Tinig || Ika-apat na Bahagi

in #philippines7 years ago

"Ayos lang ako, oo ayos lang ako!"

Yan ang sambit ko sa aking sarili habang naglalakad palayo.

Ngunit unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata habang paulit ulit na pinapaniwala ang aking sarili na ang lahat ay ayos lang.

"Ayos lamang sa akin na ako ay iniwan ni Esang para sa bukas na kahit kailan ay hindi ko kayang ibigay. Ayos lamang sa akin na si Marites ang manalo sa paligsahan ngayong gabi dahil talagang napaka galing nyang umawit. Ni hindi man lang ako umabot sa kalingkingan ng dalawa."

"Ayos lang ang lahat Luis! ayos lang" ang tangi kong naging hagulgol.

Sa isang gabi na sana ako ay makakapag-pasikat para mapansin, ay isa palang gabi ng aking pagbagsak. Tama na to! Hindi na ako sasali sa mga ganitong paligsahan. Maghahanap nalang ako ng trabaho doon sa bayan at mamumuhay ng payak. Malayo sa ilaw at kislap ng entabladong pinagsamahan naming tatlo.

Napagod na akong humabol, bakit ko nga ba naman hahabulin ang isang bagay na ayaw namang maghintay para sa akin hindi ba? Tao lang din naman ako napapagod at sa wari ko'y ito na ang sukdulan ng aking pagtitiis.

Hindi ko na alam ang nangyayari sa aking paligid habang patuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa bumalik nalang ang aking ulirat ng mayroong isang taong umakbay sa akin.

Ang kanan niyang braso ay nakapilipit sa aking leeg, mahigpit ang kanyang pagkaka akbay at sa kanan nya naman ay tangan-tangan ang isang balisong na nakatusok sa aking tagiliran.

"Pre wag kang maingay, ibigay mo lang sa akin ang lahat ng pera mo at sinisigurado ko sa iyo na makakauwi ka ng walang sugat." Bulong ng lalaki sa akin

"Tol pasensya ka na wala din akong pera, kahit kapkapan mo ako wala kang makukuhang malaking halaga. Bente pesos na lang ang laman ng bulsa ko. " Tangi kong naisagot sa kanya.

"Pre wag mo nga akong pinagloloko dyan sa soot mong relos panigurado may pera ka dyan. Kaya't ilabas mo na ang pera ko kungdi itong balisong ko ay isasaksak ko sa tagiliran mo at magkakaroon ka ng gripo ng wala sa oras" Ang inis nya nang sabi.

"Tol, peksman! Mamatay man wala talaga akong malaking halaga na hawak. Sa katunayan nga galing ako sa isang patimpalak ngayon pero di ako pinalad kaya ako ay umuwi na. Tsaka parang awa mo na huwag ang relos ko." pakiusap ko sa mamang naka akbay.

Ang relos na iyon ay regalo sa akin nila Esang at Marites sa aking kaarawan. Totoong may kamahalan iyon dahil pinag-ipunan daw nila iyon para talaga sa akin dahil sirang-sira daw ako sa oras. Ideya iyon ni Marites para daw hindi na ako mahuli sa aming mga praktis sa koro.

"Ah mamatay pala ha! Sige ginusto mo yan!" Sigaw nya

Pagkasabing-pagkasabi niya niyon naramdaman ko nalang na ang balisong na nakatusok lamang ay bumaon na bigla sa aking tagiliran. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na naramdaman, ngunit malamig sa kalooban ang talim ng balisong. Pagkatapos niyang ibaon ay bigla niya ring hinila ang balisong at doon na nga tumagas ang dugo, sa pagtagas nito mas dumilim pa ang aking paningin, mas malala ito ng di hamak sa estado ko kanina at ako ay bumagsak sa kalsada.

Pinagkunan ng larawan
1
2


Maari mong basahin ang aking mga unang bahagi ng Tinig gamit ang mga link sa ibaba
Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi
Ikatlong Bahagi


Sort:  

tp!! ang ganda..aha.. bitin..aabangang ko sunod bahagi..basahin ko muna yong mga nauna

Thanks Chris tinetesting ko talaga makapag publish atleast isa per day 😂. Sana maisingit ko na si ending maya maya.

Shocks! Nobela pala to. Kaabang-abang ang susunod na tagpo.

hahhaha oo medyo nobela ito pero last part na ang next na update.

Oh no.... hindi maaari ito.... saklap.... dapat mas mahaba pa, TP.

You got a 7.45% upvote from @upmyvote courtesy of @tpkidkai!
If you believe this post is spam or abuse, please report it to our Discord #abuse channel.

If you want to support our Curation Digest or our Spam & Abuse prevention efforts, please vote @themarkymark as witness.

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 57393.77
ETH 2439.11
USDT 1.00
SBD 2.33