Paglalakbay Patungo Sa Dako Pa Roon - Unang Bahagi

in #pilipinas6 years ago

Sa mga gustong sumama sa aking paglalakbay, "Hali kayo! Samahan niyo ako sa aking paglalakbay patungo sa dako pa roon." Ngayon na po magsisimula ang ating paglalakbay.

image

Sa mga oras na eto, dinala ako ng aking mga paa sa tabing ilog. Hanggang sa di ko namalayan sumasabay na ako sa walang hanggan daloy ng ilog patungo sa dako pa roon. Ang dami kong dinadaan. Hindi pansin ng mga nasa ilog ang aking pagdaan. Maraming mga kababaihan ang naglalaba sa ilog. Ang saya saya nila at kasama pa nila ang kanilang mga sinisinta. Nariyan magsipaghalakhakan bigla sa mga pinag-uusapan nila. Nadaanan ko rin ang isang kumpol ng mga mangingisda. Ang iba marami ng nahuling isda ang iba naman kukunti pa lang. Meron naman mga naliligo sa ilog. Ang iba magkakapamilya ang iba ay magbabarkada.

Ngunit sa dinami-dami ng aking nadaanan wala pa rin nakakapansin sa akin. Hanggang sa mapadpad ako sa tambak ng mga basura. Akala ko dito na rin ako mabubulok. Mabuti na lang meron mga taong nagkakaisa upang linisin ang ilog na punong-puno ng basura. Pero bakit tila di pa rin ako nakikita. Dahil sa naging malinis na ang aking kinaroroonan. Nagtuloy-tuloy ang aking paglalakbay patungo sa dako pa roon. Akala ko malapit na ako sa dako pa roon. Nahinto pala ako kung saan nagtatagpo ang ilog at dagat. Saan na ako tutungo? Di ko pa rin nakikita ang dako pa roon.

Itutuloy sa ikalawang bahagi ng paglalakbay patungo sa dako pa roon.

Omg! Bakit ako nagsusulat ng ganito? Nahawa na pala ako kajologans ni sissy @sunnylife. Hahahahaha. Hindi ko alam kung saan patutungo. Hindi ko alam kung ano ang nasa dako pa roon? Hahahaha. Naging Sisa na ata si Shikika. Nyahahaha

I am grateful being crazy. Hahahaha. 😀😀😀💖💖💖

Be grateful in every little/simple things and you'll find happiness you ever wanted! 😀😀😀

Everyday is worth to be grateful of!

How about you? What's your #gratefulvibes story for today? Join the #gratefulvibes community challenge of @paradise-found as it is extended forever. You can share yours and show to Steemit world how grateful you are. Feel free to comment and share. See you around! 😀😀😀💖💖💖

Let the #teardrops of gratefulvibes begins! 😀💖

P.S. Please support my witness @surpassinggoogle who inspire me continue what I started. To vote visit,
https://steemit.com/~witnesses
Type "steemgigs" as a witness in the search box then vote as shown below:

image

Yours truly,

@shikika with much love 💖💖💖😀😀😀

Keep steeming! 😀😀😀

image

image

U5duDsPLWVkRfhiP758pZa8Qhn95oFE.gif
DQmarWRv4wXiqPZbmtDCDRTwE5jewDQrG1ATrXcFrTThxht.gif

Sort:  

Ito pala ang simula ng panibagong paglalakbay sa steemit. Medyo nahuhuli talaga ako sa balita kaya ngayon lang nakasunod nito. Ang gagaling n'yo talagang mag-isip ng mga kwento't pakulo. 👍

Samahan mo na rin kami patungo sa dako pa roon. 😀😀😀 Mas marami mas masaya. Hindi ka pa huli sa aming paglalakbay. Daanan ka na rin namin kahit saan ka pa man ngayon. Lols

May naaamoy akong bagong kaguluhan @shikika🤣😂 Ano ang meron sa dako pa roon hahaha curious ako😁

