman yung nakakainis kong kaklase na pa-somebody effect. Kaklase ko na naman sya. Siguradong balik na naman sa walang katapusang ambagan: class fund, cleaning materials, decorations etc. etc. etc (sa public school po kasi ako nag-aaral!).

Eto pa! nandyan na naman yung mga titser na nakakaantok magturo tapos puro pa paproject! (sori po!). Tapos kapag Friday bangag na naman ako dahil puro exam, test, quiz, recitation.... WAH! Isipin ko pa lang nawiwindang na ako ( maka-arte wagas)

Well! Anyway, happy naman me kasi makakapagbonding na naman kami ng mga friends ko sa school. Alam mo naman peymus ang lola mo. Marami yata akong friendship as well as chatmates and followers. Pagbawalan man ako ng mga tanders sa social media, haha kebs ko. Hindi sila in

Syempre bago na naman ang mga gamit ko. Well hindi lahat pero kering-keriko rumampa sa school. Ay told yah. Am peymus!

Shookt! Grabe, grabe! Ang pinakadabest reason para magback to school!... Si CRUSH
Sana this year magkatabi kami
Emeged Di ko maimagine (kinikilig ang lola nyo!)
Sana pakopyahin nya ako pag exam

Well, may utak naman me pero kapag exam na parang tumatalon yung mga nireview ko at ayun nasa kabilang test paper (Palusot.com. SShh! Sikreto lang yan ha)

Congrats mo me. Grade 12 na pala ako. Hiyes! After a year, matutupad ko na ang pangarap kong mag-MassCom as in Mass Comportable sa bahay (ang luma ng joke). Honestly gusto ko talaga yung course na iyan. Parang gusto ko kasi maghatid ng mga balita ( total chismosa naman ako, gawin ko ng legal)

209.jpg

Iniisip ko nga kung Mass Com o Chemist o BSMB. Chemist as in Chemist-er na lang aasa at BSMB = Bachelor of Science in Making Baby. (lumang joke again haha). Pero ang gusto ni nanay mag-PMA ako. P- pahinga M-muna A-Anak (isa pang joke ko sasamain na ako).

Teka alam ko ang gusto kong COURSE! ( ting! may nagliwanag na bumbilya) OF COURSE (teka meron ba nun). Ay, wala pa lang ganun (sensya na tao lang)

Hmm, come to think of it ( English yon!)... pang 12th year ko na itong mag-aaral. Bale 13 kasama yung kinder. Tapos kung magmaMassCom ako, additional 4years pa iyon. All in all it is 17yrs of my life consumed only in studying (oha, English ulit)

Syempre sa 17yrs na iyon ay walang katapusan na exam, project, recitation, quiz, term paper
Maaming gastos: gastos dito, gastos doon. Kakaloka
Gigising ng umaga, magpupuyat, magsusunog ng kilay (buti na lang lagi akong merong eyeliner), magreresearch, mag-iinterview at kung ano ano pang pakulo sa eskwelahan. Dinaig pa nila si Kuya Willie sa dami ng papremyo. (Bigyan ng jacket yan!)

That is why during weekdays I look forward on weekends . I love weekends (kagaling ko talaga mag-English). Pero ang masakit lang nun walang income. Nagkakapera lang kasi ako kapag may pasok. At ang mas masakit pa dun... walang SILAY!( sa baranggay po kayo magfile ng complain)
Kelan ba matatapos ang paghihirap na ito

( pasok Kz Tandingan)
210.jpg

Kung wala ka ng maintindihan
Kung wala ka ng makapitan

Pero teka nga (naks seryoso na sya) kanina narinig ko si Nanay at Tatay. Nag-uusap sila kung paano huhulugan yung pinagbili ng mga gamit, uniporme at tuition ni kuya. Narinig ko rin na pinaghahandaan na nila ang gastusin kasi nga di ba graduating na ako ( Gagradweyt naman ako noh!). Di naman kami mayaman. Ang bait nga ng mga magulang ko kasi binilhan pa nila ako ng bagong cellphone ( kasi nga malapit na ako maggradweyt di ba. OO gagradweyt naman nga ako). Inutang din kaya nila ang pinambili nun? Di lahat ng estudyante may magandang cellphone ah. Nakokonsensya tuloy ako (meron ako non.Wag kang mang-ano). Tapos ako eto reklamo pa ng reklamo tungkol sa pag-aaral.(aba matured na yata ako)

Eh yung kapitbahay naming si Raven gustong mag-aral pero walang pang enroll. Si Linda kausap ko kahapon, putok na raw nag uniporme nya at bitin na ang palda. Pero yun pa rin susuutin nya wala pa raw kasing pambili ng bago. Pinayuhan ko nga sya na bawasan ang kakaextra rice.

Hay masuwerte pa rin pala ako ( sa wakas, nakaisip din). Next year siguradong makakapagkolehiyo naman ako kais si kuya iskolar naman (lahi kami ng matatalino,Ok). Kahit laging delay ang bigayan sa scholarship malaking tulong pa rin yun ah. Pero kung gusto naman nila nanay at tatay na tumigil muna ako gagawin ko kasi this year gradweyting na rin si kuya (magdrama ba daw). Sureball bongang-bonggang gastos yun.(mas bongga pa sa kilay ko)

Alam ko na ( ang ano naman aber). Ngayong gradweyting na ako dodoblehin ko ang effort ko sa pag-aaral (kakarerin ko na ito, todo na itey). Wala man ako sa pilot section may utak naman ako (meron ako nun, ok) para magqualify ako sa scholarship... makakabawas pa ako sa problema ng mga magulang ko (weh, yung totoo)

