Tagalog Serye II : Pangatlo at Apat na Yugto mula sa Ikatlong Pangkat

in #tagalogserye6 years ago

Bago mo basahin ang akdang ito kung hindi mo pa nababasa ang mga naunang akda ay iminumungkahi kong ito ay simulan mo muna.

Tagalog Serye : Unang Bahagi mula sa Ikatlong Pangkat

Ang nakaraan.....

Nanatiling nakadapa sa damuhan si Liwayway, nanginginig at unti-unting naluluha habang mahigpit ang kapit sa sisidlan ng gamit. Napakatanga niya. Napagkamalan niyang si Awiyao ang yumao at malokong kapatid nitong si Bagwis na alam niyang may lihim na pagtingin sa kanya noong nabubuhay pa ito.

Bakit bigla na niyang nakikita, naririnig at nadarama ang multo nito?

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Tama nga ang kaniyang hinuha ang lalaking mahigpit ang yakap sa kanya ay hindi si Awiyao kungdi si Bagwis.


Pinagkunan ng larawan

Habang sila ay tumatayo ay napansin niya kaagad ang mga pintado sa mukha ng binata na tanda ng kaniyang pagkaka kilanlan. Ang bawat marka ay patunay ng kagitingan sa kanilang tribo. Isang mahusay na mangangaso si Bagwis na nakapatay ng leon at mga oso sa kanilang paghahanap ng pagkain. Siya ang napipisil na maging pinuno ng tribo kung di lang sana siya nagkaroon ng isang matinding kasalanan.

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 


Pinagkunan ng larawan

Isang gabing pula ang buwan, habang natutulog ng mahimbing ang lahat. Tahimik niyang pinasok ang bulwagan ng mga alipin, upang gawin ang kaniyang maitim na balak... ang halayin si Liwayway. Pikit mata ang mga alipin sa mga nagaganap tahimik ngunit nagmamatyag.

Alam nila na kung sila ay tututol o makiki-alam buhay nila ang magiging kabayaran at isa pa; ang alipin ay walang karapatang mag-isip at mag desisyon ng para sa kanilang mga sarili. Ang buhay nila ay tanging laan lamang sa kanilang panginoon.

Naramdaman ni Liwayway na parang may kakaiba sa kaniyang tabi at unti-unting lumalamig. Dito niya napansin na ang kanyang kasuotan ay nahubad na at si Bagwis ay naroon narin sa kaniyang harapan nakangiti ng masama at pinagpapawisan.

Pinilit halikan ni Bagwis ang dalaga, ngunit kaiba sa mga alipin ay lumaban ito. Sinampal niya ng pagkalakas-lakas ang binata ay pagkatapos ay dali-daling tumakbo ng walang saplot palayo.

Sa kaniyang pagtakbo ay siyang palad naman na nakasalubong si Awiyao. Takot na takot niyang inilahad ang mga nangyari sa kaniyang sinisinta at sa galit ng binata agad niyang pinuntahan ang bulwagan ng mga alipin, doon nakita niya ang kaniyang kakambal na nagbibihis palang. Hinamon niya sa ito sa isang dwelo ang at sila ay inabot ng ilang minuto hanggang na isang malinis na tama ang naibigay ni Awiyao sa bandang leeg ni Bagwis at dito siya ay nakitlan ng buhay.

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

"Liwayway aking sinta! Ako ay nagbalik mula sa kamatayan upang samahan ka sa iyong pagdurusa." - Sambit ng binata

Gaya ng nakaraan ipinagtabuyan ni Liwayway ang binata. Ngayon ay mas malakas na siya kumpara noon at dahil sa naramdaman nya na hindi na talaga buhay si Bagwis gamit ang anting-anting na binigay ni Apong umusal siya ng mga orasyon upang ipagtabuyan ang kaluluwa.

Sa kasamaang palad, hindi ito umepekto at hindi nya napalayas ang binata. Bagkus, nagkaroon lamang ng munting harang sa dalawa isang hindi nakikitang harang na naghihiwalay sa kanila mga isang dangkal na pagitan. Sapat na para hindi siya mahawakan.

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Samantala sa tribo ng Mekeni, isang pangitain ang napansin ni Datu Sinukuan. Ang lumang larawan ng kambal ay nagkaroon ng punit sa hindi inaasahang pagkakataon. Hindi maipaliwanag ng mga natitirang babaylan kung anong salamangka ang naganap ngunit sa kaniyang pakiwari ay ito ay isang hindi magandang mensahe mula kay Bathala.

