Pagkalalakbay Patungo Sa Dako Roon @Shikika

in #pilipinas6 years ago

Halika kaibigan at samahan mo ako sa aking paglalakbay na pinasimulan ni @shikika. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngunit, subalit  ayaw ko syang iwan dahil gusto ko syang samahan sa kanyang paglalakbay.  

 Maganda ang panahon ng hapon na iyo, sinamahan ako ng aking ama sa bundok Krakra. " Ipapakita ko sa iyo ang kayaman ng kagubatan, nakikita mo iyan, lahat iyan ay bigay ng Diyos na dapat nating ingatan" ang sabi ng ama. "Kulay berde lahat itay, ang ganda!!" Ilang bundok na din ang aming naakyat, pero ito ay kakaiba. Bundok Krakra. "Bakit lagi tayong nasa bundok itay? ang tanong ng bata. "Dahil dito malapit tayo sa kalikasan, malayo sa kaguluhan, mapayapa at puno ng katamikan." Ang sagit ng ama. 

Bundok Krakra, na iningatan ng mga ninuno natin. Dito sa bundok na ito ipinagtanggol ng aking bansa sa mga kaaway na taga ibang ibayo na gustong kuhain ang lupain na para saking lolo, lola at mga magulang. Ito ay dapat mong ding ingatan dahil ito ay para sa iyong magiging anak pagdating ng panahon.

Madugong labanan ang nangyari noon sabi ng lolo mo, maraming dumanak ang dugo para lang maipagtanggol ang ating bayan. At sa bundok Krakra na ito dito sila nagpatayo ng malaking pader na semento dahil sa loob nito ay isang malaking kastilyo na ang mga nakatira ay mga sinaunang tao. Ang kanilang pinuno ay matikas at matapang, wala silang inurungan. "Bayan ko, akin ito! Walang sinuman ang makakaangkin ng kahit sino mang dayuhan" Sugoooood!!!!! Pyaw boom!@# Boom@#$ maraming bomba ang pinakawalan. Pero hindi nagpatalo ang pinuno ng aking bansa. Malakas din ang kalaban, subalit hindi sila sumuko hanggat hindi nila nauubos ang lahat. 

Hindi nagtagal silang lahat ay nagdiawang, natalo ang kalaban at aking mga ninuno ang nakinabang. Ang lolo ng lolo ko ay nagdiwang dahil sa kalayaang nakamtan." Anak, ipaglaban mo ang iyong karapatan kahit saang dako ka man ng mundo mapunta. Pero piliin mo ang iyong mga pakikibaka, dahil hindi lahat ng laban ay dapat labanan, minsan ang mahinahong usapan ay husto na para makamit ang kapayaan.

Naglakbay kami ni itay hanggang ipinakita niya ang watawat ng inang bayan "Nakikita mo iyan? Iyan ang  simbolo ng tagumpay ng aking mga ninuno sa kanilang pagtatangol sa aking inang bayan. Sabi ng ama na maluha luha. "salamat itay, hindi lang ang kalikasan ang dapat nating ingatan, kundi ang istorya ng ating bayan. Iingatan ko ito, at laging tatandaan na ang pagmamahal sa bayan, kalikasan, at pagmamahal sa sariling kultura ay isang malaking kayamanan."

Umuwi kami ni itay, matapos ang ilang oras na paglalakbay. Salamat at ipanakita nya sa akin musmos na edad ang mga bagay na dapat kung ingatan.

Ang lahat ay inaanyayahan kong makisali. Tara na at makilabay kay @shikaka. Itong kwento na ito ay medyo base sa totoong pangyayari, hindi man eksakto. Wala akong maisip kundi itong maikling kwento na aking naranasan at ibinahagi namin sa aming anak  Sa Krakra Pernik Bulgaria. Iba-iba man tayo ng pinagmulan o buhay, madami tayong matutunan sa mga manlalakbay na sinimulan ni @shikika

Grabe medyo naging seryoso ata ako dito lols hahaha. Salamat kay @shikika. Ibang paglalakbay ito sis bwahha. Tara sinong gusto makilakbay, baka may kwento kayo na gustong ibahagi sa amin. Tags #sali #pilipinas

Kuminang ka na parang ginto! (hirap i translate ng keep shining lols)

Please continue to support @surpassinggoogle
If you haven't vote your witness yet, vote Terry now!
Write @steemgigs >>>https://steemit.com/~witnesses

Yours truly,
The village girl @sunnylife by the Steemian Ocean


Sort:  

Ang bilis mong maglakbay @sunnylife... Ang ganda ng ibinahagi mong kwento tungkol sa Mt. Krakra... True story ba to??

grabee napabilis ang paglalakbay ko sumakay ako eroplano lols
ako pala ang part 3 lols nde ko nakita agad susme nde pako maka move on sa 1st edition ng #steemitserye na yan lols
matagal na panahon na yan na kwento pero yong lugar na yan KRakra tlga
digmaan noon, sa summer send ako pics ulet, para makita nyo ang view.
https://en.wikipedia.org/wiki/Krakra_of_Pernik

Wahahaha. Ok na sissy. Edited na. Hahaha. Kahit saan saan na lang tayo dalhin ng ating mga paa patungo sa dako pa roon. Ang bilis namin nakarating sa bulgaria. Hahaha

Sis @jennybeans saan na tayo paroroon? Hahaha

Salamat sa pagbabahagi ng kwento about sa bundok Krakra kabayan.

