My Steemit Journey @2021

in Steemit Philippines2 years ago

Magandang araw po sa inyong lahat!

Kamusta po kayo? Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Malapit na po ang bagong taon. Sana ay magkaroon tayo ng masaganang bagong taon.

osmenapeak.jpg

Paano Ako Nagsimula sa Steemit?

Isa po akong baguhan lang dito sa Steemit. Kinoconsider ko po ang sarili ko na baguhan pa lang kasi wala pa naman akong isang taon sa pagsusulat dito. Noong Abril sa taon na ito ay inanyayahan ako ng aking asawa na si @me2selah na magsulat na rin dito. Bihira lang din naman po ako nakakapagpost kasi meron akong full time na trabaho.

Sa Steemit Philippines po ako lagi nagpopost. Bihira lang sa ibang community. Dito po kasi sa Steemit Philippines naisusulat ko sa Tagalog ang mga gusto kong ibahagi na mga pangyayari sa aking buhay. Masaya ako dahil nakikita ko ang suporta ng mga meyembro sa community. At ako ay lubos na nagpapasalamat. May mga napanalunan din akong mga contest na hosted ng Steemit Philippines.

Nanalo ako sa una ko na pagsali ng SPUD4STEEM. Mababasa po ninyo dito. At ang pinaka-latest na panalo ko ay ang Post Your Most Amazing Christmas Photo Challenge - Unang Pasko Bilang Isang Ama Ang kabuuang kuwento ay mababasa po dito.

d3000 1222.jpg

Mga Plano Ko Para Sa Aking Steemit Account sa 2022

Noong nagsimula ang club5050, ako din po ay nakikiisa sa intiative na ito sa pamamagitan ng pagPower Up ng aking account. Plano ko po din talagang palakihin ang aking Steem Power ng sa ganun ay makakatulong din po sa community. Gagawin ko rin po na magpost regularly. Bibigyan ko ng panahon ang pagsusulat sa Steemit. Para naman din po ay makakaipon ng maraming Steem na pangPower up.

Steemit sa hinaharap...

Ako po ay umaasa na mas lalo dadami pa ang users ng Steemit para mas lalong maging masaya. Sabi nga The more the Merrier. Umaasa din ako sa maraming pang mga events at pacontest lalo na sa ating community sa Steemit Philippines. Sisikapin ko rin na maging active dto. At sana laging magkakaisa ang bawat pinoy na Steemian.

Sya nga po pala, ang post na may pinakamalaking upvote na nareceived galing kay @steemcurator01 ay yung Diary post ko tungkol sa Basic Life Support Training. Mababasa po dito.. Ako po ay natutuwa at nakita ang aking post ng mga curator ng Steemit.

245612129_625895448422378_6849954343784497337_n.jpg

Ako po ay umaasa na na magpatuloy ang Steemit. Isa po itong lugar kung saan nagkakaroon ng reward ang mga sinusulat natin.

Inaanyayahan ko sila @jewel89, @jurich60 at @junebride na sumali din sa paligsahan na ito.

Maraming salamat po sa pagbabasa hanggan dito.

Ingat po tayong lahat at advance happy new year po!

Ang inyong kaibigan,

@arjayyuson

Sort:  
 2 years ago 

Padayon sa sinimulang journey

 2 years ago 

Judge: @juichi

Criteria for judgingRate 0-10
1. Relevance to the theme.9
2. Creativity.8.9
3. Technique.8.9
4. Overall impact.9
5. Story quality.8.9
Total Rating8.94

Coin Marketplace

STEEM 0.31
TRX 0.11
JST 0.033
BTC 64550.89
ETH 3156.32
USDT 1.00
SBD 4.30