The Diary Game Season 3 (October 20, 2021) | Basic Life Support Training

in Steemit Philippines3 years ago

Maganda Araw po sa Inyong Lahat!

Kamusta kayo? Matagal-tagal na rin po ako na hindi nakapagsulat dito sa ating kumunidad. Naging abala po ako sa trabaho at naging abala din sa pagiging isang trainee sa Basic Life Support Training.

Ano ba itong Basic Life Support Training? Ito po yung training kung saan tinuturuan tayo kung paano rumisponde kung may mga life-threatening emergencies. Tinuruan kami kung paano mag CPR o Cardiopulmonary resuscitation. Mga dapat gawin kapag may sunog, baha, at kung paano sagipin ang isang taong nalulunod. Ilan lang ito sa mga tinuro sa amin.

245612129_625895448422378_6849954343784497337_n.jpg
Ako at Mga Kasamahan ko sa training.

Nagsimula pala ako magtraining noong Octobre 5. Marami na rin akong natutunan. Hanggang ngayon ay tuloy pa rin ang aming training. Tuwing gabi po ito ginaganap pagkatapos ng aking trabaho. Alas 6 hanggang alas 9 ng gabi ng Martes hanggang Biyernes. Sa October 30 na ang aming graduation.

246579326_687290355580361_1786751513979996585_n.jpg

Noong Sabado, October 16, buong araw po kami nag-ensayo paano sagipin ang isang nalulunod na tao. Pagod na pagod ako pagdating ko sa bahay. Ang sakit ng katawan ko. Muscle pains at Dahil na rin sa sunburn. Kahit ganun pa man, nagpapasalamat ako sa opportunidad na matuto at magkaroon ng kaalaman kung paano sumagip ng buhay.

246527483_617578329271289_8000312903038033065_n.jpg

246958841_1377487636036406_5221361188446925413_n.jpg

247192445_279236554065484_7927070186225465064_n.jpg

Wala na po akong larawan noong na perform ko yung paano sagipin ang nalulunod na tao.

Rason Kung Bakit Ako Sumali Dito

Wala naman po akong plano na maging pangpubliko na rescuer. Gusto ko lang din matutunan ang mga ito para sa aking pamilya. Ituturo ko rin ang mga nalalaman ko sa aking asawa at mga anak. Lalong lalo na sa panahon natin ngayon na lagi may mga sakuna nangyayari sa kapaligiran. Hindi naman natin hinahangad ang mga emergencies pero mas maigi na rin yung alam natin ang gagawin kapag andun tayo sa ganun na mga sitwasyon.

Nagpapasalamat ako na may libreng training na sinimulan ng mga kasamahan namin sa simbahan. Sinamantala ko na ang panahon habang meron akong oras para matuto ng mga bagong kaalaman patungkol dito sa Basic Life Support.

Maraming salamat po sa pagbabasa hanggang dito. Naway nasa mabuti kayong kalagayan lahat.

Inaanyayahan ko sina @jewel89, @jurich60 at @olivia08 na sumali din po sa paligsahan na ito.

Ingat po tayong lahat.

Ang inyong kaibigan,

@arjayyuson

Sort:  
 3 years ago (edited)

Hello sir @arjayyuson 😊

Maraming salamat sa pagbahagi ng iyong diary game post. Tama po kayo, mas magandang matuto tayo sa mga basic life support para sa ating pamilya.

Sabi nga nila:
Ligtas ang may alam 😊

 3 years ago 

Tama ka bro. Maraming Salamat.

 3 years ago 

Walang anuman po sir. 😊

 3 years ago 

Nice talaga yan Bro at libre pa importante talaga laging handa tayo at marunong kang mag respondi kung sakaling di maiwasang may sakunang mangyari. Congrats.

 3 years ago 

Salamat Ate. Opo tama po kayo importante talaga handa tayo.

 3 years ago 

Greetings to you @arjayyuson,
I am inviting you to join the #club5050 -Philippines, For more information please read the link below.

9BEC3074-3CBF-4B72-AE28-FC4AA0F149C4.jpeg

https://steemit.com/hive-169461/@juichi/how-to-get-a-membership-badge-of-club5050-philippines

Thank you..🙏

 3 years ago 

Thank you very much!!

Coin Marketplace

STEEM 0.16
TRX 0.15
JST 0.029
BTC 57226.98
ETH 2416.68
USDT 1.00
SBD 2.29