Tinig || Ikatlong Bahagi

in #philippines6 years ago

Itinaas ko ang aking ulo at isang maasim na ngiti lamang ang aking isinukli sa dalaga.

"Tinatawagan si Marites Reyes! Ikaw na ang sasalang sa entablado." Pagtatawag ng host sa patimpalak.

"O paano Luis ako ay uuna na at ako na ang sasalang. Ngiti ka lang! Matatapos din itong gabi at sabi ko nga sa iyo nangyayari talaga iyan"

Nilakad nya ang daan patungo sa entablado, kumakaway nang nakangiti.


Sa Entablado

"Ano papalitan mo ang kanta mo ngayon?" Gulat na sabi ng host kay Marites.

"Opo pasalang po ng kanta ko dyan." ani ng dalaga

"Sigurado ka ba dito? Hindi ito ang madalas mong kinakanta baka matalo ka nito? "

"Ayos lang iyan gusto ko lang kantahin talaga ito, ngayon kasi wala nang ibang pagkakataon at tingin ko ito ang pinaka magandang pagkakataon para dito"

"Sige ikaw ang bahala"

Binalot na ng katahimikan ang buong entablado hanggang sa pinatugtog ang minus one ni Marites.

Heto ka na naman kumakatok saking pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan

Ito ang unang beses na narinig ko ang kantang ito mula sa kanya. Iba ito sa mala halimaw nyang pag-awit ng "Alone" o kaya naman ay ang "Bring me to Life" ng Evanesence. Ang plakado nyang "Isang Lahi" na lagi niyang inaawit ay ibang-iba sa kantang ito.

Mainit at kalmado ang kanyang pagkaka awit. Isang kanta na parang nangungusap sa mga madla. Hindi ito ang normal na Marites and "halimaw" na kilala ko. Ito ang tunog ni Marites noong nasa koro pa kaming tatlo ni Esang ang mayumi niyang tinig na kayang-kayang bumighani ng kahit sino man.

Lumayo at nagbago lang naman siya noong naging kami na ni Esang. Hindi na siya halos sumasama sa amin.

Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana..

Ito ang pinaka-magandang awit niya. Ramdam na ramdam mo sa kaibuturan ng iyong puso ang bawat salita na binitawan ni Marites. Hindi ko maiwasang lumuha sa kaniyang awit at ganoon din ang mga tao na nakikinig. Sobra silang humanga sa kung paano niya ito nakanta, masigabong palakpakan ang kaniyang natanggap mula sa madla pagkatapos ng kaniyang awit.

"Ako nalang Marites!" Sigaw nang isang miron na lalaki.

"I love you Marites!" segunda ng isa pa.

"Uwian na may nanalo na!"

Sigawan ng mga tao, maluha-luha din si Marites ng mga panahong iyon. Siya ay ngumiti sa mga madla,yumuko at nagpasalamat at bumaba sa entablado.

"Tama nga sila. May nanalo na" sambit ko sa aking sarili.

Silang dalawa ni Esang ay nasa ibang dimensyon talaga. Tanging ako lamang ang nagpipilit na humabol, pagod na din ako. Ang kanta ni Marites and siyang nagpatunay na talagang wala akong kwenta at kahit kailan ay hindi ko maaabot ang lebel nilang dalawa.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at nagbihis na ng aking damit na pang bahay. Tahimik kong nilisan ang likuran ng entablado at di na hinintay pang makarating doon si Marites, tanging kahihiyan lamang ang meron ako sa ngayon.

Binagtas ko ang madilim na kalsada, malayo sa maliwanag at maingay na lupon ng mga tao ng mag-isa. Tanging ang buwan at mga bituin lamang ang naging liwanag ko nang gabing iyon sa aking paglalakad pauwi.

Pinagkuhaan ng larawan


Maari mong basahin ang aking mga unang bahagi ng Tinig gamit ang mga link sa ibaba
Unang Bahagi
Ikalawang Bahagi


Sort:  

Bakit mo naman iniwan na kunakanta si Marites?
I love how you inserted youtube songs.. mas feel na feel.. aabangan ko ang mga susunod na kabanata @tpkidkai! Namiss ko to... ;-)

kasi @leahlei di nya mahal si Marites naka focus parin siya kay Esang hanggang sa ngayon.
Mas maganda habang binabasa sya pinakikinggan si youtube song. Para mas feel since less than 5 mins read lang naman sya.

Oo nga ako din sobrang miss ko ang magsulat ng ganito wala lang oras.

Tinapos ko pa nga ung "Nais ko" bago ko umalis sa post mo hehehe.. Last week pa ung first 2 posts mo buti nasundan, sobrang busy ka nga... aabangan ko ang susunod na kabanata @tpkidkai! :)

Sige sige salamat @leahlei tried dtube nung nakaraang araw. Di nagloading, mabagal na internet be like.

Aabangan ko kapatid ang susunod na patimpalak. Nawa'y kumanta sa entablo si Luis hehe. Kahanga hanga! Next pls.🤗

Hahah nako mukhang last song na ni Luis ang sa entablado. Ngayon ang pinaka tanong e kung makaka move on ba sya kay Esang o baka ma inlove sya kay Marites.

Luh?! Sana dalawa ang pusoko dapat tapos mainlav sya sa kanilang dalawa eh di magiging "Tesang" na? Lollsss korni!!! Abangan ko kapatid.

Great blog post! upvoted

Coin Marketplace

STEEM 0.21
TRX 0.14
JST 0.030
BTC 67422.69
ETH 3492.15
USDT 1.00
SBD 2.70