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Ang bundok ni Apong Sumala ay hindi madaling makita ng mga hindi tanggap na bisita. Bagama't mabuti ang hangarin ni Awiyao para kay Liwayway tutol parin ang Apong sa kanilang pagsasama dahil sa kanilang estado sa buhay. Kaya't bago makarating ang binata sa bundok ay isang malaking pagsubok ang kaniyang pinagdaanan sa Lambak ng Tukso at Kamatayan.


Pinagkunan ng larawan

Sikat ang lambak na ito sa kadahilanang napaka-raming masasamang elemento ang nananahan dito na nagbibigay ng pagsubok. Tinatagan niya ang isip at katawan sa pagpasok, wala na siyang ibang naiisip na paraan upang makasama ang kaniyang iniibig. Kailangan niyang makasama si Liwayway sa lalo't madaling panahon dahil sa susunod na kabilugan ng buwan ikakasal na siya kay Malyari na sadyang kaniyang tinututulan.

Madilim ang Lambak ng Tukso at Kamatayan na parang di nasisinagan ng araw. Inilibot ng binate ang kaniyang mata at napansin niya agad ang mga kalansay sa paligid. Mga patay na hayop na inuuod at mga tabak at kalasag na nagkalat.

Ito ay isang lugar na kung saan nakipagdigma ang tribo ng Mekeni sa ibang mga tribo kaya't ganoon nalang ang kaniyang pag-iwas sa nasabing lambak dahil bukod sa masasamang elemento ay narito din ang mga espirito ng mga napaslang ng kaniyang ninuno na nagtanim ng poot sa kanilang lahi.

Habang patuloy sa paglalakad ang binata, ay nararamdaman niyang bumibigat ng bumibigat ang kaniyang balikat at ang kaniyang paglakad ay unti-unting bumabagal sa hindi malamang dahilan.

"Awiyao!"

Isang tinig mula sa di kalayuan ang kaniyang naulinigan tumigil siya sandali at hinanap kung saan nagmumula ang tunig.

"Awiyao! Huwag ka nang tumuloy kay Liwayway! Tanging pasakit lamang ang iyong matatanggap sa kaniya"

Hindi siya maaring magkamali.. tinig nga iyon ni Dayang Urduja ang kaniyang mahal na ina.

Pangungulila ang kaniyang nadama sa pagkakataong iyon dahil si Dayang Urduja ay matagal nang lumisan sa sansinukob. Sinuway nya ang kabilin-bilinang utos ng datu at ito ay ang pagtapak ng kaniyang paa sa lupa. Isang binukot si Dayang Urduja at isa sa mga batas nila ay hindi maaring tumapak sa lupa ang binukot dahil sa ito ay sagrado. Kaya't ng nakarating kay Datu Sinukuan ang pangyayari, agad niyang isinalang sa paglilitis ang kaniyang kabiyak sa tulong ng mga Agorang sa tribo at dito napagpasyahan na painumin ng lason si Dayang Urduja para hindi na dumanak pa sa lupa ang kaniyang maruming dugo.

Tumulo nalang ang luha sa kaniyang mga mata at sumambit na

"Dayang Urduja sabik na sabik na akong makita ay mayakap ka aking ina ikaw ay magpakita sa iyong mahal na anak"

Isang maputing usok ang unti-unting nagkakaroon ng hugis at porma hanggang sa nakita na nya ng buo ang kanyang mahal na ina.

"Awiyao... aking supling ang tangi kong hiling ay iyong pakinggan at sundin. Si Liwayway ay iwasan at bumalik ka na sa atin"

Kalituhan ang nasa isip ng binata kaya't tinanong niya kung bakit ito nasasabi ng kaniyang ina.

"Tanging kamatayan mo lamang ang nakikita kong katapusan ng inyong pag-iibigan aking supling kaya't bilang iyong ina ang aking hangarin ay ikaw ay mapabuti at di mapahamak"

Ikinumpas ng bahagya ni Dayang Urduja ang kaniyang mga kamay at tumambad sa harapan ni Awiyao ang mga magagandang dilag mula sa ibat-ibang tribo.


Pinagkunan ng larawan

"Aking supling, ikaw ay mamili nalang sa mga dalagang naririto ang aking basbas ay mapapasaiyo at walang hanggang kapangyarihan ay matatamasa mo"

Ang mga dilag na lumabas ay sakdal ng ganda, kung ikukumpara kila Malyari at Liwayway puno rin ang iba ng pintados sa katawan hudyat na ang iba ay nagmula pa sa mayayaman at malalakas na angkan. Ngunit napa-iling ang binata at winika

"Dayang Urduja, ang iyong hiling ay hindi ko kayang pagbigyan. Lubos kong iniibig si Liwayway kaya't pag-ibig ko sa kaniya ay aking ipaglalaban"

Matapos iusal ang mga salitang ito. Mula sa kaluban at binunot ng binata ang kaniyang tabak at itinarak kay Dayang Urduja.

