Tinig - Unang Bahagi

in #philippines7 years ago

Tuwing piyesta, mapapansin na sa bawat baranggay sa Pilipinas ay mayroong mga pakulo. Simula sa larong palo-sebo, agawang buko, patimpalak ng pagandahan at siyempre hindi mawawala ang paligsahan sa pag-awit.

Paligsahan na hindi lamang bukas sa mga taga baranggay ngunit pati narin sa mga kontesero mula sa ibang baryo. Pinalad akong mapili bilang isang kalahok sa nasabing kompetisyon nang araw na iyon mula sa isang awdisyon na ginanap sa bahay ni Kapitan Tado.

Sa isang poste ng Meralco ko nabasa ang patalastas sa patimpalak. Ito ay nakasulat sa isang kulay rosas na cartolina na nagsasaad ng magkakaroon daw ng patimpalak sa piyesta.

What: Amateur Singing Contest
When: August 1, 2010
Where: Sta. Cruz Covered court
Prizes:
2nd Prize: 1 medal and 500 pesos
1st Prize: mini trophy and 1000 pesos
Grand Winner: 1 trophy and 2000 pesos plus picture taking with Mayor
For more information contact Kapitan Tado at 0911 XXX-XXXX

Dali-dali kong itinext ang numero na nakapaskil at hindi naman ako nabigo. Agad sumagot ang tauhan ni Kap at sinabing mag punta na daw ako sa kanilang bahay para sa awdisyon.

Hindi na ako nag-ayos masyado, tanging puting kamiseta at pantalon lamang ang aking soot nang araw na iyon at ang aking minus one na kanta ni sir Basil Valdez na "Nais Ko"


Sampol ng kantang Nais Ko

Mabuti na lamang at kaunti lamang ang mga taong sumalang sa awdisyon na iyon, pero may mga pamilyar din akong nakita na sadyang nagbigay ng kaba sa akin.

Unang-una ay si Marites suot-soot ang kaniyang panlabang bestida. Isang kumikitab na itim na bestida samahan mo ng buhok na tila bay aattend sa kaniyang pagtatapos. Yung ayos na kulot na kulot ang buhok at putok na putok ang pisngi ayung ayun ang ayos nya! Pero huwag ka, kapag nakahawag na siya ng mikropono nagiging halimaw sya at kayang-kaya nyang lamunin ng buo ang mga tao sa mataas nyang tinig.

Susunod ay si Tatay Eugenio ang traysikel drayber sa may kabilang baranggay. Suot ang kanyang barong na di mo alam kung saang lamay nakuha ang tikas ng kaniyang tindig alam na alam mo talaga na beterano na sa mga pa kontes sa pag-awit. Bulak nalang talaga ang kulang at alam mo na ang susunod.

Dalawa lang silang tanda ko ang pangalan dahil ang iba ay talagang di naman ganun ka sikat. Tsaka maliit lang ang premyo dito di gaya sa ibang baranggay na umaabot sa sampung libo pero minsan di naman talaga ang premyo ang habol ng mga kontesero ang habol nila ay ang maka-awit at maipakita ang kanilang talento sa iba. Nagbabakasali na mapansin ng isang sikat na prodyuser at mabigyan ng break.

Gaya nang nangyari kay Esang, isang sikat na kontesera na kasabayan namin. Ayun kaya pala di na sumasali sa mga kontes kasi na ispatan ng isang malaking prodyuser. Bigla bigla nalang nakita namin sa telebisyon at nagpalit na din siya ng pangalan. Siya na si Daphne ngayon at bibisita din daw sya sa kontes kaya madami ang sasali.

Eks ko kasi si Esang kaya sobrang saya ko nang bibisita sya dito sa amin. Ibang-iba na ang kaniyang ayos kumpara mo sa dating ayos niya noon. Mas gumanda siya ngayon, iba ang kaniyang kinang habang pinapanood ko siya sa telebisyon kita mo talaga ang kaniyang kasiyahan. Masaya ako para sa kaniya kasi iyon talaga ang pangarap namin ang maging sikat na mang-aawit, masakit nga lang kasi nakipag hiwalay sya sa akin nang sinabi ng prodyuser na bawal daw siyang may boyprend at sinabi din ni Esang na makikipag hiwalay sya dahil doon. E sino ba naman ako diba? Ayawan ko man ang gusto nyang mangyari e pangarap niya yun. Sino ba naman ako hindi ba?


Pero sige tama na nga iyan ako na pala ang sasalang sa entablado ngayon.


Ito ay parte ng serye ulit, maiksi lamang ito dahil ito ay unang bahagi pa lamang. Abangan ninyo ang mangyayari sa kompetisyon at sa pagkatapos ng kompetisyon na ito. Kung magkakabalikan ba si Esang/Daphne at ang ating main lead. Hanggang dito na muna hahahah

Image credits:

Sort:  

excited na para sa susunod na mangyayari sana manalo ka :)

Thanks @bhabykat sana nga manalo siya. Pero abangan natin bukas.

Naway pagpalain ka kaibigan ko!

pagkawari ko'y ikaw mismo ang mang aawit na nabanggit. Isa palang serye ng malikhain mong pag-iisip. haha

Nako kapatid sana nga! Sana ako nalang ang mang-aawit na iyan pero di tayo nabiyayaan ng magandang tinig pang kontes. Pang banyo lang muna ako. Hahaha

Coin Marketplace

STEEM 0.15
TRX 0.16
JST 0.028
BTC 67628.32
ETH 2424.36
USDT 1.00
SBD 2.35