Mag iisip muna ako kung ano ang pd ko ding ibahagi..hehehehe

walang anoman sis.
cge kahit anong paglalakbay ang gusto mo share.
check mo na lang den @shikika blog andon ang umpisa
naguluhan lang den ako hahhaa
salamat sis.

Kabayan lubos ko pong ikatutuwa kong sasamahan mo kami sa aming paglalakbay patungo sa dako pa roon. 😀 Daanan ka namin. 😀

Ang bilis mo sis hehehe kakareply ko lang kay shikika hahaha.. Baka 10years pa bago ko sya masamahan sa paglalakbay lol.

Napakaganda ng ibinahagi mong paglalakbay mula sa nakaraan sis. Sa pamamagitan nito nalaman ko ang tungkol sa history na na ngyari sa bundok Krakra😍

Pareho tayo sis,haha. Nag iisip pa ko qng paano ako makakarating sa dako paroon,haha.

sis nde pako maka move on sa 1st edition #steemitserye na yan kaya nahilo ako hahha
nadala ko 2loy kau sa Mars ng wala sa oras.
kahit ano ang gusto mo i share keri na yan kaya mo yan! gora:)

Hahaha. Kahit saan sis @lunamystica. Maglakbay tayo kahit saan hanggat marating natin ang dako pa roon. Hahaha

salamat sis, totoong pangyayari yong digmaan matagal na panahon na yon
sinemplehan ko na lang, kz lagi kami dyan pumupunta sa bundok na yan hehe
https://en.wikipedia.org/wiki/Krakra_of_Pernik

Sabayan mo na kami @akoaypilipina patungo sa dako pa roon. Hahaha

Ang bilis mag lakbay ni @sunnylife , sinabay at dinala pa niya te @shikika sa bundok Krakra ng Bulgaria ..hahaha..😀thank you sa ibinahagi mong history sa bundok na yan..

napablis sis. hahha
cge sis kayo naman maglakbay.
andito ng ibang detalye ng Krakra
yong saking kwento nde eksakto https://en.wikipedia.org/wiki/Krakra_of_Pernik

Sana nagsaya kayu sis @sunnylife at te @shikika dinala ko kayu sa aming probinsiya at. Masaya din ako na kasama ko kayu patungo sa dako pa roon at sasabay na din si @jennybeans at dalhin din kita sa sarangani tayo'y sabay-sabay magsaya hahahaha lol..😁😁😁

Ikaw naman @yennarido ang maghatid sa amin sa dako pa roon. 😀😀😀

Hahha nako ang bilis ni @sunnylife maglakbay. Tara na sa bundok Krakra! baka nandun din ang forever hahahah

salamat @tagalogtrail.
yong kwento na yan, hindi eksakto pero matagal ng panahon na nangyari yan.
https://en.wikipedia.org/wiki/Krakra_of_Pernik

Tama ka @tagalogtrail sobrang bilis ni @sunnylife. Galing pa ko nun sa dagat biglang umahon at umakyat sa kabundukan. Hahaha.
Napagod ako masyado dun. Hahaha

Ang gandaaaa! Gustong-gusto ko talaga kapag may natututunan din ako habang nagbabasa ng kwento. Bago rin sa aking pandinig ang bundok Krakra. Pagkabasa ko nga e akala ko gawa-gawa lang ang pangalan ng bundok. Totoo pala. Hehehhe. Salamat at dinala mo kami sa tahimik at historikal na bundok Krakra. Ako'y matutuwa nang sobra kapag nakasabay na ako sa inyong paglalakbay. 😄

salamat den sis. sama ka na gawa ka na den ng paglalakbay send mo link kay shikika pag natapos ka
napagod den ako sa lakbay na yan hahaha

Gusto ko ring sumama sa paglalakbay n'yo sis. Baka ngayong gabi o bukas ako magsusulat. Depende na lang kung kailan ko kayo makikita sa daan. Hehehe

Magandang kwento mo sis@sunnylife tungkol sa bundok krakra...:) nag iisipdin ako kung pano ako makikisabay sa inyo nila sis @shikika @jennybeans sa dako pa roon...!!!

sis pede ka gumawa ng paglalakbay mo den, kahit saang lugar
mas madami mas masya/
salamat sis.

antaray mo sissy..hahaha overall performer ka talaga..haha saludo ako sayo

sis gawa ka na ng sau paglalakbay para mas masaya:)
salamat sis.

cge sis, hahanao ,muna ako nung medjo memorable, ang gaganda kasi nung entry niyo kaya nakakahiya kung basta basta lang =)

Saan ka man makarating sa iyong paglalakbay,
nawa'y matagpuan mo ang mapayapa at tahimik na mamumuhay.
Pagpalain ka, aking kapatid @sunnylife at magandang umaga
saan ka mang panig ng mundo nagpapaypay ang iyong tagumpay :D
~ @bloghound ~

ay sis slamat gravee pak na pak tagalog mo hehehe
sama ka sa paglalakbay na wow mali ako sa dami ng kaguluhan d2 hahaha
salamat at yon din ang aking dalangin para sau:)
pagpalain ka sis araw araw amen.
ONE LOVE xoxo

Hi @sunnylife ! Ako si Dora, the explorer pwede bang makipag kaibigan at maki explore hehe..😛😛😀😀

Gusto ko yung Hindi lahat ng Laban ay lalabanan.Dapat alamin mo kung may karapatan ka ba para ipaglaban Ang isang ipinaglalaban....ah..uhmm...Tama ba ako o may Tama ako?😵😵

hahaha sali na sa paglalakbay sis gawa ka den
share mo samin, oo tama basta yon na yon hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63173.85
ETH 3147.56
USDT 1.00
SBD 3.87