Si Elsa at ang Nawawala Nyang Jowa

in #literaturang-filipino6 years ago (edited)

"NASAAN KAAAAA?!?!?!" Sigaw ni Elsa sa bandang dulo ng bangin sa ibabaw ng bundok ng Tralala. "Kaaa kaaa kaaa..." sagot ng alingawngaw nya.

"Magpakita ka naaaaa!" Napaluhod siya sa kalungkutan matapos ilabas ang saloobin at napatingin sa bangin na animnapung talampakan o mahigit pa ang lalim.

Sa ibaba ay naroon ang maasul-berdeng dagat na tila tinatawag siya sa ganda ng mga alon at kulay nito. Napakaganda ng sikat ng araw at ang sarap ng simoy ng hangin pero parang may papalapit na maiitim na ulap sa di kalayuan.

Tatalon na sana siya nang marinig niya ang mahinang tawag na "Elsa..." Napalingon siya sa likuran nya, mag-isa lang ang binatang si Elsa sa bundok ng Tralala. (Ay teka babae daw po pala si Elsa. Saglit lang, mamaya pagtalon niya sirena na daw siya. Oooops spoiler alert. Charrr.)

"Sino ka? Bakit mo ako tinatawag?" Mapang-utos niyang tanong sa mala-Prince Charming na boses. Boses pa lang ulam na.

Magpakita ka lintik kaaa, nasaan na si jowaaa, magulong isip ng mala-dyosang si Elsa. Sa haba ng buhok nya tiyak magkakandarapa ang kahit sinong lalake sa balat ng tinalupan. Kaso nasa bundok siya kaya paano makakakita ng ibang lalake?

Dahan-dahan siyang tumayo at naglakad kaunti palayo sa bangin. Sinipat niya ang di kalayuan. Kahit saan siya tumingin puro mga damo, puno, lupa at mga batu-bato ang nakikita nya. Parang dumidilim pa yata at malapit na umulan bigla.

"Ay bakla, ako ang iyong konsensya hayup kaaah." Nanlaki ang mga mata ng binabae at halos mapaduwal kaya natakpan niya ang kanyang bibig. Umayghad, nababaliw na yata si Elsa, kinakausap na siya ng kanyang konsensya. Hindi naman siya nagse-Safeguard.

Naramdaman niya ang lumalakas na hangin. Parang uulan n. "Bumaba ka na nga ng bundok at lumayo ka diyan, baka mahulog ka hindi ka naman marunong lumangoy." Sabi ng kanyang baklang konsensya.

"Hindi ikaw ang kailangan ko konsensya, lubayan mo akooooh!" Nagtititili siya sa inis. "Hinahanap ko ang jowa ko naiintindihan mo ba?! Sabi niya babalik siya pagkatapos niya umakyat dito sa bundok ng Tralala..." Padabog siyang bumalik sa gilid ng bangin, "...pero nasaan na siyaaaa?" Matinis at pakanta niyang tanong na akala mo'y si Regine Velasquez. "Nasaaaaan?!" Aaaan... aaaan...

Maya-maya'y lumakas ng todo ang hangin, halos maitulak siya ng puwersa nito papunta sa bangin.

"Gaga ka kasi, bakit mo pinakawalan ayan tuloy nakatakas."

"Manahimik ka konsensya, tatalon ako at hindi mo ako mapipigilan!!!"

"O sige tumalon ka, akala mo magiging sirena ka? Hahahaha, palaka ka, sige talon na!!!" Biglang kumulog at kumidlat at natalisod si Elsa sa direksyon ng bangin.

"AAAAAAAAAAYYYYYY!!!" At nahulog sa bangin si Elsa. Ang tanging maririnig na lamang pagkatapos ng mahaba niyang tili ay ang pagtilamsik ng dagat sa ibaba at ang pagkulog muli at pagkidlat ng kalangitan.

Nagsimulang bumagsak ang mabibigat na patak ng ulan at mistulang maaninag ang hugis ng isang tao. Inalis nito ang mahiwagang balabal na ninakaw kay Harry Potter.

At wala nang ibang maririnig pa sa ibabaw ng bundok Tralala kundi ang mala-kontrabidang tawa ng jowa ni Elsa.

