Isang Tula Mula Sa Aking Nakaraan

in #poetry6 years ago

Here's a poem from me written in my native Filipino language...


Taken from Deringer Photography

(Previously posted on my Facebook account last Novemeber 29, 2016)

Lagi mong tanong sa iyong sarili, "Paano pag pumalpak ako?" Ang tanging tanong ko lang sa'yo, "Paano pag nagtagumpay ka?"

Ang ulang nagbibigay lungkot sa'yo ay nagbibigay buhay sa mga halaman sa iyong paligid. May saysay ang bawat patak ng iyong pawis. May kaginhawaan sa bawat luha na iyong tinatangis. Ang layo mo na sa iyong pinanggalingan, at mas malapit ka na sa iyong paroroonan kaysa sa dati. Ngayon ka pa ba susuko?

Ang pasan ko man ay mundo ko at ang pasan mo man ay ang mundo mo, sana'y malaman mo na ang mundo natin ay hindi nagkakalayo at may pook kung saan ang mundo natin ay nagtatagpo, na may pook kung saan tayo unang nagkatagpo. Sa tuwing nararamdaman mo na ikaw ay nag-iisa, maalala mo sana na lagi kang nasa aking isip at mga panalangin.

Hindi pa tapos ang laban. Hindi matatapos ang laban. Sana'y malaman mo na ang pinakamatindi mong kalaban ay hindi ang mundo, kundi ang iyong sarili. Mayroon pang mas malaki ngunit mas tahimik na giyera na naghihintay sa yo. Kailangan ng mundong ito ang nalalaman mo, ang iyong mga abilidad, ang mga pangako na kaya mong tuparin, at ang mga sakripisyo na handa mong gawin.

Alam kong pagod ka na, kaya bago ka tumakbo ulit ay hayaan mong damayan kita sa iyong pagpapahinga. Magkahiwalay man tayo ng landas, sa tuwing lilingon ka sa iyong pinanggalingan, sana ay maalala mo ako sa mga iniwan kong yapak at marka.

Hindi ka nag-iisa.

Sort:  

Para siyang may vibe ng "Footprints in the Sand" na tula. kapag tinignan mo yung larawang kalakip; ngunit pag binasa mo sya ng buo mararamdaman mo ang sinserong mensahe ng nagsasalita na

Kaya mo iyan hindi ka nag-iisa

Tapos ito pa ang isa mga paborito kong parte

"Paano pag pumalpak ako?" Ang tanging tanong ko lang sa'yo, "Paano pag nagtagumpay ka?"

Kung palagi tayong magdududa talagang walang ikakaunlad. Subukan lagi kung pumalpak man ito ay magiging leksyon para mas mapabuti pa. Papalpak kalang sa panahong hindi ka na talaga sumubok pa.

Lubos namin itong naibigan!

P.S. dahil ito ay likha pa noong 2016 panigurado kami na mas magagandang tula ang iyong maibabahagi sa steemit.com at iyon ay aming aasahan pa 😍 😍

Maraming salamat po! ^_^

Ang ganda ng tema ng tula. Nagustuhan ko yun pagbigay tuon sa mga bagay na maaring maging negatibo o positibo depedende sa perspective. Nakaka-empower naman talaga. Good job po and welcome sa Steemit!

Maraming salamat po! ^_^

Wow Tagalog na work @virtualself parang inulit ko lang ang reply ko sa GC hahaha.

Nagustuhan ko po ang inyong likha. Maganda at inspiring po, malinaw din ang mensahe.

Tuloy lang po kayo sa pagsusulat sa wikang Filipino. Ako mas madaming Tagalog na nakasulat kesa English hirap kasi haha pilipit ang keyboard sa English.

Maraming salamat po! ^_^

Hindi ka nag-iisa kabayan..ang pinaka matindi nating kalaban ay ang sarili natin mismo. maraming salamat @virtualself

Salamat po sa inyong tugon ^_^

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 64535.04
ETH 3462.08
USDT 1.00
SBD 2.49