Kusina ni Nanay Romeskie | Pochero

in #food6 years ago (edited)

Magandang araw! Narito na naman po ang Kusina ni Nanay Romeskie. Sa katotohanan po ay buong linggong bukas ang kusina ni nanay dahil walang ibang gustong kainin si Aya kundi ang luto lamang ni nanay. Nakakataba ng puso, anak. Ngayong Lunes, nais ko lamang ibahagi sa inyong lahat ang aking niluto dahil unang beses ko pa lamang itong niluto. At ako'y nagagalak dahil may bago na naman akong natutunan.
Narito na ang ulam ngayong tanghalian:
Ang Pochero, Palong- palo ni Nanay Romeskie! 20180604_120128.jpg

Trivia: Ang Pochero ay isa pa sa mga impluwensiya ng Spain sa ating bansa. Ito ay itinuturing na primera klaseng ulam dahil kumpleto ito sa lahat ng nutrisyon. May karne na maaaring baka o baboy, gulay tulad ng pechay, repolyo at baguio beans, root crops tulad ng kamote o patatas, at prutas - saging.

Mga kakailanganin

  1. Kawali
  2. Sandok
  3. Kutsilyo at sangkalan
  4. Panukat na tasa

Mga sangkap

  1. Baboy
    • Hiwain nang katamtaman lang ang laki. Nakalimutan ko na naman ibilin kay Tatay Ritsard na kaunting taba lang ang bilhin pero di bale, sa susunod na lang.
      20180604_110225.jpg
  2. Patatas
    • hiwain nang mga isang pulgada ang kapal
  3. Carrots
    • may pakiramdam akong wala naman talagang ganito sa orihinal na pochero pero dahil gusto ni Tatay Ritsard ito para kay Aya, idagdag na rin natin. Sayang naman kasi.
      20180604_110242.jpg
  4. Saging na saba
    • hiwahiwain nang medyo makakapal. Patabingi dapat ang hiwa pero naalala ko na lang nung nahiwa ko na.
      20180604_110238.jpg
  5. Pechay
    • paghiwahiwalayin lang. Isang bungkos lang dapat peri dahil walang repolyo, dalawang bungkos na ang binili ni Tatay
      20180604_110235.jpg
  6. Sibuyas, bawang at kamatis
    • hiwahiwain nang maliliit
      20180604_110230.jpg
  7. Tomato sauce
    • yung maliit lang na sachet, kasya na yun
      20180604_110246.jpg

Paraan ng pagluluto

  1. Igisa ang sibuyas, isunod ang bawang tapos ang kamatis
  2. Isunod ang baboy
    • Lagyan ng dalawang kutsarang patis saka sangkutsahin. Halu-haluin hanggang sa makitang pumuti na ang lahat ng gilid ng baboy
  3. Ilagay ang tomato sauce
  4. Lagyan ng tubig
    • siguraduhing lubog ang lahat ng baboy sa tubig. Anim na tasa ang inilagay ko. Pakuluin nang mga kalahating oras
  5. Pag nakitang kulo na, ilagay ang patatas at carrots
    • palambutin nang mga limang minuto
  6. Ilagay ang saging na saba
  7. Kapag malambot na ang saging, ilagay na ang pechay
    • palipasin lang ang mga kalahating minuto saka patayin ang kalan. Maluluto na ang gulay sa init ng sabaw.

At ayan na ang pochero natin na palong palo sa sarap!

Paghuhusga ng panlasa:

Biyenan: Two thumbs up. May komento pang: "Kuhang kuha mo ang lasa!" Bawal na sa kanya kumain ng marami pero napasarap ang kain

Tatay Ritsard: Tumikim ng sabaw habang nasa sala ako. Pinuntahan ako habang hawak pa ang kutsara at sinabing "Ang sarap ng luto mo mahal!" ayhieeee! Kinilig aku!!!

Aya: Sumabay na kay tatay kumain, sumabay pa ulit kay nanay.

Konklusyon:

Hindi na kinakayang itago ni Tatay ang tuwa niya sa mga luto ko. Nagututo na talaga ako. Hehe

Nalilibang akong magluto nitong mga nakaraang araw. Sabi ko kay tatay, nag-a-audition akong maging housewife. Sana pumasa ako.

At iyan nga po ang ihinain ni Nanay Romeskie ngayong tanghali. Unang beses ko pa lang itong iniluto kaya sinigurado kong punung puno ng nutrisyon, pag-aalaga at pagmamahal ang pagsasaluhan sa hapag kainan.

Maraming salamat sa pagbabasa!



2123526103.gif

Sort:  

Hindi ko peyborit pochero pero mukhang nakaktakam nga hehe. Good job sa post. Recipe post pero nakakalibang pa rin.

Haha. Salamat @jazzhero. Hindi ko rin hilig ang pochero kasi parang kakaiba. Pero bilang hiniling ng aking asawa, yun na ang niluto ko. Habang kumakanta ng "Ako'y alipin mo kahit hindi batid...." haha. Joke lang. Masarap pala siya. Siyempre, luto ko, iaangat ko. Hahaha. :p

Ako medyo peborit ko ang pochero Tito @jazzhero.

Namiss ko lang ng bahagya ang mga hugot ni ate @romeskie dito pero overall nagustuhan ko parin sya.

Nagababagong buhay na ako @toto-ph. Paminsan minsan napapahugot pa rin naman. Pero medyo napaseryoso kasi ako. Kailangang pumasa sa audition eh.

Ano ba yan di ako na informed dito sa pagbabagong naganap. Anong audition yan? Baka pwedeng umekstra medyo maliit ang bigayan ngayon eh.

Haha. Audition yan para maging isa na akong ganap na housewife. Ayoko nang magpaalipin sa ibang tao. Mas gusto ko na lang maging alipin ng anak ko.


Hello ate @romeskie! Ang akdang ito ay napili sa aming ika-58 na edisyon ng @tagalogtrail. Push lang tayo sa pag likha pa ng magagandang akda sa wikang Tagalog at sa pag pa praktis maging alipin.

Upvoted and resteemed po ang post na ito.

Salamat sa palagiang suporta @tagalogtrail at @toto-ph.
More powers!!!

Haha. Natsambahan ko ang timpla @michaeljpsalazar.

Hinde ako vegan or vegetarian pero di ko masyadong bet Ang baboy ngunit, sapagkat, datapwat Ng dahil sa iyong post gusto ko kumain ng pochero @romeskie. Anong uring gayuma meron Ang iyong kusina?

Hahaha. Paminsan minsan dapat kumain ka rin ng baboy @fotografia101. Masaya. Wala namang gayuma. Sadyang punumpuno lang talaga ng pagmamahal - at dasal - pag nagluluto ako. Hahaha


Ibinahagi ang lathalang ito sa #pilipinas channel para sa mga curator ng Curation Collective Discord Community, binigyan ng upvote at ni-resteem ng @c-squared na account pagkatapos ng manu-manong pagsusuri.
This post was shared in the #pilipinas channel in the Curation Collective Discord community for curators, and upvoted and resteemed by the @c-squared community account after manual review.

Thank you so much and more power to you guys!

Sarap nyan ah.

Sabi ng mga tumikim, kuha nga raw ang lasa. Umepekto ang mga dasal ko habang nagluluto. Hahaha

good.



Promote ko lang ha.

Want to have some automation for your earnings on Steemit?
Use smartsteem.Click this link below.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 60699.39
ETH 2655.06
USDT 1.00
SBD 2.59