Tinig || Ikalawang Bahagi

in #philippines7 years ago

Sa pagsalang ko sa entablado, unang-una kong hinahap ng tingin ay si Esang at hindi nga ako nabigo naroroon nga siya sa harap.

Isa rin pala siya sa mga huradong kinuha ni Kapitan Tado, pero sabagay magaling naman talaga siya kaya't paniguradong mapipili nya ang tamang mananalo para patimpalak na ito.

"Mula sa ating baranggay ang ating pambato si Luis Mercado at ang kanyang kakantahin ay "Magsimula Ka" pag-aanunsyo ng host

Pinatugtog na ang minus-one nang aking kanta, maayos naman ang daloy nang aking awit masasabi kong walang sabit sa mga stanza. Hindi umalis ang aking titig kay Esang ng mga panahong iyon ngunit sa parte ng ikalawang koro na kung saan itataas ang tono doon ako pumalya.

Iisa lang ang buhay mo
Kumilos ka, gamitin mo
Kung may nais ang puso mo
Mangarap ka, abutin mo...

Hindi ko naabot ang notang iyon, pumiyok ako sa gitna ng aking pagbirit. Ayos lang naman ang lahat para sa akin normal iyon sa mga kompetisyon ngunit ito ang pinakamasakit.

Tinakpan ni Esang ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay at doon kitang-kita ko kung paano sya nagpigil ng pagtawa.

Ang sakit non mga Tsong! Napahiya na ang tao pero ganoon pa ang aking natanggap. Pero wala na akong magagawa nangyari na ang nangyari. Pagkatapos ng aking pagkanta, agad na akong umalis sa entablado nang hiyang hiya at walang mukhang maiharap sa mga tao.

Sa likod ng entablado, ang sunod nang sasalang ay si Tatay Eugenio suot parin ang kanyang barong na inagaw sa kung saan man. Lumapit muna siya sa akin at tinapik ang aking balikat.

"Ayos lang iyan anak. Nangyayari talaga ang mga ganyan." Marahang sambit ni Tatay

Pagkatapos noon ay siya na ang sumalang sa entablado.

Nakayuko kong tinungo ang aking pwesto sa likuran. Tinakpan ang aking mukha dahil sa kahihiyan ng aking pagpiyok ay isang pamilyar na tinig ang aking narinig.

Isang malambing na tinig na kapag iyong narinig ay hindi ka mag-aatubiling lingunin.

"Luis ano ayos ka lang ba grabe kinabahan ako sa huling notang iyon para sa iyo. Alam ko kasi na medyo mababa ang boses mo para doon ang laking sugal noon.Ayos lang iyan ang mahalaga ay nakatapos ka na sa pagkanta" Ani ng dalaga.

Pinagkunan ng larawan:
https://pixabay.com/en/hand-microphone-mic-hold-fist-977641/

Sort:  

napakahusay nang iyong katha ginoo, at iyan ang aking napagtanto nang aking simulang basahin na ito, isa ka palang matalinhagang tao, lingid sa kaalaman ng mga tao dito, isa ka ding englisero. @tpkidkai 😄

Shhh... wag kang maingay Tagalog lang tayo dito haahha

sana kahit pumiyok ka ay manalo ka pa rin. napakaganda talaga ng pagkakasulat.

galling nman..

Ang kabiguan ay bahagi na ng siklo ng buhay, ang hindi pagsugal hanggang sa sukdulan ang syang tunay na talunan. :)

Puso! 😊😊😊

Napakaganda ng pagkakagawa. Maraming pagsubok dumadating sa buhay ng tao ngunit kailangan natin maging matatag, manalo man o matalo kailangan natin tumayo at harapin ang katotuhanan upang magsimula muli. Magandang umaga kaibigan.

Coin Marketplace

STEEM 0.19
TRX 0.16
JST 0.033
BTC 64189.84
ETH 2796.72
USDT 1.00
SBD 2.65