Filipino Poetry # 6: Plastic
Plastic
Nang una tayong magkita
Ika'y parang isang maamong tuta
Masaya at maasahan sa kwentuhan
Kahit na magdamagan
Kalaunan naging malapit
Sa problema sa iyo ako lumalapit
Tulong din ang aking alok
Lalo na nang ika'y lugmok
Naging malalim na pagkakaibigan
Mga sekreto ay ating pinagsasaluhan
Malaki ang tiwala sa isa't isa
Di matawarang kumpiyansa
Di ko lubos ma-isip
Pinagsamahan nawala sa isang iglip
Aking pagtitiwala
Halaga ay wala naman pala
Oh kaibigan ko,
Ano ba ang nagawa ko sa'yo
Ba't ka-ibigan ko iyong inakit
Di matawaran ang ibinigay mong pasakit
Sa iyo, parang wala lang nangyari
Ni 'pasensya' di mo nasabi
Wala na, sirang pagkakaibigan
Plastikan na lamang ang pagharapan
Nagmamahal,
@wandergirl ❤
Image source: Fine Art America
Mga ibang likha...😉
Filipino Poetry # 1: Ano ba tong nangyayari sa akin?
Filipino Poetry #2: Forever
Filipino Poetry #3:Gutom na ako!
Filipino Poetry #4: Juan Tamad
Filipino Poetry # 5: Walang Maisip
#hugot hahaa
Alams na..hahaha
The woods are lovely, dark and deep,
But I have promises to keep,
And miles to go before I sleep,
And miles to go before I sleep.
“Stopping by Woods on a Snowy Evening” from The Poetry of Robert Frost.
Nice poem..