Filipino Poetry #2: Forever

in #poetry7 years ago

2017-09-09 07.21.58 2.jpg

"Forever"

Araw-araw gustong makita
Di alam ang gagawin kung di mamulat sa mata
Sa tingin mo lang akoy nangangalay
At sa iyo'y patay na patay

Di mawari ako din pala ang nasa iyong isip
Sa gabi ako parati ang nasa panaginip
Pasimpleng patulong sa mga aralin
Para lang ako'y gawing kausapin

Habang nagkukulitan ating kamay ay nagkahawak
Nagkatitigan wag ng bitiwan ang balak
Pag walang nakatingin dali-daling sinusunggab
Habang nakayakap, damdaming nagliliyab

Nagpatuloy sa mga nagdaang araw na masaya tayo
Simula na ang tanong sa sarili kung ano ba ako sayo
Tama ba na pag-usapan ito
O di kaya ay hayaan na lang na ganito

Nagkasunduan na bigyang pangalan
"Oo na, tayo na", gawing araw na ito bilang palatandaan
Naiilang kahit ilang taon na magkaibigan
Iba na ngayong dahil naging magka-ibigan

Lumipas ang mga taon, pagsasama'y tumibay
Di maiwasang may tampo, lumalabas totoong mga kulay
Minsan may damdaming nahihirapan
Nananaig parin ang pinahalagahang pagsasamahan

Merong nagsasabing walang forever
Di natin pinapansin mga taong bitter
Ang tulang ito ay akin ng wawakasan
Pero pagmamahal ko sa'yo magpawalang hanggan

@wandergirl

Sort:  

Hi @bayanihan..sinunod ko na po yung tip nyo na gawing mas mataas ang tula ko..sana magustuhan nyo..😉

Coin Marketplace

STEEM 0.17
TRX 0.13
JST 0.026
BTC 58216.02
ETH 2614.69
USDT 1.00
SBD 2.45