Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Pagpapakilala sa Aking Mga Makakasama

in #pilipinas6 years ago (edited)

Naiisip ko pa lamang na mag-isa akong maglalakbay patungo sa dako pa roon ay sobrang nakakalungkot. Kaya napagpasyahan ko na mag-aanyaya sa gustong makisabay sa aking paglalakbay. Lubos ang aking galak at tuwa na nadarama dahil meron sumagot sa aking paanyaya. Si @tagalogtrail ang unang nagpahayag na siya'y magiging tagasubaybay na lamang sa aking paglalakbay. Buti na lang hindi nag-atubili sina @jennybeans @yennarido @sunnylife na ako'y samahan. Nakakataba ng puso na meron handang makisabay sa akin patutunguhan. Tiyak na magiging masaya ang aking paglalakbay. Huwag kayo mag-alala ako'y magdadala ng maraming pagkain para hindi magutom si @jennybeans. At hindi tayo maloka dahil sa gutom. Hahahaha

Para po sa kaalaman ng lahat ang mga naipakita kong larawan sa una at ikalawang bahagi ng aking paglalakbay ay nagsimula po kung saan ako ipinanganak, nagkaisip at lumaki. Yun po ay sa aking mahal na pinagmulan sa "Barugo, Leyte".

image

Sa Barugo, Leyte ako nagmula. At ngayon ay patuloy na naglalakbay. Ngunit hindi ko pa rin alam kung saan ako patungo? Hindi ko pa rin alam ang dako pa roon.

Hanggang sa nakisabay sa akin si sissy @sunnylife. Ako'y kanyang dinala sa napakagandang bundok Krakra ng Bulgaria. Kay ganda ng aking nakikita, napakasariwa ng hangin, napakatahimik, ang ganda ng kwentong tagumpay na bumabalot sa bundok Krakra. Salamat saiyo @sunnyife at kami'y iyong dinala sa bundok Krakra patungo sa dako pa roon.

@jennybeans @yennarido daanan namin kayo ni @sunnylife patungo sa dako pa roon. Si @akoaypilipina @lunamystica ay nagpahayag na rin na gustong sumabay sa atin paglalakbay. At marami pa ang gustong sumama patungo sa dako pa roon. Tiyak ako na magiging masaya ang ating paglalakbay.

Para lalong maging masaya ang aking paglalakbay, inaanyayahan ko kayong lahat na makisabay sa ang aking paglalakbay patungo sa dako pa roon. Inaanyayahan ko ulit sina @chibas.arkanghil @natz04 @ellechim0816 @carlo1974 @sheuan @noel101 @flordecar26 @maddie30 @nante @betbet @bing2 @jemzem @mallowfitt @leeart @giemijares @fherdz @iamdeth @gwenbyyy @jenel at maraming pang iba. Atin yanigin ang buong daigdig. Sabay sabay natin tuklasin ang dako pa roon upang sabay sabay natin marating. Hahahaha

Kung sino man ang gustong makisabay patungo sa dako pa roon mag komento po lamang at gumamit ng #sali #pilipinas sa inyong paglalakbay upang kayo'y amin masundan at hindi tayo magkahiwa-hiwalay sa ating paglalakbay. Inaasahan ko po ang inyong pagsali sa pagtuklas kung saan ang dako pa roon.

Simple lang naman ang dapat natin gawin. Maglakip po lamang ng isang larawan kung saan niyo kami dadalhin patungo sa dako pa roon. Kahit ano ay pwede dito. Pwede tayo maglakbay sa tubig, pwede rin sa lupa kasama ang kabundukan at kagubatan, pwede rin sa himpapawid. Kung anuman ang inyong ibinahaging larawan, ito'y inyong bigyan buhay ayon sa inyong nakikita at naging karanasan. Sapagkat ang mga eto ang magdadala sa atin sa dako pa roon.

Itutuloy at abangan po ninyo ang aming paglalakbaysa patungo sa dako pa roon.