Sige na nga di na ako magrereklamo pag may *exam, quiz, term paper, project, research, recitation at ambagan (kasama talaga ito). Kapag alam kong nakakaantok ang titser, mag-aadvance study ako(push mo yan). Pakatapos, pag may sobra akong pera iipunin ko para pambayad sa utang nila nanay at tatay (bait-baitan lang teh). Si CRUSH, syempre di mawawala yan. Gagawin ko syang pampagoodvibes para ganahan ako amg perform sa school. Malay mo baka mapansin na nya ako ( ang ganda ko bes)

Buhay nga naman. Di ako habambuhay bata. Siguro oras na para makiramdam. Oras na para ilabas ko ang natatago kong galing (meron kaya?). Madidiskubre ko pa ang mga potentials ko (sana nga meron)

Gusto kong mabago ang buhay ko. Gusto kong paginhawain ang buhay ni nanay at tatay. Kaya ngayong pasukan mag-aaral akong mabuti (di nga!?). Iwas muna sa jejemon baka maiapply ko sa school works

(

Hay(humikab).Gabi na pala. Matutulog na ako,May pasok pa bukas at namamanhid na kamay ko kakasulat. So pano, 13Y3
... ay wala nga pala munang jejemon. So pano ,BYE

Its Me Bes,
Lenie (Gandang Pang-Diyosa. pero ako lang ang may alam)


pinagmulan

Ako po ay nainspire ng ilang mga kaibigang sumusulat ng kwela kayat sinimulan ko na rin gumawa :) haha

pinagmulan ng larawan

1

2

3

Sort:  

Your blog has received an upvote from the communal account of Steemph.antipolo for being an active discord member and as an active community member. Keep up the good work and best of regards. Keep on Steeming!

You can get a support by joining our discord channel and gain votes from

our curators. Join our discord now
https://discord.gg/7w3hJqw

If you would like to support steemph.antipolo project you can help by delegating your spare SP to us, just click the link below.
50 SP 100 SP 200 SP 300 SP 400 SP 500 SP 1000 SP

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by BeyondDisability from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Natawa ako nang bongga kay Lenie! At relate na relate ako sa kanya. Yun lang di talaga ako binilhan ng nanay at tatay ko ng celpon. Masyado pa kasing mahal yun noon. Kasinlaki naman ng tide bar. Hmp! Di bale. Ngayong nakapagtapos na ako, ako naman ang nagpaaral sa mga kapatid ko. Pati na sa mga pamangkin. Pay it forward, kumbaga. Hamu, Lenie. Makakaraos din tayo. Kapit lang beshie!
Kung wala kang maisip na course.. pede naman ang golf course.(haha. Walei! Pumatol lang talaga ako. Haha)

Mag aral kang maigi Lenie!!!

natawa ako sa golf course hahaha. Hirap na nga sya pumili ng course pinahirapan mo pa. Dagdag yan sa pagpiilian nya

samahan kita sa pawnshop kapag may pagkakataon para maisangla natin ung antigo mong jokes. heheh 😂 pero ang galing ng character ni Lenie. parang babae talaga ang nagsulat. siguro kung di kita kilala @beyonddisability hindi ko maiisip na lalake ang nagsulat. ang husay ng mga POV ni Lenie. at talagang simbolo siya ng mga katulad ni @lingling na kire at puro arte.
hi~yesss! nakabawi din ako! panget pala huh?!
ganti-ganti din pag may time 😁

may trademark na si @lingling.
wahahaha
pag may bisa pa yung antigong jokes sige ibenta natin. Wala na kasing asin sa bahay.

Antayin nyo po si Kiko. Yung counterpart ni Lenie.

Hahaha! Hoi Lenie, dalhin mo ang nanay mo bukas at kakausapin ko. Hindi ganito ang ugali ng mabuting estudyante. Magtino ka kundi papaluin kita ng stick! 😂🤣🤣😂

Very relatable and timely (unang araw ng pasukan today)! And although luma na ang jokes, kc nga 2010 mo pala sinulat havey na havey parin for me! 😂😂😂

salamat po sa napakagandnag si @chinitacharmer.
Si Lenie po ay nanonood ng K-pop ngayon hahahahaha

Walang anuman po! Antayin po namin ang dugtong! 😄

Yung totoo @beyonddisability ano ang pinaglalaban ni Lenie at ng narrator dito sa kwentong ito. Lahat ng punchlines waley kasi luma na. Pero sige pagbigyan daw.

sinulat ko yata ito noong 2010 pa.. nahalukay ko lang wahahahaha
natawa ka ba ka @toto-ph
umaasa ako ng mas concern na comment

You received an upvote as your post was selected by the Community Support Coalition, courtesy of @steemph.antipolo

@arabsteem @sevenfingers @steemph.antipolo

CLAP CLAP ang ganda.. sana ako kagaya mo magaling magsulat @beyonddisability.

marami pong salamat
sulat lang po ng sulat
para po mahasa
at basa ng basa po para madagdagan ang kaalaman

tama ka, sana makakaya ko

I believe in you


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

maraming pong salamat sa @c-squared sa pagtangkilik sa mga gawang Filipino :)

waley ung mga jokes parang si @tpkidkai peo cge pagbigyan at baka mabatikos pa aq..hahahah mahusay

salamat po sir @kendallron. hindi ko talaga forte ang magpatawa pero dahil sa tropang komedya na sina lodi @jampol, @cheche at master @twotriple naisipan ko na ring magsimula. Pero waley nga talaga impluwensya rin ng isa ko pang lodi na si @tpkidkai :)

Coin Marketplace

STEEM 0.26
TRX 0.24
JST 0.038
BTC 95392.30
ETH 3285.89
USDT 1.00
SBD 3.39