Hahaha. Di ko rin alam @akoaypilipina. Hahaha. Basta na lang pumasok sa aking isipan ang patungong sa dako pa roon. Hahaha
Baka meron kayo maisip kung ano meron sa dako pa roon sabihan niyo lang ako. Wahahaha. Di ko pa alam saan eto tutungo. Nyahahaha

I love it sis!
goraaaa ang pagbabalik ni @shikika
ginalingan ang paglalaba nahawa na haha
araykupo cge ituloy natin yan.
mag nominate ka ng newbies sis para mas magulo hahaha
KEep shining!!
mabute naman nagbalik loob ka na sa steemit nyahahaha

Wahahaha. Sissy sa ikalawang bahagi pasalihin ko lahat. Wahahahah

Hello friend @shikika! Nice story, such an inspirational words. CongrAts!

Thank you @natz04. 😀 Kuyog sa ako paglalakbay patungo sa dako pa roon. Naa na ikalawang bahagi. 😀

Hahahah! Paglalakbay patungo sa tagumpay ng steemit.

Hahahaha. Ganun na ata paglalakbay sa tagumpay. Hahaha. Tara na! Sabay ka na rin. Hahahaha

Hahahah. Thank you friend

I know you can make it! You can think an ending of what you have started coz i believe @shikika...go lang friend ikaw pa.☺

Hahahaha. Salamat sa suporta @chibaz.arkanghil. Uban na mo ni hubby patungo sa dako pa roon. 😀😀😀

Hahha nako di po din namin alam ang nangyayari sa dako paroon o kung nasaan ba talaga siya. Abangers lang kami dito nila Junjun. pero kung saan man yan ang mahalaga dapat may part 2.

P.S. hindi naman jologs yan slight lang hahah

Hahaha. @tagalogtrail maraming salamat sa pagbisita. Akala ko si junjun eto si toto pala. Hahaha
Abangers niyo ang ikalawang kabanata. Ipapasok ko kayo diyan. Hahaha

Hahahaha, naisin ko mang sumabay sa iyong paglalakbay sa dako paroon @shikika ay hindi maaari sapagkat ako'y may pag-aalinlangan na kung sasamahan kita dalawa na tayong magiging si Sisa. Di ko ata kaya yun hahahahahahaha...

Basilyo? Crispin? Mga anak ko!!

Papasa na ba ako? Lols
Abangers kami sa part 2 nyahahaha

Nyahahahaha. Nagkahawa hawa na mga besh! Mga jolog at aning-aning na sabi ni @akoaypilipina. Nabuangz na rin. Hahaha

Very nice te @shikika , 😀 may mga pagkakataon na minsan sa paglalakbay natin, hindi natin alam kung saan tayu makapunta subalit kung ating pag iisipan ang lahat merong mga bagay at rason kung bakit tayu nagkaganyan at sa bandang huli malalaman lang natin kung bakit?......hahahaha😀

Hahahaha. Kaya sama ka na rin patungo sa dako pa roon at sabay sabay natin tuklasin kung ano ang nag aantay sa atin dun. Hahahaha

Congratulations! This post has been upvoted from the communal account, @minnowsupport, by shikika from the Minnow Support Project. It's a witness project run by aggroed, ausbitbank, teamsteem, theprophet0, someguy123, neoxian, followbtcnews, and netuoso. The goal is to help Steemit grow by supporting Minnows. Please find us at the Peace, Abundance, and Liberty Network (PALnet) Discord Channel. It's a completely public and open space to all members of the Steemit community who voluntarily choose to be there.

If you would like to delegate to the Minnow Support Project you can do so by clicking on the following links: 50SP, 100SP, 250SP, 500SP, 1000SP, 5000SP.
Be sure to leave at least 50SP undelegated on your account.

Coin Marketplace

STEEM 0.29
TRX 0.12
JST 0.034
BTC 63672.48
ETH 3319.16
USDT 1.00
SBD 3.91