Pinagkunan
Nagtataka ba kayo sa mga bagong mukha ng mga baryang inyong nakikita? Minsan ba'y napapaisip kayo kung ito'y tunay o peke? At madalas ba kayong malito dahil sa halos pagkakapareho nito sa isa't isa lalong lalo na sa kulay?
Aba, eh parehas tayo. Ganyan din ako. Ilang beses na akong nabiktima niyang limang piso na yan na madalas napagkakamalan kong piso. At tyaka may mga tsuper din tayong hindi tumatanggap ng mga bagong barya dahil sa bago pa ito sa kanilang mga mata. Pero huwag mag-aalala dahil ang mga bagong baryang ito at hindi peke at kalaunan ay atin ring makakasanayan. Nasa humigit kumulang 50 milyon na ang umiikot na mga bagong barya sa buong bansa at madadagdagan pa ito sa paglipas ng panahon.
Maaaring kayo ay nagtataka kung bakit papalitan ng mga bagong barya ang ating kasalukuyang pera ay sa kadahilanang mas secure ito at upang hindi rin madaling makopya ng mga counterfeiters. At tyaka mas pina improve ito gaya ng pagkakaroon ng metallic silver na kulay nito na gawa sa Nickel na hindi madaling magbago ang kulay katulad ng mga gawa sa brass at copper.
Para hindi tayo malito, patuloy na nag di-disseminate ng mga impormasyon sa publiko patungkol dito. Narito ang mga bagong Generation Currency Coins natin at ang mga simpleng features nito.
Pinagkunan
10-Piso
| |
Obverse | Apolinario Mabini, Republika ng Pilipinas, 10 piso at year mark |
Reverse | Kapa-kapa, BSP Logo |
Material | Nickel-Plated Steel |
Coin Edge Profile | Milled with Edge Lettering |
Edge Thickness | 2.05 mm |
Diameter | 27.0 mm |
Weight | 8.00 g |
Pinagkunan
5-Piso
| |
Obverse | Andres Bonifacio, Republika ng Pilipinas, 5 piso at year mark |
Reverse | Tayabak, BSP Logo |
Material | Nickel-Plated Steel |
Coin Edge Profile | Plain |
Edge Thickness | 2.20 mm |
Diameter | 25.0 mm |
Weight | 7.40 g |
Pinagkunan
1-Piso
| |
Obverse | Jose Rizal, Republika ng Pilipinas, 1 piso at year mark |
Reverse | Waling-Waling, BSP Logo |
Material | Nickel-Plated Steel |
Coin Edge Profile | With intermittent reeds |
Edge Thickness | 2.05 mm |
Diameter | 23.0 mm |
Weight | 6.00 g |
Pinagkunan
25 Sentimo
| |
Obverse | Republika ng Pilipinas, 25 sentimo, stylized Philippine flag at year mark |
Reverse | Katmon, BSP Logo |
Material | Nickel-Plated Steel |
Coin Edge Profile | Plain |
Edge Thickness | 1.65 mm |
Diameter | 20.0 mm |
Weight | 3.60 g |
Pinagkunan
5 Sentimo
| |
Obverse | Republika ng Pilipinas, 5 sentimo, stylized Philippine flag at year mark |
Reverse | Kapal-Kapal, BSP Logo |
Material | Nickel-Plated Steel |
Coin Edge Profile | With reeds |
Edge Thickness | 1.6 mm |
Diameter | 16.0 mm |
Weight | 2.20 g |
Pinagkunan
1 Sentimo
| |
Obverse | Republika ng Pilipinas, 1 sentimo, stylized Philippine flag at year mark |
Reverse | Mangkono, BSP Logo |
Material | Nickel-Plated Steel |
Coin Edge Profile | Plain |
Edge Thickness | 1.54 mm |
Diameter | 15.0 mm |
Weight | 1.90 g |
Hindi dapat mangamba dahil pwede pa ring gamitin ang mga dating barya. Apila naman ng Bangko Sentral ng Pilipinas na sana yaong mga nag-aalkansya ng mga lumang barya ay huwag muna itong itago at gamitin na lang muna upang unti-unti itong mapalitan. Pormal na ilulunsad at ipapakilala ang mga New Generation Currency Coins ng bansa ngayong Hulyo kasabay ng ika-labing-apat na anibersaryo ng Bangko Sentral ng Pilipinas.
Maraming Salamat sa Pagbisita!!!
Nalilito ako dyan sis. Hahaha
Ako din sis eh hahahaha
Always lugi ako pag may bagong baryang kasama yung binabayad ko kasi napagkakamalan ko talagang 1 peso 😂😂😂
Kung titignan niyo din pu nang mabuti ang gilid, merun pu nakasulat na Bangko Sentral ng Pilipinas
Salamat @lingling-ph, di ko alam yan ehh.
Titignan ko pag may nakuha akong bagong barya 😊😊
At sana maabutan kita sa tambayan minsan, naaaliw ako sa convo ninyo ni Toto 😂
Magandang hapon, sis @jennybeans .
Naging empleyado ako ng bangko nung ako'y single pa lamang. Matagal din akong naging teller/marketing staff. Nakapagseminar din ako panu natin mapapatunayan kung ang pera natin ay peke o hindi. Gaya ng sinabi ni lingling, dapat may tatak syang "Republika Ng Pilipinas". Sa mga perang papel naman, merun yung sinasabi nilang "watermark, security thread, security ribbon at security numbers". Mag-ingat po tayo sa mga peke :D
Salamat sa impormasyon sis @bloghound :)
Walang anuman, sis. Magandang gabi <3
Hello @jennybeans! Ang akdang ito ay napili sa aming ika-58 na edisyon ng @tagalogtrail. Patuloy lang po tayong lumikha ng magagandang akda sa wikang Tagalog
Upvoted and resteemed po ang inyong post.
.
Salamat @toto-ph :)
Ako din nalilito sa mga bagong barya.. may nagbabayad sa akin ng 1 .. pagtinitigan kong mbuti.. world of fun.. hais..
pagpinagsukli ko lalo na sa mga matatansmda.. ayaw nila.. gusto nila yung dati...
Salamat @jennybeans..
Hahahaha yang world of fun na yoken talaga nakaka relate ako jan, nakatanggap ako ng sukli din na yan ang gamit kaso di ko naman magamit kaya iiponin ko na lang para pag may time mag WOF eh, kaunting token na lang ang bibilhin hehehe....
Walang anuman @catietan :)
Nakakalito yan lalo pag gabi magbayad ka akala mo piso. 10 pala. pero masanay din tayo.