Ika Apatnapu't Tatlong Edisyon ng Tagalog Trail

in #pilipinas6 years ago



Kamusta mga Katropa!

Sana lahat ay nasa mabuting kalagayan dito sa Steemit.
Ito po si Toto ang nag-uulat ngayon para sa arawang edisyon ng @tagalograil.

Para sa araw na ito narito ang aming mga naibigang akda sa wikang Tagalog.

Isang Tula Mula Sa Aking Nakaraan ni @virtualself

Lagi mong tanong sa iyong sarili, "Paano pag pumalpak ako?" Ang tanging tanong ko lang sa'yo, "Paano pag nagtagumpay ka?"

Isang bagong steemian ang aking natagpuan na nagpopost ng likha sa Tagalog. Ang kaniyang akda ay isang inspirasyonal na likha na nagpapa alala sa atin na dapat nating subukan at huwag sumuko kung sakali mang papalpak. Kung tayo man ay panghinaan ng loob ay ayos lang ang mahalaga ay hindi tayo bibitaw.

Minsan Nang Ako'y Naging Bata ni @mavicalipda

Ang ating nakaraan ay serye ng mga alaalang di natin malilimutan. Ang ating pagkabata hanggang sa kabataan ang pinakamagandang alaala dahil dito, naranasan natin kung paano maging bata.

Dahil Huwebes ngayon uso ang throwback kaya't napili ko ang akdang ito dahil simple lamang ang kaniyang paglalahad sa kwento ng kaniyang kabataan.

Si Rosa sa Katauhan ni Emily (Ang Panimulang Kwento) ni @johnpd

sa dalampasigan

naging napakahaba ng sandali

ang isa't-isa ay kapiling

ngunit hindi pa rin masaya

Ito ay ang paunang kwento bago ang kwento sa ginamit ni @johnpd sa patimpalak ng @steemph.cebu kung saan inilahad niya ang pangyayari sa buhay ni Rosa at ang mga sumunod na pangyayari. Basta may plot twist pag binasa nyo ang unang akda mapapa HA! nalang kayo kasi ang ine expect nyo ay hindi pala.


Munting Update para sa TagalogSerye


Tagalog Serye II : Ikaapat na Yugto mula sa Unang Pangkat ni @jazzhero

🎵”Nung nakita kita sa tagpuan ni Bathala,
May kinang sa mata na di maintindihan … 🎶 😋

Alam ni tito @jazzhero na kahinaan ko din si Moira ang daya nyo! Ipinagpatuloy ng pabebe nating bida ang kaniyang pakikipagsapalaran at sa totoo lang medyo inis ako kay Sheila. May nabasa ata o napanood basta pag naka 3 dates kayo dun palang pwedeng makipag tukaan. E etong si Sheila unang date palang tukaan na agad. Di nya gayahin si Dana! Si Dana na makapal ang mukha pero di ganun ka hitad.

Tagalog Serye II : Ikaapat na Yugto mula sa Ikalawang Pangkat ni @jemzem

Papunta na sa kanyang opisina si Wade nang bigla siyang mabangga ng isang nagmamadaling babaeng kalalabas lang mula sa opisina ni Nolan. Nahulog ang mga bitbit nitong folders at envelopes kaya lalong napasimangot ang babae. Napansin ni Wade ang ekspresyon ng mukha nito kaya agad siyang yumuko para pulutin ang mga nahulog na gamit ng dalaga.

Sa wakas andyan na si Wade! Hindi na siya magiging parang ewan lang ang tagal nyang gumalaw eh. Kailangan talaga may...... Hahah basahin nyo nalang basta nagbabalik ulit ang demonyong pagkatao ni Nolan ang tanong magagapi na ba siya o patuloy parin siya sa pag gawa ng masama. Umaasa ako na sana ay maging maayos din ang lahat di naman masamang tao si Nolan biktima lang siya kaya't wag natin siyang i judge.

Tagalog Serye II : Pangatlo at Apat na Yugto mula sa Ikatlong Pangkat ni @tpkidkai

Tama nga ang kaniyang hinuha ang lalaking mahigpit ang yakap sa kanya ay hindi si Awiyao kungdi si Bagwis.

Nagbagsak ng isang napakahabang akda si @tpkidkai WOW! Dito ipinagpatuloy nya ang kwento ng pakikipagsapalaran ni Awiyao. May mga karakter na pinakilala gaya ni Dayang Urduja at mga salitang hindi pamilyar isa na dito ay ang binukot ayon sa komento nagmula ang ideya sa Amaya 😔 😔 Channel 7 na palabas. Bahala ka dyan Bagani parin ako. Basta ayun na nga dito pinakilala si Bagwis ang dating umiibig kay Malyari pero namatay tapos nabuhay tapos... tapos na basahin nyo nalang!

Narito ang mga kasali sa patimpalak

Unang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@cheche016Lunes
@julie26Martes
@rodylina Miyerkules
@jazzhero Huwebes
@jenel Byernes

Ikalawang Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@beyondDisability Lunes
@ailyndelmonteMartes
@valerie15Miyerkules
@jemzem Huwebes
@itsmejayveeByernes

Ikatlong Pangkat

Username sa SteemitAraw ng Iskedyul
@chinitacharmerLunes
@creyestxsa94Martes
@jassennessajMiyerkules
@tpkidkai Huwebes
@johnpdByernes

Ang 20% ng SBD Reward mula sa ika 37 na edisyon ay akin nang naipamahagi sa mga napili ko noong nakaraan.

Kung nais nyo pong makigulo sa aming munting tambayan ay malaya po namin kayong ini-imbitahan na makigulo. Walang masyadong mga plano ang mga nandun sa buhay panay sulat at kulitan lang. narito po ang discord link Discord

Muli maraming salamat po sa pagtangkilik sa wikang Tagalog at isang mapagpalang araw po.

Sort:  

Hehe Rock and roll to the world! @artgirl

What dialect un BINUKOT? pinsan ni dinukot?

Hhahaha havey po @immarojas

Ang binukot po ay mula sa sa kultura ng Panay Sulodnon, Panayanon-Sulod o Panay Bukidnon, isang pangkating kultural sa kabundukan ng Panay, sa Tapaz, Calinog, at Lambunao sa Iloilo at Capiz.

tapos po nagmula po ang siya sa salitang bukot na ang ibig sabihin ay itago at ikubli.

Pero sa Amaya ng channel 7 ko lang talaga nalaman ang salitang iyan. Natuwa ako at may history-history ang kwento tapos yung words na gamit nila ay angkop sa palabas.

Ay tenk you kuya..completo sa history ha😎

Opo @immarojas ginalingan ng mga kasama ko sa kwento dun sa umpisa gaya ni @chinitacharmer at @artgirl kaya dapat maipagpatuloy ang flow ng kwento na may pagka history ang datingan.

Salamat muli @tagalogtrail, at nandiyan ka para sa suporta sa ating wika.

Hehehe pakalat kalat lang po kami ni Junjun nag gagala sa mga post na pwedeng abalahin. 🤗

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.13
JST 0.030
BTC 63595.77
ETH 3415.98
USDT 1.00
SBD 2.49