The Diary Game Season 3|| Ang aking unang pagbahagi ng Salita ng Dios sa taong 2023 at ang Bonding naming sa Beach 😇🏖️🙌

in Steemit Philippines2 years ago

Isang Maligaya at Masaganang araw sa ating lahat!

Isang malaking opurtunidad para sa akin na ako ay magamit ng Dios sa bawat gawain na kanyang ipinagkatiwala sa amin lalong lalo na at ang lahat ng ito ay para sa Kanyang kaluwalhatian at kapurihan. Ngayon nga ay ibabahagi ko sa inyong lahat ang pinaka unang pagbahagi ko ng mga Salita ng Dios ngayong taon na ito dito sa aming Church at ang nangyaring bonding namin sa beach na ngayon lang din na planohan.

20230113_153820_0000.jpg

Tuwing ikalawang linggo ng buwan nga ay naka schedule ako na magbahagi ng mga Salita ng Dios at nagpapasalamat ako sa Dios dahil opurtunidad na ito dahil magagamit ako ng Dios upang ma encourage ang mga Kasama namin at madagdagan ang aming mga kaalaman sa Dios at sa Kanyang mga Salita.

Medyo ma ulan nga ang panahon ngayon kung kaya medyo natagalan kaming maka punta sa aming Church at mga nasa oras na 9:20 ng umaga na kami nakapag simula at sinimulan ito ng mga pag-awit namin para sa Dios at dasal para sa pagsisimula. Sinundan din ito agad-agad ng mga testimony ng iilan sa aming mga kasamahan na ang mga ibinahagi nila ay nagpapatunay na kay buti ng Dios sa lahat ng panahon.

Pagka tapos ng mga testimony ay sinundan ito ng aming pag aalay papuri't pagsamba sa Dios na pinangunahan ng isa sa aking Praise and Worship leader na si Jicel. Dito nga ay nagbigay kami ng pasasalamat, papuri't pagsamba sa Dios dahil habang tayo ay may buhay pa, ito ang ating magagawa para sa Dios ang pagbibigay papuri't pagsamba sa Kanya dahil sa lahat ng mga bagay na ginawa at binigay Niya sa atin, ang Dios natin ay hindi nag kulang sa atin kung kaya nararapat na ang lahat ng papuri't pagsamba ay sa Kanya lamang.

photocollage_202311319826645.jpg

Mga nasa oras na 10:50 natapos ang aming Praise and Worship at kasunod nito ang pagbahagi ng mga Salita ng Dios. Sa linggong nga ay ibinahagi ko sa lahat sa pamamagitan ng nga Salita ng Dios ang kung ano ang tunay na mga tagapaglingkod ng Dios. Dito nga ay meron akong mga ibinahaging sampung mga katangian na masasabi nating tunay tayong lingkod ng Dios. Sa bawat Salita ng Dios na aking ibinahagi ay nagpapaliwanag sa bawat katangian ng tunay na lingkod ng Dios at sa tulong ng Dios at ng Balaang Espiritu, ay maintindihan at ma e apply ng bawat isa sa kanilang mga buhay.

photocollage_202311319268621.jpg

Natapos ang aming Church Service mga 12:20 na kung kaya pagkatapos nga ay agad na din kaming nananghalian pero habang kami ay nananghalian ay bigla na lang napag usapan na mag bonding kami sa Beach, sabi nga nila mas maganda ang biglaang bonding kami matutuloy at natuloy nga ang bonding namin kinahaponan. Mga 2:00 ng hapon nga ay nagpunta kami agad Market para bumili ng Isda at Karne para ulam namin, ang mga binili nga
namin ay inihaw namin dahil mas masarap kumain ng inihaw sa dagat. Pinagtulongan nga namin ang pag ihaw sa mga ito para maka kain narin kami.

photocollage_2023113194238504.jpg

Ngayon naman habang abala pa ang ibang kasama namin sa pagluluto, kinuha naman namin ito na pagkakataon upang kami ay makakapag kuha ng mga litrato bilang aming remembrance namin dito. Kitang kita naman na talagang napaka ganda dito dahil sa mga halaman na makikita at libre lang dito at hindi na kailangan ng cottage dahil maraming mga kahoy na pwede kaming magpasilong. Hindi talaga matutumbasan ang ganda ng kalikasan na gawa ng Dios kaya kailangan natin itong ingatan at mahalin upang ito ay atin pang mapanginabangan sa mga darating na panahon.

photocollage_2023113195421643.jpg

Mga nasa oras na 4:00 ng hapon humabol na din ang aming Senior Pastor na si Ptr Dodz na galing pa sa ibang Church dahil siya ay inimbitahan. Saktong sakto lang din dahil hindi kami nakabili ng mga softdrinks at tubig, nag volunteer naman siya na bumili ng softdrinks at nag dala ng tubig. Mga ilang sandali lang din ay sa wakas na luto na rin ang mga inihaw naming isda at karneng baboy, at para maging maganda ang bonding namin dito, nag Boodle Fight kami at salamat din dahil meron ding ibinigay sa amin na pancit pangdagdag sa ulam na aming kakainin. Sa wakas din ay oras na upang kami ay makakain at busog na busog kaming lahat sa mga pagkaing inihanda namin. Dahil nga sa medyo malapit na gumabi, medyo maulan at ang lakas ng alon, hindi na kami naligo at nag enjoy na lang kami sa lugar at nag groupfie bilang remembrance naming lahat dito.

Para sa Dios ang lahat nang Papuri at Pasasalamat!!! 😇🙏☝

Mabuhay ang Steemit Philippines Community

@LOLOY2020
Achievement Task 1 | Facebook | Twitter

Sort:  
 2 years ago 

Congratulations!

This post has been recommended for booming support today.
Thank you for contributing content here at Steemit Philipinnes Community.

Date verified: January 13, 2023
StatusRemark
Verified user
At least #club5050
Plagiarism free
#steemexclusive
Not using bot
At least 300 words
#burnsteem25

Keep creating quality content to have a greater chance of getting support from the curators.

 2 years ago 

Mahusay na post! Napakagandang makita kung paano mo ginagamit ang iyong mga talento at kakayahan para ipalaganap ang salita ng Diyos at hikayatin ang iba sa iyong komunidad. Ang iyong karanasan sa pakikipag-ugnayan sa beach kasama ang iyong mga miyembro ng simbahan ay mukhang napakasaya at isang mahusay na paraan upang bumuo ng mas malalim na koneksyon sa isa't isa. Palaging mahalagang tandaan na magpahinga mula sa ating pang-araw-araw na gawain at maglaan ng oras kasama ang mga mahal sa buhay. Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan sa amin.

Your post has been rewarded by the Seven Team.

Support partner witnesses

@seven.wit
@cotina
@bangla.witness
@xpilar.witness

We are the hope!

 2 years ago 

More blessings to come sa atin Pastor Mel. Nice to know your first preach this year was a success. Thanks be to God!

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.16
JST 0.030
BTC 59996.99
ETH 2531.73
USDT 1.00
SBD 2.48