"Dayang Urduja aking ina ako ay iyong patawarin ngunit alam kong ikaw ay matagal nang lumisan sa amin, Ayaw ko man itong gawin ngunit pag-ibig ko kay Liwayway ay aking ipaglalaban kahit sa iyo aking giliw."

Unti-unting nawala ang katawan ni Dayang Urduja sampu ng mga magagandang dilag dito napatunayan ni Apong na tunay ang pag-ibig ng binata kaya't ginabayan niya ito ng palihim hanggang sa makalabas si Awiyao sa lambak. Inabot ng mahigit tatlong linggo ang lakbayin ni Awiyao sa nasabing lugar gutom at sabik na makita na ang kaniyang sinisinta. Tatlong araw nalang ang nalalabi at magaganap na ang susunod na kabilugan ng buwan kailangan niyang makasama si Liwayway sa lalong madaling panahon.

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Sa mga panahong wala si Awiyao, patuloy parin ang pag-uusal ng orasyon ni Malyari sa itim na anting-anting. Mas pinalalakas niya pa ang kaniyang salamangkang itim gamit ang mga espirito ng kaniyang mga ninuno. Kailangan niyang makontra ang kapangyarihan ni Liwayway at kailangang mas mapalakas niya si Bagwis dahil siya ang bumuhay dito.

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Hindi na umalis sa tabi ni Liwayway si Bagwis, bagama’t may hindi nakikitang harang ay ginawa ng binate ang kaniyang makakaya upang tulungan ang dalaga. Napansin niya na hindi kaya ni Liwayway ang ibang bagay gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na sisidlan ng tubig patungo sa kweba at ang pangangaso ng hayop na gagawing pagkain.

Sa mga araw na lumipas, ay unti-unting nagkakasundo ang dalawa dahil narin sa wala namang makausap si Liwayway sa buhay buhay ay naging malapit ulit silang magkaibigan. Hindi na napansin ni Liwayway na ang harang na naghihiwalay sa kanila ay unti-unti nang humihina hanggang sa nagkataong nagkadikit na ang kanilang mga katawan dahil sa pag-aalalay ni Bagwis sa dalaga ng minsang matapilok siya sa gubat. Ngunit hindi na ito napansin ng dalaga bagkus naisip niya na kaya napawalang bisa ang kanyang kapangyarihan ay dahil narin sa naging mabuti na si Bagwis.

Pangkaraniwang araw ang dumaan at nag-uusap ang dalawa si Bagwis at Liwayway sa may kweba. Masaya sila na nagpapalitan ng kuro-kuro at panitikan. Isama mo pa ang mga biro na natutuhan sa ibang mga tribo nang biglang dumating si Awiyao.

Puno siya ng galos at gutom na gutom ngunit hindi niya iyon inalintana. Mas napansin niya ang pagiging masaya ng dalawa habang nag-uusap at nasabi sa sarili na siya ay pinagtaksilan ng dalaga.

Itutuloy......

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Napahaba po ng kaunti ang aking munting update dahil sa medyo abala ang ating butihing ka-tropa na si @jassennessaj ay kailangan ihabol ang kwento sa mga kalabang grupo. Nawa'y maibigan nyo po ang aking pagpapatuloy sa kwento

Mga Karakter

Kontrabida: Ang Bulag na Batas: taong mahigpit na ipinapatupad ang batas, at karaniwang maimpluwensya o nasa panig nya ang batas.( Datu Sinukuan)
Ang Habulin/Pogi: lalaking magaling magpahulog ng loob ng mga kababaihan (Awiyao)
Bayani: Ang Outlaw: outcast at mas nais maging mapagisa (Liwayway)

Mga Elemento sa Kwento (Maaring Gamitin bilang Literal o Metepora)

Amulet/Anting Anting (anting-anting ng lola sa tuhod at anting anting ni Apong)
Lumang Larawan
Betrothal or Arranged Marriage (Awiyao at Malyari)
Rivalry (Liwayway at Malyari, Bagwis at Awiyao)

»»————-»»————- »»————- »»————-»»————-»»————-»»————- 

Narito ang mga kalahok sa TagalogSerye Ikalawang Edisyon ni @Tagalogtrail:

Nakatakdang ArawUnang Pangkat
Lunes@cheche016
Martes@julie26
Miyerkules@rodylina
Huwebes@jazzhero
Biyernes@jenel
Nakatakdang ArawIkalawang Pangkat
Lunes@beyonddisability
Martes@ailyndelmonte
Miyerkules@valerie15
Huwebes@jemzem
Biyernes@itsmejayvee
Nakatakdang ArawIkatlong Pangkat
Lunes@chinitacharmer
Martes@artgirl
Miyerkules@JassennessaJ
Huwebes@tpkidkai
Biyernes@johnpd
Sort:  

Grabe TP nag level up ng 10 times ung kwento! Ang favorite part ko ay ang lambak ng temptasyon hahaha. Buti nlng di nadala si Awiyao! Maganda rin ung backstory ng nangyari kay Bagwis at sa kanilang ina! Ang galing! 👏👍😃

Ano kaya ang susunod na mangyayari ngayong nagtagpo na ang tatlo? At anong salamangka ang ipapamalas pa ni Malyari gamit ang kanyang anting anting. @jampol sau na nakasalalay qng may happzy ending ba ang mag-irog!

Salamat @chinitacharmer grabe nahirapan din akong mag-isip ng mga bagay na gagawin. Ang araw ng Huwebes ay araw ng backstory haahha kahit si bes @jazzhero ganun din halos.

Sobrang na enjoy ko ang pagsusulat nito talaga.

@johnpd ikaw na ang bahala sa wakas ng kwento nasa iyo na ang anting-anting.

ang galing mo talaga pinunong TP. umaayon sa kagustuhan ko ang takbo ng kwento. hindi na ako mahihirapan nyan dahil parang ganyan din ung gusto kong maging outcome ng mga pangyayari. 😊

Salamat @johnpd at nagustuhan mo ang takbo. Hirap talaga akong magdugsong pa sa kwento at napaka haba na. Pero na enjoy ko din sya.

Aabangan na namin ang katapusan ng kwentong ito.

Wow. Kakaiba un naging twist sa kwento lalo. Gusto ko yun build up sa koneksyon ng mga tauhan, pati na ang bagong dating na si Bagwis.
Nosebleed na sa lalim ng tagalog, na nosebleed pa ko lalo sa mga tribal terms haha. Kailangan ng glossary of terms - or i-google. Good job, TP bro.

Hahaha tinamad na ako magsulat ng glossary of terms bro.

Hindi ko napansin na nag 1.5k na pala ako na salita.

Since dumami na ang salita edi ipag konek konek na ang mga karakter hahaha para medyo malinawan ang mga mambabasa sa mangyayari sa kanila.

Ay waw, may malalim nga n word... Anu ung binukot??? Hahaha.

Grebeh ano kaya susunod n mangyayari? D n umalis si Liwayway patungo kung saan, nabighani na ba sha kay Bagwis??? Oh noes... Ano kaya ang balak ni Malyari??? 😱

Haha yung binukot @artgirl yun ang tawag sa mga babae na parang prinsesa noong nakaraang panahon.

Sa teleserye na Amaya na encounter ko ang word na yan. E kailangan maitawid natin na si Datu Sinukuan ay bulag sa batas.

Rule sya noon na bawal tumapak sa lupa ang mga dalagang nagiging binukot dahil mawawala ang kanilang estado sa buhay. Minsan dinudukot din sila ng kalabang tribo 😂

Nagpapa hinga si Liwayway kaya hindi siya maka alis nagdadalang tao sa anak nila ni Awiyao

Oh, ganon pala un... Hahaha nice. D ko kasi masyado napanood ung Amaya. Hahaha now we know!

Hehehe ginalingan nyo kasi sa pag ku-kwento kaya kailangan mas paghusayan pa natin. Para sa ikatlong pangkat!

oy ah. hindi kami kalaban @tpkidkai.. trip trip lang ito.. for the fun ika nga...ang sarap subaybayan ng kwento. Umpisa pa lang ang ganda na. Nsasabik na ak osa katapusan nito

Hahah anong trip trip lang hahaha seryosong laban ituu. Joke lang bro. Ang gagaling kasi talaga ng mga akdang nauna kahit sa mga kabilang grupo kaya lahat deserve manalo. Nakatuwa lang at ang huhusay talaga.

ganyan ang gma tropa ni Toto pangmalakasan. kaya daapt aprubahan na ang pagsulat ng katatakutan bwahaahahahahah

Hahhaha pag na aprubahan sino ang magiging hurado? Hahah mukhang ayaw ni Toto ang kontes.

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.027
BTC 58906.05
ETH 2666.51
USDT 1.00
SBD 2.44