Halika na sa Steemit (ang tula ng mahaharot na charot) - My Tagalog Steemit Promotional Poem

in #pilipinas7 years ago (edited)



Mga mahaharot na charot.
Mga kaibigan, mula sa FB ay hinahakot.
Wala naman kasi duon ay mapapala
Lipat na sa steemit. Dito tayo may mahihita.


Ito ang sabi ko sa comment section ng isa sa aking mga posts...


Preempting my 500 Followers Milestone - A Reflection of My Steemit Journey So Far





Ikaw ba ay mahilig mag kwento?
At ipapahayag pa ito sa buong mundo?
Malamang ikaw ay mayroon ding blog-site.
Halika, siguradong dito ikaw ay ma-excite!



Two months ago, ako ay may nalaman
Isang website, steemit.com ang pangalan.
Ang sabi lang ay naman ay aking tunghayan
Baka sakali ito'y aking maibigan.

Noong una ay hindi ko naman pinansin.
Bakit pa ba, ay ako naman ay may FB na rin.
Bakit ko pa ba pararamihin
Ang social media na che-check-in?!




Ngunit nang sinabi na dito ay may pera
Sa bawat post ko daw, maaring ako ay kumita!
Aba, ay ano pa nga ba!
Dali-dali ako ay nag sign up na.

Haro-jusko! Hindi naman nasabi!
Ang nilalaman pala ng steemit ay pagkadami!
Nuong ako ay nagsimula na magbasa
Steem power, upvote, curate at iba pa!

Pero kaibigan, wag kang mangamba.
Kung ikaw man ngayon ay magpapasya
Na sumali na rin dito sa steemit bandwagon.
Sa mga tanong mo, maraming Pinoy ang tutugon.



Kami ay palaging nakatambay sa Discord.
Sabihin mo naman, "ano yan, jeskeLord!"
Sundan mo itong link ng iyong malaman.
At ng makilala mo rin ang marami pang kabayan!

Marami pang mga link na makakatulong sa iyo.
Maraming salamat sa mga kaibigan nating bibo!
Heto na nga at tingnan mo,
Nanjan ang link para sa iyo.

🎇 Steemit Promotional Video for Filipino by @hiroyamagishi
Ang 'Starter Pack' ni Juan Steemian by @dreamiely

Kaibigan ika'y hindi ko minamadali.
Ang sa akin lamang, ay sayang ang sandali.
Kung sa internet ikaw ay maghapon din lamang.
Ilang oras, dito sa steemit ikaw ay maglaan.

Hindi ko rin sinasabi na instant ang pagkita dito
Syempre minsan ikaw naman ay magpabibo.
Gawa ka ng original mong mga content.
May arts, poetry, photography ng mga precious moment.

O siya, hanggang dito na lamang kaibigan.
Napahaba na yata ang aking mga tinuturan.
Kung ikaw ay may tanong ay wag na mag-alinlangan
Ako'y nandirito upang ikaw ay tulungan.


Image Sources: [1] [2] [3] [4]



Sort:  

Very artistic. Lumalabas talaga creativity ng pinoy dito.

hahaha! salamat po @eastmael... napagkatuwaan lang yung comment ko kagabi. Tinula ko kasi. Kaya binuo ko na. hehe

Inspiration comes at the least expected moment. ;)

Yan ang nagagawa ng steemit. Haha

This is so impressive.

Kaibigan kong @arrliinn,

Hindi ko lubos inakala
Na ikaw pala ay makata!
Ang aking pagbabasa
Ay naging kasiya-siya!

Maraming salamat
Sa pagkilala sa aking sulat
Puso ko'y nagagalak
At mula sa bibig ay halakhak!

Nawa'y di tayo manawa
Na itaguyod ang nasimulan
Isulong ang pagunlad
Ng Steemit, ating pangalawang tahanan.

Nagmamahal,
@dreamiely

Naku, naku, naku!
Ano bang isasagot ko?
Kailangan bang patula?
Mauubusan na ako ng talata.

Ngunit isa lamang ang aking alam
Mahusay kang tunay madam
Kaya naman ang iyong mga akda
Ipinapaalam ko sa buong madla!

Ako'y hindi magsasawa
Dito sa ating ginagawa
Hanggang sa atin ng makita
Ang bunga ng mga adhika.

Ang inyong lingkod,
@arrliinn

Ayos kabayan. :)
Tara na ano pa bang hahanapin pa, mag Steemit na! :D

Korek, malaking tsek! Hihi!

Damihan mo ng ganito kaya mo ;)

Thank you @immarojas! Pag maganda ang gising minsan nakakagawa rin. Haha

Nakaaliw basahin ma'am.

Keep up the good work

Cheers!

Galing po ng tula, promoting steemit to fellow Filipinos. Keep on Steeming!

Haha. Salamat. Marami pang friends naiwan sa fb eh. Nilagay ko ngabrun sa fb wall ko. Sana hindi pa ako i block duon. Hehe

Haha, bakit naman po kayo ibloblock? Ayos po yan spreading steemit to increase our community and help others to earn.

Yes truth. Eh baka kasi maubos tao sa fb. Magalit si Sir Mark Z. 😂😂😂

Hahaha, natawa naman ako dun kaya nga baka maubos na tao sa facebook magalit sayo si Mark Zuckerberg haha.

This post has received a 0.35 % upvote from @drotto thanks to: @banjo.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 58665.81
ETH 3153.57
USDT 1.00
SBD 2.44