Sa mga hindi nakasabay sa aking paglalakbay patungo sa dako pa roon, narito ang mga naging paglalakbay:

Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Unang Bahagi
Paglalakay Patungo Sa Dako Pa Roon - Ikalawang Bahagi
Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Mt Krakra Pernik Bulgaria @sunnylife

Omg! Bakit ako nagsusulat ng ganito? Nahawa na pala ako sa kajologans ni sissy @sunnylife. Hahahahaha. Hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko alam kung ano ang nasa dako pa roon? Hahahaha. Naging Sisa na ata si Shikika. Nyahahaha

I am grateful being crazy. Hahahaha. 😀😀😀💖💖💖

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif
DQmarWRv4wXiqPZbmtDCDRTwE5jewDQrG1ATrXcFrTThxht.gif

Sort:  

Awwwwwww you wrote in your language today. How I wish I can understand. #smiles

😀😀😀 Sorry for the inconvenience@ oredebby. 😀 I will make a separate post about this for my foreign friends. 😀😀😀 Hope so I can make it for you to understand what is this all about. 😀😀😀😘😘😘

Yaaaayyyy

😊😊😊😊😊

😘😘😘😘

Maraming salamat @shikika sa pag iimbita sa akin na sumama sa dako paroon. Ako'y maghahanap na ng pwede ko mapuntahan sa dako paroon,para ika'y masamahan,hehe.

Hahaha. Salamat sa iyong pagtanggap sa akin paanyayaya. Lugod ko itong ikinatutuwa. 😘😘😘

Heheh ganun talaga ate @shikika medyo busy pa kami. Pag may free time sasama kami sa dako paroon.

Hahaha. Cge cge @tagalogtrail. Update na lang kita kung saan lupalop man kami mapunta patungo sa dako pa roon. Hahaha

Ay dhai shaka na ni hahahaha
Si @sunnylife ay nagsimula ng maglakbay patungo sa dako paroon...

Ai dai @jennybeans. Wahahahaha. Edit ko na lang ang post na to. Wahahaha. Kahit sino pwede na magdala sa atin patungo sa dako pa roon. Hahaha. Inaasahan ko pa rin ang iyong pagsama. Hahaha. Ang lahat ay imbitadong sumabay patungo sa dako pa roon. Hahahaha

Edited na dhai @jennybeans. Hahaha

Hahahaha, salamat sa imbitasyon... Ipapasyal ko kayo ni @sunnylife sa lugar na hindi nyo pa napupuntahan :) At yon ay walang iba kundi sa Mars Nyahahaha

hahah gravee nadala ko kayo sa Mars, naguluhan ako hahahaha
keri cge game na, makikisama ako sau sis hahaha ako na lang ang taga dala ng food sa paglalakbay nyaahhaa

Hahaha. O ayan na @jennybeans si@sunnylife na magdadala ng pagkain. Di na tayo nito magugutom. 😀
Magdadala na rin ako ng safeguard para sa paghuhugas ng kamay bago kumain. Mahirao na magalit ang konsensya. Hahaha

Wow..ang saya .....saan o ano kayang lugar ang mapuntahan pa? at sasali na din ako at dalhin ko kayu sa lugar na tahimik at sana sa pag lalakbay natin sa paroroonan makikilala natin ang isat-isa at marami pa ang sumabay sa atin...hahhahahahha.😀salamat @shikika 😀

sis gawa na ng paglalakabay, ako na lang ang taga kain lols

Hahahaha. Mas masaya to dahil aabot tayo sa ibang planeta. Rock n roll mga besh! 😀😀😀

Hahahaha, yes naman... Kaso baka next time na tayo maglakbay sa Mars kokontratahin ko pa ang NASA para pahiramin tayong spaceship Nyahahahaha

Wahahaha. Kung kailangan mo ng back up papuntang NASA andito lang kami. Handang sumugod para makarating sa dako pa roon. Hahaha

Anong meron Doon sa dako paroon?😮😮

@mallowfitt walang nakakaalam kung ano ang nasa dako pa roon. Basta ang alam namin kami'y patungo roon. Kung nais mong sumama halika at sumabay ka sa aming paglalakbay at sabay sabay natin tuklasin ang nasa dako pa roon. Hahaha

Sis@shikika kpag kaya ko na sumama sa dako paroon , sana maibilang nyo din ako..maghahanap.muna ako ng mapupuntahan sa dakong bulacan...😊

Abangan namin sis @reginecruz ang iyong pagsama sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀😀😀
Sigurado kasama ka na sa listahan. 😀😀😀

Sa dako pa roon lahat pupunta. salamat mam @shikika, sana kami ay makasama. hehehe. busy muna kasi.

Hahaha. Kung hindi ka na busy pwede ka ng sumama patungo sa dako pa roon. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.20
TRX 0.12
JST 0.029
BTC 61740.86
ETH 3453.31
USDT 1.00
SBD 2.51