~ wakas ~






maikling kuwento na may 499 na salita










cricket sounds







Uy wala na tapos na ang istorya. Hahaha.












Chapter 2 gusto niyo ba?









Ano kaya ang mangyayari kay Elsa?







Tara na sa Five Fingers Bataan at baka ating malaman!





Yan, dito sana kami pupunta sa Bataan e kaso di natuloy. Naunsyami ang Holy Week beach outing ko. Huhu.

Manood na lang tayo ng Biyahe ni Drew.

"Bebe Drew! Amishuuu!" Feeling close. hahaha.

So anyway sa tingin nyo, buhay pa kaya si Elsa? 😂

XOXO,
@artgirl


IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg

WARNING:
Spam comments will be FLAGGED / DOWNVOTED if it is not revised upon warning.

Images are copyright by their respective owners.

All rights reserved.
Written by @artgirl for Steemit.
© Art x Stephanie Rue

@artgirl is a freelance artist and also a real estate agent for resort-type condo communities in Metro Manila.
For any art or property inquiries, you can chat me up on steem.chat or send me a Facebook message. Link in my bio.

IMG_20180216_065807_20180216070540108.jpg



For more of my latest posts still within the 7 day period upon posting this, do check below:











For my art, writings and other posts, feel free to check my blog page.

image.png

my-Bitlanders-banner2.gif



Like it?
Upvote, Follow and Resteem for appreciation.

♥ Thanks! ♥

Sort:  

Hahah epic sana manalo ka sa contest nila. Pero pwede ding ako o kahit sila hahaha.

Ay basta i nominate na nga lang kita sa 83rd Daily Steemit Family Ph Featured Posts.

To know the mechanics on how you can be nominated on the Steemit Family Featured Post and also get to know who made it on the 82nd edition you can click this link.

Daily Steemit Family Ph Featured Posts #82

All the best and good luck!

Hahaha tenkyu tenkyuuuu. :D

Laugh trip tong post mo. Glad to see your entry for the contest (not the host or sponsor lol).
Paging Toto of @tagalogtrail :D

Hahahaha, tenkyu tenkyuuu.

Your Post Has Been Featured on @Resteemable!
Feature any Steemit post using resteemit.com!
How It Works:
1. Take Any Steemit URL
2. Erase https://
3. Type re
Get Featured Instantly & Featured Posts are voted every 2.4hrs
Join the Curation Team Here | Vote Resteemable for Witness

Chapter 2 daw. Haha wait mo nalang ang next contest ng Cebu next week para sa next chapter nito.

Ang kyut ng istorya ni Elsa nakaka aliw sya.

Haha, joke lang. Ndi ko lam if itutuloy ko b yan. 😂

Ituloy mo na po plith sayang naman ang dalawa mo pong readers at ang mga seeners na iba.

giphy.gif

😂😂😂 tingnan ntin nxt wk.

Yehey! Thankies akala ko di eepek ang aking pa cute effect. Dahil dyan i feature ko tong post mo mamaya sa daily featured post.

Daming oras! Hahha bakasyon sa eskwela be like.

😂😂😂

Nasuhulan haha!

Hahaha pag di ko natuloy yan naku. hahahaha.

Hahahahahah peste ang dami kong tawa kay elsa mga 1835855855 At elsa nais kong malaman mo na ako ang konsensya mo. Hahahhaa

Hahahahahaaaa. Kamusta konsensya ni Elsa! :D

Bakit parang may pagka romansa naman yata yu kwento o ako lang? Hah
isama mo kasi kami sa byahe para di maunsyami haha!

Pano gumamit maliit na font?

Nasaan yung romansa? Nasaaaan? Lalagyan ko ba? Hahaha, gusto nyo ng romansa between Elsa at ang jowa? oh noes. hahaha

Gamit kau ng < sub > text </ sub>. :)

Paano ko kau isasama? Ibubulsa ko kau? Gusto ko nga mag-Cebu di naman ako makagawa ng entry for Steem Summit. Waley ako inspirasyones pa.

Coin Marketplace

STEEM 0.18
TRX 0.13
JST 0.028
BTC 57614.45
ETH 3097.31
USDT 1.00
SBD 2.57